You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa ESP

Kwarter 3, Baitang 2

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Naipapamalas ang pag- unawa sa kahalagahan ng


Pangnilalaman kamalayan sa karapatang pantao ng bata,
pagkamasunurin tungo sa kaayusan at kapayapaan ng
kapaligiran at ng bansang kinabibilangan.

B. Pamantayan sa Naisasagawa nang buong pagmamalaki mulat sa


Pagganap karapatan na maaaring tamasahin.

C. Mga Kasanayan sa Nakatutukoy ng mga karapatang maaaring ibigay ng


Pagkatuto pamilya o mga kaanak.

EsP2PPP- IIIc- 7

II. NILALAMAN

III. MGA KAGAMITANG


PANTURO

MGA SANGGUNIAN

1. Aklat ng mag aaral

2. Website References

3. Iba pang kagamitan Mga larawan, cartolina at iba pa.

IV. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO

A. Balik aral sa nakaraang Itanong ulit sa mga bata ang tungkol sa nabasang
aralin at/o pagsisimula ng kwento tungkol sa aking karapatan.
bagong aralin
1. Bakit kailangang magtrabaho ni Tatay Osca?

2. Anong mabuting pag- uugali ang natutuhan mo kay


Helen?

3. Anong karapatan ni Helen ang ibinigay sa kaniya ng


kaniyang mga magulang?

4. Paano nagpasalamat si Helen sa kaniyang mga


magulang?

5. Maari ba ninyong sabihin saakin kung paano kayo


magpasalamat sa mga karapatan ating tinatamasa.

B. Paghahabi sa layunin ng Magbigay ng mga katanungan sa mga bata;


aralin
1. Mga bata sino- sino ba ang miyembro ng ating
pamilya?

2. Ikaw ba ay masaya sa piling nila?

3. Ikaw ba ay nagpapasalamat sa kanila?

Larawan ng Pamilya

C. Pag uugnay ng mga Magbabasa ng isang kwento tungkol sa;


halimbawa sa bagong aralin
Karapatan Mo, Karapatan Ko!

Mula sa mayamang pamilya si Peter na kung saan


lahat ng kaniyang pangangailangan ay naibibigay ng
kaniyang mga magulang samantalang ang kaniyang
kaibigan na si Ben ay kabaligtaran ng kaniyang
natatamasa sa buhay.

Isang araw nasalubong niya si Ben sa labas ng


kanilang bahay.

“Ben! Ben!

Kamusta? Matagal ka na ring hindi pumapasok sa


paaralan,” pag- aalalang sambit ni Peter.

Kailangan ko kasing bantayan ang nakababata kong


kapatid habang nasa trabaho si nanay kaya kailangan
kong tumigil muna sa pag- aaral’, malungkot na wika
ni Ben. “Tara maglaro muna tayo”, aya ni Peter.

“Kailangan ko ng umuwi Peter at magtitinda naman


ako ng balot upang makatulong sa panggastos kay
nanay”, nagmamadaling sambit ni Ben.

Habang nag- iisa si Peter ay napaisip. “Napakaswerte


ko pala at may mga magulang pa ako. Dapat pala lagi
ko silang sinusunod at iginagalang”, wika ni Peter.

Samantala, sa tahanan naman nila Ben. “Nanay,


nandito na po ako”. Maaari na po kayong umalis at
ako na ang bahala kay bunso”, wika ni Ben,” Salamat
anak, alam kong karapatan mo ding makapaglibang,
dahil bata ka pa kaya simula ngayon ako na ang mag-
aalaga kay bunso at sa inyo mga anak ko.

Dito na lamang ako sa bahay magtatrabaho at nang


sa ganon ay makapaglaro ka at makapasok sa
paaralan,” wika ng kanyang ina. “Maraming salamat
po inay” masayang wika ni Ben.

“Maaari ka ng makipaglaro kay Peter,” wika ng ina.


“Sige po inay, pupuntahan ko na po si Peter.” Wika ni
Ben.

“Peter, Peter, tara maglaro na tayo ng tagutaguan,”


aya niBen. “Ben, akala ko mag –aalaga ka pa ng
kapatid mo? wika ni Peter. “Si inay na daw ang mag-
aalaga. Tutulungan ko na lamang siya pagkatapos
kong mag- laro,”wika ni Ben.

“Napakabuti mong anak Ben, tutularan din kita.


Tutulong din ako sa aking ina. Hindi palaging paglalaro
at pag- aaksaya ng pagkain ang aking gagawin,”
pagsisisi ni Peter.

Mula noon ay natuto nang magdasal, magpahalaga at


magpasalamat si Peter sa lahat ng kanyang
karapatang tinatamasa. Nagsimula na siyang mag-
aral nang mabuti, hindi na siya nag- aaksaya ng
pagkain. Nakikinig at natuto siyang magkaroon ng
mabuting asal at kaugalian.

1. Nagustuhan mo ba ang kwentong binasa?

2. Tungkol ang kwento?

3. Sino- sino ang bata sa kwento?

4. Bakit huminto sa pag- aaral si Ben?

5. Paano nakatutulong si Ben sa kanyang nanay?

6. Magbigay ng mga karapatan ng bata ang nabanggit


sa kwento?

D. Pagtalakay ng bagong Tandaan


konsepto at paglalahd ng
bagong kasanayan #1 Ang bawat bata ay may karapatan. Ang mga
halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

 Karapatang isilang at magkaroon ng pangalan.


 Karapatang makapag- aral.
 Karapatang makapag- laro o makapaglibang.
 Magkaroon ng tahanan at pamilyang mag-
aaruga.
 Karapatan sa ligtas, tahimik at maayos na
lugar.
 Karapatan makakain ng masustansiyang
pagkain at mga pangunahing pangangailangan.
E. Pagtalakay ng bagong Sabihin ang tama kung ang pahayag ay tumutukoy sa
konsepto at paglalahad ng karapatan ng bata na maaaring ibigay ng pamilya o
bagong kasanayan #2 mga kaanak, mali naman kung hindi.

1. Karapatang isilang.

2. Mabigyan ng proteksyon at kaligtasan.

3. Matuto ng kasamaan sa ibang tao at maging


madamot sa kapwa.

4. Mabigyan ng pagkakataong makapag laro.

5. Magkaroon ng tahanan at pamilyang mag- aaruga.

F. Paglinang sa kabihasnan Pangkat 1: Buuin ang mga salita gamit ang mga gabay
na salita na nasa ibaba.

PAHALANG

1. Karapatang makapaglaro at makapaglibang.

3. Magkaron ng tahanan at pamilya na mag aaruga.

4. Magkaroon ng tahimik at payapang lugar.

PABABA

2. Karapatang isilang at magkaroon ng pangalan.

5. Magkaroon ng masustansiya ng pagkain.


Pangkat dalawa:

Buuhin ang talata. Pumili ng sagot sa loob ng kahon.

Edukasyon

Karapatan

Pamilya

Pangalan

Sapat

proteksyon

Bilang bata, ako ay may mga ________ na dapat


taglayin. Mga tungkuling dapat maibibigay sa akin ng
___________ at kaanak ko.

Ilan lamang nito ay ang isilang at mabigyan ng


_______, __________ na pagkain , at _________.

G. Paglalapat ng aralin sa Tanong:


pang araw- araw na buhay
1. Ikaw ba ano- ano ang mga karapatan na iyong
tinatamasa o naibibigay ng iyong kapamilya?

2. Bakit kaya mahalaga na alam natin ang ating mga


karapatan bilang isang bata?

H. Paglalahat ng Aralin 1. Ano ang ating pinag aralan ngayong umaga?

2. Magbigay ng ilang karapatan ng isang bata?

Lagi nating isaisip na bawat nilalang ng Panginoon ay


may karapatan, matanda o bata ka man. Lubos tayong
magpasalamat.

I. Pagtataya ng aralin Panuto: Lagyan ng  ang bilang kung ang


pangungusap ay nagpapakita ng iyong karapatan
bilang bata at  kung hindi.

___1. Pinapakain ka ng masustansiyang pagkain.


___2. Pinapahinto ka sa pag- aaral upang tumulong sa
paghahanapbuhay.

___3. Pinapakinggan ka sa iyong opinyon tungkol sa


pinag- uusapan ng pamilya.

___4. Tinuturuan ka ng mabuting asal.

___5. Hinahayaang mapasama sa mga gulo.

J. Takdang Aralin Panuto: Kulayan ang larawan na puso kung ang


pangungusap ay nagpapahayag ng karapatan na
dapat ibigay ng pamilya.

1. Dinadala ako ni nanay sa doctor kapag


ako ay may sakit.

2. Masaya akong naglalaro kasama ang


aking mga kaibigan.

3. Inaalagaan ko ang aking nakababatang


kapatid habang nagsusugal ang aking ina.

4. Namamasyal ako kasama ang aking mga


kapatid at magulang.

5. Inaaway ko ang aking mg kapatid.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag- aaral na


nkakuha ng 80% sa
pagtataya

B. Bilang ng mag- aaral na


nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin

D. Bilang ng mag- aaral na


magpaoatuloy sa
remediation

E. Alin sa mga estratehiyang


pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong

F. Anong suliranin ang aking


naranasan na solusyunan sa
tlong ng aking punungguro
at superbisor?

G. Anong kagamitang
panturo ang aking nadibuho
na nais ko ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Inihanda ni: Myla E. Escario


BEED 4-B

You might also like