You are on page 1of 12

Pananagutan ng

g Bahagi ng
g Panradyo
Journalism
Ikalawang Markahan–Modyul 2

Journalism (Filipino) 9
Journalism Learning Kit
Gampanin at Pananagutan ng mga Taong Bahagi ng Programang Panrdayo
Unang Edisyon, 2020
Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Antique
San Jose de Buenavista, Antique
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng module kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”
Ang Journalism Learning Kit na ito ay isinulat at inilimbag ng Sangay ng
Antique upang magamit ng mga paaralan sa Kanlurang Bisayas.
Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
porma nang walang pahintulot ng mga bumuo sa pagsulat at paglimbag nito mula sa
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6..

Development Team of English Learning Kit

Writers: Aivie M. Gange, Metchie Ann M. Elisan, Reyjan S. Daypuyart,


Marion Joy F. Tampus, Cresbel G. Espiridion
Illustrators: Conrad Ladislee B. Tua III, Rodel S. Banday, Armand Glenn S. Lapor,
Mark T. Dasa

Layout Artists: Raffy S. Puod, Phoenix Allanah Zandria Q. Salcedo-Tordesillas

Division Quality Assurance Team: Aurelio D. Odiong, Schubert Anthony C. Sialongo

Management Team: Ma. Gemma M. Ledesma, Elena P. Gonzaga, Donald T. Genine,


Celestino S. Dalumpines IV, Nestor Paul
Pingil, Felisa B. Beriong,
Corazon C. Tingson, Gaudencio C. Riego,
Schubert Anthony C. Sialongo, Aurelio D. Odiong,
Phoenix Allanah Zandria Q. Salcedo-Tordesillas,
Marian Rose B. Sarmiento

MABUHAY!

Ang Journalism Learning Kit na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama-


samang pagtutulungan ng Division of Antique School Paper Advisers’ Association,
mga manunulat, ilustrator, layout artist, reviewer, editor, at ang Quality Assurance
Team mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Dibisyon.
Inihanda ito upang maging gabay po ninyo, mga tagapagdaloy, na matulungan ang
ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng
Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng Journalism Learning Kit na ito na gabayan ang ating mga mag-
aaral na mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain
ayon sa kani-kanilang kakayanan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang
ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang
isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Journalism Learning Kit na ito ay binuo upang matugunan ang


pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng edukasyon, na patuloy
ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan
mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning moderator, siguraduhin nating naging malinaw ang mga
panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayanang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Journalism Learning Kit na ito ay binuo upang matulungan ikaw, aming
mag-aaral, na patuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong
paaralan. Pangunahing layunin ng learning material na ito na mabigyan ikaw ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Gampanin at Pananagutan ng mga
Taong Bahagi ng Programang Panradyo

MAGSIMULA RITO!

Higit na nakapagsisilbi ang isang programang


panradyo sa kanyang mga tagapakinig kung
nakapaghahatid ito ng mahusay, kapaki-pakinabang
at makabuluhang mga programa. Mas tinatangkilik
din ito kung pasok sa panlasa ng mga tagapakinig
ang mga aspetong musikal at teknikal na inilalalapat
dito.
Sa pakikinig sa radyo, madalas nating naiisip
na iisang tao lamang ang bumubuo rito. Ngunit, ang
programang panradyo ay hindi nakasalalay sa iisang
tinig lamang. Hindi lang sa iisang boses nakaatang
ang kagalingan ng isang istasyon ng radyo, bagkus
ito ay resulta ng kooperasyon ng lahat ng taong
bahagi at kasangkot ng programa.
Sa modyul na ito ay lalakbayin natin ang
mundo ng pamamahayag panradyo. Aalamin at
tatalakayin natin ang mga gampanin at pananagutan
ng mga taong kasangkot o bahagi dito na siyang
nagsasakatuparan ng mga layunin ng isang istasyon
ng radyo. .
Ihanda ang ating mga sarili’t tayo nang
maglakbay!

TARGET

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang:


1. Naipaliliwanag ang mga gampanin at pananagutan ng mga taong bahagi
ng programang panradyo (SPJ9PPR-IId-36)

PAUNANG PAGSUSULIT
1
Journalism (Filipino) 9
Competency: Naipaliliwanag ang mga gampanin at pananagutan ng mga taong bahagi ng
programang panradyo (SPJ9PPR-IId-36)
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na gampanin at piliin mula sa kahon kung
kanino ito naangkop. Titik lamang ang isulat sa inyong sagutang papel.

Punong Pamatnugot B. Newscaster C. Tagapamahala ng Istasyon


D. Direktor ng Musika E. Tagapakinig F. Direktor ng Programa

1. Nakikipag-ugnayan sa mga direktor ng iba’t ibang sektor ng istasyon.


2. Namamahala sa pagpili ng mga ilalapat na musika sa mga programang
panradyo.
3. Nangangalap, nakikipanayam at nagsasahimpapawid ng balita sa isang
istasyon ng radyo.
4. Sumusuri ng lahat ng mga isasahimpapawid na balita at tumutugon sa mga
hindi inaasahang problemang mahaharap ng programa.
5. Namumuno sa dyornalistik na sektor ng istasyon at sumusuri sa kawastuhan
at katotohanan ng mga impormasyong ilalahad.

GAWIN

Gawain 1: Isaayos Mo!


Ang mga sumusunod ay mga parihabang nagtataglay ng mga taong bahagi
ng isang programang panradyo.
Kopyahin at isaayos ang mga parihaba kagaya ng isang organizational
structure, lagyan ng mga linya na magpapakita ng kanilang kaugnayan at relasyon
sa isa’t isa.

Punong Pamatnugot Direktor ng Programa Announcer

Tagapamahala ng
Istasyon Direktor ng Musika

General Sales
Maintenance Engineer Newscaster Manager

TUKLASIN
2
Journalism (Filipino)E
9
Competency: Naipaliliwanag ang mga gampanin at pananagutan ng mga taong bahagi ng
programang panradyo (SPJ9PPR-IId-36)
Magaling! Sa tingin ko’y handa ka na upang
simulan ang susunod na gawain. Lalo pa nitong
pagtitibayin ang iyong kaalaman tungkol sa
paksa. Halina’t ating simulan!

1. Sino-sino ang mga taong bahagi ng programang panradyo?


2. Ano-ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa?
3. Bakit mahalagang malaman ang bawat gampanin ng mga taong
kasangkot sa programang panradyo?

LINANGIN

Magaling! Pagtibayin pa natin lalo ang iyong


natuklasan mula sa mga gawaing nasagutan
sa pamamagitan ng pagtalakay sa
sumusunod na puntos ng aralin tungkol sa
balitang panradyo.

Mga Gampanin at Pananagutan ng mga Taong Bahagi ng


Programang Panradyo

Ang tagumpay ng isang programa ay hindi bunga ng pagsisikap ng isa, kundi


ng pagsisikap ng lahat. Katulad ng ibang mga gawain, ang mga programang
panradyo ay binubuo rin ng iba’t ibang mga sektor at mga taong may kani-kaniyang
mga gampanin na nagtutulung-tulong upang maisakatuparan ang layunin ng isang
istasyon. Narito ang sumusunod:
1. Tagapamahala ng Istasyon- siya ang namamahala sa lahat ng sektor ng
istasyon. Siya ang namimili, nagpapasahod at ang kabuoang tagapangalaga
sa kapakanan ng isang istasyon.
2. Punong Pamatnugot- siya ang sumusuri sa kawastuhan at katotohanan ng
isang impormasyon o balita bago ito isasahimpapawid ng istasyon.

3. Direktor ng Musika- siya ang namamahala sa lahat ng mga musika at mga


uri nito na ginagamit ng istasyon. Siya ang namimili ng mga angkop at tumpak
na mga recordings na ilalapat at gagamitin sa isang programa.

3
Journalism (Filipino) 9
Competency: Naipaliliwanag ang mga gampanin at pananagutan ng mga taong bahagi ng
programang panradyo (SPJ9PPR-IId-36)
4. Direktor ng Produksyon- kilala bilang air-traffic controller. Sinisiguro niyang
ang produksyon ng programa ay maayos na naisasahimpapawid at may
magandang transition. Siya ang namamahala sa kung sino ang mga susunod
na announcer, anong mga patalastas o advertisements ang ilalabas, at iba
pa.

5. Maintenance Engineer- hindi lamang iisang teknolohiya ang ginagamit ng


isang istasyon. Mula sa mga wirings, hanggang sa mga mikropono at
kompyuter na ginagamit dito, siya ang taga-ayos ng anomang sira at
kakulangan sa teknikal na aspeto ng isang istasyon.

6. General Sales Manager- siya ang tumatanggap at namamahala sa mga


sales staff, nagsusuri at nagwawasto ng mga programang may kinalaman sa
pagpapataas ng benta ng isang produkto. Siya rin ang gumagawa ng mga
sales plans at nagpapahintulot ng lahat ng mga sales promotion campaigns.

7. Newscaster- siya ang taong responsable sa pangangalap, pakikipanayam at


pag-uulat o pagsasahimpapawid ng balita. Kaiba sa announcer, ang pokus
nito ay maghatid ng makabuluhang mga balita o kaganapan sa mga
tagapakinig.

8. Announcer- kilala bilang tinig o boses ng isang istasyon ng radyo dahil sila
ang responsable sa pagpapakilala ng nilalaman ng mga programa nito. Siya
rin ang nagbabasa ng mga patalastas at anunsyong pampubliko. Maaari rin
siyang mamahala sa ilang mga teknikal na gawain depende sa laki ng isang
istasyon.

ORGANIZATIONAL STRUCTURE NG PROGRAMANG PANRADYO

Tagapamahala
ng Istasyon

Punong Direktor ng Direktor ng Maintenance General Sales


Pamatnugot Programa Musika Engineer Manager

Newscaster Announcer

4
Journalism (Filipino) 9
TANDAAN
Competency: Naipaliliwanag ang mga gampanin at pananagutan ng mga taong bahagi ng
programang panradyo (SPJ9PPR-IId-36)
Walang gawaing mahirap sa mga taong
nagtutulungan at gumagawa ng kanyang
responsibilidad.
Ang pagtutulungan ng bawat kasangkot ay
nagdudulot ng isang makabuluhang pagbabago sa
buhay ng mga tagapakinig.
Hindi man natin sila nakikita, naririnig naman
natin ang resulta ng kanilang mga paghihirap.

Ang isang istasyon ng radyo ay binubuo ng iba’t bang mga taong kasangkot
na nagtutulungan upang maayos na maihatid ang mga balita at programa sa
kanilang madlang tagapakinig.
Ang mga taong kasangkot ay ang mga sumusunod: tagapamahala ng
istasyon, punong pamatnugot, direktor ng musika, direktor ng produksyon,
maintenance engineer, general sales manager, newscaster at announcer.
Mangingibabaw ang tagumpay ng isang istasyon ng radyo kung ang lahat
ng mga tauhan nito ay ginagampanan ang sariling responsibilidad nang may
pananagutan at pagpapahalaga sa layunin ng istasyon.

PALALIMIN

GAWAIN 2: Punan Mo!


Sa puntong ito ay bubuo ka ng iyong sariling istasyon ng radyo. Maghahanap
ka ngayon ng mga taong angkop sa mga posisyong nabanggit na iyong napag-
aralan.
Panuto: Mula sa iyong klase, pumili ka ng iyong kaklase na angkop ang katangian o
personalidad sa bawat posisyon ng organisasyon. Ipaliwanag o bigyang
patunay kung bakit siya ang napili mo sa nasabing posisyon. Gawin ito batay
sa sumusunod na pormat.

5
Journalism (Filipino) 9
Competency: Naipaliliwanag ang mga gampanin at pananagutan ng mga taong bahagi ng
programang panradyo (SPJ9PPR-IId-36)
PANGALAN ng POSISYON/GAMPANIN KATANGIAN/PERSONALIDAD
Iyong Kaklase

Halimbawa:
1. Juan dela Tagapamahala ng ● May kakayahang mamahala
Cruz Istasyon sa buong klase. Bihasa sa
pagpapatupad ng mga
patakaran at may
kakayahang magdesisyon.

REPLEKSIYON

Binabati kita! Napagtagumpayan mo ang


mga gawaing inihanda para sa araling ito. Ngayon,
iyong balikan at pagnilayan ang iyong mga
natutuhan.

GAWAIN 3: Ako Bilang Mamamahayag!


Panuto: Pumili ng isang gampanin at pananagutan sa isang programang panradyo
na gusto mo para sa iyong sarili. Pagkatapos, punan ng mga impormasyon ang
susunod na gawain.
Ako si_____(Pangalan)_________ bilang _____(Gustong Posisyon) ay
batid ang aking tungkulin na _______________________________________

6
Journalism (Filipino) 9
Competency: Naipaliliwanag ang mga gampanin at pananagutan ng mga taong bahagi ng
programang panradyo (SPJ9PPR-IId-36)
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.
Kaugnay nito, gagampanan ko nang buong husay at katapatan ang
mga tungkulin iniatang sa akin.

PAGTATAYA

I. PANUTO. Isulat ang TOTOO kung wasto ang pahayag at HINDI TOTOO
kung kabaliktaran.
1. Walang kaugnayan sa isa’t isa ang ibang sektor ng programang panradyo.
2. Sa announcer nakasalalay ang tagumpay at katanyagan ng isang istasyon ng
radyo.
3. Mahalagang magampanan ng bawat isa ang kanilang gampanin para maibahagi
ang maayos at makabuluhang programa.
4. Ang bawat taong bumubuo sa istasyon ng radyo ay may kani-kaniyang sariling
gampanin at pananagutan.
5. Malayang magkasalitan ng responsibilidad ang mga taong bumubuo ng istasyon.

II. PANUTO. Basahin nang mabuti ang pahayag sa bawat aytem. Piliin at isulat
ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
1. Siya ang namamahala sa lahat ng musika at mga uri nito na ginagamit ng
istasyon.
A. Punong Pamatnugot C. Direktor ng Musika
B. Newscaster D. Direktor ng Produksyon
2. Isinasaalang-alang niya ang paggawa ng mga sales plans at nagpapahintulot ng
lahat ng mga sales promotion campaign.
A. Maintenance Engineer C. Announcer
B. Newscaster D. General Sales Manager
3. Siya ang nagsisiguro ng produkyson ng programa na maayos na
maisahimpapawid.
A. Punong Pamatnugot C. Direktor ng Musika
B. Newscaster D. Direktor ng Programa
4. Tinagurian siyang tinig o boses ng isang istasyon ng radyo.
A. Maintenance Engineer C. Announcer
B. Newscaster D. General Sales Manager
5. Gampanin niya ang magsuri sa kawastuhan at katotohanan ng mga impormasyon
o balita bago ito isahimpapawid ng istasyon.
A. Maintenance Engineer C. Punong Pamatnugot
B. Newscaster D. General Sales Manager

7
Journalism (Filipino) 9
Competency: Naipaliliwanag ang mga gampanin at pananagutan ng mga taong bahagi ng
programang panradyo (SPJ9PPR-IId-36)
SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsusulit Pagtataya


C HINDI TOTOO
D HINDI TOTOO
B TOTOO
F TOTOO
A TOTOO
C

SANGGUNIAN

“Radio Station Job Profiles.” Pauldenton.co.uk. Accessed November 13, 2020.


http://www.pauldenton.co.uk/Radio-job-profiles.html

“Types of Radio Station Jobs/Radio Station Staff & Personnel.” Planetary Group.
Accessed November 13, 2020. http://www.planetarygroup.com/music-
promotion-guide/radio-station-personnel/

8
Journalism (Filipino) 9
Competency: Naipaliliwanag ang mga gampanin at pananagutan ng mga taong bahagi ng
programang panradyo (SPJ9PPR-IId-36)

You might also like