You are on page 1of 19

1

Filipino
Ika-apat na Markahan– Modyul 2:
Nagagamit ang Salitang Kilos sa
Pag-uusap Tungkol sa
Iba’t Ibang Gawain sa Tahanan,
Paaralan at Pamayanan at
Nakapagbibigay ng Maikling
Panuto
Fiipino – Unang Baitang
Self-Learning Module
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Nagagamit ang Salitang Kilos sa Pag-uusap Tungkol
sa Iba’t ibang Gawain sa Tahanan, Paaralan at Pamayanan at Nakapagbibigay ng
Maikling Panuto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Madelyn N. Perez, Joanna A. Pamposa, Teofila G. Espuertas
Editor: Ofelia B. Prado
Tagasuri: Mary Ann C. Umadhay
Tagaguhit:
Tagalapat: Jiar A. Heman
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, CESO V – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan Jr., CESO VI – Schools Division Superintendent
Diosdado E. Ablanido - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – REPS, Subject Area Supervisor
Arlene Rosa G. Arquiza – Chief CID
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente - OIC LRMS
Jesus V. De Gracia Jr. - Division ADM Coordinator
Mary Ann C. Umadhay – Subject Area Supervisor

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
1

Filipino
Ika-apat Na Markahan-Modyul 2:
Nagagamit ang Salitang Kilos sa
Pag-uusap Tungkol sa
Iba’t Ibang Gawain sa Tahanan,
Paaralan at Pamayanan at
Nakapagbibigay ng Maikling
Panuto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino-I ng Self-
Learning Module (SLM) Modyul para sa araling Nagagamit Ang
Salitang Kilos Sa Pag-uusap Tungkol Sa Iba’t Ibang Gawain Sa
Tahanan, Paaralan At Pamayanan At Nakapagbibigay Ng
Maikling Panuto.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri


ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
1
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino-I ng Self-Learning Module
(SLM) Modyul ukol sa Paggamit Ng Salitang Kilos Sa Pag-Uusap
Tungkol Sa Iba’t Ibang Gawain Sa Tahanan, Paaralan At
Pamayanan At Pagbibigay Ng Maikling Panuto .

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

2
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin
ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

3
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan


ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

4
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas


ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim
na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

5
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyong
kaisipan o kaalaman. Ito ay tutulong sa iyo na maging
bihasa sa araling itinakda para sa Unang Baitang na may
pamagat na “Nagagamit ang salitang kilos sa pag-uusap
tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan at
pamayanan at nakapagbibigay ng maikling panuto”.Ang
kabuuan ng modyul na ito ay nagpapahintulot na
gagamitin ang iba’t ibang paraan ng pag-aaral. Ang
diyalekto o lengguahe ay kumikilala sa iba’t ibang antas
ng bokabularyo ng isang mag-aaral. Ang mga aralin ay
inayos ayon sa pamantayan ng pagtuturo.Ngunit, ang
pamantayan na iyong binabasa ngayon ay maaring
magbago para tumugma sa batayang aklat na
gagamitin ng isang mag-aaral.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng isang aralin


lamang. Ito ay ang :

Aralin 1: Nagagamit ang salitang kilos sa pag-uusap


tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan at
pamayanan at nakapagbibigay ng maikling panuto.
Pagkatapos balangkasin ang modyul, inaasahan ang
isang mag-aaral na matutunan ang araling ito:

1.Nagagamit ang salitang kilos sa pag uusap tungkol sa


iba’t ibang Gawain sa tahanan, paaralan at
pamayanan.( F1WG-IIIe-g-5)

2.Nakapagbibigay ng maikling panuto. (FIPS-lVg-8.3)

6
Subukin

Sabihin sa bata: Lagyan ng bilang 1-5 ang mga larawan


sa tamang hakbang o panuto sa paghuhugas ng mga
kamay.

Banlawang mabuti ang mga


kamay sa umaagos na tubig.

Kuskusin nang mabuti ang harap


at likod ng mga palad, pagitan at
dulo ng mga daliri ng paikot-ikot.

Patuyuin ang mga kamay gamit


ang malinis na tuwalya.

Hugasan ang mga kamay gamit


ang malinis na tubig.

Maglagay ng tamang dami ng


sabon sa mga kamay.

Sabihin sa bata: Magandang Araw! Narito ako upang


ibahagi ang bagong kasanayan na lubhang mahalaga sa
inyong pag-aaral ito ay ang Paggamit ng salitang kilos sa
pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan,
paaralan at pamayanan at pagbibigay ng maikling
panuto. Tara! Simulan na natin ang ating pag aaral.
7
Aralin Nagagamit Ang Salitang Kilos Sa Pag-
Uusap Tungkol Sa Iba’t Ibang Gawain Sa
1 Tahanan, Paaralan At Pamayanan At
Nakapagbibigay Ng Maikling Panuto

Balikan

Sabihin sa bata: Piliin at isulat sa patlang ang dalawang


salitang magkatugma sa bawat bilang.

1. lola tanim bola = ______________


2. apat baso laso = ______________
3. buto bato babae = ______________
4. lapis aklat walis = ______________
5. papel ilong talong = ______________

Tuklasin

Sabihin sa bata: Basahin at unawain mong mabuti ang


maikling kuwento at pagkatapos ay sagutin mo ang mga
sumusunod na mga katanungan na nasa ibaba.

Wastong Paghuhugas ng mga Kamay


Isinulat nina: Madelyn N. Perez, Teofila G. Espuertas at Joanna A. Pamposa

Nanonood ang pamilya ni Pabpab ng balita sa


telebisyon tungkol sa Covid 19. “Nanay marami na ang
nagkakaroon ng Covid 19 sa Pilipinas. Ano po ba ang
dapat gawin para maiwasan ito?” Tanong ni Pabpab.

8
“Isa sa dapat gawin ay ang palaging maghuhugas ng
mga kamay. Halika sa lababo tuturuan kita kung paano
ang tamang paghuhugas ng mga kamay” sabi ng
nanay. “Sige po nanay gusto ko yon.” sagot ni Pabpab.
“Sige gawin mo ang mga panutong sasabihin ko”. “Una,
hugasan mo ang iyong kamay ng malinis na tubig at
maglagay ng tamang dami ng sabon. Kuskusin mo nang
mabuti ang mga palad, likod, pagitan ng daliri at ang
dulo ng daliri kuskusin ng paikot-ikot. Banlawan nang
mabuti ang mga kamay sa umaagos na tubig at
patuyuin ang mga kamay gamit ang malinis na tuwalya”.
Masayang ginagawa ni Pabpab ang mga panutong
ibinibigay ng kanyang nanay sa paghuhugas ng kanyang
mga kamay. “Magaling! Nasunod mo nang mabuti ang
mga panuto sa tamang paghuhugas ng mga
kamay.”Masayang sabi ng nanay.

Suriin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong


tungkol sa kuwentong binasa.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
___________________________________________________
2. Ano ang pinanonood ng pamilya ni Pabpab?
___________________________________________________
3. Ano-ano ang mga panutong ibinigay ng nanay ni
Pabpab sa tamang paghuhugas ng kamay?
___________________________________________________

9
4. Ano-ano ang mga salitang kilos na ginamit sa mga
panuto sa tamang paghuhugas ng kamay?
__________________________________________________
5. Nasunod ba ng tama ni Pabpab ang mga panuto sa
paghuhugas ng kamay?
__________________________________________________

Pagyamanin

Panuto: Guhitan sa loob ng panaklong ang angkop na


salitang kilos sa bawat larawan.

1. (banlawan , patuyuin )

2. ( maglagay , kuskusin )

3.
( patuyuin , banlawan )

4.
( kuskusin , hugasan )

5. ( maglagay , patuyuin )

10
Isaisip

Panuto: Sagutin ang mga tanong.


1. Bakit kailangan natin maghugas ng kamay?
2. Paano ang tamang paghuhugas ng kamay?

Tandaan!
Sa paggawa ng isang gawain, kailangan pakinggang
mabuti at sundin ng tama ang mga panutong ibinigay, para
magawa ng tama ang mga gawain.

Isagawa

Panuto: Bilugan ang salitang kilos sa bawat pangungusap.


1. Hugasan ang inyong kamay ng malinis na tubig.
2. Maglagay ng tamang dami ng sabon.
3. Kuskusin nang mabuti ang harap at likod ng mga
palad, pagitan at dulo ng mga daliri ng paikot-
ikot.
4. Ang mga kamay ay banlawan nang mabuti sa
umaagos na tubig.
5. Patuyuin ang mga kamay gamit ang malinis na
tuwalya.

11
Tayahin

Panuto: Aling panuto ang sinusunod ng mga sumusunod


na mga pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Banlawang mabuti ang mga kamay


sa umaagos na tubig.

a. b. c.

Kuskusin nang mabuti ang harap at likod ng


2. mga palad, pagitan at dulo ng mga daliri ng
paikot-ikot.

a. b. c.

3. Patuyuin ang mga kamay gamit ang malinis


na tuwalya.

a. b. c.

12
4. Hugasan ang mga kamay gamit ang malinis
na tubig.

a. b. c.

5. Maglagay ng tamang dami ng sabon.

a. b. c.

Karagdagang Gawain

Sabihin sa bata: Sumulat ng tatlong pangungusap o


panuto tungkol sa paghuhugas ng mga pinggan.

1. ____________________________________________________
___________________________________________________ .
2. ____________________________________________________
___________________________________________________ .
3. ____________________________________________________
___________________________________________________ .

13
14
Karagdagang Tayahin Isagawa
Gawain 1. a 1. hugasan
Tanggapin at 2. c 2. maglagay
pakinggan ang sagot o 3. b 3. kuskusin
kuwento ng bata. 4. c 4. banlawan
5. b 5. patuyuin
6.
Isaisip
1. Para makaiwas sa sakit na
Covid19
2. Sundin ang panuto sa tamang
paghuhugasng kamay
Pagyamanin Suriin Subukin
1.Pabpab,Nanay,pamilya
1. banlawan 1. 4
2.balita tungkol sa Covid 19
2. 3
3 Una, hugasan mo ang iyong kamay ng
. 3. 5
2. kuskusin malinis na tubig . Ikalawa, maglagay ng 4. 1
tamang dami ng sabon. Ikatlo, kuskusin mo
nang mabuti ang mga palad, likod, 5. 2
3. patuyuin pagitan ng daliri at ang dulo ng daliri
kuskusin ng paikot ikot. Pang apat,
banlawan nang mabuti ang mga kamay sa
umaagos na tubig. Panglima, patuyuin ang Balikan
4. hugasan mga kamay gamit ang malinis na tuwalya
4.hugasan, maglagay, kuskusin, banlawan 1. lola-bola 5.ilong-
patuyoin
5. maglagay
5. opo 2. baso-laso talong
3. buto-bato
4. lapis-walis
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

• Banlawan ang kamay. April 12, 2021


https://images.app.goo.gl/DN4SeWCyqKN36Zjr7
• Kuskusin ang kamay. April 12, 2021
https://images.app.goo.gl/jv1Rni9myLGPfvnx8
• Patuyuin ang kamay. April 12, 2021
https://images.app.goo.gl/29pf3CqZPhus5i9u9
• Hugasan ang kamay. April 12, 2021
https://images.app.goo.gl/cpVoWHdsKWD63DZv9
• Mag lagay ng tamang dami ng sabon. April 12, 2021
https://images.app.goo.gl/u6cVVJ7BMK2PYoFE9

15
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021.
Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay
ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like