Professional Documents
Culture Documents
Filipino 8
Q3 Aralin 2 : Pagpapahayag ng
Katotohanan, Opinyon, Hinuha at Personal
na Interpretasyon
KOLOKYAL
BALIK-ARAL: Ang Mundo ng Multimedia
Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon
BANYAGA
BALIK-ARAL: Ang Mundo ng Multimedia
Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon
BALBAL
BALIK-ARAL: Ang Mundo ng Multimedia
Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon
BALBAL
BALIK-ARAL: Ang Mundo ng Multimedia
Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon
KOLOKYAL
BALIK-ARAL: Ang Mundo ng Multimedia
Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon
MAHUSAY
!
SA PANAHON NGAYON…
ARALIN 2: PAGPAPAHAYAG NG
KATOTOHANAN
OPINYON
HINUHA
PERSONAL NA
INTERPRETASYON
KATOTOHANAN
Ito ay isang pahayag na nagsasaad
ng ideya o pangyayaring
napatunayan at tanggap ng
lahat.
KATOTOHANAN
aklat /sanggunian
pananaliksik
balita
at iba pa
PANANDANG PANDISKURSO
ayon sa/kay
batay sa resulta ng
pinatutunayan ni
mula sa/kay
sang-ayon sa/kay
mababasa sa
at iba pa
HALIMBAWA
1. Batay sa tala ng DepEd, ang naturang bilang ay
76% lamang ng kabuuang enrollment noong
nakaraang taon.
2. Ayon sa NDRRMC, mahigit 100 indibidwal ang
nasawi matapos manalanta ang bagyong Ulysses
sa Gitnang Luzon, Calabarzon, at NCR noong
Nobyembre 11-12, 2020.
OPINYON
Ito ay pananaw ng isang tao o grupo ng
mga tao na maaaring totoo o pwedeng
pasubalian ng iba, batay lamang ito sa
kanilang obserbasyon o karanasan.
PANANDANG PANDISKURSO
sa aking palagay
sa tingin ko
sa nakikita ko
sa pakiwari ko
kung ako ang tatanungin
para sa akin
sa ganang akin
at iba pa
HALIMBAWA
1. Kung ako ang tatanungin, dapat lamang na
taasan ang sahod ng mga manggawang
pangkalusugan sa Pilipinas.
2. Para sa akin, ang pinakamahalagang salik sa
pagkakaibigan ay ang pagtitiwala sa isa’t isa.
HINUHA
Ang pagkilala sa maaaring sanhi o bunga
ng isang pangyayari batay sa mga hudyat,
bakas, palatandaan, ebidensya o
implikasyong ipinakikita sa isang kuwento,
akda o pangyayari.
HALIMBAWA
1. Magiging mas tiyak na ang mga botante sa
pagpili ng mga pinuno sa susunod na halalan.
2. Kumpiyansa naman ang DepEd na maaabot nila
ang target na 80% ng nakaraang bilang ng
enrollees na 27.7 milyon.
ANONG HINUHA MO?
Panuto: Mula sa mga
mapakikinggang batayan tulad
ng mga hudyat, palatandaan o
mga impormasyon, magbigay
ng hinuha kung ano ang
maaaring sanhi o bunga ng
pangyayari.
ANONG HINUHA MO?
Mga hudyat:
Patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa
Pilipinas
Nananatiling walang malawakang testing at
maayos na contact tracing
Hindi pa dumadating ang mga bakunang
kailangan para sa lahat
ANONG HINUHA MO?
Mga hudyat:
Humahangos ang iyong guro patungo sa
klinika ng inyong paaralan
Umiiyak ang ilang kamag-aral mo
May naririnig kang sirena ng ambulansya
ANONG HINUHA MO?
Mga hudyat:
Nais bumili ng inyong grupo sa sayaw ng mga
bagong kostyum
Tinatayang mahigit 80% na ang nakabili ng
tiket para sa inyong pagtatanghal
Marami pang mga mag-aaral ang nakapili
upang bumili
HINUHA
MAGALING
!
PERSONAL NA
INTERPRETASYON
Tumutukoy ito sa sariling pagtingin, o
pananaw matapos basahin, makita, o
masaksihan ang isang bagay o pangyayari.
PERSONAL NA
INTERPRETASYON
Tumutukoy ito sa sariling pagtingin, o
pananaw matapos basahin, makita, o
masaksihan ang isang bagay o pangyayari.
HALIMBAWA
1. Ang pelikulang Magnifico ay isang manipestasyon ng
kahalagahan ng pagiging mabuti, ano man ang edad o
estado sa buhay.
2. Bagaman may dulot na kaaliwan ang pagsasagawa ng
mga prank, dapat maging maingat at sensitibo sa
anumang maaaring maging epekto nito sa iba.
BALIKAN NATIN!
KATOTOHANAN
OPINYON
HINUHA
PERSONAL NA
INTERPRETASYON
GAWAIN: KATOTOHANAN O OPINYON
1
K Ayon sa pag-aaral ay patuloy pa rin ang mga
____
eksperto sa pagtuklas ng lunas para sa sakit na Covid-
19.
2
K Nahuhuli na ang Commission on Elections sa
____
apat na milyong target na bagong botante para sa
halalan 2022.
3
O
_____ Prayoridad ng mga tao ang pagloload sa kani-
kanilang mga mobile phones.
K
____ Nanguna ang mga Filipino sa mga bansa sa mundo na
matagal ang pananatili sa paggamit ng social media at
internet ayon sa Digital 2021 report ng socially-led creative
agency na We Are Social.
GAWAIN: KATOTOHANAN O OPINYON
4
K
____ Inaprubahan ng National Solid Waste Management
Commission (NSWMC) noong Martes ang isang resolusyon
na nagbabawal sa mga plastik na soft-drink straw at plastik
na stirrer, na karaniwang ginagamit sa mga restawran sa
bansa.
____ Mababawasan na siguro ang pagkakalat ng mga tao ng
O
basurang ito.
GAWAIN: KATOTOHANAN O OPINYON
5
K
____ Ayon sa Malacañang, na kay Pangulong Duterte ang
pasya kung matutuloy ang pagbabalik ng face-to-face
classes sa Enero 2021.
Maraming Salamat sa
pakikinig 8-Janssen