You are on page 1of 4

Filipino 2

Week: 10 July 29, 2019


Day: 1

Pamantayang Pangnilalaman
Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at tunog
Pamantayan sa Pagganap
Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin,
tono, antala at ekspresyon.

I.Layunin:
1.Nadadagdagan, nababawasan at napapalitan ang isang titik para
makabuo ng isang bagong salita
2. Napag-uuri ang mga salita ayon sa pahiwatig na konseptwal
3.Nababaybay nang wasto ang mga salita sa tatlo o apat na pantig mula sa
mga natutunang salita
II.Paksang Aralin:
Pagdadagdag, pagbabawas at pagpapalit ng isang titik para makabuo ng
isang salita
Kagamitan:
flashcards, larawan at tsart, laptop, projector, activity sheet

III.Tukoy –alam

Magpapakita ang guro ng larawan at tukuyin ng mga bata kung ano ang
nasa larawan.

bahay baha pala palay paso baso

Pagpapahalaga
Ano ang dapat nating gawin upang Maglinis ma’am.
hindi tayo makaranas ng pagbaha? Huwag magtapon sa mga
kanal ma’am.
a.Pagsasanay
Basahin nang malakas ang mga sumusunod.
sabi- sabik patak-pata baro-laro
baha-bahag dagat-daga lata-mata
mana-bana itak-ita pula-dula

bPagganyak
“May Limang Chekadeng”
(integration in Music at PE)
Sa limang Chekadeng, Ilang Chekadeng apat, ma’am.
ang naiwan nung umalis ang isa?
c.Paglalahad:

Mga bata ano ang ating Huwag malikot ma’am.


gagawin kapag tayo ay nagbabasa? Bigkasin nang maayos ang
salita, ma’am.

Sabay – sabay nating basahin ang mga sumusunod na salita

Hanay A Hanay B Hanay C


sabi-sabik patak-pata baro-laro
baha-bahag dagat – daga lata-mata

d.Pagtatalakay

Ano ang napapansin niyo sa


mga salita sa Hanay A?Hanay B?

Bilangin nga natin ang mga titik?


Nabawasan ba o nadagdagan? Nadagdagan ma’am.
(integration in Math)

Ano ang nangyari sa


mga salita sa hanay B? Nabawasan ma’am.
(Integration in Math )

Ano naman ang pagbabagong

naganap sa Hanay C? Napalitan ma’am.

( Ipaliwanag na ang Hanay A ay mga


salitang nadadagdagan, hanay B ay
mga salitang nababawasan at Hanay
C ay mga salitang napapalitan)
e.Gawain pagpapayaman
Pasagutan ang Gawin Natin at Sanayin Natin
Sino sa inyo ang unang sasagot?
Tukuyin ang letra na ipinalit sa mga salita
sa Hanay A upang mabuo ang mga salita sa Hanay B.
Subukan mo nga Athena.

f.Paglalapat
Basahin at unawain mabuti ang mga salitang ipapakita ko sa TV.
Tukuyin kung ito ay pagbabawas, pagdadagdag
o pagpapalit.
(Integration in ICT – Interactive Quiz -hyperlink)
g.Paglalahat
Kailan nababago ang
kahulugan ng mga salita? Kapag napapalitan, nababawasan
o nadagdagan ng letra ma’am.
(Ipabasa ang Tandaan Natin)

IV.Pagtataya
Tukuyin kung ang ginawa sa bawat salita ay pagpapalit, pagbabawas o
pagdadagdag.

1. bakal – bakas
2. lola – bola
3. sabi – sabik
4. baso - aso
5. pawid- pawis

V.Kasunduan
Iguhit ang mga sumusunod sa isang malinis na coupon bond.
1. mata – lata
2. paso- baso
(Integration in Art)
VI. Pagninilay

Bilang ng Mag-aaral na nakakuha ng 80% sa


pagtataya
Bilang ng Mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa remediation.
Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation.
Banghay Aralin

Sa

Pagtuturo ng Filipino 2

Ipinasa ni:

JOAN MAY G. QUIÑONEZ

Ipinasa kay:

Gng. LUCILA R. PATTALITAN


Teacher In-Charge

You might also like