You are on page 1of 8

Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 107 Dulaang Filipino

Modyul 4:

The Great Plebeian College


Alaminos City, Pangasinan
A.Y. 2021-2022

Modyul 4
Sa

FIL 107
Dulaang
Filipino
2:30 – 4:00
TTH
(BSE. III - FILIPINO)

Associate College Instructor:


JOSEPH R. RAFANAN, LPT
FB Account: https://www.facebook.com/joseph.rafanan.2
Email: josephrrafanangpc@gmail.com

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 1
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 107 Dulaang Filipino
Modyul 4:

Modyul No.3
LAGOM PANANAW

Sa modyul na ito, matatalakay at mapag-aaralan at makikilala ang mga samahan


ng mga mandudula. Ganoon din na matatalakay ang mga kaalaman sa wastong paraan ng
pagtatanghal kagaya na lamang ng isang drama. Matututuhan din mula rito ang mga
gampanin ng mga tao sa isang produksiyon at mga kinakailangang gawin bago ito
isagawa
Ang mga kaalalaman na makukuha mula rito ay makatutulong upang mapalawig
at maidagdag sa mga dati ng kaalaman na maaari ring maipasa sa mga susunod pa na
talakayan. Makabubuti rin na malaman ang kahalagahan ng pinagmulan ng dula sa mga
naunang panahon bilang paglilinaw kung saan at paano nga ba nagsimula ang dulaan sa
ating kasysaysan. Bilang pagpapahalaga sa kasaysayan ay mainam na matalakay ang mga
ganitong usapin at maibahagi sa mga mag-aaral.

MGA LAYUNIN

 Magiging dalubhasa sa pagtatamo ng mga kagalingan/kasanayan sa larangan ng


komunikasyon, wika at literatura;
 Matututong magsalin sa wikang Filipino ng mga kagamitan sa pag-aaral at pagtuturo mula
sa ibang wika;
 Mapaghuhusay ang komunikasyong pasulat at pasalita para sa pangangailangan ng mga
paaralang bayan, pamantasan, industriya, at institusyon;
 Makatutulong sa pagpapalaganap ng makabuluhang karunungan para sa kapakinabangan
ng sambayanang Pilipino; at
 Mahahasa sa gawaing pananaliksik upang makapagbahagi ng kaalaman at karunungan.
 Nakikintal sa isipan ang mga unang dulang Pilipino / Natutukoy at nauunawaan ang mga
dula sa iba’t ibang panig ng mundo
 Nauunawaan ang lahat ng gawain o aspekto ng pagsasadula at nakapagtatanghal ng dula

MGA NILALAMAN
Yunit 4 – A. Samahan Ng Mga Mandudula
Mga Tanyag Na Samahan Ng Mga Mandudula
A. Peta
B. Ccp
C. Broadway Philippines
D. Teatro Pilipino
E. Tanghalang Up
F. Mga Teatrong Pangmag-Aaral
G. Iba Pa
Yunit 5 – A. Pagtatanghal O Drama
Mga Tungkulin O Gampanin Ng Mga Tao Sa Produksyon
Mga Gawain Bago Ang Pagtatanghal
Integreyted Akting Workshap

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 2
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 107 Dulaang Filipino
Modyul 4:

TALAKAYAN/ DELIBERASYON

YUNIT 3 – C. Dula Sa Makabagong Panahon


Mula Dulang Pantanghalan hanggang Dulang Pantelebisyon
Dahil sa patuloy na nagbabago ang panahon ay unti-unti na ring nagbabago ang anyo ng
mga dula, mula sa sinaunang dula hanggang sa dulang pantanghalan. Mas lalo pa itong nagging
makulay sapagkat mas nabigyan ito ng maayos na plataporma, at ito ay paggamit ng radio at
telebisyon.

Sa pamamagitan ng mga ito ay mas nagging madali ang pag-abot ng mga dula sa mga
tao. Madali na itong nasusubaybayan sa pamamagitan ng radio at napapanood naman sa
telebisyon.

Dahil sa makabagong teknolohiya na mas tinangkilik ng marami, nagbado na rin ang


naging katawagan ng dula sa mga radio at telebisyo. Mas kinilala na ito sa tawag na drama sa
radio at mga telenobela.

Dito ay mas higit na pinahaba ang mga kuwento ng mga dula kung saan ay mga pawang
kinikilala nang mga artista ang mga gumaganap sa mga kung kaya’t mas naging kawili-wili ito
sa mga tagapakinig o manonood.

Subalit hindi pa rin naman nawawala ang mg dulang pantanghalan sa kasulukuyan,


sapagkat patuloy pa ring may mga mga gumagawa nito. Mga samahan o mga pribadong
organisasyong nagususulong sa pagpapatuloy ng pagsasagawa ng mga dulang pantanghalan.
Patunay na riyan ang mga pagtatanghal sa Cultural Center of the Philippines, Tangahalng UP na
pinagungunahan ng mga pangkat na nagsusulong ng pagpapatuloy ng dulang pantangahalan.

Madalas ang nagiging paksa dito ay hango sa ilang mga aklat na kinikilala at maaari din
namang patungkol sa mga taong nagpapakita ng malaking ambag sa lipunan.
Subalit mas madalas ngayon ay mga pagtatanghal na ukol sa mga kuwentong pulitikal na
naglalayong gumising ng kamalayan ng mga Pilipino ukol sa isang isyung pinapaksa sa dula.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 3
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 107 Dulaang Filipino
Modyul 4:
YUNIT 4 – A. Samahan Ng Mga Mandudula
Mga Tanyag Na Samahan Ng Mga Mandudula

Sa kasalukuyang panahon, marami na ang mga nabuong samahan, pangkat o mga


pribadong organisasyon ang nagsusulong sa pagpapatuloy ng kaugaliang ito. Ang dulang
pagtatanghal na kung saan ay patuloy pa rin nating nakikita o nababalitaan mula sa mga
pahayagan, telebisyon at lalo’t higit sa mga social media ang kanilang mga nalikhang obra. Ilan
nariyan ang PETA o Philippine Eduction Theatre Association, Ang CCP o Cultural Center of the
Philippines, Broadway Philippines, Teatro Pilipino, Tanghalang UP, at ang mga Teatrong Pang-
mag-aaral.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 4
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 107 Dulaang Filipino
Modyul 4:

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 5
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 107 Dulaang Filipino
Modyul 4:

YUNIT 5 – A. Pagtatanghal o Drama


Mga Tao sa Loob ng Produksyon

Mga Kawani ng Produksyon

Direktok: Ang kanyang pangunahing layunin ay makabuo ng magandang pagtatanghal.


Kailangan niyang madiskubri ang saysay ay kahulugan ng buong dula. Siya rin ang
magpapaliwanag ang dulang isinulat ng tagabuo ng iskrip at ang pipili ng babagay na artistang
gaganap sa papel ng mga tauhan sa dula. Sa kanya nakasalalay ang tagumpay at kabiguan ng
dula.

Katulong ng Direktor: Siya ay papalit sa direktor kung ito ay wala at magsisilbing tagapag –
ugnay sa iba pang kawani ng produksyon.

Tagapagdikta – Siya ay hahawak ng isang “prompt book” at mamarkahan niya ang mga bagay
na kailangang tandaan ng mga actor tulad ng kumpas, mga tunog, pagbukas o pagpatay ng ilaw
at iba pa.

Tagadisenyo ng Tanghalan – magdidisenyo ng lugar na gaganapan ng dula, ng mga kasuotan at


mga mga ilaw sa tanghalan.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 6
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 107 Dulaang Filipino
Modyul 4:
Direktor Teknikal – siya ang magmanipula sa lahat ng mga ilaw, musika, mga espesyal na
tunog at iba pang may kaugnayan sa kuryente. Siya ay makikipagtulungan din sa mga
paghahandang ginagawa ng tagadisenyo ng Tagpuan.

Tagapamahala ng Entablado – Sinisiguro niya na maayos ang buong entablado na


pagtatanghalan. Siya rin ang mamamahala sa likod ng entablado sa posibleng kagipitang
mangyayari.

Tagapamahala ng Tanghalan – Ang mag-aayos ng mga upuan ng mga manonood.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 7
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: LIT 107 Dulaang Filipino
Modyul 4:

MGA GAWAIN

GAWAIN 1: Kasanayang Pampagkatuto:


Saliksikin ang mga naging kasaysayan ng mga sumusunod, at isalaysay ang mga
mahahalagang impormasyon na kung saan nasasagot ang 5w at 1h sa bawat isa:
 PETA o Philippine Eduction Theatre Association
 CCP o Cultural Center of the Philippines
 Broadway Philippines
 Teatro Pilipino
 Tanghalang UP
 Teatrong Pang-mag-aaral

Gawain 2: Panghuling Gawain: Integreyted Akting Workshap


Pagtatanghal ng isang dulang pinili ng klase
MUNGKAHING GAWAIN
1. Monologo
2. Pananaliksik
3. Brainstorming
4. Story Mapping
5. Pagsasadula/Pagtatanghal
6. Reporting/Pag-uulat
7. Interbyu
8. Improvisasyon

SANGGUNIAN

• https://www.coursehero.com/u/file/85499321/MODULE-DULAANG-
FILIPINOpdf/#question
 https://idoc.pub/documents/panahon-ng-pananakop-ng-mga-hapones-
d47ex1jv1yn2

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 8
Associate College Instructor

You might also like