You are on page 1of 8

PERFORMANCE TASKS IN AP 3

FIRST QUARTER

GURO KO CHANNEL

Performance Task 1

Mga Tanda at Simbolo sa Mapa


GURO KO CHANNEL

Performance Task 2

Kinalalagyan ng mga Lungsod at Bayan ng Sariling Rehiyon Batay


sa mga Nakapaligid dito Gamit ang Pangunahing Direksyon

Batay sa ating napag-aralan, alamin mo kung anong lugar , estruktura o


kaninong bahay ang nakapaligid sa inyong tahanan ayon sa apat na
pangunahing direksyon. Maaaring magpatulong sa magulang o nakatatanda
kasama mo sa bahay.
Isulat/Iguhit mo ang iyong sagot dito.

GURO KO CHANNEL
Performance Task 3

Ang Katangian ng Populasyon ng Iba’t -Ibang Pamayanan sa Sariling


Lalawigan

Gumawa ng isang bar graph sa tulong ng mga impormasyon na nakasulat


sa talaan.
GURO KO CHANNEL
Performance Task 4

Ang Katangiang Pangheograpikal ng Iba’t-ibang Lungsod sa Rehiyon

Pumili ng isang lungsod sa ating natalakay na aralin. Tukuyin ang


katangiang pangheograpikal at pisikal nito. Maaring magpatulong sa iyong
magulang o guardian. Gamiting batayan ang talaan sa ibaba sa pagsagot.
Lungsod ng _______________________

GURO KO CHANNEL
Performance Task 5

Ang Pagkakaugnay-ugnay ng mga Anyong Tubig at Anyong Lupa sa


mga Lungsod ng Sariling Rehiyon

Pumili ng isang larawan ng anyong tubig at anyong lupa na matatagpuan sa


NCR o Metro Manila o sa inyong lugar. Gumawa ng iyong pangako kung paano
mo ito pangangalagaan.
GURO KO CHANNEL
Performance Task 6

Nakagagawa ng Payak na Mapa Na Nagpapakita ng Mahahalagang Anyong Lupa at


Anyong Tubig sa Sariling Lungsod at Bayan At mga Karatig Nito sa Sariling

Basahing mabuti ang sitwasyon sa ibaba. Gumawa ng isang payak na


mapang pisikal na naayon sa kuwento.

Nais mamasyal ng Pamilyang Reyes at bisitahin na rin ang


kanilang lolo at lola sa kanilang probinsya sa Antipolo, Rizal. Sa
mapa, magsisimula sila sa Lungsod ng Maynila. Madadaanan ng
kanilang bus na sinasakyan ang Ilog Pasig. Babagtasin ng kanilang
sasakyan ang kahabaan ng kapatagan ng mga Lungsod ng San Juan.
Hangggang sa makarating sa EDSA na isang bahagi ng talampas ng
Lungsod ng Quezon. Sila ay bababa sa Lungsod ng Marikina, isang
lambak na lungsod dito sa NCR. Dito maghihintay silang muli ng
pampasaherong dyip patungong Antipolo, Rizal, ang lugar na ito ay
napapagitnaan ng Lawa ng Laguna hanggang sa tuluyang makarating
sa simbahan ng Antipolo. Doon nag-aabang na ang kanilang lolo at
lola sa kanila.

Wastong Pangangasiwa ng mga Likas na


Yaman
GURO KO CHANNEL
Performance Task 7

Sumulat ng tatlo [3] pangungusap kung ano ang mga pagpapahalaga na dapat
mong gawin sa mga sumusunod na sitwasyon. [Pagbuo ng
Pagkatao/Mapanuring Pag-iisip]

1. May mga kaibigan ka na nakatira malapit sa Baseco Beach sa may Port Area.
Dahil tag-init niyaya ka nilang maligo dito. Ano ang dapat na isaalang-alang
mo?

2. Si Joel na iyong pinsan ay naglalako ng pagkain sa may Manila Bay na kung


saan maraming namamasyal at pinanonood ang paglubog ng araw. Paano mo
siya mahihikayat na pangalagaan ang kapaligiran ng lugar?

3. Ang Arroceros Forest Park sa lungsod ng Maynila ay idineklarang


permanenteng forest park sa bisa ng City Ordinance No. 8607. Bilang batang
Manileño paano mo ito susuportahan at ipagmamalaki?

GURO KO CHANNEL
Performance Task 8

Ang Kapaligiran ng Aking Lungsod at Bayan sa Rehiyon


Sumulat ng isang talata na naglalarawan ng iyong sariling lungsod o
bayan (Pagkamalikhain)

You might also like