You are on page 1of 7

MODYUL SA FILIPINO 8

Bilang ng
Kwarter Ikalawa Ikatlo
Modyul
Linggo at
Guro Gng. Abegail S. Cabral
Petsa

Naipamamalas ng mag-aaral ang Pang-unawa sa mga akdang


A. Pamantayang
Pampanitikang lumaganap sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt, at sa
Nilalaman
Kasalukuyan
I. LAYUNIN NG MODYUL
B. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay naisusulat ang sariling tula sa alimang anyo na
Pagganap tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, sa bayan, kalikasan
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 naiuugnay ang tema ng napanood na programang pantelebisyon sa
akdang tinalakay
 naipaliliwanag nang maayos ang pansariling kaisipan, pananaw,
opinyon at saloobin kaugnay ng akdang tinalakay nagagamit ang iba't
C. Mga kasanayang ibang paraan ng pagpapahayag (Pag-iisa-isa, paghahambing, at iba
pa) sa pagsulat ng sanaysay
Pampagkatuto
 naiuugnay ang mga kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa sarili,
lipunan, at daigdig.
 nabibigyang kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa
akda.
 nakasusulat ng wakas ng maikling kuwento
-nakikilala ang mga pang-uri at kaanatasan nito.

Aralin 3: Amerikanisyon ng Isang Pilipino


Panitikan: 3.1 Sanaysay
a. Paksa Aralain 3.2 Saranggola (Maikling Kuwento)
Wika at Gramatika 3.3 Iba't ibang Paraan ng Pagpapahayag
3.4 Pang-uri at Kaantasan nito
 http://pdfcoffee.com/pagsusuri-sa-akdang-amerikanisasyon-pdf-free.html
b. Sanggunian  http://butron25.blogspot.com/2017/03/suring-basa-saranggola-ni-efren-
r.html?m=1

a. Motibasyon/Pokus na Tanong

PAGNILAYAN MO!!!
 Ano-ano ang magagwa mo upang mabawasan ang kaisapang kolonyal sa bansa?
II.  Bakit
POKUS AT TALAAN
mahalagang NGang
sundin SANGGUNIAN
payo ng magulang at pangarap?

b. Mga Bokabularyong Salita


III. NILALAMAN NG PAGKATUTO

1 | F O R V C A S T U D E N T S O N L Y . R e p r o d u c ti o n o f t h i s m o d u l e i s p r o h i b i t e d .
 Saranggola- Isang laruang karaniwang gawa sa manipis na patpat na kawayan bilang
balangkas at sinapnan ng papel o manipis na tela.
 Sanaysay- Galing Sa salitang latin na "exagere" na nagangahulugang gawin, magpaalis,
magtimbang at magbalanse.
 Pang-uri- Salitang naglalarawan o nagbibigay turing a panggalan o panghalip.
 Maikling Kuwento- Ito ay pagsasalaysay sa buhay ng pangunahing tauhan

c. Lektura/Diskusyon

Aralin 3. Amerikanisyon ng Isang Pilipino


Alam mo ba…
Sanligan: Ito’y isang sanaysay na isunulat ni Ponciano B.
Peralta Pineda. Isang manunulat, guro, linggwista at abogado.
Itinuring “Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino” si Pineda dahil
sa pagsulong niya na maitatag ang komisyon batay sa Seksiyon
9 ng ating Saligang Batas. Siya din ay naging direktor ng
Komisyon sa Wikang Filipino na dati ay Surian ng Wikang
Pambansa sa taong 1971 hanggang 1999. Sa ilalim ng kanyang
pamumuno, sinimulan niya ang mga sosyo-linggwistikong
pananaliksik, na layong palaguin ang wikang pambansa. Isa na
rito ang patungkol sa repormang ortograpiya ng wikang Filipino. Sa ilalim ni Pineda ay may malaking
pagbabago sa mga patakaran ng wika: ang bilingual na edukasyon sa taong 1974; Filipino bilang
pangunahin at pambansang wika sa taong 1983 ng mga Pilipino; at alpabetong Pilipino na binubuo
ng 28 titik sa taong 1987 . Itinatag din niya ang 12 Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino sa buong
kapuluan. Ang Diksiyunaryong Pilipino (1973) ni Jose Villa Panganiban, diksiyunaryong pansentenyal
ng Komisyon ng Wikang Filipino (1998) na inedit ni Ponciano B. Pineda. Inilathala ni Pineda ang
Diksiyunaryo ng Wikang Filipino na nagsilbing pundasyon ng pambansang leksikograpiya.
Pinarangalan din si Pineda ng Gawad Palanca ng una at ikalawang gantimpala para sa kanyang mga
maikling kwentong “Ang Mangingisda” (1958) at “Malalim ang Gabi” (1953). Sa tulong ng dating
kalihim ng kagawaran ng Pilipino na si Jose Villa Panganiban, nakapagtapos si Ponciano sa
Unibersidad ng Santo Tomas noong 1948 sa kursong Associate in Arts. Bukod dito, naging patnugot
rin si Pineda ng Filipino sa Varsitarian. Matapos mag-aral sa UST ay kamuha siya ng kursong
Abugasya sa Manuel Luis Quezon University habang nagtratrabaho sa Surian ng Wikang Pambansa.
Nang pumasa sa Bar sa Pineda noong 1953 ay binalak niyang lisanin ang Surian ngunit hinikayat
siya ni Panganiban na manatili dito. Pinalitan niya si Panganiban bilang tagapangulo ng Surian mula
1971 hanggang 1999. Pumanaw si Pineda dahil sa Cardiac arrest.
KAHULUGAN NG PAMAGAT
Ang “Amerikanisasyon ng Isang Pilipino” ay isang sakit na tumatalamak sa katawan ng ating
lipunang mga Pilipino. Ito ay tumutukoy sa mas higit na pagtangkilik sa wikang banyaga kaysa sa
ating sariling wika.
KULTURANG PILIPINO
1. Kolonyal na Mentalalidad – pagtangkilik sa mga produkto at kultura ng mga banyaga.
2. Sistema ng Panggagaya
3. Pilosopiyang Pilipino “Ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa
malansang isda.”-Dr. Jose Rizal Ang pamilya dito sa sanaysay na ibinigay na halimbawa ng may
akda ay isang halimbawa ng mga Pilipinong hindi marunong magmahal sa sariling wika at mahigit pa
sa malansang isda.
4.Simbolismong Pilipino:
a. Amerikanisasyon- sumisimbolo ito sa wikang banyaga na nagiging hadlang para mabuo o
mabuklod ang isang tunay na lipunang Pilipino.
b. Pamilya- sumisimbolo sa mga Pilipinong higit na nagpapahalaga sa wikang banyaga
kaysa sa sariling wika.
c. Wikang Ingles – nakikitang hadlang sa pag-unlad ng wikang Filipino sa bansa. - nakikita
ding hadlang sa pagkakabuo ng isang lipunang Pilipino.

2 | F O R V C A S T U D E N T S O N L Y . R e p r o d u c ti o n o f t h i s m o d u l e i s p r o h i b i t e d .
Aralin 3.1 Sanaysay
Ito ay isang sulatin na naglalayong magpahayag, magpaliwanag, at
magsalaysay ng mga pananaw o kaalaman. Ito ay nakatuon sa
iisag paksa at diwa lamang.

Dalawang Uri ng Sanaysay

1. Pormal na Sanaysay
o Tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at
malalim na pagkaka-unawa.
o Naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng
pagkakasunod-sunodupang lubos na maunawaan.
o Ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong
ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik.
2. Di-Pormal na Sanaysay
o Tumtalakay sa paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at personal.
o Karaniwang nagtataglay ng opinion, kuro-kuro at paglalarawan ng isang may-akda.
o Naglalaman ng nasa loob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na
nakikita at nararanasan ng may-akda.
o
Elemento ng Sanaysay

1. Tema at Nilalaman
2. Anyo at Istruktura- maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari.
3. Kaisipan- Mga ideyang nabanggit na may kaugnayan sa panlinaw na tema.
4. Wika at Estilo- Simple, natural at matapat na pahayag.
5. Larawan ng Buhay
o Nilalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay.
o Masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may-akda.

Aralin 3.2 Saranggola (Maikling Kwento)


Ang maikling kwento ay naglalaman ng maiksing salaysay tungkol sa isang
mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang mga tauhan. Ito ay
kinapupulutan ng magandang aral at kadalasang ginagamit bilang kwentong
pambata.
https://pinoycollection.com/category/maikling-kwento/ 

Ang saranggola ay isang laruan na pinalilipad na karaniwang gawa sa maninipis na


patpat na kawayan bilang balangkas at sinapnan ng papel o manipis na tela.
Tinatawag din itong bulador o burador.
PAGKILALA SA MAY AKDA:

Si Efren R. Abueg (Marso 3, 1937) ang isa sa mga ginagalang


na nobelista, kuwentita, mananaysay, at kritiko ng kaniyang panahon. 
Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-
unahang koleksiyon ng mga kwento. Ilan sa mga parangal ni Efren R.
Abueg ay ang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa
taong (1959, 1960, 1963, 1964, 1967 at 1974). Sumulat at nag-edit din
3 | F O R V C A S T U D E N T S O N L Y . R e p r o d u c ti o n o f t h i s m o d u l e i s p r o h i b i t e d .
ng maraming mga sanggunian aklat at ginamit hanggang sa kasalukuyan sa kapwa pribado at
publikong paaralan, mula elementary, sekundarya hanggang sa kolehiyo.

TEMA O PAKSA NG MAY AKDA:

 Ito Ay pumapatungkol sa pagmamahal ng ating mga magulang, lalong-lalo na ang


pagmamahal ng isang ama ay hindi maipagpapalit sa kahit anong kadaming salapi sa
mundong ito.
 Ang pangalawa ay ang buhay ay parang saranggola bago mo ito maipalipad ng
matagal at mataas sa himpapawid kinakailangan mo munang mag-tiyaga, mag-ingat at
maging mahusay sa pagpapalipad nito.

MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG AKDA:

 Ang buhay ay parang saranggola, wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at


pagpapatagal niyon sa itaas nasa na humahawak nag tali nito dahil ikaw ang
kumukontrol sa iyong buhay kaya magsikap, magtiyaga at palaging manalig sa poong
may kapal upang kanyang gabayan sa pagpapalipad mo ng iyong saringling
saranggola.
 Oras ang pinaka-impotanteng bagay sa mundong ito. Ang mga nagdaan ay hindi
muna mababalikan kaya kumilos ka at gumawa ng mga mabubuting bagay sa mundo
dahil hindi mo alam kung kalian kalang mabubuhay sa mundong ito. Kaya kung may
panahon kapa dapat lahat ng mga hindi magandang pangyayari sayong buhay ay
itama muna para hindi ka magsisi sa huli.

http://butron25.blogspot.com/2017/03/suring-basa-saranggola-ni-efren-r.html
d. Karagdagang kaalaman
e.

Aralin 3.3 Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag


Alam mo ba na…
Ang Paglalahad ay nagpapaliwanag, nagbibigay-kaalaman o pakahulugan, at nagsusuri
upang lubos na maipaunawa ang diwang inilalahad o nais ipaabot ng nagsasalita o sumulat.
Upang mabigyang-linaw ang pagpapahayag ay ginagamitan ng iba’t ibang pagpapaliwanag.
1. Pag-iisa-isa Paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o siwasyon sa
pamamagitan ng maayos na paghahanay ng pangyayari.
2. Pagsusuri Sinusuri ang mga salik o bagay-bagay na makaapekto sa
isang sitwasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.
3. Sanhi at Bunga Dito tinatalakay ang sanhi at bunga na siyang madaling
paraan upang makintal sa isipan ng mambabasa o
tagapakinig ang mga pangyayari.
4. Pagbibigay ng Halimbawa Nagpapatibay ng isang paglalahad.

Aralin 3.4 Pang-uri at Kaantasan nito


Pang-uri- Ito ay salitang naglalarawan sa pangngalan (noun) o panghalip (pronoun)
Halimbawa: asul, lima, isang kilo, maganda, mataas, bilog
Kaantasan ng Pang-uri
1. Lantay- Naglalarawan lamang ng isa o payak na pangalan o panghalip.
4 | F O R V C A S T U D E N T S O N L Y . R e p r o d u c ti o n o f t h i s m o d u l e i s p r o h i b i t e d .
Halimbawa: Madungis ang bata.
Mabango ang bulaklak

2. Pahambing- Ginagamit sa pagtutulad ng dalawang pangalan o panghalip.


Dalawang Uri ng Paghahambing
A. Magkatulad- Patas na katangian ang pinagtutulad. Ginagamitan ito ng panlaping
ka, magka, sing, gaya, tulad, at iba pa.
Halimbawa: Magkasingbait sina Atheena at Althea.
B. Di magkatulad- Ang paghahambing kung ito ay nagbibigay ng diwa ng pagkakait,
pagtanggi o pagsalungat.
Dalawang Uri ng Di-Magkatulad
I. PAHAMBING na Pasahol o Palamang- Nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na
katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng
mga katagang: mas, higit na, kaysa at lalong.
Halimbawa: Ang lawa nooon ay mas malinis kaysa ngayon.
Lalong umuunlad ang bayan ng Zaragoza.
II. Pahambing na Patulad- Nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na katangian ng
dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng panlaping;
sing/sin/sim, magsing, kasing, kapwa o pareho.
Halimbawa: Ang bayan ng Zaragoza noon at Bayan ng Zaragoza ngayon ay
magsinghalaga sa mga nabubuhay kaya’t dapat nating paunlarin.

3. Pasukdol- Ito ay nagpapakita ng pinakamtindi o pinakakasukdulang katangian sa


paghahambing ng higit sa dalawang pangngalan o panghalip. Gumagamit ito ng mga
panlaping pinaka-, napaka-, pagka-, kasunod ng pag-uulit ng salitang-ugat o ng mga salitang
ubod ng, hari ng, sakdal at sobra.
Halimbawa: Ang dalagang aking nakita ay ubod ng ganda.
Napakahusay ng batang umawit.

h. Mga Ilustrasyon at Halimbawa

Higit na kinakailangan
ng ibayong pag-iingat
sa panahon ngayon
kaysa noong nakaraang
buwan at taon.

Napakaraming
sakripisyong ginawa ng
ating mga bayani para
sa ating bayan.
5 | F O R V C A S T U D E N T S O N L Y . R e p r o d u c ti o n o f t h i s m o d u l e i s p r o h i b i t e d .
f. Paghuhulma

Tatak Vincentian! Gawang Vincentian!


 Justice and Life and Dignity of the Human Person
Wala ng mas hihigit pa sa sakripisyong ibinigay ng mga bayani o ninuno sa atin para sa
kalayaang hinangad ng mga taong nakaranas ng kaalipustahan sa mga kamay ng mga hamak
na espanyol o dayuhan. Kung kaya’t marapat lamang na mahalin at ingatan natin ang sariling
bayang ipinagkaloob saatin sapagkat ang bayang ito ay biyaya ng Poong Maykapal sapagkat
ang bayan ng Diyos ay namumuhay sa isang payapa, ligtas, at tahimik na pamayanan.
g. Mga kaugnay na babasahin

Pagbati! Kinagagalak kong napagtagumpayan mo ang mga gawain ng iyong modyul. Upang
mas mapaigting pa ang iyong kaalaman ay minarapat kong ibahagi ang bidyu ng aking diskusyon sa
iyong OTG Flashdrive. Kung mayroon kang oras at gusto mo pang mapalalim ang iyong pagkatuto sa
ating pinag-aralan ay maaari kang magtungo sa mga hanguang elektroniko na nasa ibaba na
maaaring saliksikin sa google.

SDG. ABEGAIL S. CABRAL

FILIPINO TEACHER

6 | F O R V C A S T U D E N T S O N L Y . R e p r o d u c ti o n o f t h i s m o d u l e i s p r o h i b i t e d .
7 | F O R V C A S T U D E N T S O N L Y . R e p r o d u c ti o n o f t h i s m o d u l e i s p r o h i b i t e d .

You might also like