You are on page 1of 4

St.

Adelaide School-Philippines
Don Matias, Burgos, Pangasinan
GABAY SA PAG- AARAL 5
ANTAS/ BAITANG IKALIMANG BAITANG
PAKSA/ PAMAGAT ARALIN 1: Ang Larawan (Maikling Kuwento)
WEEK/S: Ikatlong Markahan (Week 1 )
Guro/Teacher: Ginoong Jerry Arbis Jr.

Kabanata III, Kapayapaan at Karunungan, Aking Susuportahan

PAMANTAYAN PANGNILAMAMAN: Naipapamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon at


pagbasa ng iba’t – ibang uri ng panitikan.
PAMANTAYAN (Grade level standard): Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-
iisip, pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang teksto/ babasahing local at pambansa.

SAKLAW NG GABAY SA PAG- AARAL


Ang gabay na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na aralin:
ARALIN 1
Panitikan: Ang Larawan (Maikling Kuwento)
Wika: Pang- abay at mga Uri Nito

INAASAHANG KASANAYAN
1. Natutukoy ang mga pang- abay sa pangungusap at naibibigay ang mga uri nito.

PAGTALAKAY SA ARALIN
ARALIN 1: Ang Larawan (Maikling Kuwento)

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II) ay nanalasa ang Japanese Imperial Army sa Asya kabilang
ang Pilipinas. Makaraan ang apat na taon, dumating ang puwersang Amerikanong siyang tumapos sa pananakop ng mga
Hapones sa ating bansa. Kumalat ang balita ng pagsuko ng mga Hapones sa bansa ngunit dahil kalat- kalat ang mga sundalong
Haponesnoong panahong iyon ay may ilang sundalong hindi nakaalam na tapos na ang digmaan. Isa sa mga sundalong ito ay si
Lt. Hiroo Onowda, isang espiyang sindalong ang pangunahing misyon ay ang pag- aralan ang plano ng mga Amerikano
particular ang galaw ng kanilang mga bapor. Isang estratehikong lugar ang Lubang dahil malapit ito sa bungad ng Manila Bay at
kita mula rito ang lahat ng barkong pumapasok at lumalabas ng bansa. Hindi siya naniniwala na tapos na ang giyera at inabot ng
tatlumpung taon ang kanyang pagtatago sa kabundukan at kagubatan ng Isa ng Lubang sa Occidental Mindoro sa pag-
aakalang tuloy- tuloy pa rin ang laban ng mga Hapones sa bansa. Dahil sa kanyang pagtatago roon ay kinatakutan ng mga tao
ang nasabing lugar hanggang noong ika- 10 ng Marso, 1974, siya ay sumuko kay Pangulong Ferdinand Marcos sa panawagan
ng kanyang kababayang si Yukio Suzuki at s autos ng kanilang Commanding Officer na si Taniguchi.

Sa akdang ating babasahin natin ay makikilala rin natin ang isang Japanese Straggler na nagtago sa kuweba, ngunit
hindi gaya ni Onoda, siya ay nagkasakit, iniligtas ng tatlong magkakaibigang sa huli ay itinuring din nilang matalik na kaibigan.
Buksan ang iyong aklat sa pahina 219- 221 at basahin ng may pag- unawa ang maikling kuwentong pinamagatang “ Ang
Larawan”.

Pagpapahalaga: Ang pagmamalasakit sa kapwa sa kabila ng kaibahan o alitan ay nagbubunga ng kapayapaan sa


puso
at kapaligiran kaya’t nararapat lamang na pairalin sa tuwina.

Isaisip Natin
Kabilang sa ating nagdaang tinalakay ang pandiwa, pangngalan at ang pang- uri na kung saan ay madalas nating
magagamit sa pagbuo ng maayos na pangungusap, ngunit para maging malinaw an gating pangungungusap ay gumagamit tayo
ng paglalarawn sa mga ito, at ito ang tinatawag nating pang- abay, o mga salitang naglalarawan sa pandiwa, pang- uri o kapwa
nito pang- abay. Alamin natin ang ilan pang halimbawa at mga uri nito, buksan ang aklat sa pahina 228- 229 at basahin ito ng
may pag- unawa.

Page 1
EBALWASYON
Gawain 1
Subukin natin ang iyong kaalaman, buksan ang iyong aklat sa pahina 229 MADALI LANG ‘YAN at sagutan.

- ANTAS/ BAITANG IKALIMANG BAITANG


PAKSA/ PAMAGAT ARALIN 2: Ang Magkaibang Buhay ng Magpinsang Daga (Pabula)
WEEK/S: Ikatlong Markahan (Week 2 )
Guro/Teacher: Ginoong Jerry Arbis Jr.

Kabanata III, Kapayapaan at Karunungan, Aking Susuportahan

PAMANTAYAN PANGNILAMAMAN: Naipapamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon at


pagbasa ng iba’t – ibang uri ng panitikan.
PAMANTAYAN (Grade level standard): Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-
iisip, pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang teksto/ babasahing local at pambansa.

SAKLAW NG GABAY SA PAG- AARAL


Ang gabay na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na aralin:
ARALIN 2
Panitikan: Ang Magkaibang Buhay ng Magpinsang Daga (Pabula)
Wika: Iba pang Uri ng Pang- abay (Panang- ayon, Pananggi, Pang- agam)

INAASAHANG KASANAYAN
1. Natutukoy ang ginamit na pang- abay sa pangungusap at naibibigay ang uri nito.

PAGTALAKAY SA ARALIN
Ang Magkaibang Buhay ng Magpinsang Daga (Pabula)

May dalawang pangkalahatang tradisyunal na uri ng pamayanan sa bansa. Ito ang mga pamayanang rural at urban.
Ang rural at tumutukoy sa pamayanang ang karaniwang hanapbuhay ng mga tao ay nakatuon sa agrikultura gaya ng
pagsasaka, pangingisda, pagmimina at iba pa. Ang buhay ng tao rito ay simple lamang at karaniwang maliit o kaunti lamang ang
bilang ng populasyon. Ang ganitong pamayanan ay karaniwang makikita sa mga lalawigan o probinsiya.
Samantalang ang pamayanang urbanay yaong lugar na tinatawag ding lungsod. Ang ganitong pamayanan ay may
malaking bilang ng populasyon ay kakikitaan ng malaking establisiyementong hindi bababa sa bilang na anim (komersiyal na
gusali, pabrika, at iba pa). Ang mga tao rito ay karaniwang namamasukan bilang mga empleyado. Makikita rito ang
naglalakihang gusali ng paaralan, ospital, pamilihan, at mga parke. Maging ang transportasiyon at komunikasyon ay madali rin
sa gaitong pamayanan.
Alamin sa kuwentong babasahin ang buhay ng dalawang magpinsang naninirahan sa ganitong uri ng lugar at nang
iyong malaman kung saang lugar ba higit na mainam manirahan. Buksan ang iyong aklat sa pahina 236-238 at basahin ng may
pag- unawa ang pabula na pinamagatang “ Ang Magkaibang Buhay ng Magpinsang Daga”.

PAGPAPAHALAGA: Malayo sa anumang panganib ang isang mapayapang buhay kaya higit itong mahalaga kompara sa dulot
ng masaganang buhay na may kasamang pagkatakot.

Isaisip Natin
Bukod sa mga pang- abay na pamanahon,panlunan at pamaraan na natalakay natin sa nagdaang aralin ay may ilan
pang pang- abay na kinakailangan mong malaman at malinang, halika at alamin natin ito, buksan ang iyong aklat sa pahina 246-
247 at basahin ng may pag- unawa ang “ Iba Pang Uri ng Pang- abay”.
EBALWASYON

Page 2
Gawain 1
Subukin natin ang iyong kaalaman sa ating napag- aralan. Buksan ang iyong aklat sa pahina 247-248 MADALI LANG
‘YAN at sagutan.

SANGGUNIAN

- Alma M. Dayag, et. al. Pinagyamang Pluma 5. Quezon City: Phoenix Publishing Ho use,
ANTAS/ BAITANG IKALIMANG BAITANG
PAKSA/ PAMAGAT ARALIN 3: Bakit Yumuyuko ang Kawayan? (Alamat)
WEEK/S: Ikatlong Markahan (Week 3)
Guro/Teacher: Ginoong Jerry Arbis Jr.

Kabanata III, Kapayapaan at Karunungan, Aking Susuportahan

PAMANTAYAN PANGNILAMAMAN: Naipapamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon at


pagbasa ng iba’t – ibang uri ng panitikan.
PAMANTAYAN (Grade level standard): Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-
iisip, pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang teksto/ babasahing local at pambansa.

SAKLAW NG GABAY SA PAG- AARAL


Ang gabay na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na aralin:
ARALIN 3
Panitikan: Bakit Yumuyuko ang Kawayan? (Alamat)
Wika: Iba pang Pang- abay

INAASAHANG KASANAYAN
1. Natutukoy ang pang- abay na ginamit sa pangungusap at nasasabi ang uri nito.

PAGTALAKAY SA ARALIN
Aralin 3: Bakit Yumuyuko ang Kawayan? (Alamat)

Ang akda na iyong babasahin ay isang alamat. Ang salitang alamat o legend sa ingles ay mula sa salitang latin na
legendus, na nangangahulugang “ upang mabasa”.
Isang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang mga alamat. Ang mga ito ay nagsasaad kung paano nagsimula
ang mga bagay- bagay. Karaniwan itong nagtataglay ng mga kababalaghan o mga hindi pangkaraniwang pangyayari, ang
karaniwang paksa ng mga alamat ay ang ating mga katutubong kaugalian, at kapaligiran. Taglay nito ang magagandang
katangian tulad ng kalinisan ng kalooban, katapatan, at katapangan subalit, tinatalakay rin sa mga alamat ang hindi mabubuting
katangian tulad ng kasakiman, katamaran, kalupitan, paghihiganti, pagsumpa, at iba pa. Karaniwang itong kapupulutan ito ng
aral at nagpapakita na ang kabutihan ay laging nananaig laban sa kasamaan.
Noong unang pahanon, ang ating mga ninuno ay nagkaroon ng mga karunungang- bayang kinabibilangan ng mga
alamat. Ang mga ito’y lumaganap sa paraang pasalita; at nagpasalin- salin sa bibig ng taumbayan. Dahil sa paglaganap nito sa
tradisyong pasalindila, nagkaroon ng iba’t- ibang bersiyon ng mga alamat ang lumabas depende sa kung saang rehiyon sa
bansa ito nagmula. Gayunpaman, ang alamat sa anumang bersiyon nito ay patuloy na tinatangkilik at pinalalaganap ng mga
Pilipino mula pa noon hanggang sa kasalukuyan. Lubos pa nating alamin ang patungkol sa alamat sa pamamgitan ng pagbasa
ng mga ito, buksan ang iyong aklat sa pahina 254- 256 at basahin ng may pag- unawa alamat na pinamagatang “ Bakit
Yumuyuko ang Kawayan? .

Isaisip Natin
Alamin natin ang iba pang mga uri ng pang- abay na makakatulong sa atin sa pagbuo ng isang maayos na
pangungusap; ang kataga o ingklitik, kondisiyonal, at ang kusatibo, buksan ang iyong aklat sa pahina 263 at basahin ng may
pag- unawa ang Iba Pang Pang- abay.

EBALWASYON
Gawain 1

Page 3
Buksan ang iyong aklat sa pahina 264 MADALI LANG ‘YAN at sagutan.

Page 4

You might also like