You are on page 1of 20

FILIPINO

Unang Markahan – Modyul 2:


Pag-Unawa at Pagsagot ng mga
Tanong Tungkol sa Kuwento, Usapan,
Teksto,Balita,Tula, at Anunsinsiyo
Filipino-Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan-Modyul 2: Pag-Unawa at Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa
Kuwento, Usapan, Teksto,Balita,Tula, at Anunsinsiyo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng ADM Modyul

Manunulat: Jesusa C. Perez


Editor: Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Tagasuri: Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Tagaguhit: Carlo D. Yambao, Timothy M. Bagang (Cover Arts and Icons)
Tagalapat: Ryan A. Buan

Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO V-Schools Division Superintendent


Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID

Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino


Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan- ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III – Division of Pampanga


June D. Cunanan, ADM Division Coordinator
Office Address: High School Boulevard, Brgy. Lourdes,
City of San Fernando, Pampanga
Telephone No: (045) 435-2728
E-mail Address: pampanga@deped.gov.ph
Alamin
Ang modyul na ito ay naglalayong mahubog ang iyong
kasanayan sa pagbasa nang malakas ayon sa iyong lebel na
may kasamang bilis, ekspresyon, intonasyon at bantas kung
kinakailangan sa mga tekstong iyong mababasa na ang
nilalaman ay may kaugnayan sa Matematika at Agham.
Inaasahan din ang pagkakaroon ng kawilihan sa
pagsasagawa sa mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-
unawa sanapakinggang teksto (F3PN-Ib-2)
2. nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang
kuwento; usapan; teksto/balita/tula (F3PN-Ic-j-3.1.1)

Subukin
Pakinggan at unawain ang babasahing kwento ng kasama
sa bahay at sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Ang Pagbisita ni Lolo Nardo
ni: Jesusa C. Perez
Isang araw bumisita si Lolo Nardo. May dala-dala siyang
bayong at itim na payong. Nagmano ang magkapatid na Kulas
at Perlas. “Ano kaya ang laman ng bayong ni Lolo?”, isip ni Kulas.
Inilapag ni Nanay Tina yang mga pasalubong ni lolo galing
sa loob ng bayong. Siya ay may dalang mansanas, ubas, suman,
duman, gatas ng kalabaw, mainit na sabaw, tinapay at kalamay.
Nagpasalamat ang magkapatid sa kanilang lolo. Bilang
pabaon, binigyan nila ito ng sumbrero at abaniko.
1. Sino ang bumisita isang araw?
2. Ano ang dala-dala ni Lolo Nardo?
3. Ano ang ginawa ng magkapatid na Kulas at Perlas?
4. Ano-ano ang laman ng bayong ni lolo?
5. Ano-ano naman ang pabaon ng magkapatid sa kanilang lolo?
Aralin Pagsagot ng mga tanong tungkol sa

2 kuwento; usapan; teksto/


balita/tula/anunsinsiyo
Sa pakikinig ng kuwento; usapan; teksto/ balita/ tula/
anunsiyo/ liham kailangan itong pakinggan at unawaing mabuti
upang ito ay maintindihan at masagot nang tama ang mga
tanong tungkol dito.

Balikan
Ngayon naman iyong pakinggan ang isang awitin. Unawain
mo itong mabuti at sagutin ang mga tanong tungkol dito.
“Buhay Natin”
Ryan Paradero
I
Dumidilim na ang langit
kasawian papalapit
pagkalunod wag mong hayaan
umiwas ka sa ilog ng kamatayan
II
Nauubos na kagubatan
patuloy ba natin pababayaan
kung di ka kikilos
kung di maaawa
ang buhay mo
malalagay sa peligro
CHORUS
Kalikasan at buhay nino man
ay magkaugnay
panghabambuhay
wag nating abusuhin
likas yaman natin
dahil ito ay buhay natin
III
Kaibigan, tayo’y kumilos na
kapaligiran, ating pangalagaan
imulat ang isip
bigyan ng pag-asa
magkaisa tayo
para sa darating na bukas

1. Ano ang pamagat ng awit?


2. Ano ang paksa ng awit?
3. Bakit iniugnay ang ating buhay sa kalikasan?
4. Ayon sa awitin, ano ang iyong dapat gawin para sa iyong
kinabukasan?
5. Kung hindi mo ito gagawin, ano ang mangyayari sa iyong
buhay?

Tuklasin

Pakinggan ang tugma nang mabuti at sagutin ang mga


katanungan sa ibaba na nauukol sa binasa.

Sa Panahon ng Krisis
ni: Jesusa C. Perez

Sa panahong ng Pandemic
Tayo’y di dapat magpanic
Harapin ang krisis
Upang virus ay maalis.

Sumunod sa namumuno
Upang tayo’y matuto
Sugpuin ang pandemya
Sa pamamagitan ng pagkakaisa.
Sagutin ang mga tanong tungkol sa tula.
1. Ano ang pamagat ng tula?
2. Ilang saknong meron ang tula?
3. Tungkol saan ang unang saknong ng tula?
4. Tungkol saan ang ikalawang saknong ng tula?
5. Ano ang aral na natutunan mo sa tula?

Napakinggan at naunawaan mo ba nang maayos ang


tugma? Magaling!
Ngayon tingnan natin ang puntos na iyong nakuha gamit
ang rubriks sa ibaba.
Pillin ang iyong puntos gamit ang rubriks.
Pamantayan Mahina Mahusay Mas Pinakamahusay
(2puntos) (3 puntos) Mahusay (5 puntos)
(4 puntos)
Napakinggan at May 4- 5 May 2- 3 May1 Walang maling
nasasagot nang maling Maling maling salitang nabasa
tama ang mga sagot sagot sagot
tanong tungkol
sa kwento

Suriin
Naibigan mo ba ang tulang iyong napakinggan?
Ngayon makikinig kang muli ng isa pang tula tungkol sa
sitwasyong ating dinaranas sa kasalukuyang panahon.
PANDEMIK
ni: Shirley L. Narciso

P-aalala mga kaibigan


A-ting kalusugan ingatan
N-akamamatay na Covid-19
D-umating sa buhay nang di inaasahan
E-wan kung kailan ang katapusan
M-istulang kalabang di-nakikita
I-kot ng mundo’y biglang nagbago ang katayuan
K-aya’t ipanalangin sa Poong Maykapal na ito’y wakasan
Pagtapatin ang Hanay A at Hanay B upang mabuo ang
mga impormasyon tungkol sa binasang tula.
Hanay A Hanay B
____ 1. Ano ang pamagat ng tula? a. nakamamatay
____ 2. Para kanino ang tula? b. Poong Maykapal
____ 3. Ano ang epekto ng COVID 19? c. Shirley L. Narciso
____ 4. Kanino dapat manalangin? d. mga kaibigan
____ 5. Sino ang sumulat ng tula? e. Pandemik

Gaya ng una mong ginawa, bigyan uli natin ng puntos ang


ginawa mong pakikinig at pagsagot sa mga tanong. Gamitin ang
rubriks sa ibaba. Balikan ang rubriks sa Tuklasin sapahina 4.

Pagyamanin

Gabay na Gawain 1

Nauunawaan mo na ba ngayon kung paano masasagot ng


tama ang mga tanong tungkol sa tekstong napakinggan?
Kailangang unawaing mabuti ang napakinggan upang
matandaan ang mga impormasyon sa teksto.
Tara at tayo’y magsanay pa.
Pakinggan at unawain nang mabuti ang kwento. Gamitin
and graphic organizer upang masagot ang mga tanong tungkol
sa kwento.

Ang Pipit na Makulit


ni: Jesusa C. Perez
Isang araw, sa isang maliit na
pugad may isang batang pipit na
ubod nang kulit. Sa kanyang kakulitan,
pakpak niya’y naipit sa sanga ng puno
dahil ito ay sumabit. Sa sobrang sakit
na naramdaman sa kanyang ina siya
ay nangunyapit.
Dahil sa awa sa anak na pipit, kanyang Ina’y napapikit at
nasambit sa anak na huwag na sanang umulit.

A. Huwag
maging B. Isang
araw, sa
C.Si Inang
D.Papak ay
E. Ang
naipit sa puno
Pipit na
sumabit.

Ano ang
Sino-sino Kailan at
pamagat
ng ang saan
kwento? tauhan sa nangyari
kwento? ang
____ kwento?

1.
Bakit 2. Ano ang 3.
nasaktan 1. aral na 1.
si Pipit? natutuhan
mo sa
kwento?

4. 5.
1. 1.
Bigyan natin ngayon ng puntos ang ginawa mong pakikinig
gamit ang rubriks sa pahina 4.

Gabay na Gawain 2

Sa pagkakataong ito makikinig ka naman ng isang diyalogo


tungkol sa isang talakayan sa paaralan sa kanilang bagong
aralin. Basahin mo itong mabuti at unawain.
Talakayan tungkol sa COVID
Isang umaga sa klase ni Gng. Perez nagkaroon ng
pagkakataon ang mga bata sa kanilang aralin na maunawaan
ang tungkol sa pandemya na kasalukuyang lumalaganap sa
buong mundo.
Gng. Perez: Magandang araw mga bata! ngayong umaga
ating pag-aaral ang tungkol sa lumalaganap na sakit sa
ngayon, ang Corona Virus o tinatawag na COVID19.
Alzhea: Ano po ba ang Corona Virus?
Gng. Perez: Ang Corona Virus ay pamilya ng mga virus na
nagdudulot ng iba’t-ibang klaseng sakit, mula sa karaniwang
ubo’t sipon hanggang sa mas malulubhang impeksyon.
Sa malubhang kaso, maari itong maging sanhi ng
Pneumonia, Acute Respiratory Syndrome, problema sa bato at
pagkamatay.
James: Paano po natin malalaman na meron tayong ganitong
sakit?
Gng. Perez: Ang mga sintomas ng sakit na ito ay Respitaroty
Symptoms, lagnat, ubo’t sipon, pag-iksi ng paghinga, at hirap sa
paghinga.
Ionafe: Paano maiiwasan ang sakit na dulot ng Coronavirus?
Gng. Perez: Heto ang ilan sa mga dapat nating tandaan para
maiwasan ang COVID19.
 Ugaliing maghiugas ng kamay.
 Iwasan ang contact sa mga hayop.
 Lumayo at takpan ang bibig at ilong sa tuwing uubo ata
babahing.
 Umiwas sa mga taong may sintomas ng ubo at sipon.
 Uminom ng maraming tubig at siguraduhing luto ang mga
pagkain.
 Agarang kumonsulta sa mga health facility kung may
sintomas ng ubo at sipon.
Gabay na Tayahin 1
Pakinggan ang tula at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Ang Batang Malusog


ni: Jesusa C. Perez

Ang batang malusog katawan ay mabilog


Kutis ay makinis, damit laging malinis
Kamay ay laging hinuhugan
upang sakit ay maiwasan
Masustansiyang pagkain ang inihahain
Gulay at prutas kanyang pinipiling kainin
Utos ng magulang ay sinusunod
Huwag magbabad sa telebisyon na pinapanood

1. Paano mo ilalarawan ang katawan ng batang malusog?


2. Ano-anong masustansiyang pagkain ang kanyang kinakain?
3. Ano ang kanyang ginagawa upang siya’y makaiwas
sa sakit?
4. Ano ang utos ng kanyang mga magulang?
5. Sa iyong palagay ano ang epekto ng sobrang panonood
ng telebisyon?

Naaliw ka ba sa iyong napakinggan? Gaya ng una mong


ginawa, Bigyan muli natin ng puntos ang ginawa mong
pagbabasa gamit ang rubriks sa pahina 4.

Gabay na Tayahin 2
Iyo ngayong pakinggan ang isang panawagan tungkol sa
mga hakbang sa pagregister ng SAP sa ikalawang pagkakataon.
Panawagan Mula sa Punong-Barangay
Aking minamahal na mga kabarangay, para po sa mga
nakatangggap na ng ayuda sa SAC nais po naming ibahagi sa inyo
ang pagproseso online para mapadali ang pagtanggap ninyo ng
tulong mula sa gobyerno.
Narito po ang mga hakbang na dapat ninyong gawin gamit
ang inyong smartphone.
Unang hakbang: Gamit ang iyong smartphone, pumunta sa website
ng www.reliefagad.ph

Ikalawang Hakbang: Kuhanan ng larawan ang barcode ng inyong


SAP form. Kung hindi ma scan ang barcode pindutin na lang ang
Manual Entry.
Ikatlong Hakbang: I encode ang pangalan, kasarian, at iba pang
personal na impormasyon.
Ika-apat Hakbang: Magdagdag ng miyembro ng pamilya na
magsisilbing alternatibong kinatawan ng inyong pamilya.
Ikalimang na Hakbang: Piliin kung sa paanong paraan ninyo nais
matanggap ang ayuda. Maaaring piliin ang PayMaya, GCash, o
bank account ninyo.

Ika-anim Hakbang: I-enter ang One-time PIN na matatanggap sa


inyong nirehistro na mobile number.
Ika-pitong Hakbang: I-click ang submit.

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga hakbang ng pagregister ng


online SAP. Maglagay ng bilang 1 hanggang 7 sa patlang.
_____ I encode ang pangalan, kasarian, at iba pang
personal na impormasyon.
_____ I-scan ang barcode o pindutin na lang ang Manual
Entry
_____ I-enter ang One-time PIN na matatanggap sa inyong
nirehistro na mobile number.
_____ Gamit ang iyong smartphone, pumunta sa website ng
www.reliefagad.ph
_____ I-click ang submit.
_____ Piliin kung sa paanong paraan ninyo nais matanggap
ang ayuda.
_____ Magdagdag ng miyembro ng pamilya na magsisilbing
alternatibong kinatawan ng inyong pamilya.

Ngayon bigyan nating muli ng puntos ang ginawa mong


pagkikinig at pagsagot gamit ang rubriks sa pahina 4.

Malayang Gawain 1
Pakinggan at unawain mo naman ngayon ang isang
sanaysay tungkol sa isang sakit o pandemya.
Bayanihan sa Gitna ng Pandemya
ni: Jesusa C. Perez
Marso nang magsimula ang paglaganap ng Corona Virus
o COVID 19. Ito ay isang virus na nakakahawa at
nakakmamatay kung hindi agad maagapan. Madali ang
paglaganap ng sakit kaya ang mga tao ay inutusang tumigil
muna sa kani-kanilang mga tahanan.
Ang mga mag-aaral ay natigil sa pagpasok sa paaralan
at sa bahay na lang itinuloy ang mga natitirang gawain sa
paaralan upang kanilang mabuo ang kanilang mga aralin.
Samantalang ang mga mga manggagawa ay tumigil din sa
pagpasok sa trabaho. Ang mga pampublikong pagtititpon ay
pinagbawal katulad ng kasal, misa, kapistahan, lamay at burol sa
patay, kaarawan at pagpunta sa mga mall.
Natigil ang pag-ikot ng mundo dahil sa krisis na ito. Ito ay
isang pandemya na buong mundo ay naranasan. Malaki ang
naging epekto nito sa bawat tao. Ang bawat pamilya
nagkaroon ng suliranin kung saan kukunin ang pagkain sa bawat
oras.
Mabuti na lamang at ang ating pamahalaan ay namigay
ng ayuda at mga relief goods upang makatulong sa mga tao.
Marami rin ang mga pribadong indibidwal na kusang loob na
namigay ng tulong sa mga nangangailangan. Nabuhay ang
bayanihan sa bawat Pilipino.
1. Ano ang krisis na kinaharapan ng mga tao?
2. Ano ang naging epekto nito sa mga mag-aaral?
3. Ano naman ang naging epekto nito sa mga
naghahanapbuhay?
4. Ano-anong pampublikong pagtitipon ang ipinagbawal sa
panahon na ito?
5. Magbigay ng kabutihang nangyari sa panahon ng krisis
sa COVID?

Gaya ng una mong ginawa, Bigyan muli natin ng puntos


ang ginawa mong pakikinig gamit ang rubriks sa pahina 4.

Malayang Gawain 2

Nagbabasa ka ba ng pahayagan? Mahalaga ang


pagbabasa nito dahil kapupulutan ito ng mga mahahalagang
impormasyon at mga anunsiyo na dapat mong malaman. Narito
ang isang anunsiyo na babasahin sa iyo na maaari mong
mabasa sa isang pahayagan.
Pakinggan ang anunsiyo at sagutin ang mga sumusunod na
mga tanong.
Mahalagang Anunsiyo
Ang mga opisyales ng Barangay Parian kasama ng mga
Sangguniang Kabataan (SK) ay mamahagi ng mga relief
goods sa ating mga kabarangay sa Sabado ika-apat ng
hapon.
Maghanda lamang ng mga silya sa harapan ng gate
ng inyong mga bahay para sa ibabahaging relief goods.
Ang mga ipapamahagi ay 3 kilong bigas, 1 tray ng
itlog, 3 sardinas, 6 na paketeng kape na galing kay Mayor
Tumang at 1 alcohol at 2 pakete ng sabong panlaba mula
sa mga SK.
1. Para kanino ang mahalagang anunsiyo?
2. Tungkol saan ang anunsiyo?
3. Kailan ito gaganapin?
4. Kanino galing ang anunsiyo?
5. Ano-ano ang mga ipamimigay ng Barangay

Malayang Tayahin 1
Pakinggan mo namang muli anmg isa pang kwento at sagutin

ang mga tanong tungkol dito.

Ang Magkapatid na Alzhea at Alexa


ni: Jesusa C. Perez
May dalawang magkapatid na
magkaibang-magkaiba. Simula sa
kanilang hitsura, Si Alzhea ay may singkit na mata at
tuwid na buhok samantalang si Alexa ay may mabilog
na mata at kulot na buhok. Sinigang, tinola, adobo at iba pang
masasabaw na pagkain ang gusto ni Alexa. Pritong manok, itlog,
at isda naman ang gusto ni Alzhea.
Magkaiba din ang hilig ng magkapatid. Pagpipinta ang
gustong-gustong gawin ni Alexa samantalang pagguhit naman
ang libangan ni Alzhea.
Datapwat magkaibang- magkaiba, sila naman ay
nagmamahalan at nagbibigayan sa isa’t-isa. Mahal na mahal sila
ng kanilang mga magulang. Sila ang kanilang mga prinsesa.

1. Sino ang pinag-uusapan sa kwento?


2. Ano ang relasyon nina Alzhea at Alexa?
3. Paano naging magkaiba ang kanilang hilig?
4. Magkapareho ba ang pagkaing gusto nila? Bakit?
5. Ano-ano naman ang pagkakatulad ng dalawa?

Alam ko marami ka na namang natutunan na magandang


asal sa kuwentong iyong napakinggan. Sana magsilbing
inspirasyon mo ito sa iyong pag-aaral.
Malayang Tayahin 2
Pakinggan mu naman ang isang talata at gawin ang
ipinapagawa ng panuto.

Ang Aming Mag-anak


ni: Jesusa C. Perez
Tuwing Sabado ay maagang gumigising sina Tatay at
Nanay. Pumupunta sila sa palengke. Bumibili sila ng mga pagkain
katulad ng isda, manok, gulay, prutas, itlog at marami pang iba.
Pag-uwi nila, tinutulungan naming silang magligpit ng
pinamalengke. Si Nanay ay agad na didiretso sa kusina para
lutuin ang aming tanghalian. Samantalang si tatay naman ay
magsisimula ng maglinis ng bahay. Si Kuya ang nagdidilig ng mga
halaman sa hardin. Ako naman bilang ate ang nagbabantay ng
aking kapatid habang kami ay naglalaro. Masayang
nagtutulungan an gaming pamilya sa kahit na anong gawain.

Panuto: Magsulat ng limang Gawain ng mag-anak tueing araw


ng Sabado.
1. _______________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. _______________________________________________________
4. _______________________________________________________
5. _______________________________________________________

Gamit ang isang letra bilang clue, punan ng tamang sagot ang
patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. Sa pagkikinig ng teksto, kailangan itong pakinggan at


u __ __ __ __ __ __ __ mabuti.
2. Sagutin nang t __ __ __ ang mga tanong tungkol sa tekstong
binasa.
3. Ang mga teksto ay maaaring isang k __ __ __ __ __ ___
4. u ___ ___ ___, at 5. a __ __ __ __ __ ___ ___.
Isagawa
Ngayon naman ay makikinig ka ng isang liham
pangkaibigan na babasahin sa iyo. Nakatanggap ka na ba ng
ganitong uri ng liham? Pakinggan at unawain
ang ipinahihiwatig ng liham at sagutin ang mga tanong tungkol
dito.
601 JP Rizal St. Parian
Mexico, Pampanga
Mayo 10, 2020

Mahal kong Andrea,


Kumusta ka na aking kaibigan? Sana nasa mabuti
kayong kalagayan ng iyong pamilya sa panahong ito. Sumulat
ako sa iyo upang malaman mo na umuwi muna kami ng
aming pamilya sa probinsiya upang maiwasan ang
lumalaganap na sakit lalo na diyan sa Maynila. Dumating kami
dito sa Pampanga nang mapayapa at ligtas. Masarap palang
magbakasyon dito sa bukid. Malamig ang hangin at sariwa
ang mga kinakaing gulay at prutas. Noong Linggo ay
namasyal kami sa palaisdaan ni Lolo. Nakatutuwang tingnan
ang mga bangus na nagtatalunan. Namingwit kami ng mga
tilapia at namangka. Nanghuli rin ang aming Tiyo Boyet at Tiyo
Pher ng mga alimango, sugpo, hipon, at bangus. Niluto ang
mga ito nina Tiya Shey at Tiya Dhey. Nagluto naman ng
sinampalukang manok ang aking Lola Baby para may
mahigop kaming sabaw. Kami naman ni John ay kumuha ng
dahon ng saging na ginamit naming plato sa pagkain.
Napakasaya naming lahat kasama ng aking mga
pinsan. Dito ko naranasan ang hindi pumunta ng palengke
upang mamili ng mga kakainin. Lahat ng aming kinain ay
kinuha lamang sa bukid.
Hanggang dito na lamang at mag-ingat kayo diyan.
Ang iyong kaibigan,
Lovel
1.Para kanino ang sulat?
2.Saan ito nanggaling?
3.Sino ang nagbakasyon sa Pampanga?
4.Bakit sila umuwi ng Pampanga?
5.Ano ang naranasan ni Lovely na hindi pa niya naranasan sa
Maynila?
Bigyan muli natin ng puntos ang ginawa mong pakikinig at
pagsagot gamit ang rubriks sa pahina 4.

Nagkaroon ka na ba ng isang suliranin o problema? Paano mo ito


nilutas? Pakinggan ang kwento ng dalawang magkaibigan kung
paano nalutas ang kanilang suliranin at sagutin ang mga
sumusunod na mga tanong.

May Pera sa Dagat


ni: Jesusa C. Perez
Sa isang bayan sa Pangasinan may dalawang magkaibigan na
naisipang mamasyal sa dagat dahil sa nararasang lockdown sa
kanilang lugar.
Nawalan ng trabaho ang dalawa dahil sa paghina ng ekonomiya ng
bansa epekto ng paglaganap ng pandemya. Malaking suliranin para
sa kanila at kanilang pamilya ang kawalan nila ng trabaho.
Habang sila ay naglalakad sa tabing-dagat napuna nila ang
makapal at puting Kristal na kanilang naaapakan. “Pare ano ba ito at
napakaputi?”, tanong ni Toto. “Oo nga, sagot ni Alex habang kumuha
sa kanyang palad ng kristal mula sa lupa. “Naku pare asin pala ito,
pero bakit andami?
Napaisip si Toto at umaliwalas ang mukha sa ideya sa kanyang
utak. “Pare napakabuti talaga ng Panginoon. Nawalan man tayo ng
trabaho at heto ang sagot niya sa ating problema.” Napaisip din si
Alex at nasabing: “Oo nga maaari nating pagkakitaan ang asin na ito
pare. Sa lahat ng problema di tayo dapat mawalan ng pag-asa.”
Mula noon nagkaroon di lamang ng mapaglilibangan ang
magkaibigan habang sila ay naka-lockdown, nagkaroon din sila ng
pinagkakakitaan na nakatulong sa kanilang pamilya.
Panuto: Isulat sa patlang ang hinihinging impormasyon.
1. Ngalan ng dalawang magkaibigan
______________________________________________
2. Lugar kung saan sila namasyal
______________________________________________
3. Problema ng magkaibigan
______________________________________________
4. Solusyon ng kanilang problema
______________________________________________
5. Natutuhan mong aral mula sa kwento
_____________________________________________

Karagdagang Gawain
Punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang buod
tula.
Matuto sa Krisis
ni: Jesusa C. Perez

Minsan tayo ay sinubok


Nang krisis ay biglang pumutok
Pagsira sa Inang Kalikasan
Ating pinagwalang bahala at kinaligtaan
Ilog at dagat
Napuno ng maraming kalat
Panahon na upang tayo’y magbago
Sa krisis dapat na matuto.
Buod ng Tula
Nagkaroon ng 1._____________________ sa ating
bansa dahil sa pagsira ng mga tao sa
2._________________________. Napuno ng mga kalat ang
3.________________________ at 4.________________________.
Dapat na tayong 5._____________________ at matuto sa
krisi na ating pinagdaanan.
Gabay na Gawain 1 1. e 1. Pandemic- 1.Buhay Natin 1. Lolo
1. E 2. d magpanic Nardo
2. C 3. a 2. Tungkol sa 2. bayong
3. B 4. b 2. krisis-maalis Kalikasan at payong
4. D 5. c 3.
5. A 3. namumuno- 3. Dahil nagmano
Gabay na Tayahin 1 matuto nakasalalay 4.
1. Coronavirus
ang buhay mansanas,
2. pamilya ng virus,
4. pandemya- natin sap ag- ubas,
nagdudulot ng sakit,
pagkakaisa aalaga natin suman,
karaniwang
ubo’tsipon sa kalikasan. duman,
3. respiratory 5. harapin- gatas ng
symptoms, lagnat, sugpuin 4. Ako ay kalabaw,
ubo’tsipon, pagiksi dapat kumilos sabaw,
at hirap sa at alagaan tinapay at
paghinga ang kalikasan kalamay
4. maghugas ng 5.
kamay, iwasan ang 5. Ang buhay sombrero
mga hayop, lumayo ko ay at abaniko
sa taong may sakit malalagay sa
atbp.
peligro.
5. naghuhugas ng
kamay, kumain ng
masustansiya,
gumamit ng alcohol
Gabay na Gawain 2
1. mabilog
2. gulay at prutas
3. Siya ay
naghuhugas ng
kamay
4. Huwag
magbabad sa
telebisyon
5. Nakakasira ng
mata.
Nakakapuyat.
Nakakasakit ng ulo
dahil sa radiation.
Gabay na tayahin
2
3-2-6-1-7-5-4
Pagyamanin Suriin Tuklasin Balikan Subukin
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
K12 MTB-MLE Curriculum Guide
http://lrmds.deped.gov.ph/

You might also like