You are on page 1of 18

2

Mother Tongue
(Tagalog)
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Aspekto ng Pandiwa (Salitang
Kilos na Nagawa Na)
Mother Tongue – Ikalawang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Aspekto ng Pandiwa (Salitang Kilos na Nagawa Na)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Bai- Anie E. Angkel, Cathyrine M. Diacosa, Jasnia D. Manampad, Maita C. Bair,
Rogeleta C. Arillo, Flora Mae L. Porras, Farida M. Maas, Catherine E. Layda

Editor: John A. Pagayon, Marie Fe B. Estilloso, Belina P. Agapito,


Gina Kaye N. Barretto, Rodelyn C. Martin

Tagasuri: Agabai S. Kandalayang, Yusof A. Aliudin, Aida S. Delon, Rowena P.Alterado,


Eloisa R. Agni, Sheryl B. Bautista, Ma. Kristine B. Latris

Tagaguhit: Ansare K. Ganion

Tagalapat: Ansare K. Ganion, Glen D. Napoles, Allan T. Basubas, Jay Ar O. Espartero

Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina

Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director


Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director Isagani S. Dela
Cruz, CESO V-Schools Division Superintendent
Dr. Roberto J.Montero, CESO V- Assistant Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudez, CESO VI- Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo B. Mission– REPS, MTB-MLE Elpidio B. Daquipil- CID Chief
Juvy B. Nitura- EPS In Charge of LRMS Marcelo Bucatera-ADM
Coordinator
Rebella S. Dulay – REPS, MTB-MLE

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of


Koronadal Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
2
MOTHER TONGUE
(Tagalog)
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Aspekto ng Pandiwa
( Salitang Kilos Na Nagawa Na)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang MTB-MLE 2 ng Self-Learning Module (SLM) para sa


araling Aspekto ng Pandiwa( Salitang Kilos na Nagawa Na)!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambupliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang tinatahak/ nilalakbay ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Most Essential Learning Competencies (MELCs):

Identify and use action words in simple tenses


(present, past, future) with the help of time signals. (MT2C-III a-c-2.3.2)

Ang tulong-aral na ito ay inaasahang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala Para sa Guro

Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang pangqtuturo na katulad nito. Ito ay inyong magagamit
upang maihatid at maibahagi sa inyong mga mag- aaral ang tamang kaalaman upang mapalawak at malinang ang
kanilang karunungan tungkol sa Aspekto ng Pandiwa( Salitang Kilos na Ginawa Na). Ang inyong tamang paggabay ay
makatutulong sa mga mag-aaral upang makamit ang ating mga layunin sa pag-aaral.

Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain, at sagutin nila nang tama ang lahat ng mga gawain at katanungan
dito sa modyul na sadyang inihanda para sa kanila.

Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at hangarin para sa ating mga mag-aaral. Maging
tulay tayo sa kanilang mabilis at mabisang pagkatuto. Maligayang pagtuturo.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag- aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

ii
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-
aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa MTB-MLE 2 ng Self-Learning Module (SLM) ukol sa Aspekto ng


Pandiwa( Salitang Kilos Na Nagawa Na)!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Hello! Kumusta ka naman ngayon? Ang galing ng iyong


naipamalas sa mga nakaraang aralin. Dahil dito, alam ko na kayang-
kaya mong gawin ang ating susunod na modyul. Inaasahan ko na
ibibigay mo ulit lahat ng iyong buong galing sa ating susunod na
aralin. Karapat- dapat kang bigyan ng masagabong palakpak Kid!

Alam mo ba na ang mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw


ay tinatawag na pandiwa. Ito ay binubuo ng salitang ugat at panlapi.
Maaaring gumamit ng isa o higit pang panlapi sa pagbuo ng salitang
kilos.

Most Essential Learning Competency:


 Identify and use action words in simple tenses
(present, past, future) with the help of time signals. (MT2C- III
a-c-2.3.2)

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang lubusan mong


mauunawaan ang layuning:

1. natutukoy at nagagamit ang mga salitang kilos na nagawa na gamit


ang mga pananda.

1
Subukin

Panuto: Bilugan ang salitang kilos sa mga sumusunod na


pangungusap na nasa aspektong nagawa na. Gawin ito sa
sagutang papel.

1. Si Ali ay naglaba kagabi.

2. Naglakad kami sa tabing-ilog noong isang araw.

3. Ang mga bata ay masayang sumayaw kahapon.

4. Bumuli si nanay ng bagong bisikleta sa kanina.

5.Masayang nagdiwang si Nena ng kanyang ika- pitong


kaarawan noong nakaraang lingo.

2
Balikan

Panuto: Ihanay ang larawa sa titik A batay sa mga salitang kilos


na nasa titik B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
HANAY A HANAY B

A. umiiyak
1.
B. kumakanta

2.
C. tumatalon

3. D. umaakyat

4. E. naglalaba

5. F. kumakanta

3
Tuklasin
Panuto: Basahing maigi ang kwento. Pang- aralan ang mga
salitang may salangguhit.

Pasukan Na!
(Bai-Anie E. Angkel)

Maagang gumising si Anisa dahil unang araw ng pasukan


kahapon. Nagligpit siya ng kanyang higaan nang tinawag siya ng
kanyang ina para kumain. Naligo muna siya at nagbihis bago siya
kumain. Nagsusuot na siya ng kanyang uniporme nang dumating ang
kanyang kaibigan na si Ben.
“Anisa, halika na, sasakay na tayo sa aming traysikad
papunta sa paaralan”,ang sabi ni Ben.
“Sige Ben, sandali lang kukunin ko muna ang aking
mga gamit”, sagot naman ni Anisa.
Masayang pumasok ang dalawang magkaibigan.

Pangprosesong tanong:
1. Ano ang iyong napansin sa mga salitang may salagguhit sa
kwento?
2. Ano kaya ang tawag dito?

4
Suriin

May iba’t ibang aspekto ang pandiwa. Ang mga may


salungguhit na salita sa kwentong iyong binasa ay nasa aspektong
nagawa na o natapos na ang kilos. Nagbabago ang aspekto ng
pandiwa sa tulong ng mga panlapi.
Ang mga panandang ginagamit para malaman na ang kilos ay
nagawa na: kahapon, kanina, noon, kagabi, noong isang araw, noong
isang taon at iba pa.

Halimbawa ng mga salitang kilos na naganap na:


salitang ugat + panlapi nagawa na
gising + um gumising
pasok + um pumasok
ligpit + nag nagligpit

Ngayon, alam mo na ba kung ano ang mga salitang kilos na


nagawa na? Kung ganun, ihanda ang sarili sa mga gawaing
nakahanda para sa iyo. Ibigay ang iyong buong galing para masagot
mo itong lahat.

5
Pagyamanin

GAWAIN 1: “Baguhin Mo Ako”


Panuto: Baguhin ang mga sumusunod na salita na may salungguhit
sa bawat pangungusap. Gawin itong nasa aspektong nagawa na.
Gawin ito sa sagutang papel.
1. Si Sonia ay sumusulat ng liham kahapon.
2. Noong isang buwan, sinasabi niya siya ay uuwi sa bansa sa
susunod na taon.
3. Natutuwa naman ang kanyang mga kaibigan sa balita niya
kanina.
4. Marami siyang ipapadalang mga pasalubong sa kanyang mga
kamag-anak noong isang linggo.
5. Kahapon ipapasyal niya ang kanyang mga kaibigan sa mga
magagandang lugar sa bansa.

Isaisip

Tandaan:
Ang salitang kilos na nasa aspektong nagawa na ay
nagpapahayag ng kilos na natapos na. Hindi katulad sa aspektong
ginagawa o nagagnap, hindi inuulit ang pantig ng salitang-ugat ng
mga salitang kilos sa aspektong ginawa o naganap na.

6
Isagawa

Panuto: Isulat ang angkop na salitang kilos sa aspektong nagawa na


sa mga patlang na tinutukoy sa pangungusap. Piliin ang
wastong sagot sa kahon. Gawin ito sa sagutang papel.

ginawanaghanap nagutom
sumunod umuwi

Malaki ang epekto ng covid-19 pandemic sa atin.


Maraming kababayan natin ang
gustong(1) ang hindi makauwi dito sa bansa. Ang iba
sa kanila ay nawalan ng trabaho, kaya’t karamihan ay (2)
at (3) ng paraan upang
matuganan ang pangangailangan. (4)
naman ng ating pamahalaan ang lahat ng paraan
upang tayo ay makaiwas sa pandemiya. (5) na lamang
tayo sa mga utos, nang ito ay mawala na.

7
Tayahin

Panuto: Isulat ang angkop na salitang kilos na nasa aspektong


nagawa na batay sa salitang ugat na nakasaad sa bawat
pangungusap. Gawin ito sa sagutang papel.

(gawa)1. ako ng magandang sulat para kay nanay kanina.


(walis) 2. Kami ang sa silid-aralan kahapon.
(dilig) 3. Noong isang araw sina Marko at Bailah ang
ng mga tanim.
(lakad) 4. kami kanina dahil nasira ang
sasakyan noong isang araw.
(takbo) 5. Ang tatay ni Rima ay na kapitan
noong nakaraang eleksyon.

8
Karagdagang Gawain

Panuto: Magbigay ng limang halimbawa ng salitang kilos sa


aspektong nagawa na na hindi nabanggit sa talakayan.
Gawin ito sa sagutang papel.

9
Susi sa Pagwawasto

5.ipinas
yal
5
.
5.nagdiwan 4B 4.
g . ipinadalang
4.bu 3A
mili . 3.natu
3.sasaya 2D wa
w .
2naglaka C1
d . 2.sin
1.naglab E abi
a Bali
Subu kan 1.sumu
kin
lat
Pagyamani
n

tumak 5
sumun 5
bo .
od .

gina 4 4. naglakad
wa .
3.
naghana 3
nagdilig
p .
2.
naguto 2 nagwalis
m .
1.
um 1 gumawa
uwi . Taya
Isaga
hin
wa

10
Sanggunian

https://scribd.com. n.d. (accessed June 1, 2020).

Liwanag, Lydia B. Landas sa Wika 6. n.d.

11
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, RehiyongSOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan nagagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang prosesong paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming
hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN Learning Resource Management


System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax No.: (083)

2288825/ (083) 2281893


Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like