You are on page 1of 20

1

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3:
Inaalagaan Ko ang Aking Sarili
Edukasyon sa Pagpapakato -Unang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan 1 – Modyul 3: Inaalagaan Ko ang Aking Sarili
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Christine Joy C. Cagud


Editors: Alejandro A. Corre, Joene O. Dela Cruz, Lyme S. Arellano, Bernadette M. Angel
Tagasuri: Yusof A. Aliudin, Agabai S. Kandalayang, Mary Joy D. Bautista,
Mary Anne A. Barrientos
Tagaguhit: Chritine Joy C. Cagud
Tagalapat: Maria Fe C. Linao
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo – Regional Director
Fiel Y. Almendra – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz - Schools Division Superintendent
Natividad G. Ocon - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia G. Diaz - REPS – Edukasyon sa Pagpapakatao
Elpidio B. Daquipil - CID Chief
Juvy B. Nitura – Division EPS in Charge of LRMS
Marcelo B. Bocatera - Division ADM Coordinator
Edmund A. Rosete Sr. - EPS – Edukasyon sa Pagpapakatao

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi
na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit
ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

iv
Alamin

Ang Modyul na ito ay inihanda para sa inyong kaalaman at


pagkatuto sa mga aralin at upang higit na malinang ang inyong mga
natatanging kakayahan na may tiwala sa sarili at pagpapasalamat sa
Diyos kahit kayo ay nasa bahay lamang.

Pinaniniwalaan din na ang kagandahang-asal at mabuting


pag-uugali ay nagsisimula sa pagkakaroon ng kamalayan at pagtuklas
sa sariling kakayahan, pangangalaga sa sarili upang higit pa ng
malinang ang mga kakayahang ito, at paggamit ng nasabing mga
kakayahan upang makapagdulot ng kaligayahan sa pamilya.
Ang aralin ay nakapokus lamang sa inyong kaalaman tungkol
sa pangangalaga sa sarili at mga gawain na maaaring mabubuti sa
kalusugan.

Most Essential Learning Competencies


1. Nakapaglalarawan ng iba’t ibang gawain na maaaring
makasama o makabubuti sa kalusugan (EsP1PKP- Id – 3)

Sa araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakikilala ang iba’t ibang gawain/paraan na
maaaring makasama o makabuti sa kalusugan.
2. Natutukoy ang iba’t ibang gawain/paraan na
nakasasama sa kalusugan

1
Subukin

Panuto A: Iguhit ang kung nakabubuti sa kalusugan at


kung hindi nakabubuti sa inyong kuwadernong panggawain sa ESP.

1. 2.

3. 4.

5.

2
Panuto B: Iguhit sa iyong kwadernong panggawain ang hugis puso (
) kapag ito nakabubuti sa ating kalusugan at bilog (O) naman kapag
nakakasama.

1. 2.

3. 4.

5.

3
Balikan

Panuto: Isulat sa kuwadernong panggawain ang (√ ) kung


nakabubuting gawain sa kalusugan at (X)kung nakakasama ang
mga sumusunod na sitwasyon.
1. Sinisiguro ni Sita na siya ay nakakainom ng walo o
higit pang basong tubig araw- araw

2. Mahilig manood ng telebisyon si Lorna. Laging siyang


puyat sa panonood.

3. Mahilig kumain ng sitsirya si Joan tuwing oras ng


meryenda.

4. Pinananatiling maliksi ni Ruben ang katawan


sa pamamagitan ng pag-eehersisyo dalawang beses sa
isang lingo.

5. Masusustansiyang pagkain ang kinakain ni Beth dahil yan ang


palaging handa at luto ng kanyang nanay para sa kanilang
pamilya.

4
Tuklasin

Panuto: Basahin ang tula at unawain ito.

Ang Malusog na Si Mela


Ang batang si Mela na nasa unang baitang laging
isinasaisip ang kanyang kalusugan sinusunod niya
ang maraming paraan
upang mapanatiling malusog ang pangangatawan

Paglilinis ng katawan tulad ng pagsisipilyo araw-


araw din ang kanyang pagligo Pag-eehersisyo
ay di rin isinasantabi
Sa katawan ito’y nagbibigay silbi

Pagkain ng masuntansya Ay
ginagawa niya sa tuwina
Pag-inom ng walong basong tubig Ay
madalas niyang ginagawa

Ang pagtulog ng sapat Sa


kanya ay mahalaga
Sa isang batang tulad niya
Ito’y nagbibigay ng bagong sigla

Ang mga paraang kanyang sinusunod


Nagbibigay gabay ng lubos at lugod Sa
pagpapalusog ng kanyang katawan
Sa tuwina ay laging isagawa at tandaan.

5
Suriin

Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa tulang binasa.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa kwadernong panggawain.

1. Paano nililinis ni Mela ang sarili?

a. Siya ay naliligo at nagsisipilyo araw-araw


b. Nagpupunas ng mukha sa umaga
c. Nagpapalit ng damit sa gabi

2. Anong uri ng pagkain ang kanyang madalas kainin upang


maging malusog?

a. itsirya at softdrinks
b. Ice cream at tsokolate
c. Masustansyang pagkain tulad ng gulay at prutas

3. Ilang basong tubig ang kanyang iniinom araw-araw?

a. anim
b. lima
c. walo o higit pa

6
4. Bakit mahalaga ang pagtulog ng sapat?

a. Upang magkaroon ng lakas ang katawan


b. Upang maging mabigat ang katawan
c. Upang manghina ang katawan
5. Bakit kailangang panatilihing malusog ang
pangangatawan?

a. Upang magawa ang mga gawain sa araw- araw


b. Upang maging malayo sa sakit
c. Lahat ng nabanggit

Pagyamanin

Panuto A: Tingnan ang larawan. Piliin sa kahon ang angkop


na salita na bubuo sa pangungusap. Pagkatapos gawin ay
basahin nang malakas ang mga pangungusap.

walo
kuko
umiinom nag-
eehersisyo
masustansya

Pinananatiling maiksi si Nilo ang


1. kanyang mga upang
lagi itong malinis.

7
Si Nestor ay
2. dalawang beses sa isang lingo.

Si Rita at Resty ay ng
3. walong basong tubig araw-araw.

4.
Kumakain ng
pagkain sina Lina at Lino.

Upang mapanatiling masigla ang


katawan, sinisiguro ni Rona na
5. oras ang kanyang tulog.

8
Panuto B: Iguhit ang hugis puso kung mga gawain ay nagpapalusog
at tumutulong sa paglinang ng sariling kakayahan at hugis kung
hindi. Gawin ito sa iyong kuwadernong panggawain.

1. Si Ana ay nakakatulog ng walong oras araw-araw.

2. Si Mario ay napupuyat sa panonood ng telebisyon.

3. Iniiwasan ni Leah ang uminom ng malamig at


kumain ng matatamis na mga pagkain.

4. Paborito ni Nilo ang pagkain ng masustansyang pagkain.

5. Umiinom ng walo o higit pang basong tubig si Rey araw –


araw.

9
Isaisip

Panuto A: Isulat sa iyong kwadernong panggawain ang


tatlong paraan kung paano mapapanatiling malusog ang ating
pangangatawan?
1.
2.
3.

Panuto B: Iguhit sa iyong kwadernong panggawain ang dalawang


bagay o gawain na makasasama sa iyong kalusugan.
4.
5.

Tandaan:
Ang kalusugan ay isang kayamanan. Maraming paraan o
gawain ang maaring gawin upang maging malusog ang
pangangatawan gaya ng mga sumusunod:
• pag-eehersisyo
• pagkain ng masustansiyang pagkain
• pag-inom ng walong basong tubig sa isang araw
• sapat na tulog

Pag-usapan natin:
Ikaw may alam ka bang pamamaraan kung paano
mapananatiling malusog ang iyong

10
Isagawa

Panuto A: Basahin ang pahayag. Iguhit ang mukhang


masaya kung nakabubuti sa kalusugan ang
isinasaad nito at malungkot na mukha kung hindi sa iyong
kuwadernong panggawain.

1. Panatilihing malinis ang katawan.


2. Kumain nang masustansyang pagkain sa tamang
oras.
3. Madalas na pagpupuyat sa panood ng
telebisyon.
4.Pag-eehersisyo dalawang beses sa isang linggo.
5. Magsuot ng malinis na damit araw-araw.

Panuto B: Piliin sa loob ng kahon ang kakayahan na nangangailangan ng


pangkalusugang gawain. Isulat ang inyong sagot sa kuwadernong
panggawain.

pag-awit Isports pagsasayaw pagguhit

1. Pag- ehersisyo sa pagpapalakas ng mga buto.


2. Pagtulog ng sapat para maging masigla.
3. Pagkain ng kalabasa, pampalinaw ng mata.
4. Pag-iwas sa matamis at malamig na pagkain

11
Tayahin

Panuto A: Isulat ang OPO kung nagpapakita ng


gawaing nakapagpapalusog ng katawan at HINDI PO kung hindi
sa inyong kwadernong panggawain.

1. Paborito ni Ana ang sitaw, kalabasa at okra na


ulamin.
2. Ako ay naliligo isang beses isang linggo.

3. Mahilig manood ng teleserye si Sita. Palagi siyang


natutulog ng alas dose ng gabi.

4. Sinisiguro ni Lisa na nakakainom siya ng walong basong


tubig o higit pa sa isang araw.

5. Tuwing umaga, madalas magkasamang magjogging


sina Yayo at mga kaibigan sa plasa.

12
Panuto B: Isulat sa kwadernong panggawain ang TAMA kung ang
pangungusap ay nagpapahayag ng mabuting gawain na
nagpapalusog at tumutulong sa paglinang ng sariling kakayahan
at HINDI TAMA hindi.

1. Paglilinis ng sarili araw-araw.

2. Pagkain ng gulay at prutas.

3. Madalas na pag inom ng softdrinks at iba pang may


artipisyal na flavor na mga inumin.

4. Pag-ehersisyo dalawang beses sa isang linggo.

5. Pag-iwas sa pagpupuyat.

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumupit ng mga larawan mula sa lumang newspaper o


magasin na nagpapakita ng mga gawaing nagpapalusog ng
katawan.

Kriteria ng Gawain

Kriteria 5 4 3
1. Galing sa
paggupit
2. Kaalaman
3. Natapos
ang
Gawain sa
takdang
oras

14
Susi sa Pagwawasto

15
Sanggunian
n.d. Most Essential Learning Competencies.
Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan, Rolan Baldonado
Catapang, Isabel Montezero-Gonzales. 2013. Edukasyon sa
Pagpapakatao 2 Tagalog, Kagamitan ng Mag-aaral.
Unang.
—. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao Tagalog, Patnubay ng
Guro. Unang Edisyon.

16
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Ka gawaran ng
Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan
ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay
sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito
ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag -aaral ng SOCCSKSARGEN
Region simula sa taong panuruan 2020 2021. Ang proseso ng paglinang ay
-

sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming


hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education SOCCSKSARGEN Learning Resource

Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax No.:


(083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like