You are on page 1of 3

LESSON PLAN IN FILIPINO

I. Mga Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman

Nakasusulat ng may wastong baybay,bantas,gamit ang malaki at maliit na letra upang


maipahayag ang ideya,damdamin o reaksyon sa isang paksa o isyu.

B. Pamantayan sa Pagganap
Paggamit ng wasto ng malalaki at maliliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng
talata/tula

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Nakikilala ang mga pangngalang pambalana at kung paano isinusulat ang mga ito
( F4PB-la-d-3.1 )
Nakikilala ang mga pangngalang pantangi at kung paano isinusulat ang mga ito
(F4PB-la-d-3.1 )
Naiwawasto ang mga sipi ayon sa tamang paraan ng paglalagay ng mga bantas at pagsulat ng
mga salitang ginamit
( F4pu-Ic-2.2 )

II. NILALAMAN

Paggamit ng wasto ng malalaki at maliliit na letra at bantas sa pagsulat ng talata

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian :
1. Mga pahina sa Gabay sa Pagtuturo :
Patnubay ng guro Baitang 4 ph.
Patnubay ng guro Baitang 3 ph. 33 at 34
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang Mag-Aaral
Ph 2-11
3. Mga pahina sa Teksbuk
Pag-unlad sa Wika at Pagbasa ph. 44
Bukal ph.11-13
4. Karagdagang kagamitan mula sa LRDMS
5. Iba pang Kagamitang Panturo
Project BISA
Project 4P’s

IV.PAMAMARAAN

A. Balik –aral sa nakaraang Aralin o pasimula sa bagong aralin (Kapwa ko, Mahal ko)

• Bigyan ang bawat bata ng card na may nakasulat na ngalan ng tao, bagay, hayop at lugar.
• Sabihin sa kanila na sa pagsenyas mo, kailangan nilang hanapin ang kanilang kapangkat.
• Ipataas ang card ng mga bata bago umpisahan ang Gawain.
( Gabayan ang bata na makikitang wala sa tamang pangkat upang
makita niya kung saang pangkat siya dapat ).
• Ipapangkat ang mga pangngalan ayon sa ngalan ng tao, bagay, hayop at lugar.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Motivation)

Pagpapakita ng larawan ng isang paaralan. Pag-usapan ang mga makikita nila sa larawan.
Gabay na tanong :
Ano ang tawag ninyo sa lugar na ito ?
Sino-sino ang mga makikita sa lugar na ito ?
Ano-ano ang mga bagay na makikita ninyo rito ?

C. Pag- uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


( Presentation)
1. * Magpapakita ang guro ng larawan ng 2 magkaibigan na nag-uusap sa isang parke
* Magtatanong ang guro tungkol sa nakikita nila sa larawan.
2. Pagbibigay ng pamantayan sa pakikinig
3. Pagpapakita ng usapan na nasa tarp papel.
* Tatawag ang guro ng 2 bata upang basahin ang usapan.
* Muling tatawag ang guro ng 2 mag-aaral upang basahin muli ang usapan.
4. Magkaroon ng talakayan tungkol sa binasang usapan gamit ang mga sumusunod na tanong.
a. Sino ang mag bestfriend?
b. Ano ang kanilang pinag-uusapan ?
c. Ano ang ipinabaon ni Allan kay Marlon ?
d. Ano naman ang iiwan ni Marlon kay Allan ?
e. May best friend ka rin ba ? Ilarawan ang iyong best friend ?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan No I (Pick and Fix)


* Mula sa tinalakay na usapan magbigay ng mga pangngalan na nabanggit.
* Pagbibigay ng metacard sa mga mag-aaral upang isulat ang mga pangngalan
* Ididikit ang mga meta card sa pocket chart
* Gabayan ng guro ang mga mag-aaral sa pagpapangkat ng mga pangngalan.

Tiyak na Ngalan Di- tiyak na Ngalan

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan No. 2. (Suriin Natin)

Magkaroon ng mas malalim na talakayan tungkol sa konsepto.


Suriin ang mga sumusunod na pangungusap.
a. Ang tatlong mga pangunahing kapuluan sa Pilipinas ay Luzon, Visayas at Mindanao.
b. Sino ang pangulo ng Pilipinas ?
c. Naku ! Tuluyan ng sumabog ang Bulkang Taal.
d. Ang mga aktibong bulkan sa ating bansa ay ang mga Bulkang Taal, Bulkang Mayon at
Bulkang Pinatubo.
e. Matatagpuan ang Magellan’ s Cross sa Cebu.
* Talakayin ang mga pangungusap gamit ang mga sumusunod na tanong .
1. Ano-ano ang mga pangngalang pambalana sa pangungusap a? b? c? d? e?

2. Ano-ano ang mga pangngalang pantangi sa pangungusap a? b? c? d? e?


3. Ano ang ginamit na bantas sa bawat pangungusap ?
4. Kailan kaya ginagamit ang bantas na kuwit? tuldok? tandang padamdam ? tandang
pananong ?

F. Paglilinang sa Kabihasan:
Ipalaro ang cabbage relay . (Matuto sa Repolyo)
Magpapatugtog ng musika ang guro habang pinagpapasapasahan ang paper cabbage na
naglalaman ng mga pangngalan. Sa paghinto ng musika ang mag-aaral na may hawak na paper cabbage
ang tutukoy kung anong uri ng pangngalan ang nakasulat dito.

G. Paglalahat ng Aralin ( Generalization)


Ano ang dalawang uri ng pangngalan ?
Kailan ginagamit ang pangngalang pantangi ? pambalana ?
Ano-ano ang mga bantas na ginagamit sa pagsulat ng pangungusap/ talata ?
Kailan natin ginagamit ang mga ito ?

H. Paglalapat ng aralin sa pang araw araw na buhay. ( Application/Valuing)


Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa apat na pangkat.
Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain ?
Pangkatang Gawain:
1. Pangkat I – Pantangi o pambalana ( SLK Project BISA Gawain Bilang 2 ph 8 )
2. Pangkat II – Wastong paraan ng pagsulat ng pangngalan.
3. Pangkat III - Pagwawasto ng pangungusap
4. Pangkat IV - Wastong pagsipi ng talata.

I. Pagtataya ng Aralin:

Panuto: Suriin ang akda at iwasto ang talata sa pamamagitan ng paglalagay ng wastong
bantas at pagsasaayos ng mga pamamaraan ng pagkakasulat ng salita.

Sina allan at Marlon ay magkaibigan. Napag-usapan nila ng pag-alis ng PAMILYA ni


Marlon patungong Hawaii. Iniwan ni Marlon ang kaniyang alagang Aso kay Allan. Matapos ang
maraming taon, bumalik si Marlon mula sa Hawaii at ito ay may pasalubong na tsokolate laruan
sapatos at bag para sa kaibigan. Maligayang-maligaya ang dalawa sa kanilang muling pagkikita?

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin ( Assignment)


( SLK Project BISA Gawain Bilang 3 ph 9 )

Inihanda at Ipinakitang turo ni : Joshua F. Santos

You might also like