You are on page 1of 32

2

Mathematics
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Solves Routine and Non-Routine
Problems Involving Division of
Numbers by 2,3,4,5 and 10 and with
Any of the Other Operations of Whole
Numbers Including Money Using
Appropriate Problem Solving
Strategies and Tools
Mathematics – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Solves Routine and Non-Routine Problems
Involving Division of Numbers by 2,3,4,5 and 10 and with Any of the Other Operations
of Whole Numbers Including Money Using Appropriate Problem Solving Strategies
and Tools
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Catherine C. Escalante
Editors: Nestor P. Nuesca EdD
Jocelyn A. Manalaysay PhD Nenita J. Barro
Cindy D. Oliva PhD Bryan R. Capangpangan
Paolo D. Estores Ederlinda A. Capangpangan
Realyn B. Tanabe Ma. Cecilia R. Ortega
Tagasuri: Edward C. Jimenez PhD
Bernard R. Feria
Tagaguhit: Amie G. Gamboa
Tagalapat: Mauryl P. Maulawin

Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong PhD CESO V
Librada M. Rubio PhD
Ma.Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Dominador M. Cabrera PhD
Edward C. Jimenez PhD
Bernard R. Feria

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2
Mathematics
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Solves Routine and Non-Routine
Problems Involving Division of
Numbers by 2,3,4,5 and 10 and with
Any of the Other Operations of Whole
Numbers Including Money Using
Appropriate Problem Solving
Strategies and Tools
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematics sa
Ikalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Pagsagot ng routine at non-routine problems na
kinapapalooban ng paghahati ng mga bilang sa 2,3,4,5 at 10
kasama ang iba pang operasyon ng mga bilang kabilang ang
pera gamit ang tamang pamamaraan sa pagsagot ng problem!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila

ii
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Mathematics-Ikalawang
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Pagsagot ng routine at non-routine problems na kinapapalooban
ng paghahati ng mga bilang sa 2,3,4,5 at 10 kasama ang iba
pang operasyon ng mga bilang kabilang ang pera gamit ang
tamang pamamaraan sa pagsagot ng problem!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay mayroong mga bahagi at icon na
dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita


natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

iii
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o
balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain
o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing


para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.

iv
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay


Gawain
sa iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain
sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

v
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin
Sa modyul na ito, iyong matututunan ang tamang
proseso ng pagsagot ng routine at non-routine problems.
Ito ay kinapapalooban ng paghahati ng mga bilang sa
2,3,4,5 at 10 kasama ang iba pang operasyon ng mga
bilang kabilang ang pera gamit ang tamang
pamamaraan sa pagsagot ng problem.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral


ay inaasahang
1. natututunan ang pag-analyze ng one-step word
problem sa division;
2. naisusulat ang tamang proseso ng pagsagot ng routine
at non-routine problems sa division; at
3. nasasagot ang mga tanong tungkol sa routine at non-
routine problems na kinapapalooban ng division.

1
Subukin
Subukin natin ang iyong kaalaman sa pagsagot ng
word problem. Basahin at unawain ang mga sumusunod
na halimbawang sitwasyon. Isulat sa iyong sagutang
papel ang hinihingi pagkatapos ng bawat problem.

1. Si Hannah ay nakagawa ng 60 piraso ng yema. Kung


ang mga ito ay ilalagay niya sa maliliit na plastik na
naglalaman ng limang piraso sa bawat plastik, ilan ang
kakailanganin niya?

a. Isulat muli ang sitwasyon ayon sa iyong


pang-unawa.
b. Isulat ang tanong ng pasalaysay.
c. Ipakita ang iyong kumpletong solusyon.

2
2. Si Jasmine ay nakapagbalot ng 30 piraso ng suman.
Kung ang mga ito ay ilalagay nya sa plastik na
naglalaman ng tatlong piraso bawat plastik, ilan ang
kakailanganin niya?

a. Isulat muli ang sitwasyon ayon sa iyong


pang-unawa.
b. Isulat ang tanong ng pasalaysay.
c. Ipakita ang iyong kumpletong solusyon.

3
Solves Routine and Non-
Routine Problems Involving
Division of Numbers by
Aralin 2,3,4,5 and 10 with Any of
the Other Operations of
1 Whole Numbers Including
Money Using Appropriate
Problem Solving Strategies
and Tools

Balikan
Unawain ang sumusunod na bilang. Subuking sagutin
ang mga tanong na mababasa sa ibaba. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

1. May apat na mag-aaral. Bawat isa ay mayroong


₱10.00 na baon. Magkano ang pera nilang lahat?
Sagot: 4 x 10 =?

2. May limang barangay ang nasalanta ng bagyo sa


bayan ng Baliuag, Bulacan. Binigyan ng sampung
sako ng bigas ang bawat isa. Ilang sako ng bigas
lahat ang naipamahagi?
Sagot: 5 x 10 =?
4
3. May walong bata na nabigyan ng tigtatlong (3)
lapis. Ilan lahat ang naipamigay na lapis?
Sagot: 8 x 3 =?

4. May anim na mag-aaral ang nabigyan ng


tigdalawang (2) damit. Ilan lahat ang naipamigay
na damit?
Sagot: 6 x 2 =?

5. Nakapagbenta ng siyam na kilo ng mangga sa isang


araw ang mag-anak na Santos. Kung gagawin ito sa
loob ng tatlong araw, ilang kilo ng mangga ang
kanilang naibenta?
Sagot: 9 x 3 = ?

Tuklasin
Basahin ang talata. Makatutulong ito para sa iyong
kaalaman sa pag-analyze ng tamang proseso sa
pagsagot ng routine at non-routine problems sa division.

5
Naghanda ng 48 food packs ang Malhacan
Integrated School Teachers’ Association (MISTA) officers
bilang tulong sa mga pamilyang labis na naapektuhan
ng pandemiyang dulot ng COVID-19. Kung 24 lahat ang
pamilyang nahandugan ng tulong, ilang food packs ang
natanggap ng bawat isa?
Naapektuhan din ba ng pandemiya ang iyong
pamilya?
Paano ninyo ito nalagpasan?

6
Suriin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ilang food packs ang inihanda ng MISTA officers?
a. 48 food packs c. 50 food packs
b. 28 food packs d. 58 food packs
2. Ilang pamilyang naapektuhan ng community
quarantine ang kanilang nahandugan ng food
packs?
a. 28 pamilya c. 24 pamilya
b. 48 pamiya d. 38 pamilya
3. Ano ang hinahanap na sagot mula sa talata?
a. bilang ng pamilyang nahandugan ng food packs
b. bilang ng food packs na natanggap ng bawat
pamilya
c. kabuuang bilang ng ibinahaging food packs
d. bilang ng mga gurong kasapi sa MISTA.
4. Anong operation ang dapat mong gamitin upang
masagot ang tanong sa talata?
a. addition (pagdaragdag)
b. subtraction (pagbabawas)
c. multiplication (pagpaparami)
d. division (paghahati-hati)
5. Ilang food packs ang natanggap ng bawat pamilya?
a. 5 food packs c. 3 food packs
b. 2 food packs d. 4 food packs

7
May dalawang uri ng word problem sa Mathematics.
Ito ay ang routine at non-routine problem. Ang isang
routine problem ay word problem na may agarang
paraan ng pagsagot. Ang non-routine problem naman
ay word problem kung saan nangangailangan nang
masusing pag-aanalisa. Maaari ding kailanganin nang
higit sa isang paraan upang masagot ito.
Maraming paraan para ma-solve ang isang word
problem. Ngunit mayroong mga subok na hakbang
upang magawa ito. Naririto ang kailangan mong
tandaan sa pag-solve ng word problem.

Understand – pag-unawa sa word problem


Plan – pag-iisip kung paano sasagutin ang problem
Solve – pagsasagawa ng plano upang masagutan
ang problem
Check and look back – pag-aanalisa muli sa iyong
isinagawang pagsagot at nakuhang sagot.

Balikan natin ang talata.


Sa naunang talata, nakasaad na mayroong 48 food
packs na tulong para sa 24 na pamilyang naapektuhan
ng community quarantine. Ang hinahanap na sagot ay
ang bilang ng food packs na natanggap ng bawat
pamilya.
Sa word problem na ito, kailangan mong hatiin ang
kabuuang bilang ng food packs na ipamamahagi sa 24
na pamilya. Ang operation na gagamitin ay paghahati-
hati o division.

8
Narito ang isang solusyon:
48 𝑓𝑜𝑜𝑑 𝑝𝑎𝑐𝑘𝑠 ÷ 24 𝑝𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦𝑎 = 2 𝑓𝑜𝑜𝑑 𝑝𝑎𝑐𝑘𝑠 𝑏𝑎𝑤𝑎𝑡 𝑝𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦𝑎
Sa makatuwid, ang bawat isang pamilya ay
makatatanggap ng dalawang food packs.
Bukod sa mga hakbang na nabanggit sa pagsagot
ng mga word problem, tandaan na pinakamahalaga pa
rin ang iyong tiyaga sa pagsasagot sa mga ito.

Pagyamanin
A. Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Sagutin ang mga
tanong at isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang
papel.

Mayroong sampung upuan sa bawat hanay ng mga


upuan sa silid-aralan ng Grade 2 - Maaasahan. Ilang
hanay ng upuan ang magagamit kung silang lahat ay
40?

1. Ano-ano ang impormasyon na nakapaloob sa word


problem?
a. sampung upuan sa bawat hanay at 40 bata
b. sampung bata at 40 upuan
c. sampung upuan at Grade 2 – Maaasahan
d. 40 bata sa Grade 2 – Maaasahan

9
2. Isulat ang tanong ng pasalaysay.
a. Ilang hanay ng upuan ang mabubuo para sa 40
bata kung sampung upuan ang nasa bawat isa
b. Ilang upuan ang kailangan kung may 40 bata sa
Grade 2 – Maaasahan
c. Ilang upuan ang kailangan kung may sampung
hanay sa silid-aralan
d. Ilang mag-aaral mayroon sa Grade 2 –
Maaasahan

3. Anong operation ang dapat gamitin upang masagot


ang word problem?
a. addition o pagdaragdag
b. subtraction o pagbabawas
c. multiplication o pagpaparami
d. division o paghahati-hati

4. Isulat ang tamang division sentence.


a. 40 ÷ 10 = ___ c. 40 – 10 = ___
b. 40 + 10 = ___ d. 40 ×10 = ___

5. Ano ang tamang sagot para sa word problem sa


itaas?
a. limang hanay ng upuan
b. apat na hanay ng upuan
c. anim na hanay ng upuan
d. sampung hanay ng upuan

10
B. Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Sagutin ang mga
tanong at isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang
papel.

Maaaring magtanim ng sampung kamatis sa bawat


kamang taniman sa bukid nila Jose. Ilang kamang
taniman ang matatamnan nila kung mayroon silang 60
punla ng kamatis?
1. Ano-ano ang mga impormasyon na nakapaloob sa
word problem?
a. sampung kamang taniman
b. 60 na punla ng kamatis
c. sampung kamatis sa bawat kamang taniman
d. titik b at c
2. Ano ang itinatanong sa word problem?
a. Ilang kamatis ang maitatanim sa bawat kamang
taniman
b. Ilang kamang taniman ang kailangan para sa 60
punla ng kamatis kung sampung kamatis ang
maaaring itanim sa bawat kamang taniman
c. Ilang punlang kamatis ang kailangan para sa
sampung kamang taniman
d. Ilang kamatis ang naging bunga sa bawat
kamang taniman
3. Anong operation ang dapat gamitin upang masagot
ang word problem?
a. addition o pagdaragdag
b. subtraction o pagbabawas
c. multiplication o pagpaparami
d. division o paghahati-hati

11
4. Isulat ang tamang division sentence.
a. 60 ÷ 10 = ___ c. 60 – 10 = ___
b. 60 + 10 = ___ d. 60 × 10 = ___
5. Ano ang tamang sagot para sa word problem sa
itaas?
a. limang kamang taniman
b. apat na kamang taniman
c. anim na kamang taniman
d. sampung kamang taniman

C. Basahin ang sitwasyong nasa ibaba. Sagutin ang mga


sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Si Rina ay may 50 piraso ng kendi na ipamimigay sa


kanyang mga kaklase. Kung siya ay may 10 na kaklase,
ilang piraso ng kendi ang matatanggap ng bawat isa sa
kanila?

12
1. Ano-ano ang mga impormasyon na nakapaloob sa
word problem?
a. 50 piraso ng kendi at sampung kaklase
b. 50 kaklase at sampung piraso ng kendi
c. 50 kaklase
d. sampung piraso ng kendi
2. Isulat ang tanong ng pasalaysay.
a. Ilang mag-aaral ang walang natanggap na kendi
b. Ilang uri ng kendi ang natanggap ng 50 mag-
aaral.
c. Ilang kendi ang binili ng bawat mag-aaral.
d. Ilang kendi ang natanggap ng bawat kaklase.
3. Anong operation ang dapat gamitin upang masagot
ang word problem?
a. addition o pagdaragdag
b. subtraction o pagbabawas
c. multiplication o pagpaparami
d. division o paghahati-hati
4. Isulat ang tamang division sentence.
a. 50 ÷ 10 = ___ c. 50 – 10 = ___
b. 50 + 10 = ___ d. 50 ×10 = ___
5. Ano ang tamang sagot para sa word problem sa
itaas?
a. sampung kendi bawat kaklase
b. 50 kendi bawat kaklase
c. 60 kendi bawat kaklase
d. limang kendi bawat kaklase

13
D. Basahin ang sitwasyong nasa ibaba. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Sa panahon ng pandemya ng COVID-19, minabuti ng


pamilya Reyes na magbigay ng nilagang saging sa
kanilang limang (5) kapitbahay. Kung sila ay nakapagluto
ng 30 nilagang saging, ilang nilagang saging ang
matatanggap ng bawat kapitbahay?
1. Ano-ano ang mga impormasyon na nakapaloob sa
word problem?
a. Tatlumpung nilagang saging ang nilutong
pandesal ng pamilya Reyes.
b. Limang kapitbahay ang bibigyan ng nilagang
saging.
c. titik a at b
d. wala sa mga nabanggit
2. Ano ang itinatanong sa word problem?
a. Ilang pandesal ang matatanggap ng bawat
kapitbahay?
b. Ilang kapitbahay mayroom ang pamilya Reyes?
c. Ilang pandesal ang niluto?
d. Ilang kapitbahay ang nagpasalamat?
3. Anong operation ang dapat gamitin upang masagot
ang word problem?
a. addition o pagdaragdag
b. subtraction o pagbabawas
c. multiplication o pagpaparami
d. division o paghahati-hati

14
4. Isulat ang tamang division sentence.
a. 30 ÷ 5 = ___ c. 30 – 5 = ___
b. 30 + 5 = ___ d. 30 × 5 = ___
5. Ano ang tamang sagot para sa word problem sa
itaas?
a. 30 nilagang saging
b. 6 nilagang saging
c. 5 nilagang saging
d. 9 nilagang saging

E. Basahin at suriin ang word problem sa ibaba. Isulat


ang TAMA kung naaayon ang isinasaad nito at MALI
naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

May 40 barangay volunteers ang tumulong sa


pagpapamigay ng ayuda sa mga taga-Barangay
Malhacan. Sila ay pinangkat sa walo. Ilang volunteer ang
mayroon sa bawat pangkat?

___ 1. Ang word problem ay tungkol sa 40 barangay


volunteer na pinangkat sa walo.
___ 2. Pinangkat sa sampu ang mga volunteer.
___ 3. Ang hinahanap sa word problem ay kung ilang
volunteer ang nasa bawat pangkat.
___ 4. Upang makuha ang sagot, gagamitin ang
paghahati-hati o division.
___ 5. Limang barangay volunteer ang kasapi sa bawat
pangkat.

15
F. Basahin at suriin ang word problem sa ibaba. Isulat
ang TAMA kung naaayon ang isinasaad nito at MALI
naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Si Renz ay nakagawa ng 50 piraso ng polvoron na


ipamimigay niya sa kanilang mga kapitbahay. Kung ang
mga ito ay ilalagay niya sa maliliit na kahon na
naglalaman ng 10 piraso bawat kahon, ilang kahon ang
kailangan niya?

___ 1. Si Renz ay nakagawa ng 50 piraso ng polvoron


na ibebenta niya sa kanilang mga kapitbahay.
___ 2. Ilalagay ni Renz ang mga polvoron sa maliliit na
kahon.
___ 3. Naglalaman ng limang polvoron ang bawat
maliliit na kahon.
___ 4. Maaaring gamitin ang paghahati-hati o division
para malaman kung ilang kahon ang
kakailanganin ni Renz.
___ 5. Sampung kahon ang kailangan ni Renz.

16
G. Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Ibigay ang mga
detalyeng hinihingi at sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang isang timba ng tubig-ulan na inipon ni Justine ay


nakapagdidilig ng limang halaman. Kung mayroon
siyang didiligang 25 halaman, ilang timba ang kailangan
niyang mapuno ng tubig-ulan?

1. Isulat muli ang sitwasyon sa itaas ayon sa iyong


pang-unawa.
2. Isulat ang tanong ng pasalaysay.
3. Isulat ang naaayong division sentence.
4. Sagutin at ipakita ang iyong kumpletong solusyon.
5. Isulat ang sagot.

17
H. Basahin ang sitwasyong nasa ibaba. Ibigay ang mga
detalyeng hinihingi at sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Kailangan ng paaralan ni Ginang Tess ng mini-bus para


sa field trip ng kanilang mga mag-aaral sa Dambana ng
Kagitingan sa Bundok Samat sa Bataan. Dalawampung
mag-aaral ang kaya ng isang mini-bus. Ilang mini-bus
ang gagamitin nila kung lahat ng mag-aaral na sasama
sa field trip ay 100?

1. Isulat muli ang sitwasyon sa itaas ayon sa iyong


pang-unawa.
2. Isulat ang tanong ng pasalaysay.
3. Isulat ang tamang division sentence.
4. Sagutin at ipakita ang iyong solusyon.
5. Isulat ang sagot.

Isaisip

Paano isinasagawa ang pag-analyze ng routine at


non-routine problems tungkol sa division? Piliin ang
angkop na salita sa bawat pahayag. Gamitin ang mga
sumusunod na gabay sa pag-analyze ng routine and
non-routine problems. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

18
1. (Isulat, Isipin) muli ang sitwasyon sa pahayag ayon sa
iyong pang-unawa.
2. (Tukuyin, Tanggalin) ang hinahanap.
3. (Isulat, Ilahad) ang tanong ng pasalaysay.
4. (Sagutin, Tanggalin) at ipakita ang iyong kumpletong
solusyon.

Isagawa
Basahin ang sitwasyong nasa ibaba. Ibigay ang mga
detalyeng hinihingi at sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang isang buong bibingka ay hinati sa apat na piraso.


Kung ang kabuuang bilang ng sangkapat ay 32, ilang
isang buong bibingka ang hinati?

1. Isulat muli ang sitwasyon sa itaas ayon sa iyong pang-


unawa.
2. Isulat ang tanong ng pasalaysay.
3. Isulat ang naaayong division sentence.
4. Sagutin at ipakita ang iyong kumpletong solusyon.
5. Isulat ang sagot.

19
Tayahin
Basahin ang sitwasyong nasa ibaba. Ibigay ang mga
detalyeng hinihingi at sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Si Arthur ay sumali sa photojournalism at nakakuha


ng 28 larawan. Inayos niya ang mga ito sa tig-4 na
larawan sa bawat pahina ng papel. Ilang pahina ng
papel ang kanyang nagamit?

1. Isulat muli ang sitwasyon sa itaas ayon sa iyong pang-


unawa.
2. Isulat ang tanong ng pasalaysay.
3. Isulat ang naaayong division sentence.
4. Sagutin at ipakita ang iyong kumpletong solusyon.
5. Isulat ang sagot.

20
Karagdagang Gawain
Basahin ang sitwasyong nasa ibaba. Ibigay ang mga
detalyeng hinihingi at sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

Kasamang magsisimba ni Aling Divina sa Simbahan ni


San Francisco de Assisi ang kanyang 7 kamag-anak. Mula
sa bayan ay kailangan nilang sumakay sa tricycle upang
marating ito. Kung 2 lamang ang papayagang sumakay
sa isang tricycle, ilang tricycle ang kanilang kailangan?
1. Isulat muli ang kalagayan sa itaas ayon sa iyong
pang-unawa.
2. Isulat ang tanong ng pasalaysay.
3. Isulat ang tamang division sentence.
4. Sagutin at ipakita ang iyong solusyon.
5. Isulat ang sagot.

21
22
Karagdagang Tayahin
Gawain
1. Batay sa pang-
1. Batay sa pang- unawa ng bata
unawa ng bata 2. Kung ilang pahina
2. Kung ilang tricycle ng papel ang
ang kailangan nagamit
3. 8 ÷ 2 = N 3. 28 ÷ 4 = N
4. 8 ÷ 2 = 4 4. 28 ÷ 4 = 7
5. 4 5. 7
Isagawa Pagyamanin H Pagyamanin G Pagyamanin F
1. Batay sa pang- 1. Batay sa pang- 1. Batay sa pang- 1. MALI
unawa ng bata unawa ng bata unawa ng bata 2. TAMA
2. Kung ilang buong 2. Kung ilang Bus ang 2. Kung ilang timba 3. TAMA
bibingka ang hinati kukunin ang kailangang 4. TAMA
3. 32 ÷ 4 = N 3. 100 ÷ 20 = N punuin ni Justine ng 5. MALI
4. 32 ÷ 4 = 8 4. 100 ÷ 20 = 5 tubig ulan
5. 8 5. 5 3. 25 ÷ 5 = N
4. 25 ÷ 5 = 5
5. 5 timbang tubig
ulan
Pagyamanin E Pagyamanin D Pagyamanin C Pagyamanin B
1. d
1. TAMA 1. c 1. a 2. b
2. MALI 2. a 2. d 3. d
3. TAMA 3. d 3. d 4. a
4. TAMA 4. a 4. a 5. c
5. TAMA 5. b 5. d
Pagyamanin A Suriin Balikan Subukin
1. a 1. a 1. Php 40 1. Batay sa pang-
2. a 2. c 2. 50 unawa ng bata
3. d 3. b 3. 24 2.Ilang plastik ang
4. a 4. d 4. 12 kailangan ni Hannah
5. b 5. b 5. 27 3. 60 ÷ 5 = 12
1. . Batay sa pang-
unawa ng bata
2. Ilang plastik ang
kailangan ni Jasmine
3. 30 ÷ 3 = 10
Pagwawasto
Susi sa
Sanggunian

Catud, Herminio Jose, Shierley Ferera, Danilo Padilla, and


Rogelio Candido. Mathematics Ikalawang
Baitang Kagamitan Ng Mag-Aaral: Tagalog, 1st ed.
Pasig City: Department of Education - Instructional
Materials Council Secretariat, 2013.

Catud, Herminio Jose, Shierley Ferera, Danilo Padilla, and


Rogelio Candido. Mathematics Grade 2: Teacher's
Guide, 1st ed. Pasig City: Department of Education -
Instructional Materials Council Secretariat, 2013.

Most Essential Learning Competencies Matrix K to 12


Curriculum Mathematics (Kindergarten to Grade
12)”, Department of Education, 2020, page
203.

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like