You are on page 1of 8

Detalyadong Banghay sa Araling Panlipunan

Relatibong Lokasyon ng mga Lalawigan sa Rehiyon

I. Layunin
Sa loob ng 30-minuto, Inaasahang ang mag-aaral ay:

A. Ang mga mag aaral ay may kakayahang hanapin ang mga lalawigan sa rehiyon gamit ang
relatibong lokasyon.
B. Tukuyin ang mga lokasyon batay sa mga nakapaligid o kalapit na lugar.
C. Malalaman ang ibig sabihin ng Relatibong pamamaraan ng paghahanap ng lokasyon.

II. Paksang-Aralin

A. Paksa : Relatibong Lokasyon ng mga Lalawigan sa Rehiyon


B. Sanggunian : https://youtu.be/1Eh6tOcNDOA
C. Kagamitan : Laptop, cellphone
D. Pagpapahalaga : Magamit nang angkop ang mga pangunahing direksyon
III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawain ng Mag aaral


A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang hapon mga bata! Magandang hapon din po ma’am!

2. Panalangin
Bago natin simulan ang ating pag-aaral sa (Pamumunuan ng isang mag-aaral)
hapong ito tayo muna ay manalangin.

3. Pagtala ng Liban
Mga bata, mayroon bang lumiban sa klase Wala po ma’am.
ngayon araw? Sino ang wala sa klase
natin ngayon?

Kung gayon ay dumako na tayo sa ating


aralin.

4. Energizer

Guess the fruit

B. Panlinang na gawain
1. Pagganyak

Ano ang dalawang uri ng Direksyon?


Pangunahing Direksyon
Pangalawang Direksyon

Pangunahing Direksyon ay may eksakto at


tuwid na lokasyon o kinaroroonan ng isang
lugar o bagay. Ang Hilaga, Timog, Kanluran at
Silangan ay ang mga pangunahing direksyon.

Upang mas maintindihan nyo ang ibig sabihin


nito, may inihanda akong larawan dito upang
ating malaman ang mga pangunahing
direksyon.
Ang nasa hilaga ng batang babae ay candy
Ang nasa timog ng batang babae ay sapatos
Ang nasa kanluran ng batang babae ay
lollipop
Ang nasa silangan ng batang babae ay bag

Ngayon kayo naman ang aking


Tatanungin. Magpapakita ulit ako ng
larawan at kapag tinawagang pangalan ay
sasabihin ninyo ang mga bagay nanakatutok
sa direksyon na iyon. Airplane po ma’am

Bola po ma’am

Robot po ma’am

Sasakyan po ma’am

Ano ang nasa hilaga?


Tama very good
Ano ang nasa timog?
Ang galing talaga tama ang sagot
Ano ang nasa kanluran?
Tama napakahusay
Ano ang nasa silangan?
Tama ulit talino talaga ng mga estudyanteng
ito

C. Pagtalakay

Iyan lamang ay pangunahing direksyon/


lokasyon, ngayon ay dumako na tayo at mag
pokus sa relatibong lokasyon.

Ano nga ba ang relatibong lokasyon?

Ang mga direksiyon o lokasyon ng isang lugar


ay ibinabatay sa kinaroroonan ng mga
nakapaligid at karatig-pook. Ang tawag dito
ay relatibong lokasyon. Mas madaling
matutukoy ang kinaroroonan ng mga lugar Opo.
kapag alam natin kung paano hanapin ang
relatibong lokasyon ng mga lugar na ito.
Simbahan, Paaralan, Amusement Park, zoo,
hospital, bahay, at tree house.

Katulad ng nauna nating tinalakay ay


mayroon akong ipapakitang larawan sainyo.

Mga bata, nakikita nyo ba ang mga nasa


larawan?

Kung gayon, maaari nyo bang tukuyin kung


ano-anong mga mga imprastraktura ang
inyong makikita?
Tama!

Ngayon, pag aralan ang mapa at ibigay ang


mga detalye ayon sa relatibong lokasyon ng
mga lugar.

(Ipapakita ang mga lokasyon ng bawat lugar Cavite


gamit ang relatibong lokasyon)
Laguna
Ngayon ay tukuyin naman natin ang lokasyon Laguna
ng mga lalawigan sa rehiyon batay sa mga
nakapaligid o kalapit na lugar. Rizal

(magpapakita ng larawan) Batangas

TANDAAN
Ang relatibong lokasyon ay hindi nagbibigay
ng eksaktong direksyon sa pagtukoy ng
kinalalagyan ng isang lugar. Kung iba't iba ang
pulo na pagbabatayan, nagbabago ang
pagtukoy ng mga lokasyon nito.

D. Paglalapat

Gawain 1-A.

Parañaque

San Juan
1. Anong lalawigan ang nasa kanluran ng
Laguna? Quezon City
2. Anong lalawigan ang nasa silangan ng
Cavite? San Juan, Mandaluyong, Pasig, etc.
3. Anong lalawigan ang nasa timog ng Rizal?
4. Anong lalawigan ang nasa hilaga ng Quezon City
Laguna?
5. Anong lugar ang nasa timog ng Cavite?
E. Pagtataya

Sa isang malinis na papel, sagutan


ang sumusunod.

1. Ang Pasay ay nasa hilaga ng ________.


2. Ang Mandaluyong ay nasa timog ng
_____?
3. Ang Marikina ay nasa silangan ng _____?
4. Ang Quezon City ay nasa hilaga ng
______?
5. Ang Valenzuela ay nasa kanluran ng
______?
F. Takdang Aralin
Sa isang malinis na papel, gumuhit ng isang parke at ilagay ang mga sumusunod ayon sa
tinutukoy na direksiyon.
1. Fountain- ilagay sa gitna ng parke
2. Mga halamang namumulaklak- gawing silangan at kanluran ng fountain
3. Malaking puno - sa likod ng mga halaman
4. Palaruan- gawing hilaga ng parke
5. Lawa-gawing timog ng parke

Inihanda ni:
Kimverly A. Andes
BEED BLOCK 9

You might also like