You are on page 1of 3

DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC

Mac Arthur Highway, Poblacion (Sto.Cristo),

Capas. 2315 Tarlac, Philippines

Tel.No. (045) 491-7579/Telefax (045) 925-0519

E-mail: domct_2315@yahoo.com
SEMI DETAILED LESSON PLAN SA MTB-MLE

Panlahat na Layunin: Naipamamalas ang Pagsulat ng Talaarawan at Liham

 Tiyak na Layunin:

 nakatutukoy ng pagkakatulad at pagkakaiba ng liham at dyornal;


 nakasusunod sa mga pamantayan at paraan ng pagsulat ng liham at dyornal; at
 nakasusulat ng liham at dyornal hinggil sa pansariling karanasan

I. Nilalaman:

A. Paksa: Pagsulat ng Talaarawan at Liham

B. Sanggunian: https://youtu.be/VPWCDNm4I1Q C.
Kagamitan: Laptop, Power Point Presentation

D. Pagpapahalaga:  Pagbibigay halaga sa Pagsulat ng Talaarawan at Liham

II. Paunang Gawain:

a. Pagbati

Magandang umaga mga bata!

b. Panalangin

Tumayo ang lahat at tayo ay mananalangin. Arjan, maari bang ikaw ang mamuno sa


ating pagdadasal ngayong hapon na ito.

Amen!

c. Pagtatala ng mga Lumiban sa klase

Sino ba ang hindi pumasok ngayong araw na ito?

Magaling! Walang lumiban sa ating klase ngayon.

d. Pagbabalik-Aral

Ano ang ating leksyon kahapon?

e. Pagganyak

Bago magumpisa ang klase ang guro ay may inihandang kahon na kung saan sa loob ng
kahon ay may nakalagay na liham tungkol sa buhay ng tao.
III. Pagtatalakay

Ang liham ay isang paraan ng pagsulat ng isang mensahe na naglalaman ng


mga nais mong iparating o ipaabot sa isang tao.

Ang liham pagkakaibigan ay may limang bahagi.

Ang mga ito ay ang: petsa, bating panimula, katawan ng liham, bating
pangwakas at lagda.

Ang mga sumusunod na bahagi ng liham

1. Petsa – tinutukoy nito kung kalian naisulat ang liham.

2. Bating Panimula – sinasabi rito kung para kanino ang liham.

3. Katawan ng Liham - isinusulat dito ang mensahe o nais ipabatid

ng liham.

4. Bating Pangwakas - isinasaad sa bahaging ito ang huling pagbati

ng sumulat o ang relasyon ng taong sumulat sa sinusulatan.

5. Lagda - dito naman isinusulat ang pangalan ng nagpadala ng

liham.

Sa pagsulat ng liham may mga tuntunin din tayong dapat tandan.

1. Tiyakin na nakasulat sa malaking titik ang unang letra ng unang

salita ng bawat pangungusap.

2. Ipasok ang unang linya ng bawat talata.

3. Tiyakin na wasto ang paggamit ng mga bantas tulad ng tuldok,

kudlit, kuwit at iba pa.

4. Tiyakin na wasto ang pagbabaybay ang mga salita.

5. Tiyakin na may sapat espasyo sa bawat gilid ng pinagsusulatan.

IV. Paglalapat

Basahin at tukuyin kung anong bahagi ng liham ang inilalarawan. Isulat ang letra
ng sagot sa iyong sagutang papel.

____1. Dito naman isinusulat ang pangalan ng nagpadala ng liham.

____2. Makikita rito ang huling pagbati ng sumulat o ang relasyon ng

taong sumulat sa sinusulatan.


__ 3. Nagsasaad kung ano ang pangalan ng sinusulatan. Sinasabi

rito kung para kanino ang liham.

__4. Isinusulat dito ang mensahe o nais ipabatid ng liham.

__ 5. Tinutukoy nito kung kalian naisulat ang liham

V. Pagtataya

Panuto: Punan ng bilang 1-5 ang patlang ayon sa pagkakaayos ng liham. Isulat sa
iyong sagutang papel.

___ Mahal kong Lola

___ 72 Rosario St.

North Poblacion

Masinloc, Zambales

Marso 15, 2019

___ Ang iyong apo

___ Ashley

___ Maraming salamat po sa ibinigay mong regalo na pulang laso. Sana ay lagi po
kayong nasa maaayos na kalagayan.

Mag-iingat po kayo palagi.

VI. Takdang-Aralin

Gumawa ng isang liham ng pasasalamat sa iyong mga magulang. Sundin ang wastong
tuntunin sa pagsulat ng liham.

You might also like