You are on page 1of 8

Detalyadong Banghay Aralin sa

Araling Panlipunan IV
Inihanda ni: Shahani E. Largo

I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Mailalarawan ang ibat-ibang programa ng pamahalaan at serbesiyong panlipunan;
B. Maipapamalas ang pagpapahalaga sa mga programa ng pamahalaan at serbisyong
panlipunan; at
C. Makabubuo ng mga ideya sa pagpresenta ng mga
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Ang Pamahalaan at Serbisyong Panlipunan
B. Sanggunian: Hekasi: Para sa mga Batang Pilipino 4, 20000 pp. 125-131
C. Kagamitan: Mga larawan, sagutang papel, tarp papel, tv, laptop at “PowerPoint
Presentation”

III. Pamamaraan
Mga Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Paghahanda
1. Pagbati at Panalangin

Magandang umaga mga bata


Magsitayo ang lahat para sa ating panalangin.
Joy pangunahan mo ang panlangin. Joy: Diyos na Banal, maraming salamat
po sa pagkakataong ibinigay ninyo sa
aming lahat upang makapag-aral.
Salamat po sa pagbibigay ninyo sa
amin ng isang guro na matiyagang
hinuhubog ang aming isipan sa araw-
araw. Patnubayan mo po kami sa aming
landas na piniling lakarin. Wala po
kaming magagawa kung wala ang
inyong tulong at mga pagpapala. Sa
harap ninyo at sa inyong bugtong na
anak, inaalay namin ang araw na ito.
Amen.
Magandang umaga mga bata. Magsi-upo ang
lahat.

Kumusta kayo mga bata?


Kuamin na ba kayo? Mabuti po!
Opo ma’am!
2. Pagtala ng liban sa klase
Princess (tagapagtala) sino ang liban ngayong
araw?
Princess: Wala po, ma’am!
3. Kasunduan
Mga bata mayroon tayong mga tuntunin sa loob
ng ating silid. Timothy pakibasa ang unang
tuntunin.
Timothy: Umupo ng matuwid.
Mga bata umupo ng matuwid.

Sunod pakibasa Andrew.


Andrew: Umupo ng matuwid.
Oo tama!

Sunod nais kong basahin niyo lahat. Makinig ng mabuti.


Nais ko na makinig kayo ng mabuti sa ating
klase.

Panghuli, pakibasa lahat. Itaas ang kanang kamay kung gustong


sumagot.
Tandaan niyo lahat ito mga bata.

B. Pagganyak

Ngayon mga bata nais kong panoorin niyo ang


patalastas na ito. Manood at makinig ng mabuti.

C. Paglalahad

Base sa napanood niyong patalastas, ano ang mga


ipinangako na plataporma ng kandidato sa
tatakbo sa halalan? Rozel: Isa po sa plataporma niya ay ang
Rozel, mayroon ka bang ideya? programa sa edukasyon.

Tama, iyan ay may kaugnayan sa ating magiging


leksyon dahil ang tatalakayin natin ay tungkol sa
“Ang Pamahalaan at Serbisyong Panlipunan.

D. Pagtatalakay

Ang Pamahalaan at Serbisyong Panlipunan

1. Programang Pangkalusugan
Nasa likod ng pag-unlad na ito sa kalusugan ang
Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng
sari-saring progrmang pangkalusugan na
inilulunsad taon-taon. Nangunguna ito sa
paggawa ng pampublikong pagamutan, ospital at
pagbibigay ng mga medical mission at seguro sa
mga pasyenteng maralita.
Sa pamamagitan ng seguro o insurance,
nagkakaroon ng panustos sa mga gastusin sa
ospital ang mga paseynte. Ipinamamhagi ng
pamhalaan sa lahat ng mamamayan sa bansa ang
libreng seguro sa pamamagitan ng Philippine
Health Insurance Corporation (PhilHealth).

2. Programang Pang-Edukasyon
Pinamamahalaan ng Department of Education
(DepEd) ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas
para sa lahat ng mag-aaral na Pilipino. Umunlad
ang larangan ng edukasyon dahil sa panibagong
programang tinatawag na K to 12 kurikulum. Sa
ilalim nito, ang lahat ng mag-aaral ay
magkakaroon ng mga larangan o track na nais
nilang kunin pagkatapos ng kanilang pag-aaral.

Ang elementarya sa ilalim ng K to 12 ay


nagsisimula sa Grade 1 at natatapos sa Grade 6 at
ang sekondarya naman ay nagsisimula sa Grade 7
at nagtatapos sa Grade 12. Bukod sa kurikulum,
nagpapagawa ang pamahalaan ng mga
pampublikong paaralan at aklatan upang
makatulong sa mga mag-aaral na nais mag-aral
para sa kanilang kinabukasan.

Kasam na din sa pagpapaunlad ng mga paaralan


at ng kurikulum ang pamamahagi ng mga
iskolarsyip o tulong para sa mga mahuhusay na
mag-aaral.

3. Programang Pangkapayapaan
Mahalaga ang pagkakaroon ng isang payapang
oamayanan upang lumaki ng maayos ang bawat
tai at upang umunlad ang iang pamayanan. Upang
mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng buong
bansa, naatasan ang pulisya o ang Philippine
National Police (PNP) dito. Sa larangan namn ng
pagtatanggol ng soberanya at teritoryo ng
Pilipinas mula sa nais manakop dito, naatasan ang
Sandathang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of
the Philippines (AFP) na humawak sa mga
sumusunod na hukbo: ang Philippines Army para
sa kalupaan, ang Philipppine Navy para sa mga
katubigan at ang Philippine Air Force para sa
himpapawid.

Sa mga lugar na nagsisimulang maging mapayapa


mula sa gyera o kaguluhan ay may mga programa
para sa pagpapatuloy ng kapayapaan tulad ng
Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA)
na nasa ilalim ng Office of the Presidential
Adviser on the Process (OPAPP). Maraming
programang pangkabuhayan at pang-edukasyon
ang nasa ilalim ng (PAMANA) para makatulong
sa mga lugar na nasalanta ng giyera tulad ng
ibang lalawigan sa Mindanao.
4. Programang Pangkabuhayan

Bumubuti ang antas ng kabuhayan o ekonomiya


ng isang bansa kapag ang mga tao ay produktibo
at natutustusan ang kanilang mga
pangangailangan. Hindi pantay ang kabuhayan ng
lahat ng mamamayan. May mayaman at mahirap.
Tumutulong ang pamahalaan sa mga maralita sa
pamamagitan naman ng pamamahagi ng salapi
kapalit ang pag-aaral nila o pagtatrabaho nang
maayos. Ang Programang Pantrawid Pamilyang
Pilipino Program (4Ps) ay isa sa halimbawa nito.
Para naman sa mga walang trabaho o naghahanap
ng trabaho tumutulong namang ang Department
of Labor and Employment (DOLE) upang
makahanap sila ng akmang hanapbuhay ayon sa
kanilang kakayahan. Nagsasagawa ito ng mga
malalaking job fair para sa mga nais magtrabaho
para sa mga pribado o pampublikong kompanya
sa loob at labas ng bansa.

5. Programang Pang-imprastraktura

Ang imprastraktura ay tumutukoy sa mga


estrukturang mahalaga sa pag-unlad ng mga
kalsada, tulay, riles ng tren, paliparan at daugan
ng mga barko. May ilang mahahalagang
programang pang-imprastraktura na
kasalukuyang pinauunlad ng pamahalaa tulad ng
pagsasaayos ng mga kalsada, pagpapalit ng mg
bagong tren, pagbubuo ng mga daluyan ng tubig
at marami pang iba.

Nangunguna ngayon sa mga proyektong pang-


imprastraktura sa buong bansa na itinayo ay ang
mga sumusunod: sistemang roll-on/roll-off
(RORO) sa mga pangunahaing pantalan, ang
Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) at ang Ninoy
Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA
3).

6. Pagtatanggol sa mga Karapatan ng


Mamamayan

Ang bawat tao ay may karapatan. Hindi ito


maaring kunin nino man at ito ay naibigay na sa
tao pagkatapos siyang naisilang. Ang karapatan
ay pantay-pantay sa lahat ng tao, babae man o
lalaki, bata man o matanda, mayaman man o
mahirap. Tungkulin naman ng pamahalaan na
pangalagaan ito.
Ginagawa ng pamahalaan ang lahat uoang
mapangalagaan ang karapatan ng mga
mamamayan. Sa ilalim ng pamumuno ng
Commission on Human Rights (CHR),
napapahalagahan ng pamahalaan ang karapatang
pantao. Sa pamamagitan ng mga batas at mga
programa naipagtatanggol ng pamahalaan ang
mga tao. Ang Sangay Tagapaghukom ng Pilipinas
ay naglilitis sa mga taong nang-aabuso sa mga
karapatan ng ibang tao.
Hawak naman ng Department of Justice (DOJ)
ang sistemang penal ng bansa na nagbabantay sa
mga bilanggong nailitis dahil sa mga paglabag sa
karapatan ng mga tao.
Kaakibat ng mga karapatan na tinatamasa ng
bawat tao ang responsibilidad o tungkulin na
pangalagaan ito. Isang tungkulin ang pag-alam,
pag-unawa at pangangalaga sa karapatang pantao
ng bawat isa.

E. Paglalapat
Ngayon naman ay hahatiin ko kayo sa limang
grup. Nais kong tingnan niyo ang mga kulay na
nasa inyong upuan. Nag kapareho ng inyong
kulay na nakuha niyo ay siyang inyong magiging
kagrupo. Ngayon ay pumunta na kayo sa inyong
mga kagrupo.
Mayroon akong ibibigay na sobre at ang laman
niyan ay piraso ng papel kung saan nakasulat ang
inyong gagawin. Mayroon naman akong
inihandang rubriks para sa inyong pangkatang
gawain.

RUBRIKS
Krayter Pinaka Mahus Di- Kulang
ya mahusa ay gaanon sa
y g kasana
mahusa yan
y
(4) (3) (2) (1)
Kaangk
upan sa
paksa
Pagka
malikh
ain
Kooper
asyon

Pankat Asul
Aktibiti: Tanong mo, Sagot mo!
Gamit ang graphic organizer, bumuo o gumawa
ng limang tanong tungkol sa “programang
pangkalusugan” at limang tanong di tungkol sa
“programang pang-edukasyon. Pagkatapos at
sagutan ito at ibabahagi ito sa harap ng klase.

Pangkat Dilaw
Aktibiti: Fliptop Battle
Ang aktibiti na ito na naaayon sa “programang
pangkapayapan. Ang pagtatalunan na isyu ay ang
isyu sa panig ng mga rebelde at ng gobyerno.

Pangkat Itim
Aktibiti: Pagbabalita
Gumawa ng senaryo sa pagbabalita tungkol sa
mga balita na nauukol sa “programang
pangkabuhayan”.

Pangkat Kayumanggi
Aktibiti: Pagguhit
Gumuhit ng mga imprastraktura na makikita sa
inyong lugar at lagyan ito ng impormasyon. 1. Programang Pangkalusugan
2. Programang Pang-Edukasyon
Pangkat Violet 3. Programang Pangkapayapaan
Aktibiti: Demanda 4. Programang Pangkabuhayan
Mag-isip ng isnag senaryo ng isang kaso kung 5. Programang Imprastraktura
saan magkakaroon ng “Court Hearing”. Dapat 6. Pagtatanggol sa mga karapatan
mayroong nasasakdal, hukom, nagsasakdal at ng mamamayan
saksi. Mag-isip ng sitwasyon na makikita ang
pagtatanggol sa mga karapatan ng mamamayan.

Ang inyong makukuhang puntos bawat pangkat


at idadagdag sa pasulit nating mamaya mga bata.

F. Paglalahat
Ano-ano ang mga programang inilunsad ng
gobyerno para sa mga mamamayan at kaunlaran
ng bansa?
Therese, mayroon ka bang ideya?
IV. Pagtataya
Punan ng tamang sagot ang patlang.

1. Ipinamamahagi ng pamahalaan sa lahat ng mamamayan sa bansa ang libreng seguro sa


pamamagitan ng .
2. Pinamamahalaan ng ang sistema ng edukasyob sa Pilipinas para sa lahat ng
mag-aaral na Pilipino.
3. Umunlad ang larangan ng edukasyon dahil sa panibagong programang tinatawag na
kurikulum.
4. Upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng buong bansa, naatsan ang
dito.
5. Para naman sa mga walang trabaho tumutulong naman ang upang makahanap
sila ng akmang hanapbuhay ayon sa kanilang kakayahan.
6. Sa ilalim ng pamumuno ng napapahalagahan ang pamahalaan ang
karapatang pantao.
7. Ang ng Pilipinas ay naglilitis sa mga taong nang-aabuso sa mga
karapatang pantao.
8. Hawak namang ng ang sistemang penal ng bansa na nagbabantay sa
mga bilanggong nailitis dahil sa mga paglabag sa karapatang pantao.
9. Isang tungkulin ang pag-alam, pag-unawa at pangangalaga sa ng bawat
isa.
10. Kasama na din sa pagpapaunlad ng mga paaralan at ng kurikulum ang pamamahagi ng
mga o tulong para sa mga mahuhusay na mag-aaral.

V. Takdang-Aralin
Lagyan ng maikling impormasyon ang bawat programa.
1. Programang Pangkalusugan

2. Programang Pang-Edukasyon

3. Programang Pangkapayapaan

4. Programang Pangkabuhayan

5. Programang Pang-imprastraktura

6. Pagtatanggol sa mga karapatan ng mamamayan

You might also like