You are on page 1of 24

2

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Pag-uugnay ng Sariling Karanasan
sa Binasa

CO_Q3_Filipino2_ Module5
Filipino – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Binasa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maricar S. Gerella
Editor: Carolyn R. Reyes, Donna S. Villanueva
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD, Mila D. Calma
Tagaguhit: Joy Marie A. Salvador
Tagalapat: Bryan Jake C. Mangune, Cherry Lou O. Calison
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio EdD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Milagros M. Peñaflor PhD
Edgar E. Garcia
Romeo M. Layug

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center,


Maimpis, City of San Fernando, Pampanga
Telefax: (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Pag-uugnay ng Sariling Karanasan
sa Binasa
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat upang maunawaan ng


mga mag-aaral ang kahalagahan ng kaniyang mga
karanasan na maaari niyang maiugnay sa mga aralin sa
paaralan para sa mas malalim na pagkatuto.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan


mo kung paano mo:
1. naiuugnay ang sariling karanasan sa binasang teksto
(F2PN-II-b-2)
a. natutukoy ang mga sariling karanasan na may
kaugnayan sa binasang teksto;
b. nailalarawan kung paano nauugnay ang sariling
karanasan sa binasang teksto; at
c. naipakikita ang pagpapahalaga sa sariling mga
karanasan bilang pantulong sa pagkatuto.

1
CO_Q3_Filipino2_ Module5
Subukin

Gabay ng magulang/guro:
Ipaliwanag sa bata kung paano gawin ang
bahaging ito. Gabayan ang mag-aaral sa
pag bigay ng kaniyang sagot.

Gawain ng mag-aaral
Sagutin ang gawain sa pamamagitan ng pagsulat
sa sagutang papel ng tsek (✓) kung ang larawan ay
naranasan mo at ekis (x) kung hindi. Maaaring
magpatulong sa tagapaggabay upang maibigay
ang sagot.

2. 3.
1.

.
4. 5.

2
CO_Q3_Filipino2_ Module5
Aralin

1 Ang Aking Mga Karanasan

Gabay ng magulang/guro:
Sabihin: Babasahin natin ang kasunod na kaalaman
upang may bago tayong matutuhan.

Gawain ng mag-aaral:
Maaring magpatulong sa tagagabay sa
pagbabasa. (para sa mag-aaral na hindi pa gaano
marunong magbasa.)

Bawat tao, bata man o matanda ay puno ng mga


karanasan mula sa kaniyang pagsilang. Ang mga
karanasang ito ay maaaring maging kasingkulay ng
bahaghari (rainbow).
Ang mga karanasang ito ay maaaring masaya,
malungkot, nakaiinis, nakapapagod, nakatatakot o ano
pa mang damdaming maaari nating maramdaman.
May mga karanasang nananatiling malinaw sa ating
alaala kahit matagal na itong nangyari. Mayroon din
namang madaling makalimutan.
Ang mga karanasan ay maaari nating mabuo mag-
isa o kasama ang pamilya, mga kalaro at kaibigan,
kamag-aral, guro at iba pang tao sa paligid.
Maaari itong ukol sa iyong paglalaro, pag-aaral,
pagsunod sa mga utos sa bahay o sa mga nababasa,
napapanood at napapakinggan natin.

3
CO_Q3_Filipino2_ Module5
Balikan
Gabay ng magulang/guro:
Sabihin: Pagmasdang mabuti ang mga larawan sa
bawat kahon. Alin sa mga ito ang mga bagay na
may kaugnayan sa iyong pagiging bata? (Sa
batang hindi pa masyadong marunong magbasa
at magsulat, maaring tanungin siya ng kaniyang
sagot.)

Gawain ng mag-aaral:
Panuto: Piliin ang letra ng mga bagay na naging
karaniwang bahagi ng iyong pagiging bata bago ka
mag-aral sa paaralan.

A B C D

E F G H

4
CO_Q3_Filipino2_ Module5
Tuklasin

Gabay ng magulang/guro:
Sabihin: Sabay nating basahin ang kasunod na akda.
(Para sa batang hindi pa maruong magbasa)

Gawain ng mag-aaral:
Magpatulong sa tagapaggabay sa pagbabasa
kung hindi mo pa kayang magbasa na mag-isa.

Batang Bayani
ni: Maricar S. Gerela

Ang ating mga dakilang bayani tulad ni Dr. Jose


Rizal, na Pambansang Bayani at si Andres Bonifacio, na
Ama ng Katipunan ay malimit na maging huwaran ng
pagmamahal sa bayan. Sila, kasama pa ang ibang
magigiting na Pilipino ay nag-alay ng buhay para sa
kalayaan ng mga Pilipino.
5
CO_Q3_Filipino2_ Module5
Sa makabagong panahon, tunay na marami pa rin
tayong maituturing na bayani – batang bayani. Isa na
rito si Paulo.

Si Paulo ay nasa ikalawang baitang at isa


sa pinakamapagmahal sa bayan. Madalas
niyang iguhit ang mga magagandang
tanawin sa Pilipinas at mga pambansang
sagisag sa tuwing sila ay guguhit sa Sining.

Mahilig siyang magbasa at makinig sa mga kuwento


ukol sa kagitingan ng mga bayani ng bansa.

Kahit saan at kahit kailan niya marinig na tinutugtog


o inaawit ang Lupang Hinirang ay magalang siyang
humihinto at sumasabay sa pag-awit nang buong
paggalang.
Bukod pa rito, lagi rin siyang
handang tumulong sa kaniyang
mga kababayan kahit siya ay
bata pa lamang – itinatawid
ang mga matatanda sa daan,
nagsasauli ng mga bagay na
napulot, nagtatapon ng basura
sa tamang tapunan at
magalang kahit kaninoman.

Sa lahat ng kaniyang mga katangian, maituturing na


rin natin siyang “Batang Bayani”.
6
CO_Q3_Filipino2_ Module5
1. Ang pinag-uusapan sa kuwentong binasa ay si______.
a. Pablo c. Paulo
b. Pablito d. Paquito

2. Ang katangiang taglay ni Paulo sa lahat ay ang


pagiging_______.
a. mabait b. matalino
c. masunurin d. makabayan

3. Alin sa mga ginagawa ni Paulo ang naging karanasan


mo na rin?
a. Umawit ng Lupang Hinirang.; Magsauli ng gamit
na napulot.
b. Gumuhit ng mga pambansang sagisag.;Tumulong
na itawid ang matanda sa tamang tawiran;
Magtapon ng basura sa tamang tapunan.
c. isa o dalawa sa a at b
d. wala ni isa sa a at b

4. Bakit mahalaga ang pagiging makabayan?


a. Dahil ito ay tanda ng pagmamahal at paggalang
sa bansa.
b. Maipagmalaki ka ng iyong mga magulang,
kapatid at pamilya
c. Maaari kang maging tanyag at kilalang-kila sa
inyong lugar
d. Lahat ng nabanggit

7
CO_Q3_Filipino2_ Module5
5. Dapat ba nating tularan si Paulo? Bakit?
a. Opo, dahil magandang halimbawa ang ipinakita
niya.
b. Opo, dahil masayahing siyang bata.
c. Hindi po, dahil mahirap ang kaniyang ginagawa.
d. Hindi po, dahil siya lamang ang kayang gumawa
niyon.

Suriin

Gabay ng magulang/guro:
Gabayan ang mag-aaral na maisagawa nang
maayos ang kasunod na gawain. (Para sa batang
hindi pa gaano marunong magbasa at magsulat,
maari siyang tanungin ng kaniyang sagot)

Gawain ng mag-aaral:
Magpatulong sa tagapaggabay sa pagbasa at
pag-unawa ng mga sumusunod na gawain (Para sa
mag-aaral na hindi pa gaano marunong magbasa
at umunawa.)
Basahin ang talaan, pumili ng limang (5) gawain o
karansang nagpapakita ng pagiging “Batang
Bayani” tulad ni Paulo. Isulat ang letra ng iyong
sagot sa sagutang papel.
A. Pagsagot nang may po at opo
B. Pagtulog nang mahimbing
C. Pagtulong sa mga gawaing bahay
D. Pagsunod sa pila kung maraming kasabay na
naghihintay
8
CO_Q3_Filipino2_ Module5
E. Panonood ng TV sa buong araw
F. Pagsasabi ng totoo sa lahat ng oras
G. Pagmamano sa mga nakatatanda
H. Pagligo bago pumasok

Ang pag-uugnay ng ating sariling karanasan sa


binabasang teksto o kuwento ay makatutulong upang:
✓ Mas madali nating matatandaan ang detalye ng
binasang teksto o kuwento
✓ Magamit natin ang aral mula sa ating mga binasa
o binabasa sa araw-araw na gawain
✓ Mahubog ang ating pagiging malikhain kung
paano natin hahanapin ang kaugnayan ng ating
mga karanasan sa ating binasa.

Pagyamanin

Gabay ng magulang/guro:
Gabayan ang mag-aaral sa pagsasagawa ng
kasunod na gawain.

Gawain ng mag-aaral:
Humingi ng tulong sa tagapaggabay upang
maisagawa nang wasto ang kasunod na gawain.
(Para sa mag-aaral na hindi pa gaano marunong
magbasa at at umunawa.)

9
CO_Q3_Filipino2_ Module5
Basahin.

Ang Payong

Lilim sa init,
Panangga
sa tag-ulan;
At kaibigan.

Panuto: Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang


naging bahagi na ng iyong karanasan sa paggamit ng
payong?

Iguhit sa iyong sagutang papel ang tsek (✓) kung naging


karanasan mo na ito at ekis (x) kung hindi pa.

1. Mayroon akong magandang payong.


2. Nasira ang aking payong dahil sa lakas ng hangin
dulot ng bagyo.
3. Pinasukob ko ang aking kamag-aral sa dala kong
payong.
4. Ginamit ko ang aking payong bilang panangga sa
susugod na aso.
5. Nakatanggap ako ng payong bilang isang regalo.

10
CO_Q3_Filipino2_ Module5
Isaisip

Gabay ng magulang/guro:
Ipaliwanag sa bata kung paano gawin ang
bahaging ito. Maaari pa ring magbigay ng sagot
ang mga bata sa paraang pasalita kapag hindi pa
niya kayang isulat ang kaniyang sagot.

Gawain ng mag-aaral
Sagutin ang gawain sa pamamagitan ng pagsulat o
pagsasabi nito.
• Sa ating buhay bawat araw ay nagkakaroon
tayo ng mga bagong karanasan. Mula sa mga
karanasang ito natututo tayo ng mga
katotohanan sa buhay. Ang lahat ng mga ito ay
magagamit natin sa ating pag-aaral.

• Maraming mga aralin kung saan maaari nating


maiugnay ang ating mga karanasan. Sa
simpleng paglalaro, pakikipagkuwentuhan,
paggawa ng mga gawaing bahay, lahat ng ito
ay maaring maiugnay sa mga napag-aralan.

• Bilang bata, nakabubuo tayo ng maraming


karanasan habang tayo ay lumalaki. Ang mga
ito ay dadalhin natin hanggang sa ating
pagtanda.

11
CO_Q3_Filipino2_ Module5
Panuto: Basahin ang talataan. Punan ang mga patlang
ng angkop na salita sa loob ng parihaba. Letra lamang
ang isusulat sa sagutang papel.

A. aralin D. karanasan
B. bagong E. kaugnayan
C. buhay

Araw-araw ay nakabubuo tayo ng mga


(1)
______________ karanasan kung saan tayo ay natututo
(2)
ukol sa _____________. Ang mga karanasang ito ay
(3)
maiuugnay sa mga _______________ sa paaralan.
Maaaring may (4)maituro sa klase na hawig sa ating mga
naging _______________. Mas magiging madali(5) ang
pagkatuto kapag nalaman natin ang _______________ ng
mga aralin sa ating mga karanasan.

Isagawa

Gabay ng magulang/guro:
Ipaliwanag sa bata kung paano gawin ang
bahaging ito. Maari pa ring magbigay ng sagot ang
mga bata sa paraang pasalita kapag hindi pa niya
kayang isulat ang kaniyang sagot.

Gawain ng mag-aaral
Sagutin ang gawain sa pamamagitan ng pagsulat o
pagsasabi nito.

12
CO_Q3_Filipino2_ Module5
Sa Tulong Mo, Ama
ni: Maricar S. Gerella

Sa tulong Mo, kami’y laging lumalapit.


Panalangin namin ay sa ngalan Mo
nasasambit.
Hindi maaaring ipaglihim tunay na
saloobin,
Sapagkat nababatid Mo, maging ang
mga puso namin.

Sa tulong Mo, kami’y makaaahon,


Sa hirap ng buhay, kami ay babangon.
Biyayang ibibigay, ibabahagi rin sa iba,
Upang ang kabutihan ay patuloy na
madama.

Panuto: Paano mo maiuugnay ang iyong sariling


karanasan sa tulang iyong binasa? Isulat sa sagutang
papel, piliin ang letra ng antas na maibibigay mo sa
iyong sariling karanasan patungkol sa pagganap mo sa
sumusunod na gawain.

A. Sa lahat ng pagkakataon C. Paminsan-minsan


B. Madalas D. Hindi pa nararanasan

1. Nagdarasal ang buong pamilya pagsapit ng


ika-6:00 ng gabi.

13
CO_Q3_Filipino2_ Module5
2. Nagbibigay ng pagkain o limos sa batang
lansangan.
3. Hinahatian o binibigyan ang kamag-aral na walang
baon.
4. Pinahihiram ang kamag-aral na nakalimot sa lapis
nito.
5. Nagsisimba o sumasamba na kasama ang buong
pamilya.

Tayahin

Gabay ng magulang/guro:
Ipaliwanag sa bata kung paano gawin ang
bahaging ito. Maari pa ring magbigay ng sagot ang
mga bata sa paraang pasalita kapag hindi pa niya
kayang isulat ang kaniyang sagot. (Sikaping
magabayan ang mag-aaral na maisagawa ang
gawain.)

Gawain ng mag-aaral:
Basahin ang sumusunod. Piliin ang letra ng mabuting
katangian o tamang gawin sa bawat situwasyon na
karaniwang nararanasan ng batang tulad mo. Isulat
ang sagot sa sagutang papel. (Maaring
magpatulong sa tagagabay sa pagsagot.)

14
CO_Q3_Filipino2_ Module5
1. Nakita mong nalaglag ang beinte pesos mula sa bulsa
ng isang batang naglalakad sa unahan mo, dinampot
mo ito at ibinalik sa kaniya.
a. masipag
b. matapat
c. matiyaga
d. masaya

2. Bago ka matulog ay nagdarasal ka muna upang


magpasalamat sa Diyos.
a. matiyaga
b. masunurin
c. madasalin
d. masayahin

3. Mahilig kang magpatawa at magsabi ng jokes sa iyong


mga kausap.
a. masayahin
b. masunurin
c. masipag
d. matapat

4. Habang papasok ka sa paaralan nakasalubong mo


ang iyong guro na maraming bitbit na gamit. Ano ang
gagawin mo?
a. Lalagpasan ang guro.
b. Sasabayan ang guro sa paglalakad.
c. Iiwas ng daan upang hindi makasalubong ang
guro.
d. Tutulungan ang guro sa pagbitbit ng iba nitong
mga gamit.
15
CO_Q3_Filipino2_ Module5
5. Nahihirapan ka sa takdang-aralin na ibinigay ng inyong
guro. Ano ang gagawin mo?
a. Tutulugan ang takdang-aralin.
b. Hihinto kapag nahirapan na.
c. Hihingi ng tulong sa nanay o nakatatandang
kapatid na kasama sa bahay.
d. Ipagagawa sa kapatid ang takdang-aralin
habang ikaw ay naglalaro.

Karagdagang Gawain

Gabay ng magulang/guro:
Ipaliwanag sa bata kung paano gawin ang
bahaging ito. Maari pa ring magbigay ng sagot ang
mga bata sa paraang pasalita kapag hindi pa niya
kayang isulat ang kaniyang sagot. (Sikaping
magabayan ang mag-aaral na maisagawa ang
gawain.)

Gawain ng mag-aaral:
Basahin at unawain ang akda, pagkatapos, isagawa
ang kasunod na gawain.

16
CO_Q3_Filipino2_ Module5
Ang Kalikasan ay Dapat Alagaan

Mahalagang pangalagaan natin ang ating


kalikasan. Marami tayong pangangailangan na ibinibigay
nito. Dapat nating iwasang gumawa ng mga bagay na
makasisira sa ating kalikasan upang patuloy nating
mapakinabangan ang biyayang ito na bigay ng
Maykapal.

Sa iyong kapaligiran, ano-ano ang nakikita mong


ginagawa ng mga tao na nakasisira sa kalikasan?

Panuto: Pumili ng limang (5) gawain ng tao na nakasisira


sa kalikasan. Isulat ang letra sa sagutang papel.

A. Pagtatanim ng puno sa kagubatan


B. Pagtatapon ng patay na hayop sa ilog
C. Pagsisiga ng basura
D. Paghihiwalay ng nabubulok at di nabubulok na
basura
E. Pamimilantik ng ibon
F. Pagtatapon ng basura kahit saan
G. Paglilinis ng mga kanal
H. Pagsusunog sa kagubatan

17
CO_Q3_Filipino2_ Module5
CO_Q3_Filipino2_ Module5
18
Karagda-gang Tayahin: Isagawa: Isaisip:
gawain:
1. B Ang sagot ay 1. B
Kahit hindi depende sa
2. C karansan ng 2. C
sunod-sunod
bata 3. A
B, C, E, F, H 3. A
4. D 4. D
5. C 5. E
Pagya-manin: Suriin: Tuklasin: Balikan: Subukin:
Ang sagot ay Kahit hindi 1. C Kahit hindi 1. ✓
depende sa sunod-sunod sunod-sunod
2. D 2. x
karansan ng
bata A, C, D, F, G A, B, E, F, H
3. C 3. ✓
4. D 4. ✓
5. A 5. ✓
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Cruz, Gloria, Charity Capunitan, Emelita dela Rosa, and Leo
Arrobang. 2013. Araling Panlipunan 2, Kagamitan ng Mag-
Aaral. 1st ed. Vibal Publishing House, Inc.

Deped Order No. 012 s. 2020, Adoption of the Basic Education


Learning Continuity Plan for School Year 2020-2021 in Light of
the COVID 19 Public Health Emergency, pp.1-4

Garcia, Nilda, Jackelyn Alegante, Melany Ola, Aida Cruz, Erlinda


Castro, Virginia Cruz, Matilde Padalla, Galcoso Alburo, and
Estela Cruz. Ang Bagong Batang Pinoy - Ikalawang Baitang.
1st ed. Rex Book Store, Inc., 2013.

Garcia, Nilda, Jackelyn Alegante, Melany Ola, Aida Cruz, Erlinda


Castro, Virginia Cruz, Matilde Padalla, Galcoso Alburo, and
Estela Cruz. 2013. Ang Bagong Batang Pinoy - Ikalawang
Baitang Filipino, Teachers Guide. Rex Book Store, Inc.

MELC – Naiuugnay sa sariling karanasan ang nabasang teksto –


F2PN-IIb-2

Updates, News, Teaching Materials, Reading Articles, and Be


Contributor. "Most Essential Learning Competencies (MELC)
KG To Grade 12 SY 2020-2021". Deped Click, 2020.
https://www.deped-click.com/2020/05/most-essential-
learning-competencies.html.

Ylarde, Zenaida, and Gloria Peralta, EdD. 2016. Ugaling Pilipino Sa


Makabagong Panahon, Batayang Aklat 6. 1st ed. Manila:
Vicarish Publication and Trading, Inc.

19
CO_Q3_Filipino2_ Module5
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

20

You might also like