You are on page 1of 15

3

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Paggawa ng Mapa ng Mahahalagang Anyong Tubig
At Anyong Lupa sa Sariling Lalawigan at Rehiyon
At mga Karatig Nito
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Paggawa ng Mapa ng Mahahalagang Anyong Tubig
at Anyong Lupa sa Sariling Lalawigan at Rehiyon at mga Karatig Nito
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maricyl D. Lapiz

Editor/ Tagasuri/ Tagalapat: Karen Mae P. Salces/Christel May J. Paguican

Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director


Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Omar A. Obas, CESO V - Schools Division Superintendent
Jasmin A. Isla - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat – REPS, Araling Panlipunan
Dr. Meilrose B. Peralta – CID Chief
Dr. Hazel G. Aparece - EPS In Charge of LRMS/ADM
Ronnie C. Cabaya – EPS, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon Dose

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para
sa ating mag- aaral sa kanilang pag- aaral sa tahanan. Binubuo ito
ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan
ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng
kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag aaral ng mga mag aaral sa kani kanilang tahanan.
- - -

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag - aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag aaral na ingatan ang SLM na


-

ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag


susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag aaral -

kahit wala sila sa paaralan.

1
Alamin

Magandang araw sa iyo, kaibigan! Kumusta na ang iyong


pag-aaral? Sa araling ito, ikaw ay inaasahang nakagagawa ng
payak na mapa na nagpapakita ng mahahalagang anyong
tubig at anyong lupa sa sariling lalawigan at rehiyon at mga
karatig nito.

Subukin
Subukin natin ang inyong kaalaman tungkol sa paggawa ng
mapa ng mahahalagang anyong tubig at anyong lupa sa sariling
lalawigan at rehiyon at mga karatig nito.

Panuto: Unawain ang mga tanong sa bawat bilang . Piliin ang titik
ng wastong sagot.
1. Ano ang tawag sa isang palapad na representasyon ng mundo
at naipapakita nito ang malalawak na lupain at katubigan ng
bansa o buong mundo?
A. aklat B. diksyonaryo C. globo D. mapa

2. Saan matatagpuan ang Rio Grande de Mindanao?


A. Cotabato C. Lungsod ng Cotabato
B. Sarangani D. Sultan Kudarat

3. Anong anyong lupa ang makikita sa South Cotabato?


A. Bundok Apo C. Bundok Matutum
B. Kabundukan ng Daguma D. Lawa ng Venado

2
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi makikita sa mapa?
A. compass rose B. lapis C. mga guhit D. simbolo

5. Paano ka makagagawa ng pisikal na mapa?


A. Gumuhit ng mga hayop upang maging maganda ang mapa.
B. Maglagay ng maraming compass rose bilang batayan ng
direksyon.
C. Gumamit ng mga simbolo na nagpapakita ng anyong tubig at
anyong lupa.
D. Susukatin lamang ang distansiya ng ibang anyong lupa at
anyong tubig na matatagpuan sa lugar.

Aralin Paggawa ng Mapa ng Mahahalagang

10
Anyong Tubig at Anyong Lupa sa Sariling
Lalawigan at Rehiyon at mga Karatig Nito

Panimula
Ang mapa ay isang mahalagang instrumento upang
matunton ang mga lugar na hindi kilala. Iba’t ibang uri ng mapa
ang maaaring gamitin. Karamihan sa mga mapang ito ay
nagpapakita ng iba’t ibang layunin. Kung nais nating makita kung
anong uri ng produkto ang mayroon sa isang lugar, maaari nating
tingnan ang kanilang mapang pang-ekonomiya. Kung nais
naman nating malaman ang uri ng klima sa isang lugar ,
maaaring tumingin sa kanilang mapang pang-klima. Mainam ito
kapag nais nating pumunta sa lugar na iyon upang
mapaghandaang mabuti ang paglalakbay. Ang

3
pinakakaraniwang mapa na ating napag-aralan ay ang mapang
pang-topograpiya.
Sa pag-aaral ng lalawigan at rehiyon, mahalagang
matutunan ang paggamit at paggawa ng mapa. Ito’y upang
magsilbing gabay sa lubusang pagkilala ng katangiang-pisikal ng
sariling lalawigan, rehiyon, at ng karatig nito.

Balikan
Panuto: Itala ang mga magkakaugnay na anyong tubig at anyong
lupa sa lalawigan at karatig na lalawigan sa rehiyon.

Magkakaugnay na Anyong Paliwanag


Lupa at Anyong Tubig

Tuklasin

Gumawa Tayo ng Mapa

Naalala mo ba ang dayuhang pumunta sa ating lalawigan?


Hindi ba ipinakilala natin ang lalawigan sa kanila? Paano kung
hindi nila napuntahan lahat ng mga magagandang tanawin sa
atin? Kailangang bigyan na lang natin sila ng mapa upang
matunton nila ang ating lugar. Halika, gumawa tayo ng mapa.

4
Paano nga ba gumawa ng mapa? Ano ang ating
kailangan? Narito ang mga dapat nating gawin.

Ang mapa ay isang ay isang patag na representasyon ng


isang lugar. Pumili ka ng kaya mong gawin. Mas mainam na
gawin ang pisikal na mapa upang maipakita ang anyong lupa at
anyong tubig sa mga bisita.

Ano na nga ba ang mga anyong lupa at anyong tubig sa


inyong lalawigan? Isulat ang mga pangalan sa talaan.

Pangalan ng Anyong Lupa Pangalan ng Anyong Tubig


Bundok Apo Asik-Asik Falls

Naalala mo ba ang mga simbolong nakikita sa mapa? Iguhit


ang mga ito sa tabi ng mga anyong lupa at anyong tubig na
itinala.

Naalala mo ba ang iba’t ibang direksyon na iyong napag-


aralan? Subuking tukuyin kung saang direksyon papunta ang
mga naisulat na mga anyong lupa at anyong tubig. Ilagay natin
sa mga kahon.Iwanang blanko ang kahon kapag walang makita
sa nasabing direksyon.

5
Ngayong natukoy mo na kung saan makikita ang mga
anyong lupa at anyong tubig, aalamin naman natin kung gaano
kalayo ang mga ito sa isa’t isa. Hindi maaring iguhit ang aktwal na
distansya sa mapa, kaya kailangan gawan ng iskala. Subuking
alamin ang iskala ng sumusunod.

1.Gaano kalayo ang bituin sa tatsulok?


2.Gaano naman kalayo ang bituin sa bilog?
3.Gaano kalayo ang bituin sa parisukat?
Ang bawat guhit sa ruler ay 1 (cm) sentimetro. Kung ang 1
cm. ay katumbas ng 1 kilometro (km), ilang kilometro ang layo ng
bituin sa tatsulok? Tama ang iyong sagot kung ang sagot mo ay
10 kilometro. Sagutin ulit ang mga tanong sa itaas. Sabihin:

Ang layo ng bituin ay ___________ kilometro sa bilog.

Ang bituin ay _______kilometro ang layo sa parisukat.

Paano mo nalaman ang layo ng bilog at tatsulok? Paano


mo naman nalaman ang layo ng tatsulok sa parisukat?

Balikan ang naisulat ninyong mga anyong lupa at anyong


tubig. Lagyan ng distansiya ang mga anyong lupa at anyong
tubig sa iyong mapa batay sa inyong karanasan. Sa ngayon, hindi
pa ito ang tamang distansiya. Ngunit ito ay pagtatantiya kung
gaano kalayo ang lugar sa isa’t isa. (Halaw sa KM pp.85-88)

6
Suriin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Ano ang mapa?
2. Anu-ano ang dapat na makita sa mapa?
3. Anu-ano ang kailangan nating malaman upang
makagawa ng pisikal na mapa?
4. Ano- ano ang mga pangunahing direksyon at
pangalawang direksyon?
5. Mahalaga ba ang mga direksyon sa paggawa ng
mapa? Bakit?

Pagyamanin
• Ginabayang Pagsasanay
Gawain A
Panuto: Batay sa pisikal na mapa ng iyong rehiyon, tukuyin ang
mga lalawigan na tinutukoy ng mga pahayag. Isulat ang tamang
kasagutan sa patlang. (Halaw KM pp.89-91)

________1. Dito makikita ang Bundok Matutum.


________2. Kilala rito ang Lawa ng Agco.
________3. Ang Talon ng Asik-Asik ay pinakatampok sa lugar na ito.
________4. Matatagpuan dito ang magandang baybayin ng
Gumasa at Tuka.
________5. Matatagpuan dito ang Lawa ng Buluan.

7
Gawain B Sagutin ang mga tanong sa Question Card.
1. Lalawigan o Lungsod: ___________

Tanong: Dito matatagpuan ang RIO GRANDE de


MINDANAO. Anong lungsod ito?

2. Lalawigan o Lungsod: ___________


Tanong: Ito ay kilala bilang TUNA CAPITAL OF THE
PHILIPPINES. Anong lungsod ito?

3. Lalawigan o Lungsod: ____________


Tanong: Ang Lawa ng Sebu at Holon ay dalawa sa mga
anyong tubig dito. Ano ang lalawigang tinutukoy ditto?

4. Lalawigan o Lungsod: ____________


Tanong: May malawak itong kapatagan. Dito rin
matatagpuan ang Asik-Asik Falls. Anong lalawigan ito?

Isaisip

TANDAAN
Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang talata.

Ang ________ ay ginagamit upang tukuyin ang mga


anyong lupa at anyong tubig sa isang lugar. Mahalaga ang
paggawa ng _______ upang magamit sa paghahanap sa isang
lalawigan, rehiyon at iba pang lugar.

8
Isagawa
Panuto: Unawaing mabuti ang sitwasyon.

Gusto ng iyong pinsan


na galing sa karatig na
rehiyon na puntahan ang
mga anyong lupa o
anyong tubig sa inyong
lugar ngunit hindi niya
alam kung saan ito. Ano
ang gagawin mo? Tama,
gumawa ka ng mapa ng
sarili ninyong lugar kung
saan makikita ang mga
anyong lupa at anyong tubig. Isulat ang mga simbolo at
pangalan ng bawat isa.

9
Tayahin
Panuto: Gumawa ng mapa ng sariling rehiyon. Lagyan ng simbolo
ang mga anyong lupa at anyong tubig at isulat ang pangalan ng
bawat isa.

10
Karagdagang Gawain
Panuto: Gumawa ng mapa ng karatig na lalawigan.Magsaliksik
ng mga anyong lupa at anyong tubig na makikita dito.Ilagay ang
mga simbolo at mga pangalan ng mga anyong lupa at anyong
tubig.

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito!


Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

11
12
Studio Graphics Corp.
ng Mag-aaral Rehiyon XII-SOCCSKSARGEN. Kidapawan:
Antonio V. Amparado, Et.al. 2020. Araling Panlipunan Kagamitan
Sanggunian
Subukin
1. D
2. C
3. C
4. B
5. C
Suriin
-Sagutin ang sumusunod na
tanong. Maaaring
magkakaiba-iba ang sagot.
Pagyamanin
1. South Cotabato
2. Lungsod ng Kidapawan
3. Lalawigan ng Cotabato
4. Sarangani
5. Lungsod ng Tacurong
Isaisip
-pisikal na mapa
- mapa
Isagawa/Tayahin/Karagdagang Gawain
-Sumangguni sa Rubrics sa paggawa ng mapa
BATAYAN Mahusay na Mahusay (5 Mahusay Hindi Mahusay
puntos) (4-3 puntos) (2-1)
Kinapapalooban ng Kinapapalooban ng Malayo ang konsepto sa
Nilalaman magandang konsepto konsepto na malapit sa paksang
tungkol sa paksang pangkapaligiran
pangkapaligiran pangkapaligiran
Kinakikitaan ng kulay at Kinakikitaan ng kulay Walang kulay at payak
Pagkamalikhain kakaibang konsepto ngunit payak ang ang konsepto
konsepto
Malinis ang gawa at Malinis ang gawa ngunit Marumi ang
walang buran g lapis at may kaunting buran g pagkakagawa, puro
Kalinisan lampas ng pangkulay lapis at lampas ng buran g lapis at lampas
pangkulay na pangkulay.
Susi sa Pagwawasto
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at
tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul
na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng
Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng
bawat mag-aaral ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan
2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna,
komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like