You are on page 1of 9

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 3

Unang Panahunan
Aralin 3
Unang Araw
I.Layunin
Natutukoy ang lokasyon ng mga lalawigan sa rehiyon batay sa mga
kalapit na lugar
II.Nilalaman
A. Paksang Aralin: Pagtukoy sa Lokasyon ng mga Lalawigan sa
Rehiyon Batay sa Kalapit na Lugar (Relatibong Lokasyon)
B. Sanggunian: Patnubay ng Guro, K to 12 AP3LAR-Ic-3
Kagamitan ng Mag-aaral, pp. 19 - 24
C.Kagamitan: mapa ng CALABARZON, larawan, tsart
III.Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik-aral
Sa anong direksiyon matatagpuan ang lalawigan ng Cavite?
Laguna? Batangas? Rizal? Quezon?
3. Pagganyak
Paglabas sa Gubat
Panuto:
a.Bumuo ng limang pangkat.
b.Bigyan ang bawat pangkat ng activity card at pinalaking
larawan ng kagubatan.
c.Ipaliwanag ang pamamaraan ng Gawain.
d.Ipabasa ang sitwasyon.
Sitwasyon :
May isang batang naligaw sa kagubatan. Nakasalubong siya
ng matandang lalaki na magtuturo sa kaniya ng landas
pauwi. Masundan niya kaya ito? Tulungan mo siyang
makalabas ng gubat.
e.Isagawa ang gawain.
ACTIVITY CARD
 Magsimula sa batang nakaharap sa X.
 Mula sa X, tumalikod at lumakad patimog hanggang sa
makita ang napakalaking puno.
 Pagdaating sa malaking puno lumiko at sundan ang
landas patungong silangan, sa may lawa.
 Mula sa lawa, lumakad nang pahilaga at huminto sa
maraming punong-kahoy.
 Mula rito, tuntunin ang liko-likong daan patungong
silangan hanggang umabot ka sa krus na daan. Lumiko at
lumakad patimog. Sa dulo ng
daan makikita ang isang kubo sa tabi ng malaking puno.
May dalawang daan dito . Sundan ang daan patungong
silangan hanggang makalabas ng gubat.

Natulungan mo ba ang bata? Paano?


B.Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Paano mo masasabi ang lokasyon ng isang lugar?
Ano-ano ang maaaring gamitin upang masabi ang lokasyon ng
isang lugar?
Isagawa ang Gawain A (LM, p. 22) upang masagot ang mga tanong.
Pag-aralan ang mapa ng ating rehiyon.
2.Pagsusuri/Pagtalakay
Anong lalawigan o mga lalawigan ang nasa kanluran ng Quezon?
Anong mga lalawigan ang nasa Hilagang-Silangan ng Batangas?
Anong lalawigan ang nasa Timog- Silangan ng Laguna?
Anong mga lalawigan ang nasa Silangan ng Cavite?
Anong lalawigan ang nasa Hilaga ng Quezon?
Kung ang pagbabatayan natin ay ang lalawigan ng Batangas, saang
direksyon makikita ang sumusunod na lalawigan:
a. Quezon
b. Laguna
c. Cavite
d. Rizal
3. Paghahalaw
Ano ang isang paraan ng pagtukoy sa lokasyon ng isang lalawigan?
4. Paglalahat
Ang relatibong lokasyon ay ang pagtukoy ng isang lugar ay ibinabatay
rin sa kinaroroonan ng mga nasa paligid at katabing pook ng
lokasyon ng isang lugar
5. Paglalapat
Isagawa ang Gawain B sa Lm, pp. 23
Gawain B
Pag-aralan ang mapa. Ibigay ang mga detalye ayon sa relatibong
lokasyon ng mga lugar. Isulat ang mga pangungusap sa sagutang
papel.
Halimbawa:
Ang sari-sari store ay malapit sa kabahayan.

1. _____________________
2. _____________________
3. ____________________
4. _____________________
5._____________________
IV. Pagtataya
Pag-aralang muli ang mapa ng ating rehiyon. Pagkatapos ay tukuyin
ang mga relatibong lokasyong kinaroroonan ng bawat lalawigan.
1.Kung ang pagbabatayan ay ang lalawigan ng Rizal, sa anong direksyon
matatagpuan ang lalawigan ng Quezon?
a.Silangan c. Kanluran
b.Timog d. Hilaga
2.Kung ikaw ay nasa Cavite, anong lugar ang karatig nito na nasa Timog?
a.Quezon c. Laguna
b.Rizal d. Batangas
3.Kung kayo ay nasa Batangas at may balak kayong pumunta sa Quezon
anong direksyon ang inyong tatahakin?
a.Pakanluran c. Pasilangan
b.Patimog d. Pahilaga
4.Kung ang pagbabatayan ay ang lalawigan Laguna, saan makikita ang
Cavite?
a.Hilaga c. Kanluran
5.Kung ang pagbabatayan ay ang lalawigan ng Quezon, anong direksiyon
ang kinaroroonan ng Laguna?
a.Hilaga c. Kanluran
b.Timog d. Silangan
V.Takdang Aralin
Pag-aralan ang mapa ng Barangay Maligaya sa LM, pahina 20 at sagutin
ang mga tanong dito.
Pagbatayan natin ang plasa na nasa gitna ng lahat ng mga gusali batay
sa larawang ito.
1.Saan makikita ang plasa?
2.Anong gusali ang nasa tapat nito?
3.Anong gusali ang nasa likod nito?
4.Paano kung ang gusaling pamahalaang ang pagbabatayan?
5.Paano mo tutukuyin ang lokasyon ng plasa?
Mula sa bahay pamahalaan at kung ikaw ay nakaharap sa plasa, anong
gusali ang nasa gawing kanan mo?

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 3


Unang Panahunan
Aralin 3
Ikalawang Araw
I.Layunin
Nailalarawan ang lokasyon ng mga lalawigan sa sariling rehiyon batay sa
mga nakapaligid dito
II.Nilalaman
A.Paksang Aralin: Paglalarawan ng Lokasyon ng mga Lalawigan sa
Rehiyon Batay sa Mga Nakapaligid Dito
B.Sanggunian: Gabay Pangkurikulum, Patnubay ng Guro
Kagamitan ng Mag-aaral, pp. 19-24
C.Kagamitan: mapa ng sariling rehiyon, tsart
III.Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik-aral
Ano ang relatibong lokasyon?
3. Pagganyak
Ilarawan ang kinaroroonan ng ating paaralan batay sa mga
nakapaligid dito.
Ano ang nasa timog nito?
Ano ang nasa bandang likuran ng paaralan?
Ano ang makikita sa silangan nito?
At ano naman ang nasa gawing kanluran?
B.Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipakita sa mga bata ang mapa ng Rehiyon IV-A CALABARZON.

2. Pagsusuri/Pagtalakay
Ayon sa mapa, ilarawan ang lalawigan ng Batangas batay sa mga
karatig na lalawigan?
Ilarawan ang Laguna batay sa mga nakapaligid dito.
Ano ang lokasyon ng Cavite base sa nakapaligid dito?.
Ano ang masasabi mo sa lokasyon ng Quezon? Rizal?
3 .Paghahalaw/Paghahambing
Ihambing ang lalawigan ng Batangas sa lalawigan ng Rizal batay sa
lokasyon ng mga ito.
4. Paglalahat
Paano natin inilarawan ang lokasyon ng mga lalawigan sa ating
rehiyon?
(Mailalarawan ang lokasyon ng isang lalawigan batay sa mga lugar
na nakapaligid dito.)
5. Paglalapat
Ipagawa ang Gawain C, pahina 23 sa Kagamitan ng Mag-aaral.
Gawain C
Gumuhit ng isang parke. Ilagay ang sumusunod ayon sa tinutukoy na
direksiyon.
1. fountain – gitna ng parke
2. mga halamang namumulaklak – gawing silangan at kanluran ng
fountain
3. malalaking puno – sa likod ng mga halaman
4. palaruan – gawing hilaga ng parke
5. lawa – gawing timog ng parke
6. bench / mga upuan – palibot ng fountain
Rubric

Pamantayan 1 2
Pagguhit Hindi gaanong Maganda
maganda
Pagkulay sa Larawan Hindi gaanong Maayos
maayos
Pagbuo ng Miyural Marumi Malinis
Kabuuang Puntos
IV.Pagtataya
Pag-aralan muli ang mapa ng rehiyon.

Ilarawan ang mga sumusunod na lalawigan ayon sa lokasyon at mga


nakapaligid dito.
a.Batangas
b.Laguna
c.Cavite
d.Rizal
e.Quezon
V.Takdang Aralin
Sagutan ang Natutunan Ko sa LM pahina 24.
Gumuhit ng mapa ng inyong barangay. Ipakita ang tamang lokasyon
ng mahahalagang lugar/ tanawin dito.

You might also like