You are on page 1of 6

Unang Panahunan

Aralin 10
Ikalimang Araw

I. Layunin
Nakagagawa ng payak na mapa na nagpapakita ng mahahalagang
anyong tubig sa sariling lalawigan at rehiyon
II. Nilalaman
A. Paksang Aralin: Paggawa ng Mapa na Nagpapakita ng
Mahahalagang Anyong Tubig sa Sariling
Lalawigan at Rehiyon
B. Sanggunian:
K to 12 AP3LAR-lf-10
Kagamitan ng Mag-aaral pp. 76-77
C. Kagamitan:
mapang pisikal, tsart, kagamitan sa pagguhit, puzzle
Map
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik-Aral
Ano-ano ang mga anyong tubig sa ating rehiyon?
Ano-ano ang mga simbolo ng mga anyong tubig tulad ng
karagatan? Dagat? Ilog? Talon? At Lawa?
3. Pagganyak
Ipaawit ang likhang awit para sa mga anyong tubig sa rehiyon.
Tayo na sa Calabarzon
(Tune of Tayo na sa Antipolo)
Tayo na sa CALABARZON
Pasyalan ang ating rehiyon
Mga anyong tubig at lupa
Ay tunay na nakamamangha
Pitong Lawa sa Laguna
Hinulugang Taktak sa Rizal ang sikat
Lawa ng Taal sa Batangas
Puerto Azul sa Cavite
Halina’t tayo na!
Itanong:
Ano-ano ang mga mahahalagang anyong tubig na
nabanggit sa awit? Saan matatagpuan ang mga ito ayon sa awit?B.
Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Pangkatang Gawain: Gumawa Tayo ng Mapa (Anyong Tubig)
a. Sa paggawa ng mapang pisikal, itala muna ang mga anyong
tubig na matatagpuan sa ating rehiyon at ilagay ang simbolo
nito.
Lalawigan Anyong Tubig Simbolo

Quezon dagat

Laguna Talon ng
Pagsanjan

Lawa ng Laguna

Batangas Lawa ng Taal

Cavite Puerto Azul

Rizal Talon ng
Hinulugang taktak

b. Iguhit ng mapa ng CALABARZON. Isulat ang mga


mahahalagang anyong tubig na itinala sa bawat lalawigan at
iguhit din ang mga simbolo nito.

2. Pagsusuri/Pagtalakay
(Pag-uulat ng isang kasapi ng pangkat ang ginawang mapa.)
Base sa inyong nabuong mapa, ano ano ang makikita sa
nabuong mapa?
Ano ano ang mga simbolong nasa mapa? Ano ang tinutukoy ng

simbolong ? ? ?
Saang lalawigan matatagpuan ang Talon ng Pagsanjan? Talon
ng Hinulugang Taktak?
Saang lalawigan naman matatagpuan ang Lawa ng Taal?
Saang lalawigan matatagpuan ang Puerto Azul?
Sa inyong palagay, bakit mahalaga ang mga simbolo sa
paggawa ng mapa?
3. Paghahalaw/Paghahambing
Sa inyong palagay bakit mahalaga ang mga simbolo sa paggawa
ng mapa?
4. Paglalahat
Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa paggawa ng mapa ng
mahahalagang anyong tubig sa lalawigan at rehiyon?
5. Paglalapat

Bigyang pansin ang mga anyong tubig na nasa sariling lugar at


mga paraan ng wastong pangangalaga dit
IV. Pagtataya
Gumuhit ng payak na mapang pisikal ng mga mahahalagang
anyong tubig na makikita sa ating lalawigan at rehiyon

Pamantayan 1 2
Pagguhit Hindi gaanong Maganda
maganda
Pagkulay sa Hindi maayos ay Maayos
Larawan maliwanag
Pagbuo ng Miyural Marumi Malinis
Kabuuang Puntos

V. Takdang Aralin
Gumawa ng mapang pisikal ng mahahalagang anyong tubig na
matatagpuan sa rehiyon. Isulat ang pangalan ng anyong tubig at iguhit
ang kaukulang simbolo.
Aralin 10
Ikatlong Araw
I. Layunin
Nagagamit ang mapa sa pagtukoy ng mahahalagang anyong lupa at
anyong tubig sa sariling lalawigan at rehiyon
II. Nilalaman
A. Paksang Aralin: Paggamit ng Mapa sa Pagtukoy ng Mahahalagang
Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling lalawigan at Rehiyon
B. Sanggunian: Patnubay ng Guro, pp.
K to 12 AP3LAR-If-10
C. Kagamitan ng Mag-aaral, pp. 89-96
D. Kagamitan: puzzle map, tsart, task card
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

Balitaan
Balik-aral
Ano anong mahahalagang anyong tubig o lupa ang
matatagpuan sa:
Quezon
Batangas
Cavite
Laguna
Rizal
1. Pagganyak
Nakasama ka na bang maghiking kapag may kamping? Ano
ano ang ginagawa dito?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Pangkatang Gawain
Gawain B (LM, pp. 95-96)
Panuto
a. Magkakaroon tayo ng isang paglalakbay kung saan may
limang istasyon na kailangang daanan ang bawat grupo.
Bawat istasyon ay may direksyon na nakasulat sa task card.
Bago makuha ang bahagi ng puzzle, kailangan munang
maisagawa/masagot ang nakatakdang gawain.

Station 1: Lalawigan: ___________________


Tanong:
 Dito matatagpuan ang Bundok Banahaw. Ito ay binubuo
din ng kapatagan, talampas at bulubunduking anyong
lupa. Anong lalawigan ito?
(Maaari ng kunin ang isang piraso ng puzzle kung
nasagot na ang tanong.)
Station 2: Lalawigan ng _________________
Tanong:
Ang Lawa ng Taal ay isa sa mga anyong tubig dito. Dito din
matatagpuan ang pinakamaliit na bulkan sa ating bansa.
(Maaari ng kunin ang bahagi ng puzzle.)
Station 3: Lalawigan ng __________________
Tanong:
Isa sa mga dinadayo dito ay ang Talon ng Pagsanjan at Bundok
Makiling.
(Maaari ng kunin ang bahagi ng Puzzle)
Station 4: Lalawigan ng ___________________
Tanong:
Dito matatagpuan ang Talon ng Hinulugang Taktak. Anong
lalawigan ang tinutukoy dito?
(Maaari ng kunin ang bahagi ng puzzle.)
Station 5: Lalawigan ng _________________
Tanong
Dito makikita ang makasaysayang pook na Bundok ng
Maragundo kung saan dito pinatay ang Ama ng Rebolusyong
Filipino na si Andres Bonifacio. Ito ay lalawigan ng _____.
(Maaari ng kunin ang bahagi ng puzzle.)
b. Buuin ang mga bahagi ng puzzle at ipaskil sa pisara para sa
talakayan.
2. Pagsusuri/Pagtalakay
Nabuo nyo ba ang puzzle?
Ano ang inyong nabuo?
Ano ano ang mga mahahalagang anyong lupa at tubig ang
makikita sa puzzle map na nabuo?
3. Paghahalaw/Paghahambing
Paghambingin ang mga lalawigan batay sa mga anyong lupa at
tubig na makikita dito.
4. Paglalahat
Ano ang ginagamit upang mapadali ang pagtukoy sa
mahahalagang anyong lupa at tubig sa sariling lalawigan at
rehiyon?
5. Paglalapat
Nais ng inyong pamilya na mamasyal sa mga mahahalagang
anyong lupa at tubig sa ating rehiyon. Anong imumungkahi
mong dalhin upang mapadali ang inyong pamamasyal? Bakit?
IV. Pagtataya
Batay sa pisikal na mapa ng inyong rehiyon, kilalanin ang mga
lalawigan na tinutukoy sa mga pahayag. Isulat ang tamang sagot sa
patlang.
__________1. Dito makikita ang Bundok Banahaw.
__________2. Kilala ito sa Talon ng Pagsanjan at Bundok Makiling.
__________3. Ang Talon ng Hinulugang Taktak ang pinakatampok sa
lugar na ito.
__________4. Sa lalawigang ito makikita ang Bulkang Taal at Lawa ng
Taal.
__________5. Makikita dito ang Makasaysayang Bundok kung saan
dito pinatay si Andres Bonifacio.
V. Takdang Aralin
Sagutin ang “Natutunan Ko” sa Kagamitan ng Mag-aaral, pp. 97-98.

You might also like