You are on page 1of 19

The Great Plebeian College

Alaminos City, Pangasinan


A.Y. 2021-2022

Modyul 1
Sa
FIL. 211
Introduksiyon Sa Pamamahayag
8:00 – 9:00
MWF

Associate College Instructor:


JOSEPH R. RAFANAN, LPT
FB Account: Joseph Rafanan
Email: josephrrafanangpc@gmail.com

FIL. 211 Introduksiyon Sa Pamamahayag 1


I. Pamagat
Intoduksiyon sa Pamamahayag

II. Lagom Pananaw


Ang layunin ng pampublikong pamamahayag ay sumasaklaw mula sa payak na
pagsasalin ng impormasyon, sa paghahatid ng kaalaman upang mag-udyok ng pagkilos mula sa
tao, hanggang sa paghahayag ng kwento. Mahalaga man ito sa ating mga tradisyon, at walang
dudang nararamdaman natin ito sa ating araw-araw na pamumuhay, gaya nang alam ng marami
sa atin, naging mali ang kahulugan ng katagang "pakikiramay" sa ating kultura, lalo sa larangan
ng pamamahayag.

III. Layunin

 Natutukoy ang katuturan ng pahayaga at nakapagtalakay ng kasaysayan, layunin,


tungkulin, uri, bahagi ng pahayagan.

 Nakapagtalakay ng kasaysayan, layunin, tungkulin, uri, bahagi ng pahayagan, at etikang


pampahayagan.

 Natutukoy ang katuturan ng pahayagan.


 Nakapagsulat at nakapagsuri ng mga uri ng balita.

IV. Mga Nilalaman


1. Ang Katuturan at Kasaysayan ng Pamamahayag
2. Mga pangkalahatang alituntunin na dapat sundin para sa pamahayagan.
3. Saklaw ng Pahayagan (Scope of Journalism)
4. Mga Sangkap ng Balita at PamatnubayMga Katangian at Uri ng Balita

V. Talakayan/ Deliberasyon

FIL. 211 Introduksiyon Sa Pamamahayag 2


YUNIT I: PAMAMAHAYAG

Ang Katuturan at Kasaysayan ng Pamamahayag (Filipinas)

 Katuturan ng Pamamahayag
Bago muna tayo dumako sa tinatawag na kasaysayan ay alamin muna natin kung ano ba
ang katuturan ng pamamahayag.
 Ayon pa sa Academia.edu ang pamamahayag ay isang paraan ng pagsusulat ng tuwirang
pag-uulat o pagbabalita ng mga kaganapan. Ang kataga ay ginagamit din upang ilarawan
ang mga gawain ng mga pahayagan, palabras na pambalita sa telebisyon, radio at mga
magasin. Maraming iba‟t ibang hanapbuhay na pambalita at pangbatiran sa larangan ng
pamamahayag katulad ng mga trabaho ng mga tagapag-ulat na pamahayagan, ankor na
pambalita sa telebisyon, manunulat, patnugot, tagaguhit o ilustrador at potograpo.
Samantalang ang naghahanapbuhay sa larangan na ito at tinatawag na tagapamahayag,
mamamahayag, o peryodista.
 Ayon kay Huddleston, ang pamamahayag (journalism) ay kaakit-akit na libangang pang-
araw-araw na taglay ng katotohanan ng buhay sa kasalukuyan; iyong nakalulugod
bagaman sa kalaunan ay nakapapagal din sa pakiramdam sa siya‟y kasangkot sa mga
pangyayari, na ang iba‟y tunay na mahalaga sa ating sarili sa darating na salin ng lahi.

 Kasaysayan ng Pamamahayag sa Pilipinas


Alam ko na ang ilan sa inyo ay nagtatanong kung kailan ba nagsimula ang pamamahayag
dito sa Pilipinas. Narito ang kasaysayan ng pamamahayag.

1. Nagsimula ang pamamahayag sa Pilipinas sa paglalathala ni Tomas Pinpin, isang


Pilipinong manlilimbag ng Sucesos Felices, isang polyeto (newsletter) sa Maynila. Natutuhan ni
Pinpin ang sining ng paglilimbag buhat sa mga prayle at mga intsik ngunit „di niya nailagay kung
kailan ang tiyak na petsa ng unang pagkakalimbag nito at kung gaano kalimit ang paglabas
niyon. Inilathala niya sa Kastila ang pangunahing mga kuwento ukol sa mga tagumpay ng La
Naval laban sa mga Dutch sa Ternate. Nagtagal ito hanggang 1809.

2. Isang Hojas Volantes or "flying sheets" ang Aviso Al Publico (Notices to the Public)
na lumitaw noong Pebrero 27, 1799. Sinasabing ang sukat nito ay gaya ng isang malaking
kwaderno. Ito ay tungkol sa kampanya laban sa mga Muslim at pagkabihag ng mga pirata sa
Sulu nang mga hukbong Kastila sa pangunguna ni Jose Gomez.

3. Disyembre 1, 1846 ay kinikilalang unang pahayagang pang-araw-araw maliban lamang


sa araw ng lunes ang La Esperanza sa patnugot nina Felipe Lacorte at Evarisco Calderon.

FIL. 211 Introduksiyon Sa Pamamahayag 3


Malaking bahagi nito ay mga talakayang pampilosopiya, panrelihiyon, at pangkasaysayan.
Tumagal ito ng tatlong taon at nagbukas upang maging pang-araw- araw na pahayagan.

4. Ang kauna-unahang pahayagan sa Pilipinas na lumabas ng palagian sa patnugot ni


Governador-Heneral Manuel Fernandez de Folgueras noong Agosto 8, 1811. Siya ang naging
patnugot at naglathala dito ng mga gawain ng Spanish Cortes, pati digmaan ng Espanya at
Pransiya. Dahil sa, higpit ng sensura ng mga Kastila hinggil sa mga lathalaing nakasisira sa
kanila, ang pahayagang ito ay umiral lamang sa maikling panahon at pagkatapos ng labinlimang
labas ay kusa nang namatay.

5. Unang nailathala noong March 1, 1859 at naglabas ng dalawang beses na isyu buwan-
buwan. Ito‟y tumagal lamang hanggang Disyembre 15, 1860. Mula sa dating Boletin de Oficial
ay muling nirebisa ang mga nilalaman ng pahayagang ito at pinangalang Gaceta de Manila.

6. Revista de Noticias y Anuncios noong 1861 na „di kalaunan ay naging La Espafia


Oceanica. Pahayagang Kastila na minsa‟y nasasamahan ng mga artikulong Tagalog upang
magbigay edukasyon sa mambabasa. Ang pahayagang ito ay nakipagsapalaran ng labindalawang
taon (1865-1877).

7. Isang pahayagang pang-hapon ang muling binuo ni Joaquin de Loyzaga at Francisco


Diaz Puertas gamit ang kaparehong pangalan (El Comercio) ng pahayagang unang lumabas
noong 1858. Kasabay man ng Diario de Manila at El Porvenir, ang El Comercio ang may
pinakamatatag at episyenteng naglathala ng pahayagan sa buong kalupaan sa loob ng 56 na taon
(1858-1925) nang may parehong pangalan. Ito ang pinakaprogresibong pahayagan noong
panahon ng Kastila na binili ni Senator Ramon Fernandez at isinamansa La Opinion.

8. Ikaapat na pahayagang lumabas sa taong 1882 na may islogang "It is possible to love
the Philippines without hating Spain and to love Spain without hating the Philippines.“ Ito‟y
tumagal lamang ng limang buwan at sinasabing hindi ito nakahimok ng malaking bagahdan ng
tagapagtangkilik sa nasabing idea ng islogan. Isa sa pinakaimportanteng pahayagan ay itinayo ni
Jose Maria Perez Rubio. Ito ay nakadisenyo para sa sirkulasyon ng mga abogado at patnubay
para sa mga hustisya at kapayapaan.

9. Ipinasara ito ng Gobernador Heneral noong 1888 dahil umano sa kawalan ng lisensiya
sa pamahalaan matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa korte ay muli itong binuksan noong
1893 sa pangalang ngunit „di naglaon ay nagsara dahil sa pagkamatay nang nagtayo ng
pahayagan.

FIL. 211 Introduksiyon Sa Pamamahayag 4


10. Unang pamprobinsiyang pahayagan na inilathala sa labas ng Maynila ngunit nahinto
rin sa parehong taon. Itinayo noong ika-1 ng Marso 1884 ni Pedro Groizard na may panulat-
kamay na “Larra”. Dahil sa mga eksposisyon at negatibong laman lagi ng pahayagan, ito‟y
nagdulot ng kaguluhan at may dalawampung linggo bago tuluyang isinara. Itinayo sa Iloilo ni
Diego Jimenez, isang agresibong manunulat nang pahayang ito na nagsisiwalat ng iba‟t ibang
katiwalian na naging dahilan upang magkaroon siya ng maraming kaaway. Noong 1886 ay
itinayo rin niya ang El Eco de Panay na nagpatuloy hanggang sa masakop tayo ng mga
Amerikano noong 1899.

11. Mga agresibong pahagayan na nagsulputan mula 1885 hanggang 1886. Katolikong
pahayagang itinayo noong Oktubre 1886. Ito ang panahon ng sinasabing pagbabago mula sa
impluwensiya ng pamumuno ni Gobernador Heneral Eulogio Despujol na naging liberal sa
pamamahala.

12. Noong ika-4 ng Hulyo bilang pangkontra sa mga pahayag ng La Opinion sa patnugot
ni Agustin Alfonso Moseras. Nang magretiro si Mosares kalaunan ay pinamunuan ito ni Jose
dela Rosa. Noong 1892 pinangalanan itong sa pamumuno nina Federico at Antonio Hidalgo at
may islogan na "The Philippines by Spain and for Spain“.

13. Pahayagang patungkol sa mga katutubo mula sa patnugot ni Isabelo delos Reyes na
naglabas lamang ng ilang isyu. Pahayagang laan para sa mga kababaihan. Mga lingguhang
pahayagan na maiksing panahon lamang naglathala ng mga isyu. Bukod sa na muling naglathala,
may mga bagong pamahayagan din ang umusbong tulad ng El Ejercito de Filipinas, El Consultor
del Profesorado, Madrid-Manila, Toda en Broma, El Foro Administrativo, La Pavera, Periodico
Festivo, La Puya (naglathala ng may kaugnayasn sa Pilipinas), Los Miercoles (naglathala ng
isang isyu lamang), Revista Mercantil de Filipinas, Polichinela (naglathala lingguhang isyu) and
the Boletin de la Companiia de Explotacion y Colonizacion de La Isla de Paragua. Apostolado de
la Prensa, naklathala sa Tagalog. El Heraldo Militar, sumunod ay lingguhng pahayagang tinawag
na El Ejercito de Filipinas. Manila-Santander, Boletin Oficial Agricola El Consultor de
Municipios, Manalilla-Sport (buwanan), La Legislacion (dalawanng beses kada buwan maglabas
ng isyu at ukol sa pahalan at korte ang nilalaman), El Municipio Filipino (patnugot- Isabelo de
los Reyes) at Apostolado de La Prensa. (itinayo ng mga prayle para sa mga pangrelihiyong
gawain sa wikang Tagalog) El Album Militar (itinayo ng sundalong opisyal). El Cinfe and
Sorpresas- Chicago ay dalawang komiks na itinayo ngunit nawala rin ng sumunod na taon. El
Espafiol na naglathala hanggang 1898.

14. La Exposition, La Campana, La Mosca at La Vida Industrial de Filipinas na itinayo ni


Jose Martin Martinez Kauna-unahang rebolusyonaryong pahayagan ng Kataastaasang Kagalang-

FIL. 211 Introduksiyon Sa Pamamahayag 5


galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Na itinayo noong ika- 18 ng Enero, 1896.
Naglalayon itong ipahayag sa lahat ang kasamaan at kasakiman ng mga prayle at mga kastilang
opisyal upng makapag-organisa ng isang rebolusyon. Nakalathala rin sa mga artikulo ng
pahayagan ang ilang ebedensiya upang makahikayat nang mambabasa.

15. Lumabas din ang mga pahayagang Tagalog tulad Ang Pliegong Tagalog na itinayo ni
Juan Atayde na ayon sa kanya ay marapat lamang na magkaroon ng pahayagang nakalathala sa
wikang ito at hindi puro sa Kastila na lang.

16. Ang La Independencia ay itinayo ni Henenal Antonio Luna sa tulong ng kanyang


kapatid na si Joaquin noong September 3, 1898. Isa ito sa pinaka-importanteng pahayagan sa
panahon ng rebolusyon.

17. Iba pang mahahalagang pahayagan ng taong ito ay ang La Libertad na itinayo noong
ika-20 ng Hunyo sa patnugot ni Clemente Jose Zulueta. The Newspaper La Republica Filipina na
itinayo sa Mandaluyong, Rizal noong ika-15 ng Setyembre sa patnugot ni Pedro A. Paterno at „di
kalaunan noong opisyal na pahayagan ng pamahalaan noong 1901 ng sumulat si General
Douglas Mac Arthur bilang Sekretaryo ng Digmaan ng mga panahong ito. Ika-29 ng Setyembre
1898 inilathala sa Malolos Bulacan sa unang pagkakataon ang El Heraldo de la Revolicion
Filipina. Ito ay naging opisyal na publikasyong pahayagan sa panahong may rebolusyon sina
Heneral Emilio Aguinaldo. Ika-29 ng Disyembre 1898 inilathala sa Jaro Iloilo na naglalayong
ipaglaban ang mga karapatan ng Pilipino.

18. Ika-24 ng Marso, 1899 ang Columnas Volantes ay inilathala sa Lipa, Batangas. Ito ay
naglalaman ng mga artikulo ukol sa pulitika at mga sandatahang lakas. Ito ay binuo ng mga
propesyunal na nabibilang sa samahang Club Democratico Independiente.

19. Noong Nobyembre 18, 1899 ang mga pahayagang, Filipinas Ante Europa at El
Defensor de Filipinas, ay inilathala sa Barcelona Espanya sa patnugot ni Isabelo de los Reyes.
Inilathala rin ang kauna-unahang pahayagang Amerikano na inihahayag ang pagkapanalo ni
Heneral Dewey at pagsaugpo niya sa pwersang Amerikano sa Manila Bay

20. Noong 1900 ay inilathala ang El Grito Del Pueblo (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) na
itinatag ni Pascual Poblete at ang El Renacimiento (Muling Pagsilang) na itinatag naman ni
Rafael Palma. Isa rin sa mga pang-araw-araw na pahayagan noong 1900 ang El Nuevo Dia (Ang

FIL. 211 Introduksiyon Sa Pamamahayag 6


Bagong Araw) na tinatangkilik pa rin natin magpahanggang ngayon. Ito naman ay itinatag ni
Sergio Osmeña.

21. Ang Pagsisimula ng College Editors Guild of the Philippines (1931-1945) Bahagi ng
pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao ang pamamahayag. Mula paggising sa umaga,
hanggang bago tuluyang magpahinga sa gabi, mga balita sa radyo, telebisyon, at pahayagan ang
kaulayaw ng paningi't pandinig ng mga mamamayan. Napakalawak nang naaabot ng
kapangyarihan ng medya sa buhay, mapaindibidwal o ng buong sambayanan.

22. Pagsapit ng 1970, lalong tumitimbang ang progresibong oryentasyon ng Guild.


Dumaluyong ang kilos protesta sa lansangan. Maraming manunulat pangkampus ang lumahok
ang nagpakilos sa mga malakihang mobilisasyon sa panahon ng First Quarter Storm. Hindi iilang
Guilders ang naging kasapi ng Kabataang Makabayan.

23. Ang pag-aalsa noong 1986 ay nagluklok kay Corazon Aguino bilang bagong pangulo.
Tiningnan si Aquino bilang isang pinunong liberal burges. Pinuri ang Republic Act 7079 o
Campus Journalism Act bilang “milestone in the history of the campus press.” Kabaligtaran ang
naganap sa aktwal.

GAWAIN 1:
Bilang tugon at karagdagang kaalaman tungkol sa Pahayagan, manaliksik at magtala ng
10 mga kilalang mamamahayag sa makabagong panahon. Isama sa iatatala ang mga sumusunod
na pagkakakilanlan:
 Pangalan
 Edad
 Nailathalang pahayag
 Pangalan ng pinagtrabahuhan bilang mamamahayag

FIL. 211 Introduksiyon Sa Pamamahayag 7


Mga Pangkalahatang Alituntunin Na Dapat Sundin Para Sa Pamahayagan.

I. Kalayaan sa Pamamahayag ay naksalalay sa Pangunahing Karapatan ng Sangkatauhan.


 Kalayaan mula sa lahat ng obligasyon maliban lamang sa fidelity, ang interes ng publiko
ay mahalaga.
Promosyon sa anumang pribadong interes na taliwas sa pangkalahatang kapakanan, o sa
anumang dahilan ay hindi naaayon sa matapat na pamamahayag.
Ang pagkiling sa komentaryo ng editoryal ay nababatid ng departmento ang katotohanan.

II. Karapatan, Katotohan at Kawastuhan


 Ang kapakanan ng mga mambabasa ay ang pinakamahalagang pundasyon sa lahat ng
mamamahayag upang maging mahalaga ang kanilang tungkulin.
Ang pagsaalang-alang sa mabuitng pananalig sa pamahayagan ay nagiging sandigan ng
katotohanan.
Ang pangunahing balita ay kinakailangang buo ang nilalaman at angkop.

III. Walang Pagkiling


Ang kasanayan sa pamamahayag ay mahalaga upang magkaroon ng kalinawan ang pag-uulat ng
balita at pagpapahayag ng mga opinyon. Ang pag-uulat ng balita ay kinakailangang maging
malaya mula sa opinyon o batayan ng anumang uri.

IV. Patas na Laban


Ang pahayagan ay dapat na maglathala ng mga opisyal na kaso sapagkat kung hindi ito ay
maaaring makaapekto sa reputasyon o karakter na pangmoral at mawawala ang oportunidad na
madinig ang panig ng akusado. Ang tamang kasanayan ay kinakailangan sa pagkakaloob ng
gayong oportunidad sa lahat ng kaso na seryoso ang akusasyon sa labas ng hukuman.

V. Kadisentehan
Ang pahayagan ay pinaniniwalaan sa katapatan nito, sapakat ipinahahayag ang kadahilanan ng
mataas na moralidad at pinalalakas ang mabuting pag-uugali. Maaring matagpuan ditto ang mga
detalye ng krimen at bisyo, sa publikasyon isinasaalang-alang ang kabutihan para sa lahat.
Sa pagwawakas, ang mabuting pamamahayag ay ginagabayan ang lahat ng materyales na
kinalaman sa katotohanan. Ang kalayaan ay may kinalaman para sa pantaong kabutihan at
respeto para sa pagtanggap ng mga pamantayan ng sariling komunidad. Ang mabuting
pahayagan ay maaaring husgahan sa kanilang pagganap sa pamamagitan ng pamantayan.

FIL. 211 Introduksiyon Sa Pamamahayag 8


 Integridad
Ang pahayagan ay dapat:
 Manatili ang lakas ng pamantayan sa katapatan ng patas na pagpili sa nilalaman at sa
lahat na may kaugnay sa pinagmulan ng balita.
 Kaugnay sa mga paksang kontrobersyal, dapat na lutasin ang mga isyu at ang di-
pagkakaunawaan.
 Pagsasakatuparan na may kababang-loob at pag-unawa sa pagharap sa pagtutunggalian
ng mga opinyon at maging ang hindi pagkakasundo.
 Paglaan ng panahon para sa pag-uusap hinggil sa problema na batay sa pananaw ng
editoryal ng pahayagan.
 Pantay na pananaw na pang-editoyal sa pagpapahayag ng mga opinyon.

 Katumpakan
Ang pahayagan ay dapat:
 Maglalaan ng pagpupunyagi na mailimbag ang katotohanan sa lahat ng sitwasyon sa
balita.
 Pagpupunyagi para sa kaganapan ng layunin.
 Pagbabantay laban sa kapabayaan, pagkiling, paninira na magbibigay pansin sa
pagkukulang.
 Pagtitiyak at pagtutumpak sa pagkakamali ng mga pangyayari sapagkat ang pahayagan
ay siyang may pananagutan.

FIL. 211 Introduksiyon Sa Pamamahayag 9


GAWAIN 2:
Mula sa isang programang pantelebisyon… gumugol ng 30 minuto upang manood at
makinig. Tukuyin kung ang napanood na programa kung nasunod o naisagawa ba ang
mga pangkalahatang alituntunin na dapat sundin para sa pamahayagan.
Ilagay ang:
 Pamagat ng programa/ balita
 Tinatalakay na paksa
 Tagapag-ulat/ tagapagbalita
 Mga alituntunin na dapat sundin para sa pamahayagan
 I. Kalayaan sa Pamamahayag ay naksalalay sa Pangunahing Karapatan ng
Sangkatauhan
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
__________________________________________________________________
 II. Karapatan, Katotohan at Kawastuhan
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

 III. Walang Pagkiling


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

 IV. Patas na Laban


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

 V. Kadisentehan
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

FIL. 211 Introduksiyon Sa Pamamahayag 10


Saklaw ng Pahayagan (Scope of Journalism)

1. Pasulat- pahayagan, pulyeto, magasin, aklat (Print Media)


2. Pasalita- radio, karaniwang pabalita komentaryo (Broadcast Media)
3. Papaningin- telebisyon, pelikula, betamax (Visual Media)

Tungkulin ng Pahayagan (Functions of a Newspaper)

1. Maging mata at tainga ng mambabasa (Information function).


2. Maging tagapagturo (Education fuction).
3. Pumuna ng balita sa pamamagitan ng mga tudling at pitak (Interpretation function).
4. Tagapaglahad ng mga kuru-koro (Opinion moulder).
5. Maging tagapaglibang o tagaaliw (Entertainment function).
6. Gumaganap bilang tagapag-alaga ng karapatan ng mambabasa (Watching function.
7. Bilang talaan sa mga mahahalagang pangyayaring naganap (Documentation function).

Bahagi at Pangkat ng Pahayagang Pang-araw-araw


Bahagi ng Pahayagan
 (Front Page)






 Larawan/klitse (cut)




 bank)
 Pahina ng Pangulong Tudling (Editoryal Page)
 Polyo (folio) - tinataglay ang bilang ng pahina, pangalan ng pahayagan at ang petsa ng
paglimbag.
 Watawat (flag) - pinaliit na pangalan ng pahayagan sa loob ng kahon ng patnugutan.
 Kahon ng patnugutan ( masthead or staff box)
 Pangulolong tudling o editoryal ( editoryal proper

FIL. 211 Introduksiyon Sa Pamamahayag 11


 Tudling editoryal o pitak ( editoryal column)
 Kartun (cartoon)
 Liham sa patnugot ( letter to the editor)
 Editoryal layner (editoryal liner)
 Panauhing tudling (guest editoryal)
 Pahina ng mga Piling Lathalain (Features Page)
 Tudling ng palagiang lathalain (regular features column)
 Natatanging lathalain (special features)
 Mga larawan o klitse (cuts)
 Pahina ng palaruan o palakasan o isports (Sports Page)
 Tudling ng palagiang lathalain (regular features column)
 Natatanging lathalain (special features)
 Mga Larawan ( cuts or illustration)
 Pahinang Pampanitikan (Literary Page)
 maikling kuwento
 sanaysay
 tula
 dula o drama
 suring pelikula
 suring dula

Mga Sangkap ng Balita at Pamatnubay

Mga Sangkap ng Balita (Elements of News)

Dapat na mabatid ng reporter na sa pagkalap ng balita ay may mga kahalagahang dapat


taglayin ng balita upang ito‟y makatawag-pansin at makaakit sa mambabasa. Nararapat itong
isaalang-alang sapagkat magsisilbing gabay ang mga ito sa pangangalap at pagsulat ng balita.

1. Kapanauhan/Napapanahon (Immediacy or timeliness)- Kailangan ang pangyayari‟y


kagaganap o katutuklas lamang. Napapanahon pa rin ang balita kung ang pangyayari ay matagal
nang naganap ngunit ngayon lamang nabunyag o natuklasan.

2. Kalapitan (Nearness or Proximity)- Higit na kinagigiliwan ng karaniwang mambabasa ang


mga pangyayari sa kanilang paligid kaysa mga pangyayaring nagaganap sa malalayong pook.
Ang kalapitan ay maaaring tumukoy rin sa kalapitang heograpiya (geographical nearness),
kaangkan (kinship), kapakanan (intersest) atb.

FIL. 211 Introduksiyon Sa Pamamahayag 12


3. Katanyagan (Prominence)- Kung ang paksa ng balita ay bantog o tanyag, ito ay nakaaakit at
nakatatawag pansin. Maaaring ito‟y ukol sa isang pinuno ng pamahalaan, lider ng purok, mga
taong kilala o dakila o tanyag sa lipunan. Maaari ring paksain ang isang matulaing pook.

4. Tunggalian (Conflict or Struggle)- Ano mang pangyayari naglalarawan ng paglalaban,


pagpapaligsahan at pagsasapalaran ay balitang interesante. Ito‟y maaaring pagtutunggali ng
katawang pisikal at mental; tao laban sa kapwa tao; tao laban sa hayop; tao; laban sa kalikasan;
tao laban sa kanyang sarili.

5. Kahulugan o Kalalabasan (Significance or Consequence)- Kung ang isang pangyayari o


bagay ay may ibubungang kabutihan o kasamaan ay nakatawag pansin, ano ang kahulugan o
kalalabasan kung ang Kumunismo ay ating tatangkilikin?

6. Di-karaniwan, Pambihira (Oddity, Unusualness)- Mga bagay na pambihirang mangyari


gaya ng isang lalaking napabaliktang nagdalantao, o isang taong patay na nabuhay at nang nakita
niyang nasa loob siya ng ataol, siya‟y namatay uli dahil sa takot.

7. Pagbabago (Change)- Ano mang pagbabago, maging sa pag-unlad o pagsama ay nakatawag-


pansin.

8. Pumukaw-Damdamin o Kawilihan (Human Interest)- Ito‟y umaantig ng damdamin at


kaukulang reaksiyon ng mamababasa upang siya‟y paiyakin, patawarin, pagalitan, pahagain atb.

9. Romansa at Pakikipagsapalaran (Romance and Adventure)- Ang romansa ay hindi nauukol


sa pag-iibigan lamang. Isang halimbawa nito ay ang romansa ni Hemingway at ng karagatan;
mga astronauts at ng kalawakan.

10. Hayop (Animals)- Magandang paksa sa balita ang mga hayop na may katalinuhan.

11. Pangalan (Names)- Kung marami ang mag pangalang nakalathala na nasasangkot sa balita,
dumarami rin ang mga mambabasa.

12. Drama (Drama)- Ang daigdig ay isang dulaan at ang mga tao ay nagsisiganap sa
pamamagitan ng dula ng tunay na buhay. Ang misteryo, pag-aalinlangan (suspense) o komedya
ay nagbibigay ng kulay sa isang kuwento.

FIL. 211 Introduksiyon Sa Pamamahayag 13


13. Kasarian (Sex)- Ito‟y nagbibigay ng kawilihan na karaniwang natutunghayan sa romansa,
pag-aasawa, paghihiwalay at pagdidiborsiyo. Nailalarawan din ang kasarian, halimbawa kung
ang isang babae ang pinuno ng mga bandido o kung ang naihalal na pangaulo ng isang bansa ay
babae gaya ni Gloria M. Arroyo.

14. Pag-unlad o Pagsulong (Progress or Advancement)- Magandang paksa ang mga ito sa
balita.
15. Mga Bilang (Numbers)- Marami ang mahilig magbasa ng estatistiks tulad ng ulat sa
pananalapi, kinalabasan ng eleksiyon, panalonh numero sa sweepstakes, vital statistics ng dalaga,
atb.

GAWAIN 3

Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na tumatalakay sa iyong mga naging karanasan o iyong
mga naobserbahan sa inyong paligid/ sosyal midya sa oras ng Enhance Community
Quarantine. Ito ay hindi bababa sa 400 salita at hindi naman lalampas sa 500 salita.

Pamantayan:

Introduksiyon
Nakapanghihikayat ang introduksiyon. Malinaw na nalahad ang pangunahing paksa 15%
gayundin ang panlahat na pagtanaw ukol dito.

Diskusyon
Makabuluhan ang bawat talata dahil sa husay na pagpapaliwanag at pagtalakay 40%
tungkol sa paksa.

Organisasyon ng mga Idea


Lohikal at mahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga idea; gumamit din ng mga din 20%
ng mga transisyunal na pantulong tungo sa kalinawan ng mga idea.

Konklusyon
Nakapanghahamon ang konklusyon at naipapakita ang pangkalahatang paksa batay 15%
sa katibayan at mga katwirang iniisa-isa sa bahaging gitna.

Mekaniks 5%
Walang pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbaybay.

FIL. 211 Introduksiyon Sa Pamamahayag 14


Gamit
5%
Walang pagkakamali sa estruktura ng mga pangungusap at gamit ng mga salita.

Kabuoan
100%

Mga Katangian at Uri ng Balita

 Mga Katangian ng Balita

 Ganap na Kawastuhan- kawastuhang paktuwal; tunay na pangyayari; katumpakan ng


pangkalahatang impresyon; kaayusan ng mga detalye, tamang pagbibigay diin, hindi
magulo o masalimuot ang diwa.

 Timbang- kaukulang diin sa bawat katotohan, kaugnay ng ibang tunay na pangyayari;


kawastuhan (paglalakip ng tunay at napapanahong pangyayari lamang)

 Walang Kinikilingan- hindi nagtataglay ng personal na opinion ng manunulat,


kailangang isulat ang dalawang panig ng istora.

 Kaiklian

 Kalinawan at Kaiklian- dapat na malinaw at maikli upang mabatid ang pangunahing


layunin nito.

 Kasariwaan o Napapanahon- maaaring hindi na binabalita angmga pangyayari na


lumipas na ang panahon at walang ugnayan sa kasalukuyang isyu ng lipunan.

FIL. 211 Introduksiyon Sa Pamamahayag 15


 Mga Uri ng Balita

Ayon sa Saklaw o Pinagmulan


 Balitang Local o Nasyonal (Local News)- nagaganap sa loob ng bansa
 Balitang Dayuhan o Banyaga (Foreign News)- naganap sa labas ng bansa
 Balitang may Petsa at Pinanggalingan (Dateline News)- pinangungunahan ng petsa,
kung kalian sinulat ang lunan, kung saan sinulat ng reporter.

Ayon sa Pagkakasunod-sunod
 Paunang Balita (Advance or Anticipated)- ualat na ukol sa inaasahang pangyayari
tulad ng gaganaping patimpalak, konsiyerto, dula, palaro, kampanya, atb.

 Balitang Di-inaasahan (Spot News)- balitang isinulat ukol sa pangyayaring naganap na


di-inaasahan. Bihirang mapalabas sa pahayagang pampaaralan ang ganitong uri ng balita.
Sapagkat ito ay paborito ng mga reporter sa radio o telebisyon.

 Balitang Itinalaga (Coverage News)- balitang isinulat o isusulat pa, batay sa isang
palagiang o pirmihang pinagkukunan (based on a given beat or assignment) gaya ng
kongreso, ospital, fire department, tanggapan ng punong-guro, aklatan, atb.

 Balitang Panubaybay (Follow-up News)- ulat ukol sa pinakabagong pangyayari bilang


karagdagan o kasunod ng naunang balita.

 Balitang Rutin o Kinagigiliwan (Rourine News story)- balitang ukol sa inaasahang


magaganap tulad ng regular na pagpupulong, panahunang pagsusulit, palatuntunan.

FIL. 211 Introduksiyon Sa Pamamahayag 16


Ayon sa Anyo

 Tuwirang Balita (Straight News)- inihahayag ang mga pangyayari sa ayos na tagilo o
baligtad na piramide (inverted pyramid structure) mula sa pinakamahalaga hanggang sa
pinakamaliit na kahalagahan. Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng
impormasyon at pangalawa lamang ang pagbibigay ng aliw.

 Balitang Lathalain (News Features)- ito ay balita ng isang pangyayari na pinaganda


ang paghahatid ng impormasyon upang higit na maging kawili-wili o kaya‟y higit na
magbibigay ng aliw sa mga mababasa

 Balitang Di-toto (False News)- ito ang mga balitang nililikha lamang o imbentong
pangyayari. Walang batayan ukol sa balitang nilalathala. Maiikling ulat na gaya nito ang
madalas lumabas o nailalathala sa mga pahayagang tabloid, ngunit ang pag iimbento ng
mahalagang balita ay mahirap Makita.

 Balitang Iisang Paksa o Tala (Single Feature)- iisang pangyayari o paksa ang taglay ng
pamatnubay.

 Balitang Maraming Itinatampok (Several Features)- maraming bagay o paksa ang


itinatampok sa pamatnubay.

Ayon sa Pagtalakay ng Paksa


 Balitang Pamukaw-Damdamin o Kawilihan (Human Interest Story)- ito‟y umaantig
ng damdamin at kumukuha ng reaksiyon ng mambabasa.

 Balitang may Pagpapakahulugan (Interpretative or Interpretive News)-


Ipinauunawa sa mambabasa ang kahalagahan ng pangyayari.

 Balitang may Lalim (In-Depth Report)- pagbalitang may paghamon sa kaisipan ng


mga mamababasa at kakayahan ng reporter.

FIL. 211 Introduksiyon Sa Pamamahayag 17


Ayon sa Nilalaman
 Balitang Pang-agham ( Science News)
 Balitang Pangkaunlaran (Development News)
 Balitang Pamalakasan

Mga Tanging Uri

Batay sa mga Talang Nakuha (Fact Story)- pagsasalaysay ng karaniwang pangyayari na


kasagutan na Sino?, Ano?, Saan?, Kailan?, Bakit?, at Paano?

Batay sa Kilos o Aksiyon (Action Story)- pagsasalaysay ng mga pangyayaring hindi lamang
paktwal kundi yaong tinatampukan ng kilos (action), madulang pangyayari (dramatic incident,
paglalarawan sa tao (description of a person), pahayag ng isang saksi o kaya mga
nagpapaliwanang ng mga bagay-bagay (explanatory data).

 Ukol sa Talumpati o Panayam (Quote, Speech or Interview Story)- isinasaad kung sino
ang taga-pagsalita o kunh sino ang kinapanayam, ang paksang diwa ng kanyang
talimpati; okasyon, oras at pook ng pinagdausan, siping pangungusap, paglalarawan ng
madlang tagapanood, pati di-karaniwang kilos at reaksiyon nila.
 Balitang Pangkatnig (Sidebar)- Maikling balitang isinusulat nang hiwalay ngunit
kaagapay at kaugnay ng isang pangunahing balita.
 Balitang Kinipil (News Brief)- maikling balita na karaniwang binubuo ng hindi hihigit sa
dalawang talata.
 Bulitin (Bulletin)- habol o karagdagan sa kasalukuyang mahalagang balita.
 Dagliang Balita (Flash)- pinakabuod ng bagong mahalagang balita na kailangang
mailathala kaagad dahil huli na para mailathala ang buong balita.

 Pag-aralang mabuti ang mga nakalap na impormasyon. Tukuyin ang pangunahing idea at
tanggalin ang hindi gaanong mahalagang detalye.
 Ayusin ang mga nakalap na impormasyon mula sa mahahalagang detalye patungo sa di-
gaanong mahalagang detalye o tinatag na baliktad na piramide.
 Bumuo ng angkop na panimula o pamatnubay ng balita.
 Tiyaking ang pamatnubay ay may kaisahan o umaakma sa katawan.
 Magsama lamang ng pangunahing idea o pangtulong na idea sa isang talata.
 Sumulat lamang ng maikling talata.
 Tiyaking ang mga talata ay magkaugnay.
 Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita
 Isulat ang Buod.

FIL. 211 Introduksiyon Sa Pamamahayag 18


 Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o paliit na kahalagahan (decreasing
importance).
 Hanapin ang impormasyong itatampok sa pamatnubay. Unahin ang pinakatampok.
 Isulat ang balita ayon sa pagkasunud-sunod na pangyayari batay sa pababang
kahalagahan.

GAWAIN 4

Panuto: Gumawa ng isang pagpapaliwanag na tumatalakay sa kahalagahan ng isang


pahayagan, mga balita at isyu na naipapamahagi sa mamamayan . Ito ay hindi bababa sa
300 salita.

Pamantayan:
Introduksiyon
15%
Nakapanghihikayat ang introduksiyon. Malinaw na nalahad ang pangunahing paksa
gayundin ang panlahat na pagtanaw ukol dito.
Diskusyon
40%
Makabuluhan ang bawat talata dahil sa husay na pagpapaliwanag at pagtalakay
tungkol sa paksa.
Organisasyon ng mga Idea
20%
Lohikal at mahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga idea; gumamit din ng mga din
ng mga transisyunal na pantulong tungo sa kalinawan ng mga idea.
Konklusyon
15%
Nakapanghahamon ang konklusyon at naipapakita ang pangkalahatang paksa batay
sa katibayan at mga katwirang iniisa-isa sa bahaging gitna.
Mekaniks 5%
Walang pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbaybay.
Gamit 5%
Walang pagkakamali sa estruktura ng mga pangungusap at gamit ng mga salita.
Kabuoan 100%

FIL. 211 Introduksiyon Sa Pamamahayag 19

You might also like