You are on page 1of 18

1

Filipino
Ikatlong Markahan-Modyul 7:
Kasarian ng Pangngalan
Fiipino – Unang Baitang
Self-Learning Module
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Kasarian ng Pangngalan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Janette P. Nobleta
Editor: Myra P. Ballera
Tagasuri: Mary Ann C. Umadhay, Jackie P. Ochinang
Tagaguhit:
Tagalapat: Ronald A. Pelitro
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, CESO V – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan Jr., CESO VI – Schools Division Superintendent
Diosdado F. Ablanido, CPA – Asst Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – REPS, Subject Area Supervisor
Arlene Rosa G. Arquiza – Chief CID
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente – OIC- LRMS
Jesus V. De Gracia Jr. - Division ADM Coordinator
Mary Ann C. Umadhay – Subject Area Supervisor

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
1

Filipino
Ikatlong Markahan-Modyul 7:
Kasarian ng Pangngalan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino I ng Self-Learning
Module (SLM) para sa araling Kasarian ng Pangngalan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino I ng Self-Learning Module
(SLM) ukol sa Kasarian ng Pangngalan!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

1
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo
ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin


ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

2
Isaisip Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

3
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka
ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyong kaisipan o
kaalaman. Ito ay tutulong sa iyo na maging bihasa sa araling
itinakda para sa Unang Baitang na may pamagat na Kasarian ng
Pangngalan. Ang kabuuan ng modyul na ito ay nagpapahintulot
na gamitin sa iba’t ibang paraan ng pag-aaral. Ang diyalekto o
Mother Tongue ay kumikilala sa iba’t ibang antas ng bokabularyo
ng isang mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos ayon sa
pamantayan ng pagtuturo. Ngunit, ang pamantayan na iyong
binabasa ngayon ay maaaring magbago para tumugma sa
batayang aklat na gagamitin ng isang mag-aaral.

Ang modyul na ito ay may isang aralin, ito ay ang:

• Aralin 1: Kasarian ng Pangngalan

Pagkatapos balangkasin ang modyul, inaasahan ang isang mag-


aaral na natutuhan ang araling ito:

1. Natutukoy ang kasarian ng pangngalan

5
Subukin
Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, ipapasubok sa
bata kung hanggang saan ang kanyang kaalaman.
Huwag mag-alala kung hindi makuha ng bata ang
tamang sagot dahil ito ay isa lamang pagsubok. Huwag
ibigay ang tamang kasagutan upang tunay na masukat
ang kaniyang angking kaalaman para sa ating aralin.
Ngayong araw, ang iyong tapat na paggabay sa iyong
anak ang aming hinihiling. Maraming Salamat po!
Panuto: Tukuyin ang kasarian ng pangngalan. Isulat ang
PL kung ito ay panlalaki, PB kung pambabae, DT kung di-
tiyak at WK naman kung walang kasarian.

_____1. Jose
_____2. nanay
_____3. kaibigan
_____4. Trisha
_____5. guro

Aralin

1 Kasarian ng Pangngalan

Ngayon ay may panibagong leksyon tayong tatalakayin


sa modyul na ito. Hangad ko na matagumpay mong
matapos ang leksyon at mga gawain.

6
Balikan
Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, babalikan ng bata
kung ano ang natutunan sa nakaraang leksyon.

Ano ang kahulugan ng pangngalan? Kaya mo bang


magbigay ng mga halimbawa nito?
Panuto: Bilugan ang mga halimbawa ng pangngalan.

nars tumatakbo Bb. Santos Sophie mansanas

Tuklasin
Panuto sa Magulang: Tulungan ang bata sa pagsagot sa
bugtong-bugtong upang madagdagan at malinang pa
ang kaniyang kaalaman.

MAGBUGTUNGAN TAYO!
Panuto: Ayusin ang mga titik na nasa loob ng kahon
upang mabuo ang sagot ng bugtong. Isulat ang
sagot sa patlang.

Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo.

soa _____________

7
Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.

dilanak _____________

Hindi bombilya, hindi kandila pero ilaw ng tahanan.


yanan _____________

Haligi ng tahanan, nagtatrabaho kung saan-saan.


yatat _____________

Sabihin sa bata: Tama ba ang mga sagot mo? Basahin


mo ang mga tamang sagot.

aso kandila nanay tatay

Ano ang tawag natin sa mga salitang ito?


Alin sa mga ito ang panlalaki? pambabae? walang
kasarian? at di-tiyak?
Alam mo bang may apat na kasarian ang pangngalan?

Suriin
Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, tulungan ang
iyong anak na alamin ang apat na kasarian ng
pangngalan.

8
May apat na kasarian ang pangngalan. Ito ay ang:
Panlalaki- mga pangngalang nagsasaad ng mga
kasariang panlalaki katulad ng ama, kuya, Efren, lolo,
ninong, papa, pari at iba pa.

Pambabae- mga pangngalang nagsasaad ng mga


kasariang pambabae katulad ng nanay, ate, ninang,
lola, tita, madre, reyna at iba pa.

Di-Tiyak- mga pangngalang maaaring tumutukoy sa


kasariang pambabae o panlalaki.
Maaaring hayop, tulad ng pusa, aso at iba pa.
Maaring tao tulad ng bata, kapatid, magulang, kaklase,
pinsan at iba pa.

Walang Kasarian- mga pangngalang walang kasarian


katulad ng bahay, bakuran, aklat, lapis at iba pa.

Pagyamanin
Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, hahayaan na ang
bata na sumagot sa mga gawain. Gabayan na lamang
ang bata sa pagsagot ng mga gawain sa pamamagitan
ng panutong ibinigay.

9
Panuto: Tukuyin ang kasarian ng mga pangngalan na
nasa loob ng kahon. Ilagay ang pangngalan sa tamang
kahon.

lapis ninong guro Tita Nely


doktor panyo dalaga G. Randy Reyes

Panlalaki Pambabae Di-Tiyak Walang


Kasarian

Isaisip
Tandaan: May apat na kasarian ang pangngalan. Ito ay
ang panlalaki, pambabae, di-tiyak at walang kasarian.
Ang panlalaki ay mga pangngalang nagsasaad ng mga
kasariang panlalaki. Ang pambabae naman ay mga
pangngalang nagsasaad ng nga kasariang pambabae.
Ang di-tiyak ay ang mga pangngalang maaaring
tumutukoy sa kasariang pambabae o panlalaki maaaring
tao o hayop. Ang walang kasarian naman ay ang mga
pangngalang walang kasarian.

10
Isagawa

Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, itanong ang mga


sumusunod sa bata upang malaman mo kung hanggang
saan ang kaniyang natutunan.
Panuto: Tukuyin ang kasarian ng pangngalan. Kulayan
ang kahon ng asul kung ang pangngalan ay panlalaki,
dilaw kung pambabae, berde kung di-tiyak at pula
naman kung walang kasarian.

bahay pusa tito

Cassandra tindera sundalo Piolo

Tayahin
Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, susukatin na kung
naintindihan ng bata ang aralin.
Panuto: Isulat ang tamang kasarian ng mga pangngalan.

1. guro _____________________

2. lapis _____________________

11
3. doktor _____________________

4. lolo _____________________

5. Marivic ______________________

Karagdagang Gawain
Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, may ibibigay sa
iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Panuto: Hanapin ang tamang kasarian ng pangngalan ng
nasa Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng sagot sa
patlang.

HANAY A HANAY B
___1. prinsipe a. pambabae

___2. papel b. panlalaki

___3. artista c. di-tiyak

___4. prinsesa d. walang kasarian


12
13
Tayahin Isagawa Karagdagang
1. di-tiyak sundalo pula Gawain
2. walang kasarian tindera berde 1. b
2. d
3. panlalaki tito asul 3. c
4. panlalaki pusa dilaw 4. a
5. pambabae bahay berde
Cassandra dilaw
Piolo asul
Pagyamanin Tuklasin Subukin
1. lapis-walang kasarian 1. aso 1. PL
2. ninong-panlalaki
3. gurol- di-tiyak 2. kandila 2. PB
4. Tita Nely-pambabae
3. nanay 3. DT
5. doctor- panlalaki
6. panyo- walang 4. tatay 4. PB
kasarian
7. dalaga- pambabae 5. DT
8. G. Randy Reyes-
Balikan
panlalaki
nars
ibon
mansanas
Bb. Santos
Sophie
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Online References:
https://www.youtube.com/watch?v=wpnw_Um4ouk

https://coloringhome.com/coloring-page/1681172
https://coloringhome.com/coloring-page/135284

http://clipart-library.com/clipart/30422.htm
https://favpng.com/png_view/transparent-doctor-cliparts-physician-hospital-
medicine-doctors-office-health-png/h5JmXKxQ

https://www.123rf.com/photo_87224148_stock-vector-cute-grandfather-
cartoon-icon-vector-illustration-graphic-design.html
https://www.123rf.com/photo_81606105_cute-girl-cartoon.html

14
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021.
Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay
ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like