You are on page 1of 9

Week 1.

1
Buong Pangalan ni Rizal

- Jose Protacio Rizal mercado Y Alonzo Realonda


- Ipinanganak ng Hunyo 18, 1861 sa Calamba Laguna
- Sa 11 na magkakapatid si Rizal ay Ika-7 (7/11)
- Siya ay nagaral ng Medisina sa Pamantasan ng Sto. Tomas / Unibersidad
Central De Madrid
- Sa Ateneo Municipal De Manila siya ay nag-aral ng Bachiller en Artes / Agham
pagsasaka
- Namatay siya noong December 30 1896
- Ang sinasabing tunay niya na mahal ay si Leonor Rivera

- El Filibusterismo - Reign of greed / Paghahari ng Kasakiman


- Noli me Tangere - Touch me not / Huwag mo akong salingin
- Prayle - Friars / Fraile

Erehe - Heresy / Hereje

Nolie Me Tangere:

Mula sa salitang Latin na nangangahulugang “Huwag mo Akong Salingin” Hinango sa


Bibliya sa ebanghelyo ni San Juan 20; 13-17
• Isinulat sa Madrid, Spain 1884, ipinagpatuloy sa Paris, France at Natapos sa
Berlin, Germany 1887.
• Inihandog sa inang bayan.
• Panlipunan
• Maximo Viola

El Filibusterismo:

Mula sa salitang “Filibusterismo” na nangangahulugang taong kalaban ng mga prayle


o ng Relihiyong Katoliko Romano.
• Binalangkas sa pagitan ng buwan ng 1884-1885 at natapos noong 1891 at
ipinalimbag sa Ghent noong 22 Setyembre 1891.
• Inihandog sa Gomburza
• Pampulitika
• Valentin Ventura

Ayon kay Rizal ang ibig sabihin ng Filibuster ay taong mamamatay sa kahit anong
darating na oras. Narinig niya ito sa pagbibitay ng tatlong Pari

- Ang El Filibusterismo ay binalangkas noong 1884 - 1885


- Sinimulang Isulat ito sa London, Inglaterra noong 1890
- Patuloy niya isinulat ito sa Brussels, Belgium at Belgica
- Natapos niya ito ng 1891 March 29
- Ipinalimbag ito sa Ghent noong September 22 1891

Week 2.1
Talasalitaan:

Bapor Tabo - Pabilog na bapor


Kubyerta - Sahig ng bapor
Katunggakan - Kalokohan
Indio - Katutubong Pilipino
Akademya - Paaralan

Katangian ng Akdang Klasiko

1. Pagkamalinaw - Maayos na na salaysay nito ang paksa at nilalamang


nakasandig sa kasaysayan at sa mga batas ng pagkakasundo at kagandahan.

2. Pagkamarangal - Naipakikita rito na walang katapusan ang diwa at espiritu ng


tao kaya hangad nito na makalaya sa kinabibilangang mundo. Bukod dito,
nailalahad din na dapat isabuhay at dakilain ng tao ang pisikal na bagay at
espiritu.

3. Pagkapayak - Simple lamang ang paraan ng pagkakasulat dahil masusundan


ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas.

4. Pagkamatimpi - Matipid ang manunulat sa paggamit ng mga salita o wika.


Bilang karagdagan, maingat ang may-akda sa pagsulat dahil hindi siya
gumagamit ng mga salitang balbal.
5. Pagkaobhektibo - Maingat ang manunulat sa pagpapahayag ng damdamin
dahil hindi akma ang labis na emosyon.

Week 2.2
Mga Kailangan tandaan sa pagbubuod:

1. Basahin o pakinggan mabuti ang teksto.


2. Alamin ang pangunahing diwa o pinakapaksa nito.
3. Iwasan ang pagbibigay ng halimbawa, iba pang detalye o opinyon

Week 2.3
Ibat ibang Batis ng Impormasyon

- HANGUANG PRIMARYA (orihinal na document, Journal, Autobiograpiya,


Talaarawan, liham, manuskrito, salaysay, Personal Vlog, Sona)

- HANGUANG SECONDARYA (interpretasyon mula sa hanguang primarya)

- HANGUANG ELEKTRONIKO (Mabilis na pamamaraan ng pananaliksik)

Mga Paraan ng pagtatala ng impormasyon

● Hawig / Parapreys
● Pagbubuod
● Pagsasalin
● Sinopsis
● Direktang pagsisipi

Week 3.1

● Simoun
- Mayamang mag-aalahas. Pinagkakamalang Indiyo, Ingles, Portuges,
Amerikano, Mulato at kung minsan Carnidal Moreno.
- Kaibigan ng mga makapangyarihan at mga pari. Misteryosong
nakasalaming may kulay tuwing araw at gabi
● Basilio
- Siya ay anak ni Sisa, nanilbihan kay kapitan Tiyago kapalit ng pag-aaral
ng medisina. Batid niya ang lihim ni Simoun.
● Isagani
- Siya ang makatang mag-aaral na kasintahan ni Paulita Gomez, binatang
may paninindigan at pamangkin ni Padre Florentino
● Placido Panitente
- Siya ang matalinong estudyanteng mula sa Tanauan, Batangas na
nag-aaral sa Maynila ngunit nawalan ng ganang mag-aral dahil sa
sistema ng umiiral na edukasyon noon.
● Huli
- Siya ay katipan(kasintahan/jowa) ni Basilio, anak ni Kabesang Tales,
mabuting kasintahan at anak.
● Paulita
- Siya ang kasintahan ni Isagani, piniling pakasalan si Juanito
● Kabesang Tales
- Siya ang ama nina Huli at Carolino, magsasakang inagawan ng lupa, at
naging tulisan.
● Padre Florentino
- Paring Indio na amain ni Isagani. Sa kaniya inihabilin ni Simoun ang
kayamanan

Tunggalian

- Isa sa Elemento ng nobela . Ito ay tumutukoy sa mga isyu at problema na


hinaharap ng mga pangunahing tauhan.

- Tao laban sa sarili


● Ito’y uri ng tunggalian na nagyayari sa loob mismo ng tauhan.
Dito ang pangunahing kalaban niya ay ang kaniyang sarili at ang
mga problemang internal.
● Makikita kapag ang tauhan ay mayroong “internal conflict” o
kaya’y nahihirapan sa mga desisyon.
-Tao laban sa tao
● Dito natin makikita ang mga problemag katulad ng tao laban sa
tao. Ang tunggaliang ito ay nagpapakita ng laban ng tauhan at iba
pang tauhan.
-Tao laban sa Lipunan
● Dito, ang ating mga pangunahing tauhan ay lumalaban sa lipunan.
● Halimbaawa nito ay ang pagsuway sa mga alituntunin o dikaya ay
ang pagtatakwil sa kultura ng Lipunan.

Week 3.2
Matatalinhagang pahayag:
Ang matalinghagang pahayag ay ang mga pahayag na gumagamit ng mga salita na
hindi tuwirang ipinahahayag ang tunay na kahulugan nito. Karaniwan itong
ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapatas ng pandama ng
mambabasa.

Week 4.1

Pagbubuod
- Tukuyin ang paksa o pangunahin at pantulong na kaisipan o detalye ng teksto.
- Isang paraan ng pagpapaikli ng anomang babasahin.
- Ito ay lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo
tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati, at iba pang anyo
ng panitikan.
- MeKaniks sa Pagsulat
❖ Maaaring gumawa muna ng story map o graphic organizer .
❖ Isulat ang buod sa isang talata kung saan ilalahad ang
pangunahing tauhan, tunggalian at ang resolusyon ng tunggalian.
❖ Paggamit ng Bantas:
Tuldok ( . )
Kuwit ( , )
Tandang pananong ( ? )
Tandang Padamdam ( ! )
Gitling ( - )
Panipi ( “ ” )

- Pormat sa pagsusulat ng Buod


❖ Tauhan
❖ Mahahalagang pangyayari
❖ Tunggalian
❖ Resolusyon sa Tunggalian

Week 5.1
Kaisipan:
- Ito ay ideyang nais ipaunawa o ipabatid ng manunulat sa mambabasa.
- Pagkabuo ng kuro-kuro o pananaw ito ng may-akda sa isang pinag-uusapang
paksa o tema.
Tukuyin at Ipaliwanag ang mga kaisipang namayani sa mga kabanata na may kaugnayan
sa:
Diyos, Bayan at Pamilya
1. Lihim na paghihimagsik ni Simoun. BAYAN
2. Ang pagpapari ni Padre Florentino dahil sa kagustuhan ng ina. PAMILYA
3. agtuturo ni Hermana Penchang Kay Huli na magbasa ng aklat na binili sa mga
kura. DIYOS

Week 5.2
Paglalarawan:
- Paraan sa pagpapahayag ng kaisipan o pala-palagay sa isang tao, lugar o
pangyayari
- Sa diskursong ito ay napapagalaw ng isang tagapagpahayag ang kaniyang
imahinasyon, maging sa kanyang mambabasa.
- Karaniwang Paglalarawan
● Kung nagbibigay ng impormasyon o kaalaman hinggil sa isang bagay
ayon sa pangkalahatang pangmalas ng panunulat.

Ang mag-aalahas na si Simoun ay isang lalaking mataas, matipuno, at may


kaitiman ang balat. Nakasuot siya ng damit Ingles at nakabastipol ng
timsim. Ang nakatatawag pansin sa kaniya ay ang mahahaba at
mapuputing buhok, nagpatingkad sa kaniyang maitim at madalang na
balbas, bagay na nagpakilala ng kaniyang pagkamestiso. Parati siyang
gumagamit ng malalaking salaming may kristal na matingkad na bughaw
na lubos na tumatakip sa kaniyang mga mata at bahagi ng mga pisngi at
nagbibigay-anyong bulag o may sakit sa mata.

- Masining na Paglalarawan
● Ito ay naglalayong pukawin ang guni-guni at damdamin ng mga
manbabasa.
● Pili ang mga ginagamit na salita sa paglalarawan gaya ng gamit ng
pang-uri, pang-abay, tayutay, at idyoma.

Habang si Simoun ay patuloy sa paghuhukay, napatunayan ni Basilio na


mahina na siya, nahihirapan at humihingal na siya pahinto-hinto. Sa takot
ni Basilio na siya ay matuklasan ay ipinasiya nitong lumantad at magpakita
na. Siya ay tumindig sa kinauupuan at mahinahong nagsalita. Hindi ko po
kayo matutulungan, ginoo?”
Napaunat si Simuon na animo’y tigreng napakislot at humandang
dumaluhong nakapasok ang kamay sa bulsa ng damit at namumutla.
Walang kangiti-ngiting tumingin sa mag-aaral.

Week 6.1
Mga Salitang Hudyat
- Ang mga hudyat ay maaring gamitin sa ating mga pahayag para maipahatid ang
ating paniniwala at pagpapahalaga.
- Halimbawa sa paggamit ng salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin at
damdamin.
● Paggamit ng tiyak na damdamin o emosyon
● Kasiyahan; natutuwa ako…
● Pagkagalit; galit ako…
● Pagtataka; Hindi ko lubos maisip…
● Pagsang-ayon; Tama nga… Tunay na…
● Pagkalungkot; Masakit isipin…
- Nagpapahiwatig ng damdaming hindi tuwiran ang pagpapahayag.
● Kumukulo ang dugo ko… (galit)
● Makitid ang isip… (hindi makaunawa)
● Matalim ang dila… (Masakit magsalita)
- Sa pakiwari ko...
- Ako ay sigurado na...
- Hindi ko lubos maisip...
- Tunay na...
- Galit ako...
- Masakit isipin...
- Makitid ang Isip…

Week 6.2
Wika: Hiram na salita sa espanyol

- Baño; banyo = palikuran


- Verde; berde = luntian
- Ventana; bintana = durungawan
- VIsita; bisita = panauhin
- Viaje; biyahe = paglalakbay
- Diario; diyaryo = pahayagan
- Calle; kalye = lansangan, kalsada
- Cuarto; kuwarto = silid
- Plato; plato = pinggan
- Silla; silya = upuan
- Toalla; tuwalya = pamunas
- Brazo; braso = bisig
- Jardin; hardin = halamanan
- Queso; keso = keso
- Coche; kotse = sasakyan

Week 7.1
Kahulugan ng mga Salitang Espanyol

Espanyol Tagalog

Familia Pamilya

Tinaguriang pinakamaliit na sangay ng lipunan

Espanyol Tagalog

Gobierno Gobyerno

Isang organisasyong may kakayahang gumawa at magpatupad ng mga batas sa


nasasakupang teritoryo.

Espanyol Tagalog

Universidad Unibersidad

Isang instistusyon ng mas mataas na edukasyong nagbibigay ng mga sertipikong


akademiko sa iba’t ibang larang.

Espanyol Tagalog

Parque Parke

Isang lugar na may bukas na espasyo para sa pag-aaliw o libangan.

Espanyol Tagalog
Peso Piso

Opisyal na pananalapi ng Pilipinas.

Week 7.2
Kahulugan ko, Ipaliwanag Mo!

Baño - banyo
Pook o lugar para sa pagligo
Plato - plato
Kasangkapang karaniwan ay malanday, bilog, yari sa porselana, o plastik na
pinaglalagyan ng pagkain.

Hango de copa - salakot


Sombrerong malapad na yari sa kawayan at pawid, sasa o kugon, atbp. Na ginagamit
ng mga magbubukid na pangga sa ulan at init

Parroquia - parokya
1. Simbahan sa isang pook o distrito
2. Distritong nasasakop ng simbahan.

You might also like