You are on page 1of 6

MODYUL SA FILIPINO 8

Kwarter Ikalawa Bilang ng Modyul Ikatlo


Linggo at Gng. Abegail S.
Ikalawa/ Guro
Petsa Cabral

naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa sa kaugnayan ng panitikang


A. Pamantayang Nilalaman
popular sa kulturang pilipino
I. LAYUNIN NG MODYUL Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang
B. Pamantayang Pagganap kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (Social Media Awareness
Campaign)
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at
personal na interpretasyon ng kausap
 nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio
broadcasting
 naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo
 nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa paghahayag ng
konsepto ng pananaw (ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, iba pa)
 nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa
itinakdang mga pamantayan
C. Mga kasanayang  naipahahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran;
Pampagkatuto nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at
pananaw ng nagsasalita
 nasusuri ang napanood na pelikula batay sa: - paksa/tema -layon -
gamit ng mga salita -mga tauhan
 nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng
pelikula
 naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyung
mahihinuha sa napanood na pelikula
 nagagamit ang kahusayang gramatikal (may tamang bantas, baybay,
magkakaugnay na pangungusap/ talata sa pagsulat ng isang suring-
pelikula
Aralin 2: Tanikalang Lagot at Anak
Panitikan: Pagsulat ng Iskrip ng Programang Panradyo
Aralin 2.1: Anak
a. Paksa
Panitikan 2.2: Pagsulat ng Rebyu ng Isang Pelikula
Wika at Gramatika 2.3 Ekspresyong nagpapahayag ng Konsepto at Pananaw
2.4 Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal
 Julian, Baisa Ailene, Lontoc, Nestor S., Jose Cannela
b. Sanggunian Dayag Alma M. Pinagyamang Pluma.Phoenix Publishing House inc.
 https://sentrofilipino.upd.edu.ph/portfolio/pagsulat-ng-iskrip-sa-radyo/

II. POKUS AT TALAAN NG SANGGUNIAN


PAGNILAYAN MO!!!
 Bakit mahalagang makalaya ang tao sa mga tanikala ng buhay na gumagapos tulad ng bisyo,
kahirapan o negatibong pag-uugali?
 Bilang isang anak paano mo maiapkikita ang pagmamahal at paggalang sa iyong pamilya?
III. NILALAMAN NG PAGKATUTO

b. Mga Bokabularyong Salita

1 | F O R V C A S T U D E N T S O N L Y . R e p r o d u c ti o n o f t h i s m o d u l e i s p r o h i b i t e d .
a. Motibasyon/Pokus na Tanong
 Iskrip- ito ang pinakakaluluwa ng dulang itatanghal.
 Pelikula-Sine o pinalakang tabing
 Mass Media-Ito ay midyong katulad ng radio op internet na nakaabot sa maraming tao.

c. Lektura/Diskusyon

Alam mo ba…
Ang mass media sa kasalukuyan ay isa sa mga itinuturing
na pinakamalaks makahikayat at makaimpluwensiya sa isip at
damdamin ng mga tao. Madali nitong napupukaw ang interes ng
mga tao sapagkat gingamitan ito ng audio (pandinig) at visual
(Paningin). Ang mass media ay tumutukoy sa iba't ibang paraan ng
komunikasyon kung saan naabot nito ang maraming tao sa
mundong tinatawanag na audience o receiver na wala naming
personal na relasyon sa mga sender nito.
Nakapaloob sa mass media ang larangan ng broadcast na
kinabibilangan ng radio at tejebisyon; print na binubuo naman ng LEEVERAGEE.COM
pahayagan at limbagan;
Advertising tulad ng commercial ads at patalastas; poster,
billboards, streamers; pelikula; at maging video tecknology. Ang
mga nabanggit na midyum ng mass media ay nagsisilbing
instrument o lakas na humihigop sa utak ng mga tagatanggap
(receiver) ng mensahe mula sa tagapagsalita (source o sender).
Itinuturin na mekanismo ng pagbabago ng kulturang Pilipino ang
mass media sapagkat may kakayahan itong baguhin ang
paniniwala at pagpapahalaga ng isang tao n amabilis na paraan.
Kaya napakahaiagang sinusuri ng bawat isa ang nilalaman o
mensaheng ipinahahatid ng kanilang pinanonood, binabasa,
nakikita, o maging kanilang pinakikinggan. Ang Dulang panradyo
na iyong mapakikinggan o mababasa ay itinaghal sa estasyon ng DZAS sa kanilang program ana
isinulat ni Gerri Penalosa.

Pakinggan ang Aralin 2. Tanikalang Lagot na nasa iyong OTG FLASHDRIVE

Aralin 2 Pagsulat ng iskrip ng Programang


Panradyo
Makapangyarihan ang midyum ng radyo. Naaabot nito ang malaking bilang ng
tao. Maaari
itong magbigay ng impormasyon, mang-aliw, makapagturo o makaimpluwensiya. Dahil dito,
maraming tao ang nahihikayat na magtrabaho sa mga estasyon ng radyo o kaya’y matutong
maghanda ng mga materyal na panradyo.  
ISKRIP
 Isang taguri sa manuskrip ng isang audio- visual material na ginagamit sa broadcasting.
Ginagamit ito sa produksiyon ng Programa.
 Ito ay naglalaman ng mga mensahe ng program ana dapat ipabatid
sa mga nakikinig. Napakahalaga nito sapagkat ito ang nagbibigay
gabay sa mga direktor, tagaayos ng musika, editor at technician.
Bilang Iskrip, ito ay gagamit muna ng Print Medium. Mula sa
pormang ito ang iskrip ay gagawing pasalita at gagamitin ng mga
tunog.
 Ito ay isang transisyon lamang sa pakikipagkomunikasyon sa TL.VVVV.IN.UA

pamamagitan ng radio.
 Sa iskrip ng drama kinakailangan ipakilala ng manunulat ang mga tauhan sa pamamagitan ng
kanilang pangalan o katawagan.
 Ito ay upang bigyang kabatiran ang mga tagapakinig kung sino ang mga tauhang nagsasalita.
Kinakailangan din sabihin ng mga tauhan ang lahat ng nangyayari sa eksena dahil hindi
naman ito nakikita ng mga tagapakinig.

Pormat Ng Iskrip
2 | F O R V C A S T U D E N T S O N L Y . R e p r o d u c ti o n o f t h i s m o d u l e i s p r o h i b i t e d .
Narito Ang tuntuning dapat ninyong sundin kapag kayo ay susulat ng isang Iskrip panradyo.
1. Gumamit ng maliliit na titik sa pagsulat ng diyalogo.
2. Isulat sa malaking titik ang musika, epektonp pantunog, at ang emosyonal na reaksiyon ng
mga tauhan.
3. Guhitan ang SFX (sound effects) at MSC (music)
4. Hindi lamang ipinakikita ang paggamit ng musika at epektong pantunog kundi kailangan ding
ipakita kung paano gagamitin ang mga ito.
5. Kailangan may dalawang espasyo pagkatapos ng bawat linya sa iskrip kapag minamanikilya o
kinompyuter.
6. Lagyan ng numero ang bawat linya. llagay ang numero sa kaliwang bahagi bago ang unang
salita ng linya upang maging madali ang pagwawasto kapag nagrerekording.
7. Ang mga emsoyonai na reaksyon o tagubiiin ay kailangang isulat sa malaiaking titik Gagamitin
lamang ang mga ito upang ipabatid kung paano sasabihin ang mga linya o diyalogo ng mga
tauhan. llagay ang mga ito sa 100b ng parentesis o panaklong at isulat sa malaking titik.
8. Gumamit ng mga terminong madaling maintindihan sa pagbibigay ng indikasyon kung sino
ang nagsasalita at anong uri ng tinig ang maririnig.
9. Isulat sa malaking titik ang posisyon ng mikropono na gagamitin at ilagay ito sa parentesis.
10. Maglagay ng tutuldok o kolok (pagkatapos isulat ang pangalan ng tauhang magsasalita o
pagkatapos isulat ng SFX O MSC.
11. Sa panibagong pahina ng Iskrip, umpisahan ang paglalagay ng numero sa bawat bilang.

Anak (Pelikula)
Ang Pelikulang Pilipino ay itinuturing isa sa
pinakabata ngunit kinaaliwang libangan ngayon ng mga
Pilipino sa bansa. Ayon sa kasaysayan ng pelikulang
Pilipino, ang naitalang kauna-unahang pelikulang ginawa
sa Pilipinas ay ang Dalagang Bukid sa direksyon ni Jose
Nepomuceno noong 1919 na hango sa Zarzuelang isinulat
niina Hermogenes llagan at Leon Ignacio. Ang mga
unang pelikula noon ay kalimitang batay lamang sa mga
pelikulang gawa sa Hollywood kung hindi man ay
hinahango ang istorya ng mga ito sa aklat.
Noong 1929, ipinalabas sa bansa ang kauna-unahang pelikulang may saliw na tunog- walang
iba kundi ang Syncopation na ipinalabas sa Radyo Theater Sta Cruz, Maynila. Taong 1932 nang
ipalabas Ang aswang, na may temang katatakutan, na unang pelikulang tagalog na nilapatan ng
tunog sa bansa. Noong deka '30 nauso ang mga pelikulang tumatalakay sa mga nagging karanasan
ng mga Pilipino sa kamay ng mga mananakop tulad ng Patria Amore (Love of country), at Mutya
ng Latipunan (Muse of Katipunan) na pawing may element ng propagandang laban sa espanya.
Nilikha ang mga ito ni Julian Manansala na kinilala bilang "Ama ng Pelikulang Pilipino" at siyang
nagtatag ng Malayan Movies na kauna-unahang Filipino Studio sa bansa. Si Carmen Concha, ang
unang babaeng direktor sa Pilipinas na gumawa rin ng pelikulang tumatalakay sa buhay ng mga
Pilipino tulad ng Mgkaisang Landas at Yaman ng Mahirap noong 1939 sa ilalam ng Parlatone
Hispano-Filipino at ang Pangarap noong 1940 sa ilalim LVN Pictures. Ang Pelikulang ANAK ay
kinilala bilang isa sa pinakamahusay ng Pelikulang Pilipino. Ito ay ipinalabas noong 2000 bilang
handog sa mga Overseas Filipino Worker pinagbidahan ni Vilma Santos.
Panoorin ang Pelikulang anak na nasa iyong OTG Flashdrive.

Pagsulat ng Rebyu ng Isang Pelikula


Ang pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula ay isang paraan ng pagpapahalaga sa sining ng
pelikula kung saan ang manunuri ay maingat na nagtitimbang at nagpapasiya sa katangian nito. Ang

3 | F O R V C A S T U D E N T S O N L Y . R e p r o d u c ti o n o f t h i s m o d u l e i s p r o h i b i t e d .
pagsusuri ay tumutukoy hindi lamang sa kahianaan at kakulangan kundi gayundin sa mabubuting
bagay na dapat isaalang-alang sa pagpapaganda ng pelikula.
Ang mga sumusunod ay mga elemento na dapat isaaalang-alang sa pagsusuri ng pelikula:
1. Kuwento- Ito ay tumutukoy sa istorya o sa mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula.Sa
pagsusuri ng pelikula pagtuonan ng pansin ang mga sumusunod na tanong:
 Bago ba o tuma ang istorya?
 Ito ba ay ordinary o gasgas na at naulit-ulit na rin sa ibang pelikula? Malinaw ba ang
pagkakalahad ng istorya?
Nakapupukaw ban gf interes?
2. Tema- Ito ang paksa ng pelikula. Ito ang diwa ng kaisipan, at pinakapuso ng pelikula.
 Napapanahon ba ang paksa?
 Malakas ba ang dating o impact sa manonood kung saaan ito ay nakatimo sa isip?
 Akma ba ang tema sa panahon kung kailaan ito nagawa o akma sa lahat ng panahon?
3. Pamagat-Ang pamagat ng pelikula ay naghahatid ng pinakamensahe nito. Ito ay nagsisilbi ring
paghatak ng pelikula.
 Ito ba ang angkop sa pelikula?
 Nakatatwag ba ng pansin?
 Mayroon bang simbolo o pahiwatig?
4. Tauhan-Ang mga karakter ng gumaganp at nagbibigay-buhay sa kuwento ng pelikula.
 Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan?
 Makatotohanan ba ang mga ito?
 Angkop ba ang mga pagganap ng artista sa pelikula?
5. Diyalogo- Ito ang mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento.
 Naisasaalang-alang ba ang mga uri ng lengguwaheng ginagamit ng mga tauhan sa kuwento?
 Matibo ba, bulgar, o naangkop ang mga ginamit sa salita kabuoan ng pelikula?
 Angkop ba ang edad ng target na manonood ng pelikuta ang dioyalogong ginamit?
6. Cinematography-Ito ay ang matapat na paglalarawan sa buhay ng pelikula.
 Mahusay ba ang anggulong kinunan?
 Naipakita ba ang camera shot ang mga bagay o kaisipang nais palutangin?
 Ang lente ba ng kamera ay nag-adjust para sumunod sa galaw ng artista?
7. Iba pang Aspektong Teknikal- Ito ay ang paglalapat ng tunog sa pelikula, pagpapalit-palit ng
eksena, special effects, at editing.
 Akma ba ang musika at nababagay sat ema at eksenang ipinakikita sa pelikula?
 Maayos ba ang pagkaka-edit ng pelikula? Wala bang bahaging parang putol?

d. Karagdagang kaalaman
e.

Aralin 2.3 Ekspresyong sa Pagpapahayag ng Konsepto o


Pananaw
Alam mo ba na…
Sa pagbibigay ng konsepto o pananaw ay maaring banggitin o magpahayag batay sa sariling
damdamin, paniniwala, ideya, kaisipan o karanasan maging sa ibang tao. Ang ganitong pahayag ay
makikilala sa paraan ng pagkakalahad ng nagsasalita o nagsusulat. llan sa ekspresyong ginagamit
sa pagpapahayag ng pananaw ay ang:
 Alinsunod sa… naniniwala ako na…  Palibhasa’y naranasan ko kaya
 Anupa’t ang pananaw ko sa bagay na masasabi kong...
iyan ay...  Para sa akin…
 Ayon sa...  Sa bagay na iyan masasabi kong
 Batay sa…  Sa ganang akin…
 Kung ako ang tatanungin, nakita kong...  Sang-ayon sa...
 Lubos ang aking paniniwala sa…

4 | F O R V C A S T U D E N T S O N L Y . R e p r o d u c ti o n o f t h i s m o d u l e i s p r o h i b i t e d .
Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal
May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-ugnay o pinagsama.

1. Dahilan at Bunga/ Resulta- Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ang dahilan ng isang pangyayari.
Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nito.

Tingnan ang halimbawang mga pangungusap na nagpapakita ng relasyong dahilan/sanhi at resulta/


bunga. Pansinin ang mga pang-ugnay na ginamit, gayon din ang padron ng pagsusunod-sunod ng
mga konsepto.
 Nag-aaral siyang Mabuti (dahilan + pang-ugnay+resulta)
kaya/kaya naman natuto siya nang husto.
 Nag-aaral siyang mabuti. dahil dito/Bunga nito/Tuloy
(dahilan + pu + resulta; may hinto sa pagitan ng dahilan at resulta)
 natuto siya nang husto. Sapagkat/Pagkat/Dahil
 nag-aral siyang mabuti natuto siya nang husto. Natuto siya nang husto
(pu + dahilan + resulta; may hinto pagkatapos ng dahilan)
(resulta + pu + dahilan)
 sapagkat/pagkat/kasi/ dahil nag-aral siyang Mabuti
Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang paraan. Ginagamit ang
mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi
samantalangnaghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan
dito at bunga nito.

2. Paraan at Layunin- Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o
naiisipan sa tulong ng isang paraan. Tingnan ang halimbawa. Pansinin ang mga pang-ugnay, pati na
ang padron ng pagpapahayag ng relasyon.
 Upang/Para matuto nang husto, nag-aaral siyang mabuti.
 Nag-aaral siyang mabuti upang /para/nang sa ganoo’y matuto nang husto.
(pu + layunin + paraan May hinto pagkatapos ng Layunin) (paraan + pu + layunin)
Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang, o nang sa ganoon upang
maihudyat ang layunin.
3. Paraan at Resulta Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Sa mga
halimbawa, nakaturo sa resulta ang arrow. Sa matiyagang pag-aaral, nakatapos siya ng kaniyang
kurso.
(paraan + resulta)
 Nakatapos siya ng kaniyang kurso sa matiyagang pag-aaral.
(resulta + paraan)

 Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng sa ang


paraang ginamit upang makamit ang resulta.
4. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan- Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan:Una,
tumbalik o salungat sa katotohanan ang kondisyon. Tingnan ang halimbawa kung saan nakaturo sa
bunga o kinalabasan ng arrow.
 Kung nag-aaral ka lang nang mabuti,
(pu + kondisyon + bunga)
 sana’y natuto ka nang husto. Natuto ka sana nang husto
(bunga + pu + kondisyon)
 kung nag-aral kang mabuti.
At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito: Kapag/Sa sandaling/ basta’t
(pu+ kondisyon + bunga)
 nag-aral kang mabuti, matututo ka nang husto. Matututo ka nang husto
(bunga + pu + kondisyon)
kapag/ sa sandaling/ bastat nag-aral kang mabuti. Sa unang paraan (salungat sa katotohanan
ang kondisyon), ginamit ang pangugnay na kung at karaniwan itong sinamahan ng sana upang
maipakitang salungat nga sa katotohanan ang bunga o kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang kapag,

5 | F O R V C A S T U D E N T S O N L Y . R e p r o d u c ti o n o f t h i s m o d u l e i s p r o h i b i t e d .
sandaling… o basta’t upang ipahayag na maaaring maganap ang isang pangyayari kung isasagawa
ang kondisyon.

h. Mga Ilustrasyon at Halimbawa

youtube.com
rappler.com

Mentalfloods.com
En.wikepedia.org

Tatak Vincentian! Gawang Vincentian!

 Integrity, Charity, Life and Dignity of Human Person


Bawat Tao’y may kani-kaniyang pananaw sa buhay. Lumaki ang bawat isa na amy kani-knaiyang
karanasan sa buhay mula sa mga mahal sa buhay o higit lalo sa pagpapalaki ng magulang. Ang ating
magulang ay biyaya ng Poong Mayakpal na nararapat na ipagpasalamat sa ating buhay anoman ang
estado ng kanilang buhay. Walang kahit anong bagay ang makapapalit o makapagbabayad sa
sakripisyong kanilang iginugol mula ng tayo’y maliit pa lamang. Pagmamahal at paggalang ang
isyang nararapat upang ang pusong Dalisay nilay gumalak sapagkat ito ay nararapat o sang-ayon s
autos ng Diyos igalang ang iyong ama at ina. Dahil sila ang pinakabiyayang natanggap natin sa ating
buhay. Walang sinoman ang nakaalam ng sakripisyong ipinagkaloob nila sa atin.

Efeso 6

6 Kayong mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sang-ayon sa Panginoon, sapagkat
ito ay nararapat. 2 “Igalang mo ang iyong ama at ina”—ito ang unang utos na may pangako, 3 “upang
lumigaya ka at humaba ang iyong buhay sa ibabaw ng lupa.” 4 Kayong mga ama, huwag ninyong
itulak sa galit ang inyong mga anak, sa halip ay palakihin ninyo sila sa disiplina at pangaral ng
Panginoon.
g. Mga kaugnay na babasahin

Pagbati! Kinagagalak kong napagtagumpayan mo ang mga gawain ng iyong modyul. Upang
mas mapaigting pa ang iyong kaalaman ay minarapat kong ibahagi ang bidyu ng aking diskusyon
sa iyong OTG Flashdrive. Kung mayroon kang oras at gusto mo pang mapalalim ang iyong
pagkatuto sa ating pinag-aralan ay maaari kang magtungo sa mga hanguang elektroniko na nasa
ibaba na maaaring saliksikin sa google.

6 | F O R V C A S T U D E N T S O N L Y . R e p r o d u c ti o n o f t h i s m o d u l e i s p r o h i b i t e d .

You might also like