Professional Documents
Culture Documents
Modyul 4
:
The Great Plebeian College
Alaminos City, Pangasinan
A.Y. 2021-2022
Modyul 4
Sa
FIL 106
Panulaang
Filipino
1:00 – 2:30
TTH
(BSE. III - FILIPINO)
MGA LAYUNIN
MGA NILALAMAN
YUNIT III - Ang Panitikang Patula sa Panahon ng Liberasyon o Panahon ng
Pagpapalaya
•Panitikan Sa Panahon Ikalawang Digmaang Pandaigdig
•Ang Mga Tula At Makata Ng Panahon
•Ang Panitikang Patula Sa Panahon Ng Aktibismo
•Ang Panitikang Patula Sa Panahon Ng Batas Militar At Bagong Lipunan
•Ang Panitikang Patula Sa Panahon Ng Lakas Ng Bayan Hanggang Sa Kasalukuyan
Sa madaling salita, sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahon ng Hapon
dahil higit na Malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura,
kaugalian at paniniwalang Pilipino. Kaya’t tinaguriang ―Gintong Panahon ng Panitikang
Pilipino‖ ang panahon na ito.
Mga Paksa:
-buhay lalawigan o nayon
-pag-ibig
-kalikasan
-pananampalataya
-sining
-pagkamakabayan
Tatlong uri ng tula na lumaganap:
1. Haiku (5-7-5)
-17 pantig, 3 taludtod
-matalinghaga at masining ang pagpapahayag
Kalikasan Anyaya
Biyaya’y taglay Ulilang damo
Kaloob ng Maykapal Sa tahimik na ilog
Anyaya’y buhay. Halika, sinta
2. Tanaga (7-7-7-7)
-7 pantig bawat taludtod
-may sukat at tugma
Kabibi
Kabibi ano ka ba?
May perlas maganda ka
Kung idiit sa tainga
Nagbubuntunghininga.
Tag-init
Alipatong lumapag
Sa lupa—nagkabitak,
Sa kahoy nalugayak,
Sa puso—naglagablab!
Tula ang isa sa mga anyo ng panitikan na nagkaroon ng higit na pagbabago o impluwensiya
noong panahon ng Hapon. Namayani rin ang tulang may malayang taludturan. Isa sa mga
manunulat ng tulang tulad nito ay si Alejandro Abadilla (AGA), na siyang sumulat ng tulang
―Ako Ang Daigdig‖. Ito’y walang sukat at tugma na di tulad sa karaniwang anyo ng tula.
Ang dekada 70 naman ay dumating ng tigmak sa dugo. Maraming braso ang nagkawing-
kawing. Maraming kamay ang humawak sa pulang plakard. Nauso ang mga barikada. Maraming
bumulagtang buhay sa kalsada. Bumaha ang sigaw ng Mendiola. Ang lahat ay dala ng pulitika.
Nang nasa ―Mga Kuko ng Liwanag‖ ang Maynila, ibinaba ang Batas- Militar. Hinablot sa
tao ang kanyang karapatan sa ―Habeas Corpus’ para iparinig ang mga hinaing sa buhay.
Maraming nasilid sa bartolina. Marami ang basta na lamang nawala. At ang pananahimik kunwa
ng madla, sa sapilitang pagpaptikom ng bibig ay tinatawag ng Bagong Lipunan, ang Green
Noong dekada 50, muling sumigla ang larangan ng panitikan, nagkaroon ng mga
patimpalak sa paglikha ng tula at iba pang anyo ng panitikan. Tumaas ang uri ng panitikan dahil
sa mga mapanuring kritiko kaya naman naging maingat ang manunulat sa pagsulat. Masining
lalo ang mga panitikan sa mga panahong ito. May mga alagad ng wika na patuloy sa pagtulong
sa pagpapaunlad ng wikang Filipino.
Kabilang dito ang KADIPAN (Kapisanang Aklat, Diwa at Panitik) at ang Gawad Palanca
na itinatag sa alaala ni Don Carlos Palanca. Ang naging paksa ng tula ay pagibig, kalungkutan,
pagkapoot, tao at kalikasan. Sinasabing panahon ng pagkabagabag at pagbibinhi ng aktibismo
ang dekada 60. Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang paglaganap ng tula. Marami pa ring
manunulat ang umusbong upang maipakita ang pagmamahal sa bayan at sa wika.
Nagkaroon ng bisa ang kalagayan ng bansa sa panitikang nasulat sa panahong ito. Ang
mga kabataang manunulat na sumandaling napatigil sa kanilang pagsusulat sa wikang Ingles ay
muling nagsisulat taglay ang kanilang masidhing pangarap na matularan ang kanilang iniidolong
manunulat sa Ingles. Dumami ang mga babasahing naglathala ng mga akdang isinulat sa Ingles.
Ang mga pahayagang pampaaralan ng mga kolehiyo at pamantasan ay naglaan ng pitak
pampanitikan na naglathala ng kanilang mga kuwento, tula, dula at maikling katha sa wikang
Ingles.
Kalagayan ng Panitikan Nabuhay at nalathala muli sa panahong ito ang magasing Free
Press at naisabay ring naglabasan ang mga pahayagang Ingles na Morning Sun ni Sergio
Osmeña, Sr., Daily News ni Manuel A. Roxas, Manila Times at Daily Mirror ni Joaquin Roces at
Philippine Heral at Bulletin. Ang mga kabataang manunulat sa wikang Tagalog noong panahon
ng mga Hapon ay nagsisulat na muli sa wikang Ingles. Sa kabila ng ganitong pangayayari ay
nadagdagan din ang mga magasing nasulat sa wikang Tagalog. Bukod sa Liwayway ay lumas
din ang Kayumanggi ni Alejandro Abadilla, Singtala ni Clodualdo del Mundo, Ilang-Ilang ni
Iñigo Ed Regalado, Bulaklak ng mga Cuballa at Malaya ni Teodoro Agoncillo.
• Jorge Bocobo, kilalang mananalumpati at mananalaysay. Sinulat niya ang mga akdang
―College Un-education,‖ ―Filipino Contact with America,‖ at ―A vision of Beauty‖.
• Jose Garcia Villa, kilala siya sa sagisag na ―Dovegelion‖. Kinilala rin siya bilang
pinakapopular na manunulat na Filipino sa Ingles sa larangan ng tula at maikling kwento. NVM
Gonzales, siya ay may akda ng ―Children of the Ash Covered Loam‖ na nagkaroon ng salin sa
iba’t ibang wika sa India.
• Angela Manalang Garcia, may-akda ng ―April Morning‖. Lalo siyang kilala sa pagsulat ng
tulang liriko noong panahon ng mga Amerikano.
• Zulueta de Costa, mula sa panulat niya ang tulang ―Like the Molave‖ na nagkamit ng Unang
Gantimpala sa Commonwealth Literary Contest.
Malaki ang nagawa ng mga pangkat na nagkaloob ng mga Gantimpala sa mga manunulat
ng panahon ng Liberasyon o pagpapalaya tulad ng Palanca Memorial Awards in Filipino and in
English Literature, Gawad ni Balagtas Award, Republic Cultural Heritage Award at taunang
Gawad Surian ng Wikang Pambansa.
Ancieto Silvestre
Kinikilalang pambansang makata si Ancieto F. Silvestre nang maipanalo niya ang
dalawang tula na ―Ako’y Lahing Kayumanggi‖ at ―Mutya ng Silangan‖.
Alejandro Abadilla
Si Alejandro Abadilla ay kinilala bilang isa sa mga makata ng makabagong panahon.
Tinalikuran daw ni Abadilla ang sukat at tugma ng matandang panulaan at pinalaganap ang
malayang taludturan at diwang mapanghimagsik ng kaniyang tula. Pinakamagandang tula niya
―Ako ang Daigdig‖. Nagsulat din siya ng tanaga, isang uri ng katutubong maikling tula ng ating
mga ninuno na umiral noong panahong bago pa dumating sa kapuluan ang mga Kastila.
Amado V. Hernandez
Ka Amando kung siya ay tawagin. Binigyan siya ng taguring ―Makata ng mga
Manggagawa‖ dahil sa ang kaniyang mga panulat ay nagbigay pansin sa kalagayan ng mga
maliliit na manggagawa. Ang kaniyang puso at damdamin ay tunay na nasa mga anak pawis.
Ang Panday ay isa sa mga tulang sinulat ni Ka Amando na nangpapakita ng kahalagahan ng
isang manggagawa. Mapapansin rin ang pagkapartikular ng mga tulang romantiko-
rebolusyonaryo. Ang katangiang ito'y dulot ng pagpapairal sa isip sa pagbubuo ng tula, isang
pamamaraang humahalungkat sa karanasang pinapaksa upang mabigyang-katibayan ang
mensahe ng makata.
Teodoro Gener
Bilang isang makata ang mga nakilalang tula ni Teodoro Gener ay ―Ang Guro‖, ang
―Masamang Damo‖, ―Ang Buhay‖, at ―Pag-ibig‖. Nagtamo siya ng sampung gantimpala sa
pagsusulat ng mga tula. Mula sa panulat ni Teodoro Gener ang aklat na ginamit sa pag-aaral ng
Panulaang Tagalog noong taong 1958, ―Ang Sining ng Tula.
Fernando Monleon
Si Fernando Monleon ay isa sa mga itinuturing na makabagong makata. Noong
magkaroon ng Timpalak Palanca noong 1958, ang kaniyang tulang ―Alamat ng Pasig‖ ang unang
nagkamit ng gantimala.
Cirio H. Panganiban
Kasama siya nina Teodoro Gener, Deogracias Rosario, Jose Corazon De Jesus sa
samahang ―Ilaw at Panitik.‖. ―Ang Salamisim‖ ay kalipunan ng mga tula ni Cirio Panganiban na
ipinalathla ni Teodoro Gener. Tradisyunal na manunulat daw ng tula si Panganiban sapagkat
tagasunod siya ni Balagtas sa pagtula subalit sa pagbabago ng panahon ay nagbago rin ang anyo
ng kanyang mga tula. Sinubok din niya ang malayang taludturan. Nakita ito sa kaniyang mga
tulang ―Three O’Clock in the Morninh‖ at sa tulang ―Habang Buhay‖.
Ildefonso Santos
Itinuturing na isa siya sa mga makatang nagbigay pansin sa kalikasan sa kanyang mga
tula. Simple ang kaniyang istilo sa pagsulat ng tula subalit puno ng diwa at damdamin ang
kaniyang mga tula.
Sinulat niya ng kanyang tulang "Isang Dipang Langit" samantalang siya ay nasa loob ng
bilangguan
Hindi lahat ng sinusulat ay pinapayagang mailathala. Naging maingat ang mga makata.
Nagsulat sila sa paraang may kalaliman ang paglalahad ng mga mensahe kung kaya't sila ay
gumamit ng simbolismo. Iniwan nila sa mababasa ang pagpapakahulugan at pag-unawa. Kung
bagamat may sariling pamamaraan ang paghabi ng tula ang mga makata sa panahong ito, hindi
rin nawala ang mga tulang nagtataglay ng sukat at tugma.
Sa istilo ng pagsulat ng tula ay nanatili pa rin ang dalawang paraan - may nagsisulat ng
mga tulang may sukat at tugma at may nagsisulat sa malayang taludturan.
Bibihira ang mga tula ng pag-ibig ngunit unti-unting nabubuhay na paksa sa panulaan
ang tungkol sa kalikasan lalo pa't may mga kampanyang inilulunsad ang pamahalaan sa
pangangalaga ng kalikasan.
Ang pagtula sa ibabaw ng tanghalan ay bihira nang mangyari maliban na lamang kung ito
ay hinihingi ng isang pangyayari sa isang palatuntunang idinaraos. Ang indayog ng tula sa
panahon nina Balagtas, Jose Corazon de Jesus, at Florentino Collantes ay wala na sa tanghalan.
MGA GAWAIN
GAWAIN 1:
Gawaing Pangkasanayan
Sumulat ng mga tulang HAIKU (tungkol sa pagsubok sa Covid) at TANAGA (tungkol naman
sa pagbangon ng bansa sa pagsubok na ito) (tig-isang halimbawa lamang) gawing malikhain
ang inyong awtput. Iwasan ang kumuha sa google dahil madali ko itong malalaman.
Gawain 2:
Magsaliksik ng mga tulang (3) akda na nalikha mula sa panahong ito. Bigyan ng malawak na
pagpapaliwanag ano ang nilalaman ng tula, mensaheng nais iparating, ano ang damdaming
nakapaloob dito at kung sino ang sumulat nito.
Gawain 3:
1. Magsaliksik ng mga tula ayon sa mga sumusunod na panahon. Gumawa ng isang malikhaing
Timeline tungkol dito
• Ang Panitikang Patula sa Panahon ng Aktibismo
• Ang Panitikang Patula sa Panahon ng Batas Militar at Bagong Lipunan
• Ang Panitikang Patula sa Panahon ng Lakas ng Bayan Hanggang sa Kasalukuyan
2. Mga tulang akda ng dalawang pangkat ng mga manunulat sa panahon matapos ang ikawalang
digmaang pandaigdig
Gawain 4:
Panoorin sa youtube.com
https://www.youtube.com/watch?v=XLwrXErbbPM
SANGGUNIAN
https://www.coursehero.com/u/file/85499970/MODULE-PANULAANG-FILIPINOpdf