You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa MTB-MLE 2

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. Maipaliwanag ang pagkakaiba ng nararapat, pag-asa, at hiling.
b. Nakapagbibigay ng halimbawa ng ekpresyon tungkol sa nararapat, pag-asa, paghiling.
c. Natutukoy ng tama ang ekspresyong akma sa pangungusap.

II. Paksang-Aralin
A. Paggamit ng mga Ekspresyon sa Pagsasaad ng Nararapat, ng Pag-asa, at ng Paghiling.
B. PIVOT 4A MTB-MLE Module pahina 30-34
C. Visual

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Magtatanong ang guro sa mga bata kung ano ang nais nilang sabihin tungkol sa pandemyang
kinakaharap.
B. Panlinang na Gawain
1. Mga Gawain
a. Paglalahad ng Aralin
Ipapaliwanag sa mga mag-aaral ang Ekspresyon sa Pagsasaad ng Nararapat, Pag-asa, at
Paghiling.
b. Pagpapasagot ng activity
Paglalapat
Pangkatang Gawain

Mga pamantayan sa gawaing panggrupo.


A.Tahimik 20
B.Kooperasyon 10
C.Presentasyon 20
D.Nilalaman 35
E.Takdang Oras 15

Pangkat Una Hanapin sa kahon ang tamang ekspresyon.


1. ______ makagala tayo ulit sa darating na
linggo.

2. ______ ay huwag kang makipag usap sa taong di mo kilala.

3. ______ ko na matapos ko agad ang aking takdang aralin.

4. ______ na siya ay pasalamatan dahil binalik nya ang aking


lapis.
5. ______ ko ng watercolor para sa pangkatang gawain naming
bukas.
Sana Kung maaari Hangad

Pangkat dalawa Gumawa ng pangungusap gamit ang salita na Sana at Kailangan.

Pangkat tatlo Ilagay sa loob ng kahon ang ekspresyon na naaayon sa kategorya.

Umaasam ng isang Nais mong matupad Bagay na kailangan


bagay nasusunod

Pangkat apat Gumawa ng pangungusap gamit ang salita na Hinihiling at Dapat.


Paglalahat

a. Ano ang ekspresyon?


b. Ano ang mga ekspresyon?
c. Bakit mahalaga ang ekspresyon?
Pagtataya
Gawain sa pagkatuto bilang 1: Lagyan ng tsek (/) kung ang mga salita ay ginagamit sa
pagpapahayag ng nararapat, ng pag-asa o ng hiling. Lagyan naman ng ekis (x) kung hindi ito
maituturing a halimbawa. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
_____1. Hangad ko na
_____2. Nararapat na
_____3. Natatakot ako na
_____4. Dapat na
_____5. Lubos akong umaasa na
Kasunduan/Takdang Aralin:
Gumawa ng pangungusap gamit ang salita na Sana, Hangad at Dapat.

Inihanda ni: Kathrina Camille Baladia

You might also like