You are on page 1of 4

Pangalan: ______________________________________ Baitang/Seksyon: ______________________

DWSSII FILIPINO 2 Modyul # 18


Pre-School and Topiko: Ayos ng Pangungusap Aralin 1
Grade School Department Competency: Nakikilala ang mga simuno at Guro: Bb. Daisy R. Mesullo
panaguri sa pangungusap. Gng. Jona E. Manalo

Alam Mo Ba?

MGA NILALAMAN Dalawang Ayos ng Pangungusap


• ALAM MO BA
• LAYUNIN 1. Karaniwang Ayos
• ALAMIN NATIN 2. Di - Karaniwang Ayos
• SUBUKIN NATIN
• TIYAKIN NATIN
• TANDAAN NATIN
• PALAWAKIN
NATIN
Layunin
 Natutukoy ang simuno at panaguri sa bawat pangungusap.
 Nakikilala ang simuno at panaguri.
 Nakabubuo ng wasto at payak na pangungusap na may tamang
ugnayan ng simuno at panaguri.

Alamin Natin
Mga bata, bago tayo magsimula sa ating bagong aralin. Balikan muna natin ang ating nakaraang aralin
na tinalakay. Ito ay tungkol sa dalawang Bahagi ng Pangungusap.

DALAWANG BAHAGI NG PANGUNGUSAP:

1. SIMUNO o PAKSA – Ito ang bahaging pinag – uusapan sa pangungusap. Nakikilala ito
sa pamamagitan ng mga pantukoy na :

Simuno
si sina ang mga

- At nakikilala din ito sa pamamagitan ng mga panghalip:

ako kami sila kayo

- Ito ay maaaring makita sa unahan , gitna , o hulihan ng pangungusap.

Halimbawa:
Alagaan natin ang mga puno.

simuno
Tayo ay magtanim.

simuno
2. PANAGURI - Ito ang bahaging nagbibigay ng impormasyon tungkol sa simuno.

Halimbawa:

1|Page
Ang tatay ay nagbabayad ng buwis.

Panaguri
panaguri

Nagtanim ng halaman ang magkapatid.

panaguri

Hayan! Mga bata matapos natin balikan ang dalawang bahagi ng Pangungusap. Ngayon
naman, tayo ay dadako sa ating bagong aralin ang tungkol sa Ayos ng Pangungusap. Alam
niyo ba na may dalawang ayos ang pangungusap? Tara na! at simulan natin ang ating
bagong aralin na ating tatalakayin ngayong araw.

ANO NGA BA ANG PANGUNGUSAP?


PANGUNGUSAP – ay lipon ng mga salitang may buong diwa. Nagsisimula ito sa malaking titik
at nagtatapos sa bantas.

Dalawang Ayos ng Pangungusap

1. KARANIWANG AYOS – ang panaguri ay nauuna sa simuno.

Halimbawa:
Nag – aaral nang mabuti si Lito.

panaguri simuno
Nagkukuwentuhan sila.

panaguri simuno

2. DI – KARANIWANG AYOS – ang simuno ay nauuna sa panaguri. Ang panaguri ay


pinangungunahan ng katagang “ ay “.
Halimbawa:
Si Lito ay nag – aaral nang mabuti.

simuno panaguri

Sila ay nagkukuwentuhan.

simuno panaguri

Subukin Natin
Panuto: Tukuyin ang ayos ng pangungusap. Isulat sa patlang ang K kung ito ay nasa
karaniwang ayos at DK naman kung nasa di - karaniwang ayos.
2|Page
___________1. Ang mga kaklase ni Lito ay nagbahagi rin ng kuwento.

___________2. Masayang nagbahagi ng kuwento si Justin.

___________3. Magandang pakinggan ang mga awiting Pilipino.

___________4. Kayo ay mabubuting batang Pilipino.

___________5. Ang mga batang sa kalye ay masayang naglalaro.

Panuto: Bilugan ang simuno sa pangungusap. at salungguhitan ang panaguri nito.


1. Malakas sumigaw ang mga bata.

2. Sina ate at kuya ay naglilinis sa labas ng bahay.

3. Naglalaba sa labas ng bahay si nanay.

4. Kami ay nangngalaga sa mga puno.

5. Pumunta sa bukid si tatay.

Tandaan Natin

DALAWANG AYOS NG PANGUNGUSAP


1. KARANIWANG AYOS - ang panaguri ay nauuna sa simuno.
2. DI – KARANIWANG AYOS – ang simuno ay nauuna sa panaguri. Ang
panaguri ay pinangungunahan ng katagang “ ay “.

Palawakin Natin
Panuto: Buksan ang iyong aklat sa pahina 331(SUBUKIN PA NATIN ) .Basahin ang panuto
sa iyong aklat at isulat ang sagot dito sa nakalaang patlang.

______________________1. Mahilig sa mga aklat ___________________________________________.

______________________ 2. Ang pagbabasa _______________________________________________.

______________________ 3. Nagtuturo ng maraming bagay _________________________________

________________________________________________________________.

3|Page
______________________ 4. Ang mga nagbabasa ___________________________________________

_________________________________________________________________.

______________________ 5. Ang mga aklat pambata ________________________________________

________________________________________________________________.

Lagda ng magulang: ____________________________

4|Page

You might also like