You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Surigao del Sur State University


Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO


PARA SA IKA-LIMANG BAITANG

Inihanda ni: Princess E. Samosino

I. LAYUNIN
Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggan o nabasang balita,
isyu, usapan (F5PN-Ia-4);
B. Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksiyon sa isang napakinggan
o nabasang balita, isyu o usapan (F5PS-Ia-j-1); at
C. Naipapahayag ang sariling opinion sa pangkatutubong pagpapagatas
ng ina sa anak.

II. PAKSANG ARALIN


A. PAKSA: Pag-uugnay ng Karanasan sa Binasa Pagpapahayag ng
Sariling Opinyon o Reaksiyon
B. SANGGUNIAN: Hiyas sa Pagbasa 5, pahina 5-6
Bandila Aklat sa Wika at Pagbasa 5 pahina 79
Pangkatutubong Kasaysayan ng Pagpapagatas
C. KAGAMITAN: concept map, tsart, task card, chart ng balita
D. ESTRATEHIYA: Pagtatanong, oral recitation, paggamit ng graphic
organizer, kolaborasyon sa grupo
E. PAGPAPAHALAGA: Kahalagahan ng Pagiging Malusog

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN

1. PANALANGIN
(Pipili ang guro ng isang magaaral upang manguna sa (Panalangin)
panalangin.)

“Maraming salamat sa iyo, Shayla. Maaari kanang


umupo.

2. PAGBATI
“Magandang araw mga bata!” “Magandang araw din po, Ma’am!”
3. PAGSASAAYOS NG SILID-ARALAN
“Bago umupo ang lahat ay ayusin muna ang mga (Magpupulot ng mga kalat ang mga
upuan at tingnan kung malinis ba ang ilalim ng inyo bata at aayusin nila ang kanilang mga
mga lamesa.” upuan.”

4. PAGTALA NG LUMIBAN
(Nagtawag ang guro ng isang mag-aaral upang sabihin
kung sino ang lumiban ngayon aral.) “Kinalulugod kung sabihin po sa inyo na
walang lumibang ngayon araw..”
“Maraming Salamat, Tishe. Maaari kanang umupo.”

5. BALIK-ARAL
“Bago tayo dumako sa paksang ating tatalakayin
ngayong araw dumako muna ayo sa nakaraan nating
talakayin .
Naaalala niyo pa ba kung ano ang tinalakay natin
noong nakaraang araw, Re Anne?”

“Tama! Ano ba ang kahulugan ng pabula, Jocelyn? “ “Ang nakaraan na tinalakay po nating
ay patungkol sa Pabula.”

“Ang pabula po ay isang uri ng


“Mahusay! Sino pa ang may kasagutan?” panitikan na ang gunaganap ay mga
hayop o mga bagay na wala namng
buhay.”

“Napakahusay! Magbigay nga kayo ng mga halimawa


ng pabula, Melanie?” “Tinatawag din itong kathang
kuwentong nagbibigay-aral.”

“Tama! maliban don ano pa?”


“Guro! Si Pangong at Si Matsing po ay
“Tama! Magaling mga bata!” isang halimbawa ng isang pabula.”

B. PANLINANG NA GAWAIN (4A’s)


“Ang Kuneho at Leon ay isa din
1. MGA GAWAIN (ACTIVITY) halimbawa ng pabula.”
A. Pagbabaybay

Panuto: Baybayinang sumusunod na salita na ididikta


ng guro.
1. ahensiya 6. publiko
2. gulugod 7. asoge
3. naistranded 8. nagpapagatas
4. siklo 9. kalalagsang
5. kagawaran 10. ina
B. Paghahawan ng Balakid

a. proyekto – (pagpapakita ng tunay na bagay,


halimbawa ng proyektong ipinasa ng bata)
b. libre – Ang mga mag-aaral ay pumapasok ng libre sa
pampublikong paaralan.
c. edukasyon –Ang mga batang pumapasok sa
pampublikong paaralan ay nagkakamit ng libreng
edukasyon.
d. pananaliksik – Ayon sa pananaliksik ang gatas ay
mainam sa ating katawan.
e. kalalagasang – bagong panganak na sanggol

C. Pagganyak
“Sino sa inyo ang umiinom ng gatas araw-araw?” (Nagtaas ng kamay ang mga bata.)

“Mabuti mga bata. Gamit ang concept map nato ay


“Ang gatas ay nakakatulong upang
lilinangin natin ang salitang gatas. Isulat sa concept
map nato kung ano ang naidudulot ng gatas sa ating lumakas ang ating mga buto.
katawan. Nakakatulong din ito upang tayo ay
maging malusog at magkaroon ng
maganda ang balat. Ito rin ay mayaman
sa bitamina at mineral.”

“Magaling! Ang gatas ay mahalagang mapagkukunan


ng Vitamin D at Calcium. Maraming benepisyo ang
makukuha sa pag-inom ng gatas ayon kay Doc Willie
Ong:

1. Pampalakas ng Buto.
Humihina ang buto natin dahil sa maling posture at
kakulangan sa masustansyang pagkain. Ang isang
basong gatas ay naglalaman ng 113 mg calcium. Ito ay
lubhang mahalaga para maiwasan ang pagkasira ng
buto.

2. Mayaman sa Bitamina at Mineral.


Ang gatas ay “superfood” na naglalaman ng lahat ng
mahahalagang bitamina at mineral na ating kailangan.
Ito ay may Vitamin B12, na kailangan ng ating utak.
Ang gatas ay may Riboflavin para mapanatiling
malakas ang ating katawan. Ito rin ay naglalaman ng
phosphorus, na makatutulong sa pag-aayos ng mga
nasirang selula natin.

3. Mayaman sa Protina.
Ang 100 grams ng gatas ay naglalaman ng 3.2 grams
ng protina. Ang protina ay tumutulong sa ating katawan
para gumawa ng enzymes, palakasin at maghilom ang
kalamanan, kasu-kasuan at balat. Kailangan din ito
para gumawa ng hormones sa ating katawan.

4. Para malusog at maganda ang balat.


Ang pag-inom ng isa hanggang dalawang baso ng
gatas kada araw ay makatutulong para gumanda ang
iyong balat dahil sa sustansya nito.

D. Paglalahad ng Aralin
“Ang inyong ginawa ay may kinalaman sa ating
tatalakayin ngayong araw. Makikinig kayo ng dalawang
balita na aking babasahin.”

(Ang mga bata ay nakikinig.)


2. PAGSUSURI (ANALYSIS)

“Ano ang paksa ng unang balita, Marjory?”


“Ang paksa ng unang balita ay Project
School Milk.”

“Magaling, Marjory! Jay, sa tingin mo bakit


pinamagatang Project School Milk ang balita?” “Pinamagatang Project School Milk ang
balita dahil ang laman nito ay tungkol
sa pagpapatupad ng isang proyekto na
naglalayon na magbigay ng libreng
gatas sa tuwing oras ng rises para sa
mga magaaral sa unang baitang ng
paaralang publiko sapagkat maraming
bata ang pumapasok nang hindi pa
nag-aalmusal o bahagya
nang nakakakain sa umaga

“Napakahusay, Jay! Ano ang layunin ng proyekto sa “Layunin ng proyekto ang pagbibigay
unang balita, Mitch?” tuwing oras ng rises ng libreng gatas sa
mga magaaral sa Unang Baitang ng
paaralang publiko.”

“Magaling! Para kanino ang proyekto?” “Para po sa mga magaaral


sa Unang Baitang ng paaralang
publiko”

“Mahusay! Ano-anong ahensiya ang nagtataguyod sa “Ang proyekyo ay pinangungunahan ni


proyekto, Arnold?” Senador Franklin Drilon, Kagawaran ng
Edukasyon (DepEd), Violeta Calvo,
Drilon Foundation, Tetra Pak
Philippines, Inc., William Gothong and
Aboitiz Shipping Inc. at Alaska Milk
Corporation.”

“Napakagaling! Stephanie, ikaw ba ay umiinom din ng “Opo, Ma’am”


gatas?”

“Ang paraan ng pagpapagatas ng mga


“Mabuti naman. Ayon sa pangalawang balitang inyong
Katutubong Dumagat Remuntado ay
napakinggan, ano ang paraan ng pagpapagatas ng
ang pagpapagatas sa anak mula sa
mga Katutubong Dumagat Remuntado?”
gatas ng ina o ang pagpapasuso sa
bata.”
“Magaling! Sa iyong palagay, Charity, alin sa dalawang “Sa palagay ko po, mas masustansya
balita ang sa tingin ninyo ay mas masustansya ang ang gatas na nagmula sa ina dahil ito
gatas? Ipaliwanag ang sagot. ay ang mainam na mapagkukunan ng
pagkain na naglalaman ng lahat ng
mga uri ng mga halagang nutritional
tulad ng protina, taba, iron, bitamina na
kailangan ng sanggol sa unang 6 na
buwan.”

“Napakahusay, Charity! Tama si Charity, ang gatas ng


ina ay ang mainam na mapagkukunan ng pagkain na
naglalaman ng lahat ng mga uri ng mga halagang
nutritional tulad ng protina, taba, iron, bitamina na
kailangan ng sanggol sa unang 6 na buwan.
Pinoprotektahan nito ang sanggol mula sa mga
impeksyon dahil sa mga preservatives na nilalaman
nito. Dahil mayroong sapat na tubig at bitamina sa
gatas ng suso, hindi kinakailangan na magbigay ng
tubig sa sanggol kahit sa sobrang init na klima.
Mahalaga ang gatas ng suso para sa mga sanggol.
Pinoprotektahan ng gatas ng dibdib ang mga sanggol
mula sa lahat ng mga uri ng impeksyon.”

“Bakit kailangan ng mga bata ang gatas, Queenie?”


“Kailangan na uminom ng gatas ang
ma bata upang sila ay maging malusog
at hindi sakitin.”

“Magaling! Kagaya nga ng sinabi ko kanina na


mahalagang uminom ng gatas dahil ito ay mahalagang
mapagkukunan ng Vitamin D at Calcium. Maraming
benepisyo ang makukuha sa pag-inom ng gatas ayon
kay Doc Willie Ong: pampalakas ng buto, mayaman sa
bitamina at mineral, mayaman sa protina, at para
malusog at maganda ang balat.”

3. PAGHAHALAW (ABSTRACTION)
“Ang pagbibigay ng sariling opinyon o
“Bakit mahalaga na ibahagi ang opinyon o reaksiyon sa
pananaw ay isa sa matatawag nating
isang pangyayari, Reign?”
kalayaan. Malaya tayong ibigay ang
mga opinyon natin sa mga bagay
bagay sa ating paligid dahil tayo ay tao.
Basta lagi nating tatandaan na dapat ay
wala tayong masasaktan at
matatapakan na tao sa pagbibigay
natin ng opinyon.”
“Mgaling, Reign! Mahalagang maibahagi natin sa lahat
ang ating nababasa, naririnig at nakikita upang
magkaroonsila ng kamalayan at kaalaman tungkol sa
pangyayari sa kapaligiran o pamayanan.”

4. PAGLALAPAT (APPLICATION)

“Napakahusay ang inyong pagpapahay ng mga


opinion sa mga balitang inyong napakinggan sa ating
talakayin, ngayon ay may gagawin tayo. Hahatiin ko
ang klase sa tatlong pangkat at pipili kayo ng leader sa
inyong grupo. Ang bawat representante sa grupo ay
pupunta sa harapan upang bubunot ng task card. Sa
bawat task card ay may kaakibat na gagawin. Bibigyan
ko kayo ng 15 min. upang magawa lahat ang gagawin,
pagkatpos ay iulat niyo ito sa harap ng klase.
Naiintindihan niyo ba mga bata?” “Opo, Ma’am.”

Pangkat l – Reaksiyon Ko!

Basahin ang balita sa tsart at ipahayag ang opinyon o


reaksiyon sa anyong patalata.
Pangkat 2 – Buuin Mo!

Buuin ang puzzle ng balita at sagutin ang mga tanong.

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang balitang nabasa?
2. Anong epekto ang dulot nito sa tao sa Metro Manila?
3. Bakit nagkakaroon ng air pollution?
4. Anong maaari nating gawin ukol dito?
5. Bakit pinaniniwalaang nakakaalarma ang balitang
ito?

Pangkat 3 –Punan Mo!

Punan nang angkop na salita ang mga pangungusap


ayon sa iyong karanasan.
IV. PAGTATAYA

A. Basahin ang kuwento. Ipahayag ang sariling opinyon o reaksiyon sa tatlong


pangungusap.

B. Basahin ang balita. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.

a. Bakit magtataas ng singil ang MERALCO?


b. Sino-sino ang maaapektuhan ng balita?
c. Iugnay ang nabasang balita sa sariling karanasan.

V. TAKDANG ARALIN

Gumupit ng balita mula sa pahayagan. Idikit sa kuwaderno at ipahayag ang iyong


opinyon o reaksiyon mula dito.

You might also like