You are on page 1of 26

4

ARALING PANLIPUNAN
Ikalawang Markahan – Modyul 8:
Kahalagahan at Kaugnayan ng mga
Sagisag at Pagkakakilanlang Pilipino
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Self Learning Module
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Kahalagahan at Kaugnayan Sagisag at
Pagkakakilanlang Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Noraima K. Dalamban
Editor: Minasol L. Querimit, Prescilla G. Cabrillos, Elsie A. De Juan, Gina L. Lanticse
Tagasuri: Yusof A. Aliudin, Agabai S. Kandalayang, Sheryl B. Bautista, Rowena
P. Alterado, Aida S. Delon, Ma. Kristine B. Latris, and Eloisa R. Agni
Tagaguhit: Federico P. Lacia Jr.
Tagalapat: Glen D. Napoles, Jay Ar O. Espartero, Alex C. Macale, and
Mark Daryl T. Lazaro
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz, CESO V - Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Elpidio B. Daquipil - CID Chief
Juvy B. Nitura - EPSVR, LRMS
Marcelo A. Bocatera,CESE-Division ADM Coordinator
Marilou P. Mangansakan, EPSVR

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region XII


Office Address: Regional Center Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.p
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan
Alamin
Isang maligayang pagdating sa panibagong aralin! Salamat
at hindi ka nagpapigil na malinang pa ang iyong kaalaman sa
kabila ng pandemyang ating kinakaharap. Lagi mong tiyaking malusog at
malinis ang iyong pangangatawan upang maging handa sa ating aralin.

Noong nasa ikatlong baitang ka ay natutunan mo ang mga simbolo at


sagisag na nagpapakilala sa bawat lalawigan ng ating rehiyon. Ngayon naman
ay tatalakayin natin ang mga sagisag at mga kulturang pagkakakilanlan ng
mga Pilipino na katulad ng mga simbolo ng ating lalawigan ay sumasalamin
din sa kasaysayan at mayamang kultura ng ating bansa.

Kilala ang mga Pilipino sa buong mundo dahil sa mga natatanging


kaugalian at galing nito na maipagmamalaki kanino mang lahi. Ngunit gaano
mo ba kakilala at napapahalagahan ang iyong pagka Pilipino? Tiyak na
maipagmamalaki mo na ikaw ay Pilipino dahil sa modyul na ito`y mas
lubusan mong makikilala at mauunawaan ang lahing Pilipino.

Most Essential Learning Competency:

➢ Naipapaliwanag ang kahalagahan at kaugnayan ng mga sagisag at


pagkakakilanlang Pilipino.

Sa pagtatapos ng aralin ay inaasahang matutunan mo ang layuning:

➢ Natatalakay ang kahalagahan at kaugnayan ng mga sagisag at


pagkakilanlang Pilipino.

Subukin

Panuto: Basahin at unawain. Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga


sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagka-Pilipino? A.


Pagtatangkilik ng mga banyagang produkto.
B. Pagdedesisyon ng hindi naisasangguni sa mga magulang.
C. Pagtutulungan at pagkakaisa sa oras ng kalamidad.
D. Pagpapatira ng mga lolo at lola sa tahanan ng mga matatanda.

1
2. Ano ang iyong magiging kontribusyon bilang isang Pilipino para makilala
at mapahalagahan ang mga pambansang sagisag?
A. Ang mga bagay na ito ay walang halaga sa akin.
B. Para lamang sa matatanda ang mga sagisag ng bansa.
C. Ipakikilala ko ito sa mga kabataang hindi pa nakakaalam.
D. Pababayaan ko na lang ang mga guro na magsabi tungkol sa mga
pambansang sagisag ng bansa.

3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagka-Pilipino sa


pagbibigaygalang sa mga nakatatanda?
A. Pagmamano sa nakatatanda.
B. Pagdadampi sa pisngi ng nakatatanda.
C. Pakikipaghawak-kamay sa nakatatanda.
D. Pagdidikit ng hinlalaki ng mga kamay sa nakatatanda.

4. Ano ang ipinapahiwatig ng pambansang ibon na Agila?


A. Kagalingan ng paglipad
B. Kalayaan ng mga hayop
C. Paghahari sa himpapawid
D. Kataasan ng pangarap ng mga Pilipino
5. Sino ang kinilala bilang Ms. Universe 2018?
A. Gloria Diaz
B. Catriona Gray
C. Pia Wurtzbach
D. Shamcey Supsup

6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig ng totoong katangian ng


mga Pilipino?
A. Lahat ng katangian ng mga Pilipino ay kanais-nais.
B. Lahat ng katangian ng mga Pilipino ay hindi kanais-nais.
C. May mabuti at hindi mabuting katangian ang mga Pilipino.
D. Lahat ng masasamang katangian ay namana natin sa ating mga
ninuno.

7. Paano mo bibigyang halaga ang watawat bilang pinakamahalagang


simbolo ng ating bansa?
A. Gagamitin ko ito sa paglalaro bilang kapa.
B. Gagawin ko itong palamuti sa aming bahay.
C. Iingatan ko at bibigyan ng kaukulang paggalang.
D. Ipagwalang-bahala ko dahil wala namang halaga sa akin.
8. Paano naiuugnay ang puting kulay ng watawat sa kaugalian ng mga
Pilipino?

2
A. Nahahalintulad dito ang kalayaan ng Pilipino.
B. Ang mga Pilipino ay walang nagagawang kasalanan.
C. Ipinahihiwatig nito ang puri at dangal ng mga Pilipino.
D. Nagpapahayag ito ng paboritong kulay ng mga Pilipino.

9. Bakit inihahambing ang prutas na mangga sa puso ng mga Pilipino?


A. dahil sa hugis at tamis nito
B. dahil sa amoy at sarap nito
C. dahil sa kulay at hugis nito
D. dahil sa amoy at kulay nito

10. Kilala ang Pilipinas sa nakakamanghang kalikasan nito kagaya ng


kahanga-kahangang hagdan-hagdang palayan na matatagpuan sa
Banaue. Paano mo ito ipakikilala sa mga turistang ibang lahi? A.
Ipapasyal at kukuwentuhan ng kasaysayan ng lugar.
B. Ipapakita ko ang kagandahan ng lugar kapalit ng salapi.
C. Ililigaw ko sila sa lugar at pagpayuhang bumalik sa kanilang bansa.
D. Hahayaan ko silang mamasyal at ibibigay ko ang anumang naisin
nila.

Balikan

Patunayan ang talas ng iyong memorya sa pamamagitan ng pagsagot


ng gawain sa ibaba.

Maalaala Mo Kaya!

Panuto: Ayusin ang Jumbled Letters upang mabuo ang salita ayon sa
paglalarawan dito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Kinilala sa tibay at tatag ang punong ito.

RNAAR

2. Hugis pusong prutas na naihahalintulad sa pusong Pilipino na


may matatamis na pagmamahal.

NAGMAG

3. Sa ilalim ng init ng araw ay umaagapay sa magsasakang


kasing sipag niyang magtrabaho.

3
BAKLAWA

4. Ito ang pangunahing sagisag ng bansa na sumisimbolo sa


kalayaan ng mga Pilipino.

AWATATW

5. Wikang gamit sa araw-araw ng pakikipagtalastasan na siyang


daan upang magkaintindihan ang gumagamit nito.

LIPIONFI

Tuklasin

Basahin at unawain mo ang tulang may pamagat na “Pamanang


Pagyayamanin” at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

Pamanang Pagyayamanin

Ni: Noraima K. Dalamban

Nakikilala tayong mga Pilipino sa kultura’t paniniwala,

Saang panig ka man ng mundo, wikang Filipino ay huwag iwala.


Awitin nang may damdamin at pagmamalaki ang Lupang Hinirang,
Watawat ng bansa’y iwagayway at igalang.

Napagkakaisa ang mga Pilipino saanmang panig ng mundo, Sa


bawat laban kayang isigaw Pinoy ako!
Sa oras ng kalamidad handang magtulungan, Makabagong
bayani’y natutunghayan.

Naipagmamalaki ang kinagisnang tradisyon at kultura,

4
Kasama ng magagandang tanawin at pamanang pook ng bansa.
Saanman mapadpad po at opo sambit ng bibig, Pagmamahal
sa pamilya at bayanihan ang ibig.
Pahalagahan ang ating bansa at kulturang Pilipino,
Ganoon din ang mga sagisag na kumakatawan dito.
Nasasalamin dito ang mayamang kasaysayan ng ating pagka-Pilipino,
Kung kaya’t pagyamanin ang mga natatanging pamana ng ating mga
ninuno. Mga katanungan:

1. Batay sa nabasa mong tula, paano awitin ang Lupang Hinirang?


2. Ano ang nais iparating ng ikatlong saknong?

3.
4. Magbigay ng tatlong kahalagahan ng mga sagisag at 5.
pagkakilanlang Pilipino mula sa nabasa mong tula.

Suriin

Mga Kahalagahan ng mga Sagisag at


Pagkakakilanlang Pilipino

Ang mga sagisag at kulturang Pilipino ay nagpapakilala at


kumakatawan ng bansa. Ito rin ay nagpapakita ng kasarinlan nito sa iba pang
mga bansa sa mundo. Ang mga pangunahing sagisag ng ating bansa ay ang
watawat ng Pilipinas at pambansang awit na Lupang Hinirang. Kabilang ang
iba pang mga sagisag ng bansa ay nakilala tayong mga Pilipino saanmang
panig ng mundo.

5
Figure 1. Bayanihan sa gitna ng pandemiyang Covid19.

Napagkakaisa ang mga Pilipino sa mga bayanihang ginagawa kung


saan sama-samang nagtutulungan sa oras ng kalamidad, krisis at
pangangailangan. Hindi lang ito makikita sa pagbubuhat ng kubo at sa sama-
samang pagtatanim at pag-aani. Sa kasalukuyan ay makikita natin ito sa
pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods o supply, libreng serbisyong
pangkalusugan at iba pang pagtulong ng bukal sa kalooban.

Katulad ng pagkakaisa natin ngayon upang labanan ang kinakaharap


nating pandemiyang Covid-19, ito ay kumakalat na sakit na nagdudulot ng
paninikip ng paghinga. Maliban sa mga tulong pinansyal at serbisyo
mahalagang magkaroon ng disiplina sa sarili at pakikipag-ugnayan sa ating
pamahalaan. Tandaan na sa kabila ng social distancing o paglalayo-layo sa
bawat isa ay manatili parin ang pagbabayanihan ng bawat isa sa atin.

Nakikita rin ang ating pagkakaisa sa mga Pilipinong nagwawagayway


ng bandila sa buong panig ng mundo sa tuwing may gaganaping patimpalak
sa labas ng bansa katulad na lang ng Ms. Universe, Olympic games at iba
pang patimpalak.

Figure 2. Pagmamano ni Pangulong Rodrigo R. Duterte (kaliwa)


Naipagmamalaki nating mga Pilipino ang mga kinagisnan nating
tradisyon at kaugalian katulad ng pagmamano at pagsasabi ng “po” at “opo”
na tanda ng paggalang at respeto sa nakakatanda. Ganoon din ang
pagkakalapit-lapit ng pamilyang Pilipino kung saan ang mag-anak ay
binubuo ng magulang, mga anak at maging ng mga lolo at lola. Kilala rin tayo
sa tradisyong pamamanhikan o pagdalaw ng mga pamilya ng lalaki sa
tahanan ng babae upang pormal na mapag-usapan ang kasalan. Ang
pagkamasipag, pagkamatatag at ang pagmamahal ay nangingibabaw sa
bawat Pilipino sa mundo.

Kasama na rito ang mga pamanang pook na talaga namang


maipagmamalaki sa buong mundo katulad ng Puerto Princesa Underground
River ng Palawan (figure 3) na tinaguriang pinakamahabang tubig sa ilalim
ng yungib sa buong mundo at ang nakakahangang hagdan-hagdang palayan
ng mga Ifugao sa Banaue (figure 4).

6
Figure 3. Puerto Princesa Underground River ng Palawan.

Figure 4. Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue.

Nasasalamin natin dito ang mayamang kasaysayan ng ating


pagkaPilipino. Ating pahalagahan ang ating bansa at kulturang Pilipino
ganoon din ang mga sagisag na kumakatawan dito, upang mas lalo nating
makamit ang tagumpay at kaunlaran ng ating bansa.

Pagkakaugnay ng mga Sagisag at Pagkakakilanlang


Pilipino
Figure 5.
Watawat ng Pilipinas

7
Ang Pilipinas ay isa sa mga demokratikong bansa kung saan malayang
namumuhay at magpahayag ng saloobin ang bawat Pilipino. Ang kalayaang
ito na ating tinatamasa ngayon ay sinisimbolo ng bughaw na kulay ng ating
pambansang watawat. Ito rin ay maririnig sa mga piling liriko ng ating
pambansang awit na Lupang Hinirang.

Kamangha-mangha rin ang katapangan ng ating lahi. Ito naman ay


sinasagisag ng pulang kulay ng ating watawat. Ang katapangan na ito ay
ipinakita ng mga bayaning nakipaglaban sa mga banyagang nanakop para sa
kalayaan ng ating bansa. Kagaya ng ipinakitang katapangan ng pambansang
kamao na si Senator Manny Pacquiao (Figure 6) na kinilala bilang isa sa
pinakamahusay na boksingero sa buong mundo.

Ang kulay puti naman ng watawat ay sumasagisag sa puri at dangal ng


Pilipino katulad ng sinasagisag ng pambansang bulaklak na sampaguita. Ito
ay nauugnay sa pag-aalaga natin sa ating pagkatao at pakikipaglaban sa
ating mga karapatan.

8
Figure 7. Mga OFW’s na paalis ng bansa.

Iniuugnay naman sa pambansang punong narra ang katatagan ng mga


Pilipino, na sa kahit anong problema at kalamidad na dumating ay lumalaban
at nalalampasan pa rin natin. Matatag na nakikipagsapalaran ang mga
Overseas Filipino Workers (OFW) o mga Pilipinong nagtatrabaho sa labas ng
ating bansa. Tinitiis nila ang pagkawalay sa mahal sa buhay upang mabigyan
ng magandang buhay ang pamilya sa Pilipinas.

Figure 8. Pagsasaka sa Pilipinas gamit ang Kalabaw.


Kilala rin ang mga Pilipino bilang masisipag. Nahahalintulad ito sa
sipag ng ating pambansang hayop na kalabaw. Pagsasaka ang pangunahing
ikinabubuhay ng mga Pilipino. Dahil din sa sipag at pagkamalikhain ng mga
Ifugao ay nagawa nila ang hagdan-hagdang palayan ng Banaue na kinilala sa
buong mundo.

9
Figure 9. Masayang mukha ng mga bata sa gitna ng kahirapan sa buhay.

Nakakabighani rin ang masayahin at mapagmahal na ugali ng mga


Pilipino na siyang naiuugnay sa hugis pusong mangga na may matatamis na

bunga gaya ng pagmamahal ng Pilipino. Ang handang pagngiti at


pagbabayanihan sa gitna ng mga kalamidad ay tatak Pilipino rin.

Figure 10. Mataas na paglipad ng Agila

Maipagmamalaki rin natin ang pambansang tahanan na bahaykubo


kung saan sinisimbolo nito ang simpleng pamumuhay ng pamilyang Pilipino.

10
Nakilala rin ang mga dalagang Pilipina sa pagiging mayumi o mahinhin
katulad ng kung paano natin sinasayaw ang pambansang sayaw na Carińosa.
Iniuugnay ang taas ng pangarap ng mga Pilipino sa pambansang ibon
na agila na may mataas, maliksing katangian sa paglipad at taas ng pangarap
ng mga Pilipino.

Figure 11. Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal (kaliwa) at Ms. Universe 2018 na si
Binibining Catriona Gray
Katulad ng taas ng lipad ng agila matayog rin ang pangarap ng ating
pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal para sa ating bayan. Sinasalamin
nito ang talino at tapang ng mga Pilipino. Pinatunayan naman ni Binibining
Catriona Gray ang talino at ganda ng Pilipina nang itanghal siyang Ms.
Universe 2018.

Mayaman ang lahing Pilipino, hindi man sa salapi ngunit sa kultura,


kasaysayan, likas na yaman at sa mga taong patuloy na minamahal at
ipinagmamalaki ang ating bansa.

Pagyamanin

Gawain 1. LARONG EMOJI

Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Iguhit sa patlang ang tamang


emoticon o larawan ng emosyon na nasa Hanay B ayon sa
tinutukoy ng mga salita sa Hanay A. Iguhit ang sagot sa iyong
sagutang papel.

HANAY A HANAY B

1. Narra awiting nagpupugay sa


pagkabansa ng Pilipino

11
2. Agila Pusong Pilipino

3. Lupang Hinirang kasipagan

4. Kalabaw mataas na pangarap

5. Mangga karangyaan

katatagan

Gawain 2. KRUSIGRAMA NG LAHI KO! Patunayan mong kilala mo ang


iyong lahi.

Panuto: Buuin ang krusigrama gamit ang mga inilalarawan ng mga pahalang
at pahabang bilang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Pahalang:

12
1. Pangunahing sagisag ng bansang Pilipinas.
2. Ito ay tanda ng paggalang sa mga nakatatanda.
3. Ito’y ugaling Pilipino na inihahalintulad sa katangian ng kalabaw.

Pahaba:

4. Tumutukoy ito sa pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Pilipino.


5. Ito ay natatanging alay ng mga pusong Pilipino.

Gawain 3. BAHAY KUBO-UIN MO!

Panuto: Isulat sa bubong ng bahaykubo ang mga bilang ng salita sa word


bank na puwede mong maiugnay sa mga sagisag at isulat sa loob
ng bahay kung bakit mo ito napili. Ilagay ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Halimbawa:

13
Kalabaw
11 at 12

Ang mga katangiang ito ay na iuugnay ko sa


kalabaw dahil katulad nito ang mga Pilipino ay
masipag magtrabah o.

Word bank
1. Dangal 2. Katatagan 3. Mahinhin 4. Maliksi
5. Mapagmahal 6. Mapangarap 7. Mayumi 8. Puri
9. Pusong Pilipino 10. Tibay 11. Masipag 12. Matiyaga

14
1. 2.
Mangga
Narra

3.

Agila

4. 5.

Carińosa
Kulay puti
ng watawat

Isaisip

Gawain 1. PUNAN MO AKO!


Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga patlang gamit ang Word
Bank sa kahon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Word Bank

15
kaunlaran makilala naipagmamalaki
nasasalamin pagmamahal pinagkakaisa

Mahalagang malaman natin ang mga sagisag at pagkakilanlang


Pilipino. Ito ay nagbibigay daan sa atin upang (1) sa buong
mundo. (2) _ nito ang layunin at mithiin ng bawat
Pilipino saang panig man ng mundo. Sa pamamagitan nito ay (3)
natin sa ibang lahi ang mga natatanging kaugalian at kulturang
Pilipino. (4) dito ang mayamang kasaysayan ng ating pagka-
Pilipino na siyang magiging daan ng (5) at kalinangan ng ating
bansa.

Gawain 2. ANALOHIYA

Panuto: Isulat ang kapareha ng salita batay sa naunang grupo ng


salita. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Halimbawa: Kalabaw – kasipagan; Carińosa – Mahinhin

1. Pula – katapangan ; Bughaw - 2.


Katalinuhan – ; Pusong Pilipino – Mangga
3. Kalabaw – kasipagan; Agila - ___________
4. Bahay kubo - ________; Carińosa – Mahinhin
5. _____________- Narra; kasipagan – kalabaw
Isagawa

Gawain 1. PINOY O BANYAGA

Panuto: Isulat sa loob ng bituin ang salitang PINOY kung ito ay


nagpapakita ng kontribusyon mo bilang isang Pilipino at
BANYAGA kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Sasabihan kong para lamang sa matatanda ang kahalagahan


ng mga sagisag at kulturang Pilipino.

16
2. Ituturo ko sa ibang kabataan ang mga natutunan kong mga
sagisag at pagkakilanlang Pilipino.

3. Makikiisa ako sa mga bayanihan sa aming lugar.

4. Tatangkilikin ko ang mga produktong gawa ng ibang bansa.

5. Ipapakita ko ang mga mabuting pag-uugali ng mga Pilipino


sa mga banyagang bumibisita sa ating bansa.

17
1. 2.

4.
5.

3.

Gawain 2. PILIIN ANG TAMA!


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong at piliin ang iyong
sagot sa kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

A. Panatilihin ang pagtangkilik ng produktong Pilipino.


B. Sisikapin mong makatulong at makiisa sa paglilinis.
C. Panatilihin ang magalang na pananalita ng wikang Pilipino.
D. Wikang Ingles ang gag amitin sa pakikipagusap sa kapwa

Pilipino.

E. Hihikayatin kong magmadaling pumunta sa linyahan ang kamag-


aral para makilahok sa seremonya.
F. Gumamit ng “po” at “opo” sa pakikipag-usap lalo na sa

18
mga nakatatanda.

1. Inanyayahan ang mga tao sa inyong komunidad para maglinis ng kanal.


Ano ang gagawin mo?

2. Si Faaz at ang kaniyang mga kamag-aral ay nasa ikaapat na baitang.


Inutusan sila ng guro na magpulot ng basura sa likod ng kanilang silid
aralan ng biglang narinig ang bell para sa flag ceremony, ano ang tamang
gawin nila Hyder?

3. Si Suzette ay nakapangasawa ng isang mayamang lalaki. Ano ang dapat


niyang gawin?

4. Si Rose ay isang Pilipino na nakapag-aral sa Amerika. Ano ang


karapatdapat na ugali ni Rose?

5. Si Francis ay nanalo bilang Kapitan sa kanilang barangay. Ano ang


katangi-tanging pananalita ni Francis?

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Anong kahalagahan sa mga Pilipino ang ipinapakita ng pagbabayanihan?


A. Kalinisan
B. Karangyaan
C. Pagkakaisa
D. Pagmamayabang

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang ugnayan?


A. Ang kasipagan at katatagan ng Pilipino ay mahahalintulad sa agila.
B. Ang kasipagan ng kalabaw ay kasingsipag ng mga magsasakang
Pilipino.
C. Ang kasipagan ng kalabaw ay parang tatag ng mga magsasakang
Pilipino.
D. Ang katatagan ng punong narra ay kasing sipag ng mga
magsasakang Pilipino.

19
3. Naglalakad ka at nakita mong itinataas na ang watawat habang inaawit
ang Lupang Hinirang. Ano ang gagawin mo? A. Magpatuloy ka sa
paglalakad.
B. Ikaw ay tatakbo upang makahabol sa seremonya.
C. Magtatago ka dahil hindi ka na man kasali sa seremonya.
D. Titigil sa paglalakad at humarap sa watawat hanggang sa matapos
ang pag-awit.

4. Anong ipinapahiwatig sa liriko ng Lupang Hinirang na “Aming ligaya na


pag may mang-aapi ang mamatay ng dahil sayo”?
A. Kaginhawahan ng buhay
B. Kasipagan ng mga Pilipino
C. Kasaganaan ng likas na yaman
D. Handang makipaglaban para sa Kalayaan

5. Anong kaugalian ang tinutukoy kapag ang pamilya ng ikakasal na lalaki


ay dadalaw sa pamilya ng babae para pormal na hingiin ang kamay ng
dalagang mapapangasawa?
A. Bayanihan
B. Mańana Habit
C. Pamamanhikan
D. Malapit na ugnayan ng pamilya

6. Anong pagkakakilanlang Pilipino ang ipinapakita ng pambansang bayani


na si Dr. Jose P. Rizal?
A. Kasikatan at kasipagan
B. Kayamanan ng kultura
C. Kabaitan at katapangan
D. Katapangan at katalinuhan

7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapahiwatig ng totoong katangian


ng mga Pilipino?
A. Likas na nagtutulungan ang mga Pilipino.
B. Lahat ng katangian ng mga Pilipno ay kanais-nais.
C. Handang magbuwis ng buhay ang mga bayaning Pilipino.
D. Ang mga katangian ng Pilipino ay mula pa sa mga ninuno.

8. Nabalitaan mong may nasunugan sa kabilang barangay at mayroon kang


mga pinaglumaang damit. Paano mo maipapakita ang iyong pagka-
Pilipino?
A. Hahayaan ko lang sa bahay ang aking mga damit.
B. Ipagbibili ko sa mga nasunugan ang mga damit ko.
C. Ibibigay ko sa aking nanay para gawin niyang basahan.
D. Taos-puso kong itong ipamimigay sa mga taong nangangailangan.
20
9. Paano mo ipakikilala ang kahanga-kahangang Puerto Princesa
Underground River sa mga turistang ibang lahi?
A. Ipapakita ko ang lugar kapalit ng malaking salapi.
B. Ipagkakait ko ang lugar na ito na nais nilang puntahan.
C. Ipapasyal ko sila at ibibigay ang anumang gustuhin nila.
D. Ipapasyal ko sila ng may galak habang kinukwento ang mga
natatanging katangian ng lugar.

10. Ipinagbawal ng pamahalaan ang pagtipon-tipon ng maraming tao upang


maiwasan ang pagkalat ng Covid-19. Paano mo maipapakita ang iyong
pakikiisa bilang isang Pilipino?
A. Pagkakalat ng mga maling impormasyon.
B. Pagkakaroon ng palihim na pagpupulong ng mga tao.
C. Paghihikayat sa mga kabataang maglaro ng basketball.
D. Pananatili sa bahay at pagsunod sa mga alituntunin ng
pamahalaan.

Karagdagang Gawain

Pumili ng isang pagkakakilanlang Pilipino na ating natalakay at


ipaliwanag kung bakit ito ang nagustuhan mo? Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
RUBRIKS

Pamantayan 5 Puntos 3 Puntos 1 Punto

Napakahusay at
malinaw ang Mahusay at malinaw Hindi tiyak ang
Nilalaman pagpapaliwanag ang pagpapaliwanag pagpapaliwanag
ng napiling ng napiling paksa. ng napiling paksa.
paksa.

21
Susi sa Pagwawasto

Karagdagang Gawain

Ang sagot ng bata ay batay sa pagkamit nito sa Rubriks

. L
N
.5 PAGMAMAHA 5. katatagan
10. D C 5.
.4 BAYANIHA
G 4. Simple
9. D D 4. .3 OMASIPA pangarap
8. D D 3. T
.2 PAGMAMAN 3. Taas ng
5. F
7. B 2.C 1 WATAWA Rizal
2 4. C pagpapaliwanag)
6. D C 3. A 2. Dr. Jose
Gawain sa
Tayahin 1. . 2. E 1. kalayaan
kasagutan ng bata
3 1. B Gawain 2 (Iba-iba ang
. .
2 5 5. kaunlaran
. . Gawain 2 n
1 4 PINOY 5. 4. nasasalami 5. 7 at 3
1 BANYAGA 4. alaki 8
Gawain 3. naipagmam 6 4. 1 at
n PINOY 3.
sa 5 3. 4 at
Pagyamani PINOY 2.
BANYAGA 1. 2. pinagkakai 2. 9 at
1. makilala 10
Gawain 1 Gawain 1 1. 2 at

Isagawa Isaisip Gawain 3

Sanggunian
Relingo, Lazella Rose, Ela Rose Sablaon, and Laura Z. Mendoza. 2007. Ang Lahing
PILIPINO
4. WATAWAT
Pilipino sa Nagbabagong Panahon. Quezon City: Department of Education. 3. KALABAW
2. MANGGA
https://euphorictravels.wordpress.com/2016/02/27/kagandahan-ng-palawan/ 1. NARRA

https://prezi.com/nheij55k0adt/mga sagisag ng bansa/


- - -

Balikan

https://www.lionheartv.net/2020/05/teleperformances cotw volunteers - - -

10. A
practicebayanihan in face of covid 19/
- - - - -

5. C

https://www.pexels.com/photo/children-filipino-kids-native-filipino-
9. A
4. D
children1767775/
8. C
https://www.publicdomainpictures.net/en/viewimage.php?image=186327&pictur 3. A

e=bald-eagle-flying
C
https://www.rappler.com/sports/by-sport/boxing- 7. 2. B
mma/pacquiao/222397possible-fights-for-manny -2019 6. C 1.C

https://www.slideshare.net/aileendecastrosantiago/mga pambansang sagisag - - -

Subukin 5.
ngbansa aileen
-

https://www.travelchannel.com/interests/outdoors and - -

adventure/articles/sevenwonders of the world


- - -

22
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang
pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa
Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampubikong
paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang prosesong
paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong
1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Printed in the Philippines by Department of Education –


SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

23

You might also like