You are on page 1of 4

Pangalan: ______________________________________ Baitang/Seksyon: ______________________

DWSSII FILIPINO 2 Modyul # 20


Pre-School and Topiko: Liham Aralin 1
Grade School Department Competency: Nakikilala ang mga bahagi ng Guro: Bb. Daisy R. Mesullo
liham Gng. Jona E. Manalo
Alam Mo Ba?

Liham – isang uri ng komunikasyong pasulat para maiparating sa kamag – anak , o


kaibigan. Isinusulat sa papel at inilalagay sa sobre. Ang tawag dito ay snail mail dahil
MGA NILALAMAN mabagal.
• ALAM MO BA
• LAYUNIN SOCIAL MEDIA APPS NOW!
• ALAMIN NATIN
• SUBUKIN NATIN 1. GMAIL
• TIYAKIN NATIN Ito na ang ginagamit ngayong mabilis
• TANDAAN NATIN 2. FACEBOOK pang – komunikasyon para kumustahin
• PALAWAKIN at makatanggap ng balita sa mga mahal
NATIN 3. INSTAGRAM sa buhay. At para sa iba pang mga
impormasyon.
4. TWITTER

Layunin
 Nakikilala ang mga bahagi ng liham.
 Natutukoy ang mga bahagi ng liham.
 Nakasusulat ng liham nang may wastong baybay at bantas.

Alamin Natin
Sa panahon ng social media ngayon napakadaling magpadala ng mensahe sa iyong mga kaibigan o
pamilya. Bubuksan mo lang ang mga social media apps tulad ng facebook, Instagram, twitter, o ibang pang
messaging apps at makakapagpadala ka na sa kanila ng iyong mensahe. Pero bago pa man magkaroon ng mga
social media apps na ito tayo ay nakapagpapadala ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagsusulat ng liham
pang kaibigan. Ang makatanggap at magbigay ng liham ay nagbibigay ng saya sa pakiaramdam para sa ilan.
Kaya bago tayo magsimula sa mga bahagi at pamantayan sa paggawa ng liham, mayroon tayong babasahin na
isang liham . Tara na at ating simulan!

#143 San Bartolome


Caloocan City
Ika – 20 ng Abril , 2021
Mahal kong Jay – ann,

Kumusta ka na? pasensiya ka na kung ngayon lang ako nakasulat.


Ang dami kasi naming ginagawa. Naninibago ako sa new normal na pag – aaral.
Naninibago din ako dahil hindi makalabas ng bahay. Nananabik akong muli kang
makita gayundin ang ating mga kaklase noon. Sana ayos lang kayong lahat diyan.

Ang iyong kaibigan,


Cathy

SAGUTIN ANG MGA TANONG:


1|Page
1. Sino ang sumulat?

___________________________________________________________________________________

2. Saang lugar nakatira ang sumulat?

___________________________________________________________________________________

3. Sino ang kanyang sinulatan?

__________________________________________________________________________________

4. Bakit siya sumulat?

__________________________________________________________________________________

Sa pagbuo ng liham may mga pamantayan at pormat na kinakailangang sundin. Bago natin malaman ang
pamantayan at pormat sa pagbuo ng liham alamin muna natin ang mga bahagi ng isang liham pangkaibigan.

Bating Panimula #143 San Bartolome


Pamuhatan Caloocan City
Ika – 20 ng Abril , 2021
Mahal kong Jay – ann,

Kumusta ka na? pasensiya ka na kung ngayon lang ako nakasulat.


Ang dami kasi naming ginagawa. Naninibago ako sa new normal na pag – aaral.
Naninibago din ako dahil hindi makalabas ng bahay. Nananabik akong muli kang
makita gayundin an gating mga kaklase noon. Sana ayos lang kayong lahat diyan.

Katawan ng liham
Ang iyong kaibigan,
Bating Pangwakas
Cathy
Lagda

ANO NGA BA ANG LIHAM?


Liham – isang uri ng komunikasyong pasulat para maiparating sa kamag – anak , kaibigan , o di kakilala ang
iyong mensahe. Isinusulat ito sa papel at inilalagay sa sobre. Dinidikitan din ito ng selyo at saka ihuhulog sa
koreo. Ang tawag ngayon dito ay snail mail. Mabagal kasi ito kumpara e – mail kung saan sa isang klik na
buton maipadadala at agad na natatanggap ang mensahe gamit ang computer at Internet.
MGA BAHAGI NG LIHAM
1. PAMUHATAN – tirahan ng sumulat at petsa kung kalian ginawa ang sulat.

2. BATING PANIMULA – pagbati sa sinusulatan.

3. KATAWAN NG LIHAM – nilalaman ng liham.

4. BATING PANGWAKAS – pagpapaalam ng sumulat.

5. LAGDA - pangalan ng sumulat.

MGA PAMANTAYAN AT PORMAT SA PAGSULAT NG LIHAM

2|Page
1. Kung nasa malayo ang susulatan, nakalagay dapat ang tirahan ng sumulat at petsa kung kailan ginawa
ang liham. Ang pamuhatan ay sa itaas, gawing kanang bahagi ng sulatang papel inilalagay.

2. Nakalagay ang bating panimula sa gawing kaliwa ng sulatang papel, mas mababa kaysa sa pamuhatan.

3. Nakapasok ang unang pangungusap sa bawat talata.

4. Nagsisimula sa malaking titik ang bawat pangungusap at nagtatapos sa wastong bantas.

5. Nakalagay ang bating pangwakas sa ibaba, gawing kanang bahagi ng sulatang papel , katapat ng
pamuhatan.

6. Nakalagda kung sino ang gumawa ng sulat.

Subukin Natin
Panuto: Basahin ang isang liham sa iyong aklat na Pinagyamang Pluma 2 sa pahina 416 ( MADALI
LANG IYAN ). Tukuyin kung ano ang bahagi ng liham ang isinasaad nito. Basahin ng mabuti ang
panuto. Isulat ang iyong sagot sa bawat bilang na nakalaan na patlang. Sagot lamang po.

1. ________________________________ 4. ___________________________________

2. ________________________________ 5. ___________________________________

3. ________________________________

Panuto: Iayos ang mga bahagi ng liham. Sundin ang mga pamantayan at pormat sa pagbuo ng liham.
Isulat sa malinis na papel, paki staple lang po sa modyul po na ito.
1. Nagmamahal,
2. Mahal kong Liza,

3. #004 Sto. Cristo 5. Ang iyong kaibigan


Guimba , Nueva Ecija Marcel
Ika – 7 ng Abril, 2021

4. Kumusta ka na? Maraming salamat sa ipinadala mong mga tsokolate.


Sana ay magkita na ulit tayo. Nasasabik na akong makita kang muli, kaibigan ko.

Tandaan Natin

MGA BAHAGI NG LIHAM


1. PAMUHATAN
2. BATING PANIMULA
3. KATAWAN NG LIHAM
4. BATING PANGWAKAS
5. LAGDA

Palawakin Natin
3|Page
Panuto: Ikaw naman ang gagawa ng liham. Sulatan ang iyong guro o ang iyong pinakamatalik na kaibigan
at sabihin mo kung bakit mo siya nagustuhan bilang kaibigan. Isulat sa ibaba ang iyong gagawing liham.

___________________________

___________________________

___________________________

____________________________

_______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________.

___________________________

___________________________

Lagda ng magulang: ____________________________

4|Page

You might also like