You are on page 1of 36

2

Edukasyong
Pangkatawan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Oras, Lakas, at Daloy
Edukasyong Pangkatawan– Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Oras, Lakas at Daloy
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo

Manunulat : Maria Kristina G. Taguines


Patnugot : Rosauro M. Perez, EdD
: Helen G. Laus, EdD
Tagasuri : Lily Beth B. Mallari
: Engelbert B. Agunday, EdD
Tagaguhit : Paul Marion R. Vallentos
Tagalapat : Rachel P. Sison

Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Robert E. Osongco, EdD
Lily Beth B. Mallari
Rebecca K. Sotto, PhD

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2
Edukasyong
Pangkatawan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Oras, Lakas, at Daloy
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang MAPEH -
Ikalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Oras, Lakas at Daloy.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa MAPEH - Ikalawang Baitang ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Oras, Lakas at
Daloy.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay binuo upang matulungan ang


mag-aaral na katulad mo para maunawaan ang
konsepto ng oras, lakas, at daloy sa paggalaw. Ito ay
mayroong tatlong aralin na tinatalakay ang mga
sumusunod:
 Oras: Pagkilos nang mabagal, mabilis at mas mabilis
 Lakas: Pagkilos ng may puwersa
 Daloy: Pagkilos nang maayos at tuloy-tuloy

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ang mabagal, mabilis at mas mabilis na


pagkilos sa tulong ng mga larawan;

2. natutukoy ang pagkilos na gumagamit ng mahina,


malakas at mas malakas na puwersa sa
pamamagitan ng mga larawan;

3. naisasagawa ang mabagal, mabilis, at mas mabilis


na pagkilos; at

4. natutukoy ang epekto ng pagpapalit ng direksyon sa


pagkakaroon nang maayos at tuluy-tuloy na
pagkilos.

1
Subukin

Panuto: Suriin ang bawat larawan, tukuyin kung ang mga


galaw ay nagpapakita ng mabagal, mabilis, o
gumagamit ng puwersa. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. 2.

3.

4. 5.

2
Aralin
Oras: Pagkilos nang Mabagal,
1 Mabilis at Mas Mabilis

Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral


upang matutunan ang pagkakaiba ng pagkilos nang
mabagal, mabilis at mas mabilis.

Balikan

Panuto: Basahin at isagawa ang mga sumusunod na kilos.


Isulat sa papel kung ito ay locomotor at non-locomotor
skills.
1. Lumukso ng dalawang beses paharap.
2. Itaas ang dalawang kamay.
3. Lumakad paatras ng limang beses.
4. Humakbang ng dalawa sa kaliwa.
5. Habang nakatayo, pumalakpak ng apat na beses.

Tuklasin

Panuto: Isagawa ang mga sumusunod na kilos.


1. Lumakad ng limang hakbang nang mabagal.
2. Lumakad ng sampung hakbang nang mabilis at
limang hakbang nang mas mabilis.

3
3. Pumalakpak ng tatlong beses na mabagal, tatlong
beses na mabilis, at tatlong beses na mas mabagal.
4. Tumakbo nang mabagal, mabilis, at mas mabilis sa
loob ng isang minuto.
5. Tumalon ng tatlong beses pakanan nang mabagal,
at tatlong beses pakaliwa nang mabilis.

Suriin

Pareho ba ang iyong paggalaw sa mabagal at


mabilis? Sa iyong palagay, anong paggalaw ang
natapos mong gawin kaagad? Ang mabagal o mabilis?
Ang pagkilos o paggalaw ay isang kakayahan ng
katawan o mga bahagi ng katawan. Maaaring kang
kumilos nang mabagal, mabilis o mas mabilis ayon sa kilos
na iyong gagawin.

Pagyamanin

A. Panuto: Isulat ang M kung ang kilos ng nasa larawan


ay mabilis, B kung mabagal at S kung mas mabilis.
Gawin ito sa sagutang papel.

1. 2.

4
3. 4.

5.

B. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong


sagutang papel.
1. Si Angel ay nakakita ng mga alimango na
gumagapang sa tabi ng dagat. Paano sila
gumagapang?
A. mabilis C. mas mabagal
B. mabagal D. mas mabilis

2. Ang rocket ay isang sasakyang panghimpapawid.


Ano ang masasabi mo sa paggalaw ng isang rocket?
A. dahan-dahan ang paggalaw ng rocket
B. mabagal ang paggalaw ng rocket
C. mabilis ang paggalaw ng rocket
D. sobrang bagal ang paggalaw ng rocket

5
3. Si Paolo ay may sugat sa paa. Nang magtakbuhan
ang mga kaibigan niya para makalapit kay Jello, siya
ay naiwan. Bakit kaya?
A. Siya ay mabagal tumakbo.
B. Siya ay mabigat tumakbo.
C. Siya ay mabilis tumakbo.
D. Siya ay sobrang bilis tumakbo.

4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng


mabagal na paggalaw?
A. asong tumatakbo
B. isdang lumalangoy
C. kabayong nakikipagkarera
D. pagong na naglalakad

5. Ang limang mag-aaral mula sa ikalawang baitang


ay sasali sa takbuhan. Ano ang mapapansin mo sa
kanilang pagtakbo?
A. mabagal
B. mabilis
C. mabigat
D. sobrang bagal

6
C. Panuto: Isulat sa hanay A kung ang kilos na nasa loob
ng bilog ay mabilis at sa Hanay B naman kung
mabagal. Gawin ito sa sagutang papel.

kabayong kuhol na karera ng


tumatakbo gumagapang motor

nag-aararong paligsahan
kalabaw sa takbuhan

Hanay A Hanay B
Mabilis Mabagal

Isaisip

Panuto: Isulat ang tamang salita na hinahanap sa bawat


patlang. Isulat ito sa papel.

Ang _________________ o ___________________ ay isang


kakayahan ng katawan o mga bahagi ng katawan.
Maaaring kang kumilos nang ____________, _____________
o _______________ ayon sa kilos na iyong gagawin.

7
Isagawa

Panuto: Basahin at isagawa ang sumusunod na galaw.


Isulat sa papel kung mabagal, mabilis o mas mabilis mong
nagawa ang kilos.
Sudin ang mga sumusunod na pamamaraan upang
magawa nang maayos ang mga gawain.
1. Gumuhit ng linya para sa paunang guhit at tapusang
guhit.
2. Gawin ang mga kilos ng isang beseng lamang.
3. Humingi ng tulong sa magulang upang orasan ang
gagawing kilos.
4. Isulat sa sagutang papel kung mabagal, mabilis o mas
mabilis mong nagawa ang mga kilos.

Kilos na gagawin Mabagal Mabilis Mas


Mabilis
1.Lumundag pakanan at
pakaliwa mula sa
paunang guhit hanggang
makarating sa tapusang
guhit.
2.Maglaktaw-laktaw sa kahit
saang direksyon mula sa
pauna hanggang
makarating sa tapusang
guhit.

8
3.Tumakbo mula sa paunang
guhit hanggang
makarating sa tapusang
guhit.
4.Maglakad mula sa
paunang guhit hanggang
sa tapusang guhit.
5. Kumandirit sa ibabaw ng
bagay (halimbawa:
tatlong patong ng libro,
kahon, o iba pang bagay)
mula sa pauna hanggang
tapusang guhit.

Tayahin

Panuto: Gumuhit ng butuin sa kung ang pahayag ay


tama. Puso naman kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa
papel.
_____1.Mas mabilis kang makararating sa iyong
pupuntahan kung ikaw ay maglalakad nang
dahan-dahan.
_____2. Mabilis kumilos ang magkaibigang tumatakbo sa
daan.
_____3. Mabilis kang maglakad kung ikaw ay paliko-liko.
_____4. Mabagal kang gumalaw kung paatras ang iyong
takbo.
_____5. Mabilis gumapang ang mga uod.

9
Karagdagang Gawain

Panuto: Sa isang short bond paper, gumuhit ng larawan na


nagpapakita ng mabagal, mabilis at mas mabilis na
pagkilos.

Aralin
Lakas: Pagkilos nang may
2 Puwersa
Sa araling ito, malalaman ng mag-aaral ang mga
pagkilos na ginagamitan nang mahina, malakas at mas
malakas na puwersa.

Balikan

Panuto: Tingnan ang mga larawan at gayahin ang galaw


nito. Isulat sa sagutang papel kung mabagal, mabilis o mas
mabilis ang kanilang mga galaw.

10
1. 2.

3. 4.

5.

Suriin

Panuto: Gawin ang isinasaad sa bawat bilang.


1. Maglakad ng 15 hakbang na mabilis.
2. Bitbitin ang bag na may lamang mga aklat at
maglakad ng 15 hakbang na mabilis.
3. Orasan ang pagkilos, tingnan kung anong pagkilos
ang mas mabilis mong natapos.

11
Anong pagkilos ang mas mabilis mong nagawa? Sa
iyong palagay, ano ang naging epekto ng pagbubuhat
mo ng isang bagay sa iyong pagkilos?
Ang paggamit ng puwersa o lakas sa pagkilos, ay
nakaaapekto sa iyong paggalaw, maaari nitong
pabagalin o pabilisin ang iyong pagkilos.

Pagyamanin

A. Panuto: Isulat ang L kung ang nasa larawan ay


gumagamit ng lakas at H kung hindi. Gawin ito sa
sagutang papel.

1. 2.

3.

4. 5.

12
B. Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ang
mga sumusunod na kilos ay gumagamit ng lakas o
puwersa at ekis (X) naman kung hindi. Gawin ito sa
sagutang papel.

______1. Paghagis ng bola.


______2. Pagbubukas at pagsasara ng pinto.
______3. Nakahiga sa papag.
______4. Pagbubuhat ng kahon.
______5. Nakaupo sa malambot na upuan.

C. Panuto: Piliin sa panaklong ang kilos na nagpapakita ng


gumagamit ng lakas o puwersa sa bawat bilang. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. (kumakain ng ice cream, nakikipagkuwentuhan, nag-


iigib ng tubig)
2. (naglalaro ng snake and ladder, nanunuod ng
telebisyon, sumalo ng bola)
3. (lumalangoy sa dagat, naglalaro sa cellphone,
nagbabasa ng libro)
4. (may kargang bata, nakikinig ng kanta, nakasakay ng
jeep)
5. (nakikipag-usap, may hawak na lapis, laban ng
takbuhan)

13
Isaisip

Panuto: Piliin sa kahon ang tamang salita sa bawat


patlang. Isulat ito sa sagutang papel.

lakas bilis pabagalin


pabilisin pahabain

Ang paggamit ng _______________________ sa pagkilos


ay nakaaapekto sa iyong paggalaw, maaari nitong
____________________ o ______________________ ang iyong
pagkilos.

Isagawa

Panuto: Sa loob ng ulap nakasulat ang mga iba’t ibang


laro. Isulat sa sagutang papel ang mga larong
ginagamitan ng lakas o puwersa.

Hilaang Lubid Luksong Baka Taguan

Patintero Chess

Piko Luksong Tinik

14
Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat


katanungan. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Bakit bumabagal ang iyong pagkilos tuwing ikaw ay
nagbubuhat?
a. dahil mahina ang tagabuhat
b. dahil hindi ka maayos na nakagagalaw
c. dahil naglalaro ka habang nagbubuhat
d. dahil masakit ang katawan ng nagbubuhat

2. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng


gumagamit ng lakas?
a. kumakain ng tinapay
b. nakahiga sa sofa
c. nakaupo sa malambot na upuan
d. nagbubuhat ng mabigat na kahon.

3. Ito ay tumutukoy sa maayos at tuluy-tuloy na pagkilos.


a. bilis c. lakas
b. daloy d. oras

4. Ang mga kilos na ito ay nagpapakita ng ginagamitan


ng lakas, maliban sa isa.
a. may hawak na lapis
b. nag-iigib ng tubig
c. nagtutulak ng mesa
d. tumakbo nang mabilis

15
5. Si Magie ay nagbuhat ng mesa. Siya ba ay gumamit
ng lakas o puwersa?
a. hindi c. maari
b. hindi sigurado d. oo

Karagdagang Gawain

Panuto: Magbigay ng mga gawaing bahay na


ginagamitan ng lakas o puwersa. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.

1. ___________________________________________

2. ___________________________________________

3. ___________________________________________

4. ___________________________________________

5. ___________________________________________

16
Aralin
Daloy: Pagkilos nang
3 Maayos at Tuloy-tuloy
Sa araling ito, matutunan ng mag-aaral ang pagkilos
nang maayos at tuluy-tuloy. Malalaman din sa araling ito
ang epekto ng pagpapalit ng direksiyon tuwing kumikilos.

Balikan

Panuto: Gawin ang mga sumusunod na galaw na


ginagamitan ng lakas.
1. Tumalon nang pakanan at pakaliwa ng limang
beses.
2. Lumakad ng limang hakbang na may bibit na bag.
3. Humakbang ng limang beses na may hila-hilang
upuan.
4. Maghagis ng bola.
5. Itaas ang kanang kamay na may buhat na isang
aklat.

Tuklasin

Sino kaya ang mananalo, kung magkakaroon ng


karera ang magkaibigang sina Annie Alimango at Karen
Kuhol? Basahin at tuklasin ang mangyayari.

17
Isang araw, hinamon ni Annie Alimango ang
kanyang kaibigan na si Karen Kuhol sa isang
karera. Mayroong dalawang daan na pagpipilian
ang magkaibigan. Pinili ni Karen Kuhol ang tuwid
na daan. Pinili naman ni Annie Alimango ang
mapuno at malilim ngunit maraming nakaharang
at paliko-liko pa ang daan. Ibinigay ng dalawa
ang kanilang buong lakas at bilis sa pagtakbo.
Pagdating sa dulo, nanguna si Karen Kuhol sa
karera, at pagod na pagod namang natapos si
Annie Alimango.

Mga Tala para sa Guro


Maaaring iguhit ang senaryo at ipakita ito
sa mga mag-aaral upang mas lalo nila itong
maunawaan.

18
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol
sa binasa. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Sino ang nanalo sa karera?


a. Annie b. Karen c. Jenny d. Corine

2. Bakit kaya siya nanalo?


a. dahil ayaw niyang mainitan
b. dahil mabilis talaga siyang tumakbo
c. dahil nahilo ang kanyang kalaban
d. dahil mabilis siyang tumakbo at walang sagabal
sa kanyang pagtakbo

3. Sino ang natalo sa laro?


a. Annie b. Karen c. Jenny d. Corine

4. Bakit naman kaya siya natalo?


a. dahil ayaw niya talagang manalo
b. dahil naglaro siya habang tumatakbo
c. dahil pinagbigyan niya ang kanyang kaibigan
d. dahil maraming harang sa kanyang daraanan
na nagpapabagal sa kanya

5. Sa iyong palagay, kung wala bang nakaharang sa


daraanan ni Annie Alimango mananalo kaya siya sa
karera? Bakit?
a. Oo, dahil siya ay magaling.
b. Hindi, dahil ayaw niyang Manalo.
c. Hindi, dahil mabagal pa siya tumakbo.
d. Oo, dahil magiging maayos na ang daloy ng
kanyang pagtakbo.

19
Suriin

Sina Annie Alimango at Karen Kuhol ay parehong


ginamit ang kanilang buong lakas at bilis sa pagtakbo.
Malaking tulong sa pagkapanalo ni Karen Kuhol ang
pagpili niya sa tuwid na daan at nakaapekto naman sa
pagtakbo ni Annie Alimango ang paliko-liko at maraming
harang sa kanyang daraanan.
Ang daloy ay paggalaw ng malaya o tuluy-tuloy. Ang
pagpapalit ng direksyon ay nakakaapekto rin sa daloy ng
pagkilos.

Pagyamanin

A. Panuto: Ilarawan ang bilis ng pagkilos ng mga nasa


larawan. Lagyan ng tsek ( ) ang angkop na column.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Larawan Direksyon Bilis

Paatras Pasulong Mabilis Mabagal

1.

20
2.

3.

4.

5.

21
B. Panuto: Hanapin sa puzzle ang tatlong kilos na may
maayos na daloy. Isulat ito sa sagutang papel.

M A T U L I N N A T A K B O

A S A L U N K O T U L L I R

M A B I L I S M A G B A S A

A T E N U M O I K O S B S D

D I R E T S O N G L A K A D

I N A N O B N A O K A A D S

C. Panuto: Sa mga prutas ay nakasulat ang mga iba’t


ibang kilos. Piliin ang kilos na nagpapalit ng direksiyon.
Isulat ito sa papel.

paglakad
Pag-ikot
nang
sa
diretso
upuan

pagpalakpak ng
pataas at pababa

22
nakatayo pagtalon
sa sa isang
puwesto bagay

Isaisip

Panuto: Piliin ang tamang salita sa panaklong. Isulat ito sa


iyong sagutang papel.
Ang _______________ (lakas, bilis, daloy) ay paggalaw
nang malaya at tuluy-tuloy. Ang pagpapalit ng
___________________ (galaw, direksiyon, takbo)
nakakaapekto rin sa daloy ng pagkilos.

Isagawa

Panuto: Gawin ang mga sumusunod na kilos na


nagpapalit ng direksyon. Isulat sa sagutang papel kung
mabilis o mabagal mo itong nagawa.
1. Umatras nang paliko-paliko ng limang hakbang.
____________________
2. Tumalon nang pakanan at pakaliwa ng sampung
beses. ____________________

23
3. Lumakad nang paatras ng sampung beses.
____________________
4. Humakbang nang pakanan at pakaliwa ng
sampung beses habang nakataas ang dalawang
kamay. ____________________
5. Maglaktaw-laktaw ng dalawang beses pakanan at
dalawang beses pakaliwa. ____________________

Tayahin

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ang kilos


ay nagsasabi ng magandang daloy at ekis (X) naman
kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
____1. Batang naglalakad nang paliko-liko.
____2. Lalaking kumakandirit sa isang bagay.
____3. Pagtakbo nang mabilis sa patag at diretsong
daan.
____4. Pagtawid sa daan na walang dumadaang
sasakyan.
____5. Mag-aaral na naglalakad na may hila-hilang bag.

Karagdagang Gawain

Panuto: Kumuha ng kapares (kung nasa bahay, maaaring


si tatay, nanay, kapatid o kung sino man ang nasa bahay).
Ilarawan ang direksiyon at bilis ng pagkilos ng pares ng
manlalaro sa isasagawang larong Sack Race.

24
Lagyan ng tsek( ) ang angkop na column. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

Pangalan ng Direksiyon Bilis


Manlalaro
Tumatalon Tumatalon Mabilis Mabagal
ng ng diretso
pakanan
at
pakaliwa
1.

2.

3.

4.

5.

6.

25
26
SUBUKIN ARALIN 2 ARALIN 3
1. mabilis BALIKAN TUKLASIN
2. gumagamit ng puwersa 1. mabilis/mabagal 1. b
3. mabagal/mabilis 2. mabagal 2. d
4. gumagamit ng puwersa 3. mabilis/mabagal 3. a
5. mabaga 4. mabagal 4. d
5. mabilis 5. d
ARALIN 1
BALIKAN PAGYAMANIN PAGYAMANIN
1. locomotor A. A.
2. non-locomotor 1. L 1. pasulong, mabagal
3. locomotor 2. H 2. paatras, mabagal
4. locomotor 3. L 3. pasulong, mabagal
5. non-locomotor 4. H 4. paatras, mabagal
5. L 5. pasulong, mabilis
PAGYAMANIN B.
A. 1. B.
1. M 2. MATULIN NA TAKBO
2. B 3. X MABILIS MAGBASA
3. M 4. DIRETSONG LAKAD
4. B 5. X
5. S C. C.
B. 1. nag-iigib ng tubig Pag-ikot sa upuan
1. B 2. sumalo ng bola Pagpalakpak ng pataas at
2. C 3. lumalangoy sa dagat pababa
3. A 4. may kargang bata Pagtalon sa isang bagay
4. D 5. laban ng takbuhan
5. B ISAISIP
C. ISAISP daloy
lakas direksiyon
Hanay A Hanay B
pabagalin o pabilisin
Mabilis Mabagal
TAYAHIN
Kabayong Kuhol na
ISAGAWA 1. X
tumatakbo gumagapang
Hilaang Lubid 2. X
Karera ng Nag-aarong
Luksong Baka 3.
motor kalabaw
Patintero 4.
Paligsahan
Piko 5. X
sa takbuhan
Luksong Tinik
ISAISIP
pagkilos o paggalaw TAYAHIN
mabagal, mabilis o mas mabilis 1. b
2. d
ISAGAWA 3. b
1. mabagal 4. a
2. mabagal 5. d
3. mas mabilis
4. mabilis
5. mabagal
TAYAHIN
1.
2.
3.
4.
5.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
K to 12 Curriculum Guide, May 2016, Physical
Education, 18, http://depedbohol.org/v2/wp-
content/uploads/2016/03/PE-CG.pdf

Rogelio F. Falcutila et al. Music, Art, Physical Education


and Health 2, Kagamitan ng Mag-aaral,
Edukasyong Pangkatawan, Yunit III, 351-349. (Rex
Book Store, Inc., 2013)

Rogelio F. Falcutila et al. Music, Art, Physical Education


and Health 2, Patnubay ng Guro, Edukasyong
Pangkatawan, Yunit II, 207-206,
https://k12resources.files.wordpress.com/2013/11/
gr-2-mapeh-tg-apr-30.pdf

Rogelio F. Falcutilla et al. Music, Art, Physical Education


and Health 2, Patnubay ng Guro, Edukasyong
Pangkatawan, Yunit III, 242-238,
https://k12resources.files.wordpress.com/2013/11/
gr-2-mapeh-tg-apr-30.pdf
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like