You are on page 1of 15

2

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Kakayahan Mo Ipakita Mo
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Kakayahan Mo, Ipakita Mo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Schools Division Office Quezon City


Quezon City Local Government
Schools Division Superintendent Dr. Jenilyn Rose B. Corpuz
Punong Lungsod, Kagalang – galang Josefina Belmonte Alimurong
2
Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Unang Markahan – Modyul 1:
Kakayahan Mo, Ipakita Mo!
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 2 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa aralin1.
Ang modyul na ito ay nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang magaaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad
nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 2 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Aralin 1.
Layunin ng modyul na ito ay matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silidaralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

ii
Pamantayan sa Pagkatuto:
Naisakikilos ang sariling kakayahan sa iba’t ibang
pamamaraan: 1. 1 pag- awit , 1.2 pagguhit 1.3. pagsayaw 1.4
pakikipagtalastasan 1.5 at iba pa
(K to 12 CG Code - EsP2PKP- Ia-b-2 )
Pagkatapos mapag-aralan ang aralin na ito, inaasahan
na ang mag-aaral ay:
a. Natutukoy ang mga gawain na nagpapakita ng
pagsasakilos ng iba’t ibang kakayahan at talento.
b. Nalalaman kung paano isasakilos ang iba’t ibang kakayahan
at talento.
c. Nakaguguhit ng simpleng larawan na nagpapakita ng
pagsasakilos ng kakayahan at talento.

1
Subukin
Panuto: Pag-ugnayin ang larawan sa hanay A sa salitang ipinapakita nito
sa hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
Hanay A Hanay B

a. pakikipagtalastasan
1.

2.

b. pagguhit

3.

c. pagsasayaw

4.
d. pag-awit

5. e. pagtugtog ng
instrumento

2
B

Balikan

Panuto: Isulat ang T kung tama ang bawat isinasaad ng


pangungusap at H kung hindi naman. Isulat sa sagutang papel ang
iyong sagot.

1. Nakakaya kong gawin ang mga gawain sa gabay at sa tulong ng


aking mga magulang.

2. Ang pamilyang nagtutulungan ay napapagaan ang bawat


gawain sa tahanan.

3. Ang tahanan ay nagiging masaya kung walang pagkakaisa


ang bawat kasapi ng pamilya.

4. Ugaliing maging isang batang huwaran sa lahat ng


pagkakataon.

5. Dapat ipagyabang ang angkin mong kakayahan.

3
Tuklasin
Basahin ang tula tungkol sa “Kakayahang Taglay, Bigay ng
Maykapal”.

Kakayahang Taglay, Bigay ng Maykapal


ni Maria Teresita R. Versoza

Minsan sa aking buhay nagbago at nagkakulay Lumuhod


at dumalangin sa Maykapal
Pagkalooban ng munting talento at kakayahan
maipamalas para sa Kanyang kapurihan.

Talentong kaloob hindi iisa ngunit higit pa Nagkaloob


sa akin talagang kaybuti Niya
Kaya dapat kong pagyamanin para Siya’y matuwa At higit sa
lahat ibabahagi ko sa aking kapwa.

Kakayahan at talento na Kanyang regalo


Pag-awit, pagsayaw at pagtugtog ng mga instrumento Sa bawat
araw marami ang napapasaya ko
Kaya hindi ako mahihiya isagawa at isakilos ito.

4
Suriin
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na mga tanong batay sa tula
na iyong nabasa. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang pamagat ng tula?
2. Kanino humingi ng talento o kakayahan ang may
akda?
3. Ano-ano ang mga talento na ibinigay sa kanya?
4. Mahalaga bang pagyamanin at isakilos ang ating kakayahan
o talento? Bakit?
5. Kung ikaw ang nabiyayaan ng talento o kakayahan, ano
ang mga dapat mong gawin?

Pagyamanin
Ikaw ay pinagkalooban ng kakayahan at talentong
tulad ng pag-awit, pagsayaw, pagguhit, pakikipagtalastasan at
pagtugtog ng iba’t ibang
instrumento. Sa paanong paraan mo ito mapapaunlad? Magbigay ng
dalawa.
Halimbawa: Ang talento mo ay sa pag-awit. Ano ang dapat
mong gawin para ito ay mapagyaman?
1. Makinig sa radyo o manood sa telebisyon ng mga
palabas tungkol sa tamang tono, kumpas at iba pa.
2. Magpaturo sa mga kamag-anak na
magagaling sa pag-awit.

5
Isaisip
Ang pag-awit, pagsasayaw, pagpipinta,
pakikipagtalastasan, kahusayan sa pagtutula, pagtugtog ng
mga instrumento at iba pa ay mga ilan lamang sa angking
kakayahan at talento na dapat ipagmalaki at isakilos ng
bawat Pilipinong mag-aaral. Kailangan itong pagyamanin,
maibahagi sa
iba at huwag ikahiya bilang isang batang mag- aaral sa
ika-21 siglo.

Isagawa
Iguhit ang talento o kakayahan na meron ka sa iyong
sagutang papel/manila paper o bond paper.

Tayahin
A. Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang mga larawan na
nagpapakita ng tamang pagsasakilos ng talento at ekis (x)
kung hindi. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

1. 2.
3 4.

5.

B. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang


TAMA kung ito ay nagpapakita ng tamang pagsasakikilos
ng kakayahan o talento at MALI naman kung hindi.
1.Sumasali lagi si Kean sa mga palatuntunan sa kanilang
paaralan.
2. Nahihiyang sumali si Mae sa kanilang
pangkatang gawain.
3. Ayaw ipakita ni Leo ang kanyang talento baka gayahin
ng iba.
4. Si Vincent ay laging nag-eensayo sa
pagsasayaw.
5.Masayang ibinabahagi ni Regine ang
kakayahan niya sa pag-awit.

7
C. Panuto: Tignan ang mga larawan sa ibaba. Isulat sa
sagutang papel ang letra na nagpapakita ng pagsasakilos
ng kakayahan o talento.

a
b. c.

d. e f.

Karagdagang Gawain
Panuto: Sa gabay ng iyong magulang o nakakatanda sa
inyong tahanan, gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng iba’t
ibang talento o kakayahan na meron ka o gusto mo pa na paunlarin.
At, idikit ito sa inyong sagutang papel

8
10

You might also like