You are on page 1of 14

1

Mother Tongue-Based
Multilingual Education
Ikaapat na Markahan - Modyul 7:
Salitang Magkasingkahulugan

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


MTB-MLE – Unang Baitang
Contextualized Self-Learning Module
Ikaapat na Markahan – Modyul 7: Pagbibigay ng Kasingkahulugan ng mga
Salitang Naglalarawan
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.Ang mga
akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA


Regional Director: Nicolas T. Capulong, Ph.D., CESO V
OIC, Office of the Asst. Regional Director: Atty. Suzette T. Gannaban-Medina

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Minerva F. Gusi, Dalubguro II


Juliana B. Asi, Dalubguro I
Editor: Ramil A. Marasigan, Dalubguro I
Tagasuri: Aileen D. Mirano, Marry Ann P. Sixta, Mary Ann C. Palay
Tagaguhit: Louie J. Cortez, Jefferson Repizo
Tagalapat: Rizalyn C. Lomio, Guro II
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong
Mariflor B. Musa
Freddie Rey R. Ramirez
Rogelio F. Falcutila
Susana M. Bautista
Rafael G. Manalo, PhD
Charity R. Agabas- Capunitan
Elmer P. Concepcion
Magdalena B. Morales

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA
Office Address: Meralco Avenue, Corner St. Paul Road, Pasig City
Telefax: (02) 6314070
E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda


para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
MTB-MLE 1 Pagbibigay ng Kasingkahulugan
Ikaapat na Markahan
Ikawalong Linggo ng mga Salitang Naglalarawan

MELC: Naibibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang


naglalarawan. (MTIGA-1Vh-i-4.1)

Layunin: Natutukoy ang kasingkahulugan ng mga salitang


naglalarawan.

Subukin Natin

Panuto: Piliin ang salitang magkasingkahulugan sa


pamamagitan ng larawan. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.

1. A. B. C.

2. A. B. C.

1
3. A. B. C.

4. A. B. C.

5. A. B. C.
C

Ating Alamin at Tuklasin

Ang mga gawain na nasa modyul na ito ay inihanda


para mapaunlad ang iyong kakayahan at mabigyan ng
magandang pagkakataon upang maging kasiya-siya ang
iyong pag-aaral sa asignaturang Mother Tongue sa unang
baitang.

2
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang
makapagbibigay ng kasingkahulugan ng mga salitang
naglalarawan.

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga


salitang naglalarawan na nasa Hanay A.

Hanay A Hanay B

1. masaya A. maginaw
2. maliit B. maligaya
3. tama C. matalim
4. malamig D. munti
5. matalas E. wasto

Tayo’y Magsanay

A. Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung magkasingkahulugan


ang mga salita, ekis (X) kung hindi.
______ 1. mataas - matayog

______ 2. mabilis - mabagal

______ 3. mayaman - mahirap

______ 4. tahimik - payapa

______ 5. masarap – malinamnam

3
B. Ayusin ang mga letra sa kanan upang makabuo ng
salitang kasingkahulugan ng sumusunod na salita. Isulat sa
sagutang papel ang sagot.

1. maganda – m a r k i i t

2. mahalimuyak – m b a n g o a

3. pandak – m a i l i t

4. matangkad – m a a s t a

5. maluwang – m a l a k a w

Ating Pagyamanin

A. Piliin sa loob ng panaklong ang kasingkahulugan ng


salitang may salungguhit. Isulat sa sagutang papel ang
inyong sagot.

1. Ang sampaguita ay mabango. (mabaho, mahalimuyak).

2. Matulin tumakbo ang kabayo. (malakas, mabilis)

3. Ang prutas ay masarap. (matamis, sariwa)

4. Si Ben ay batang matalino. (mabait, marunong)

5. Maliit ang daan sa pilapil. (malawak, makitid)

4
B. Panuto: Isulat ang kasingkahulugan ng nasa larawan.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. pandak _________________

2. masaya _________________

3. dukha _________________

4. mabagal _________________

5. malamig __________________

5
Ang Aking Natutuhan
Ang dalawang salita ay magkasingkahulugan kapag
pareho ang kanilang ibig sabihin.

Halimbawa:

mabilis – matulin

masaya – maligaya

tahimik – payapa

mahirap – dukha

mataas - matayog

Panuto: Isulat sa patlang ang kasingkahulugan ng mga


sumusunod na salita.

1. malawak - ________________

2. marunong - ________________

3. dukha - ________________

6
4. marungis - ________________

5. matulin - ________________

Ating Tayahin

Panuto: Piliin ang salitang magkasingkahulugan sa salitang


may salangguhit. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Mataas ang niyog sa likod bahay.

A. mahaba B. marami C. matayog D. matulis

2. Mayayabong ang dahon ng mangga.

A. makapal B. malapad C. malinis D. maliwanag

3. Luntian ang mga petsay ni kuya.

A. berde B. dilaw C. malusog D. sariwa

7
4. Bagong pitas ang mga sitaw sa hardin

A. maasim B. marami C. sariwa D. tuyo

5. Magandang tingnan ang paligid kung


may tanim na bulaklak.

A. makalat B. marikit C. marumi D. pangit

8
9
Ating Tayahin Ang Aking
Natutuhan
1. C 1. malapad
2. A 2. matalino
3. A 3. mahirap
4. C 4. madumi
5. B 5. mabilis
Ating Pagyamanin Tayo’y Magsanay
B A B A
1. maliit 1.mahalimuyak 1. marikit 1. /
2. maligaya 2. mabilis 2. mabango 2. X
3. mahirap 3. matamis 3. maliit 3. X
4. makupad 4. marunong 4. mataas 4. /
5. maginaw 5. makitid 5. malawak 5. /
Ating Alamin at Subukin Natin
Tuklasin
1. C
1. B
2. C
2. D
3. B
3. E
4. A
4. A
5. A
5. C
Gabay sa Pagwawasto
Sanggunian

Department of Education. "K to 12 Most Essential Learning


Competencies with Corresponding CG Codes". Pasig City:
Department of Education Central Office, 2020, p. 490
Mother Tongue Based-Multilingual Education Learner’s
Materials pahina 409

Mother Tongue Based-Multilingual Education Teacher’s


Guide (Tagalog)

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: mimaropa.region@deped.gov.ph
11

You might also like