You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III, Central Luzon
DIVISION OF NUEVA ECIJA
JAEN NORTH ANNEX
LAMBAKIN ELEMENTARY SCHOOL
Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Quarter 3, Week 3
Karapatan Ko, Kasiyahan Ko

I- Learning Competency
 nakapagpapahayag ng kabutihang dulot ng karapatang tinatamasa(EsP2PPP-IIIc-8)

II- Content
Ang batang tulad mo ay may iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng kasiyahan sa mga
nararanasan at natatamong mga bagay. Narito ang mga kilos na nagpapahayag ng mga kasiyahan sa
mga karapatang tinatamasa.

Nag aaral na mabuti pagtulong sa mga pagtulong sa


pagkamagiliw
gawaing bahay nakatatanda at pagmamahal

Ang mga batang tulad mo ay likas na masayahin, lalo na kung natutugunan ang iyong mga
pangangailangan. Naipapahayag mo ang kasiyahan sa pamamagitan ng:
• pagiging maligaya sa mga natatanggap na biyaya.
• pagpapasalamat sa Diyos
• pagpapakita ng pagkamagiliw sa mga nagbigay ng mga karapatang tinatamasa.

III- Exercise/s
A. Lagyan ng tsek (/) kung nagpapahayag ng kasiyahan sa mga karapatan ang mga pangungusap at
ekis ( x ) kung hindi.

__________1. Ang bawat bata ay may pangalan.


__________2. Ang mga magulang ay nag-aaruga sa mga anak.
__________3. Kami ay maayos na nakapag-aaral.
_________4. Kinakailangang maghanap buhay ang mga bata.
_________5. Walang pakialam kung maglaro ang bata sa ulan.

B. Gumuhit ng masayang mukha kung ang mga larawan ay nagbibigay ng kasiyahan sa iyo at
malungkot na mukha naman kung hindi.
__________ __________ __________

__________ __________

C. Piliin sa kahon ang limang (5) karapatan na nagbibigay kasiyahan sa isang bata. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa sagutang papel.

a. maglaro at maglibang b. mag-aral


c. maging pulubi d. isilang at bigyan ng pangalan
e. maghanapbuhay f. maging ligtas at bigyan ng proteksiyon
g. gumawa ng mabibigat h. mahalin at magmahal
na gawaing bahay

IV- Assessment
Iguhit ang masayang mukha kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng kasiyahan sa
karapatang tinatamasa at malungkot kung hindi.

_____1. Sapat ang pagkain sa pamilya.


_____2. Kumpleto ang mga gamit pampaaralan.
_____3. Nagtatrabaho ang mga magulang upang maibigay ang pangangailangan.
_____4. Ang bata ay inutusang mamalimos.
_____5. Mahirap ang pamumuhay kaya hindi na mag-aaral.

You might also like