You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
Division of Leyte
Burauen North District
S.Y. 2021-2022

TEACHER:
LEVEL: GRADE I

SEMI - DETAILED LESSON PLAN IN FILIPINO I


I. Layunin:

Nakakapaglarawan ng mga bagay, tao, hayop, pangyayari at lugar (F1WG-IIIc-d-4)


Pagiging magalang

II. Paksa:

A. Mga Salitang Naglalarawan


B. Sanggunian: MELC
C. Kagamitan: plaskard, tsart ng kuwento, mga larawan , powerpoint presentation

III. Pamamaraan:

A.1. Pagganyak:
Awitin natin ang “Ako ay may Lobo”.
2. Balik – aral:
Magbigay ng mga pangalan ng mga larawang ipapakita.

B. 1.Paunang Pagtataya:
Ano ang ginagawa mo upang malaman ang kahulugan ng mga di-kilalang salita?

2. Tunguhin
Ngayong araw ay pag-aaralan natin ang mga salitang naglalarawan o pang -
uri.
3. Paglalahad:
Ang pang – uri ay mga salitang naglalarawan sa tao, pook o lugar, bagay o
pangayayari. Magbigay ng mga halimbawa sa tulong ng mga larawan na makikita sa
powerpoint presentation.
4. Pagtuturo at Paglalarawan:
Piliin sa loob ng kahon ang angkop na pang –uri sa bawat larawan.

matapang maganda mahaba magaling masarap

1. 4.
____________ _________________

2. ____________ 5. _________________

3. ____________

5. Kasanayang Pagpapayaman:
Laro: Pabilisan sa pagbibigay ng mga salitang naglalarawan batay sa larawan.

6. Karagdagang Gawain:
Magbigay ng salita na maglalarawan sa mga larawang nakikita.

7. Paglalahat:
Ano ang pang – uri? Ang pang – uri ay mga salitang naglalarawan sa tao, bagay,
hayop, pook o lugar o pangyayari.

8. Paglalapat:
Bilugan ang mga salitang naglalarawan.

Ana mabait masipag


bilog pula mataba
Alex paaralan lapis
IV. PAGTATAYA

Ikahon ang mga salitang naglalarawan sa bawat pangungusap.


1. Mayaman ang hari.
2. Maputi ang aking kaibigan na si Ana..
3. Mahal ang gulay ngayon sa palengke.
4. Malamig ang sorbetes.
5. Mahaba ang buhok ni ate.

V. Kasunduan:

Sumulat ng limang halimbawa ng mga salitang naglalarawan.

You might also like