You are on page 1of 26

8

Filipino
Ikalawang Markahan
Modyul 3:
Sarsuwela: Pangangatuwiran,
Denotasyon at Konotasyon
Subject Area – Baitang Walo
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Sarsuwela: Pangangatuwiran, Denotasyon at
Konotasyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mary Jane C. Bendol, Ivy B. Capuso, Eduard Federick P. Palec


Editor: James P. Casa, Vivian H. Fontanilla, Leila Flor F. Toloy
Tagasuri: Glenda D. Bustamante, Ivy Vonn Dohina, Delia E. Duhina, Lea A. Lanuevo
Tagalapat: Mary Jane C. Bendol
Cover Art Designer: Ivy B. Capuso
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE – Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – REPS, Filipino
Ismael M. Ambalgan – CID Chief
Sheryl L. Osano – EPS, LRMS
Josevic F. Hurtada – EPS, ADM
Josevic F. Hurtada – EPS, Filipino

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

ii
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng
kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng
mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng
ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto
upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

iii
Alamin

Kumusta ang araw mo? Sa nakaraang aralin ay tinalakay


natin ang balagtasan. Ang balagtasan ay isang debate o labanan
ng katwiran sa paraang patula. Karaniwang tinatampukan ito ng tatlong makata:
dalawang mambabalagtas na nagtatalo sa isang paksa at isang lakandiwa na
nagpapadaloy ng palitan ng katwiran. Marami ang maaaring maging paksa sa
balagtasan.

Handa ka na ba sa ating panibagong aralin? Isa sa maaaring maging


katanungan natin ay kung ano-ano ang mga pamamaraang ginamit ng ating mga
ninuno sa pagpukaw ng natutulog na damdamin ng mga Pilipino noong panahon ng
kolonyalismo. Nagsisilbi rin itong kanilang libangan. Maraming suliranin at sakit ang
lipunan noong araw kung kaya’t nangangailangan ito ng agarang lunas.

Sa araling ito ay ating pag-aaralan ang isang sangay ng dula na tinatawag na


sarsuwela. Ang sarsuwela ay anyo ng dulang musikal na unang umunlad sa Espanya
noong ika-17 siglo. Binubuo ito ng pagsasalaysay na sinamahan ng mga sayaw at
tugtugin, at may paksang mitolohikal at kabayanihan. Para higit na maunawaan mo
ang sarsuwela halina’t sabay-sabay nating pag-aralan ang modyul na ito.

Mga Layunin
a. Naipaliliwanag ang mga suliraning panlipunan sa akda gamit ang
alternatibong solusyon o proposisyon
b. Natutukoy ang pagkakaiba ng denotasyon at konotasyon
c. Napagsunod-sunod ang mga mahahalagang pangyayari sa akda
d. Nakikilala ang mga tauhang nagtataglay ng kaugaliang Pilipino
e. Nakapagsusulat ng isang journal
f. Nakikilala ang kaligirang kasaysayan ng sarsuwela

Kasanayang Pampagkatuto
a. Naibibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan, kasingkahulugan at
kasalungat na kahulugan ng malalalim na salitang ginamit sa akda;
(F8PT-IIe-f-25)
b. Nasusuri nang pasulat ang papel na ginagampanan ng sarsuwela sa
pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t ibang rehiyon
sa bansa; (F8PU-IIe-f-26)
c. Naipapahayag ang pangangatuwiran sa napiling alternatibong solusyon o
proposisyon sa suliraning inilahad sa tekstong binasa; (F8PB-IIe-f-25)

Subukin
Sa pagsasanay na ito ay susukatin natin ang iyong kaalaman sa susunod na paksa.
I. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng napiling sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Sino ang tinaguriang reyna ng sarsuwela?
a. Atang de la Rama b. Mena Crisologo c. Lea Ignacia d. Vilma Santos

1
2. Ito ay isang dula mula sa Espanya na may kalakip na sayaw at tugtugin.
a. saynete b. parsa c. sarsuwela d. komedya
3. Aling teatro sa Pilipinas ang naging tahanan ng sarsuwela?
a. Teatro Rodrigo b. Teatro Zorilla c. Teatro Fuego d. Teatro Opera
4. Sino ang tinaguriang Ama ng Sarsuwela at kilala bilang Lola Basyang?
a. Aurelio Tolentino b. Severino Reyes c. Mena Crisologo d. Gene Ilagan
5. Pinaniniwalaang dumating sa Maynila ang sarsuwela noong _______.
a. 1888 1890
-

b. 1879 1880
-

c. 1881 1882
-

d. 1891 1892
-

6. Ito ang tawag sa pagtatanghal ng pangkat ni Dario de Cespedes sa Maynila.


a. Jugar con swelo b. Jugar con feyo
c. Jugar con delo d. Jugar con fuego
7. Aling piyesa ng sarsuwela ang kinatha ng batikang si Juan Crisostomo Soto?
a. Nating b. Walang Diyos c. Natakneng d. Paraluman
8. Sino ang may-akda ng tanyag na kathang “Walang Sugat”?
a. Juan Crisostomo Soto b. Severino Reyes
c. Valente Cristobal d. Mena Pecson Crisologo
9. Ito ang mga salitang mahahanap ang kahulugan sa diksyunaryo.
a. kasingkahulugan b. kasalungat c. konotasyon d. denotasyon
10. Ito ang mga salitang may nakatago o di matalinhaga ang kahulugan.
-

a. kasingkahulugan b. denotasyon c. konotasyon d. kasalungat


II. Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakapahilig sa bawat pangungusap. Isulat
ang titik ng napiling sagot sa sagutang papel.
a. hayop b. gabay c. anak ng manok
d. problema e. laruang hugis bilog
11. Gawin mo nang maayos ang iyong trabaho para ‘di ka mahanapan ng butas.
12. Nagsigawan kami nang biglang itinaas ng buwaya ang kanyang bunganga.
13. Si Tatay Rody ang nagsisilbing ilaw sa buhay ko.
14. May nakita kaming basang sisiw sa labas ng bahay.
15. Kinuha ni Ramil at Buddy ang bola sa kanilang kaibigan.

Aralin Ang Sarsuwela: Pangangatuwiran,


4 Denotasyon at Konotasyon

Balikan
Para sa pagpapatuloy ng ating aralin, sariwain mo sa isip mo ang balagtasan.
Sagutin mo muna ang isang maikling pagsusulit.
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang tama kung ang isinasaad ng
pangungusap ay wasto at mali naman kung hindi.
1. Bukanegan ang bersyon ng balagtasan ng mga Ilokano.
2. Tinatawag na Crisotan ang balagtasan ng mga Ilonggo.
3. Tinaguriang “Hari ng Balagtasan” si Severino Reyes.
4. Utang natin kay Jose Corazon de Jesus ang balagtasan.
5. Itinatanghal ang balagtasan sa paraang patula.

2
Tuklasin

Gawain I. Tuklas-larawan
Suriin nang mabuti ang mga larawan. Sagutin ang kasunod na mga tanong.

1.) Magbigay ng deskripsyon sa mga nakikitang larawan.


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________.

2.) Ano ang naramdaman mo matapos makita ang mga larawan?


____________________________________________________________
_ _ __ __
_____________________________________________
__ __ __ __ _

____________________________________________________________.
3.) Ano ang iyong gagawin sakaling makakita ka nito?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
_ _ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
.__ __ __ __ __ __ __ _ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ _

4.) Magbigay ng mga hakbang sa pagsasagawa ng first aid. -

____________________________________________________________
_ _ __ __ __ __ __ __ __ __ __
_________
__ __ __ __ __ __ __ __ __ _ __ __ __ __ __ __

____________________________________________________________.

Sa tulong ng mga naunang larawan, nagkaroon ka na ng ideya tungkol sa isang


akda na tiyak kagigiliwan mong basahin. Babasahin mo ang isang akda ng batikang
manunulat sa Pilipinas. Bago iyan ay kilalanin mo muna ang sikat na manunulat na
ito na si Severino Reyes.
SEVERINO REYES
Si Severino Reyes ay kilala at tinaguriang Ama ng Sarsuwelang Tagalog at
kilala rin siya bilang isang mandudula, direktor, at mangangatha. Ipinanganak si
Severino R eyes noong ika 11 ng Pebrero taong 1861 sa bayan ng isang eskultor na
-

si Rufino Reyes at Andrea Rivera.


3
Napangasawa niya si Maria Paz Puato at nagkaroon sila ng 17 na anak, una
siyang nakapag aral kay Catalino Sanchez, at nagtapos ng sekundarya at ng
-

batsilyer sa sining sa Colegio de San Juan de Letran, at pilosopiya at literatura


naman sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Ang pinakaunang dulang naisulat ni Severino Reyes ay pinamagatang R.I.P
na isinulat niya noong 1902. Naging mapanuri ito sa komedya, ang any ong pandula
na popular noon. Kasunod nito, isinulat at idinirihe rin niya ang Walang Sugat, ito
ay isang naging bantog na sarsuwela.
May ulat na ipinakilala at kinagiliwan ang zarzuela sa Filipinas sa
pamamagitan ng dulang Jugar con fuego (Maglaro ng Apoy) na itinanghal ng grupo
ni Dario Cespedes sa Maynila noong mga taong 1879 at 1880. Nang buksan ang
Teatro Zorrilla noong 1893, itinuring na itong tahanan ng mga zarzuela; bagama’t
itinanghal ang mga zarzuela sa iba’t ibang panig ng bansa.
Nakagiliwan ito ng mga edukado’t mariwasang nasuya na sa komedya at
naghahanap ng bagong aliwan. Naging pagkakataon ang naturalisasyon ng zarzuela
tungo sa sarsuwela upang itanghal ang pangyayaring higit na tungkol nagaganap sa
kasalukuyan sa lipunang Filipino.
Isinulat sa Kapampangan ang unang sarsuwela. Ang maikling dulang “R.I.P.”
ni Severino Reyes, na ipinalabas noong 1902 at tumutudyo tungkol sa dapat na
ilibing na bangkay ng komedya, ang hudyat ng lubos na pananaig ng sarsuwela
bilang bagong pambansang teatro.
Tinangkilik ng madla ang mga orihinal na sarsuwela na gaya ng Walang Sugat
(1902) ni Severino Reyes; Alang Dios (1902, Walang Diyos) ni Juan Crisostomo Soto
sa wikang Kapampangan; Nating (1908) ni Valente Cristobal sa wikang Ilonggo;

Natakneng a Panagsalisal (Dakilang Tunggalian) ni Mena Pecson Crisologo, sirka


1911, sa wikang Iloko.
Kabilang din sa mga sarsuwelang naisulat niya ay ang Minda Mora na isinulat
niya noong 1904, Filipinas para sa los Filipino noong 1905, Ang Pagbibili ng Pilipinas
sa Hapon noong 1906, Ang Bayani ng Puri noong 1922 at Ang Puso ng Isang Pilipina
na nailathala niya noong 1923.
Ilan naman sa mga dramang naisulat niya ang Sigalot ng mga Filipino at
Americano 1898 at Ang Sigaw ng Balintawak. Si Severino Reyes din ang nag organisa
-

ng Gran Compania de la Zarzuela Tagala noong 1902 para itanghal ang kaniyang
mga dula sa mga teatro ng Maynila at iba pang entablado sa mga kalapit na
lalawigan.
Nang nagbukas naman ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang
patnugot nito at sinasabi na lumaki ang sirkulasyon ng magasin dahil sa kaniyang
seryeng Mga Kuwento ni Lola Basiang.
Mga Kwento ito ng kababalaghan at hango sa mga lumang alamat at metriko
romanse na naging popular noong panahon ng Español. Bukod sa ginawa itong libro
noong 1975 at 1976, ginamit din ito bilang serye sa radyo. Pumanaw siya noong
ika15 ng Setyembre, 1945. (https://www.mgabayani.ph/severino reyes/)
-

Gawain II.

Gumawa ka ng isang balangkas tungkol sa mahahalagang impormasyon sa buhay


ng may akda. Punan ng mga impormasyon ang kahon sa ibaba.
-

4
1 . Kapanganakan

2. Magulang 6 . Kamatayan

3. Akda 5 . Paaralan

4. Katawagan

Nakilala na natin ang may-akda, ngayon palalimin pa natin ang kaalaman mo


tungkol sa sarsuwela. Kaya huwag lamang huminto sa bahaging ito at ipagpatuloy
pa ang paglalakbay sa ating modyul.

Suriin

SARSUWELA
Ang sarsuwela ay mula sa salitang Espanyol na italic. Ito ay dulang may isa
hanggang limang yugto, hinggil sa mga kuwento ng pag-ibig at suliraning
pampamilyang tinatampukan ng mga awit at sayaw. Tinatawag din itong dulang
hinunihan, dulang inawitan, drama-liriko at opereta.
May ulat na ipinakilala at kinagiliwan ang zarzuela sa Pilipinas sa pamamagitan
ng dulang Jugar con Fuego (Maglaro ng Apoy) na itinanghal ng pangkat ni Darlo
Cespedes sa Maynila noong 1879-1880.
Nang buksan ang teatro Zorilla noong 1893, itinuturing na itong tahanan ng mga
zarzuela; bagama’t itinanghal ang mga zarzuela sa iba’t ibang panig ng bansa.
Nakagiliwan ito ng mga edukado’t mariwasang nasuya na sa komedya at naghahanap ng
bagong aliwan.
Tinangkilik ng madla ang mga orihinal na sarsuwelang gaya ng Walang Sugat
(1902) ni Severino Reyes; Alang Dios (1902), Walang Diyos ni Juan Crisostomo Soto sa
wikang Kapampangan; Nating (1908) ni Valente Cristobal sa wikang Ilonggo; Natakneng
a Panagsalisal (Dakilang Tunggalian) ni Mena Pecson Crisologo, Sirka 1911, sa wikang
Iloko. Noong mga taong 1920, napabantog ang mga grupo ni Severino Reyes na Gran
Compania de la Zarzuela Tagala at ni Hermogenes Ilagan na Compania Ilagan.
Sa grupo ni Ilagan nakilala naman si Atang de la Rama na tinaguriang Reyna ng
Sarsuwela. Kabilang sa pinagtanghalan niya ang mga tanyag na Dalagang Bukid
(1919) ni H. Ilagan at musika ni L. Ignacio at Ang Kiri (1926) ni Servando de los
Angeles at musika ni L. Ignacio. (Sagisag ng Kultura ng Pilipinas)
Punan ang mga kahon ng mga konsepto mula sa tekstong sarsuwela gamit ang
graphic organizer sa ibaba. Gawin sa sagutang papel.
https://philippineculturaleducation.com.ph/reyes severino/
-

Sarsuwela

Pinagtang - Tanyag na
Katawagan Kahulugan Tema
halan mga akda

Halina’t babasahin natin ang sarsuwelang pinamagatang Walang Sugat ni


Severino Reyes.
WALANG SUGAT
ni Severino Reyes
UNANG BAHAGI
1 Tagpo
(Tanggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador Musika)

Koro: Ang karayom kung iduro


Ang daliri’y natitibo, Koro: Ang karayom kung iduro
Kapag namali ng duro Ang daliri’y natitibo.
Burda nama’y lumiliko Hoy tingnan ninyo si Julia
Pati panyo’y sinisinta.
Kapag panyo ng ibig
Julia: Anong dikit, anong inam
Ng panyong binuburdahan, Tinatapos ng pilit
Tatlong letrang nag-agapay Nang huwag daw mapulaan
Na kay Tenyong na pangalan. Ng binatang pagbibigyan
Ang panyo pa’y sasamahan
Ng mainam na pagmamahal.
Koro: Ang karayom kung itirik
At ang magandang pag-ibig
Tumitimo hanggang dibdib
Kapag namugad sa dibdib
Nalilimutan ang sakit
Julia: Piyesta niya’y kung sumipot
Tuwa ang gumigiit.
Panyong ito’y iaabot,
Mga irog natin naman
Kalakip ang puso’t loob,
Sila’y pawang paghandugan
Ng kaniyang tunay na lingkod.
Mga panyong mainam
Si Tenyong ay mabibighani
Iburda ang kanilang pangalan.
Sa rikit ng pagkagawa
Mga kulay na sutla,
Asul, puti at pula. Julia: Piyesta niya’y kung sumipot
Panyong ito’y iaabot
Panyo’t dito ka sa dibdib,
Sabihin sa aking ibig Kalakip ang puso’t loob
Na ako’y nagpapahatid Ng kaniyang tunay na lingkod.
Isang matunog na halik.

6
Koro: Nang huwag daw mapulaan
Ng binatang pagbibigyan
Ang panyo pa’y sasamahan
Ng mainam na pagmamahal.

Salitain

Julia: Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo’y mangagsayaw na.


(Papasok ang magsisikanta). (Lalabas si Tenyong).

II TAGPO
(Tenyong at Julia…)

Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo…


Julia: Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang
pagkakayari, nakakahiya.
Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon lang?… ay…
Julia: Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.
Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog kandila, na
anaki’y nilalik na maputing garing. Ay may yayariin kayang hindi
mainam? Hala na, tingnan ko lamang.
Julia: Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.
Tenyong: (Nagtatampo) Ay!…
Julia: Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka palang
mapagod.
Tenyong: Masakit sa iyo!
Julia: (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong… (sarili) Nalulunod pala ito sa
isang tabong tubig!
Tenyong: Ay!
Julia: (Sarili) Anong lalim ng buntong hininga! (Biglang ihahagis ni Julia ang
bastidor). (Sarili) Lalo ko pang pagagalitin.
Tenyong: (Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin
mo ako; Hindi na ako nagagalit…
Julia: Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!
Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at nakikita ko
na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko.
Julia: Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan…
Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio N. Narciso, at F. ay
Flores.
Julia: Namamali ka, hindi mo pangalan iyan.
Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga?
Julia: Sa Among! Iya’y iaalay ko sa kaniya ngayong kaarawan ng pasko.
Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra’y A, N, at F?
Julia: Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin at ang F ay Frayle.
Tenyong: Among Nating Frayle, laking kaalipustaan! Huwag mo akong aglahiin
ng tungkol sa mga taong iyan at madaling magpanting ang tainga ko.
Julia: Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kaniyang bulsa ang
posporo at magkikiskis ng maraming butil at nag-aalab na
magsasalita).

8
Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag hindi ko
sinilaban, ay… sinungaling ako… mangusap ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang
sisilaban). Musika No. 2
Julia: Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.
Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at di
mapigilan.
Julia: Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang
iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo.
Tenyong: Salamat, salamat, Juliang poon ko.
Julia: Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko.
Tenyong: Pag-iibigan ta’y kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi
paglingap mo sa akin kusang mamalagi huwag malimutan sa tuwi-
tuwi…
Tenyong: Julia ko’y tuparin adhikain natin.
Julia: Tayo’y dumulog sa paa ng altar.
Tenyong: Asahan mo.
Sabay: Di mumunting tuwa dito’y dumadalaw, ano pa’t wari di na mamamatay sa
piling mo oh! (Tenyong) niyaring buhay (Julia) maalaalang may kabilang buhay…
(Lalabas si Juana).

III. TAGPO
(Tenyong, Julia, at Juana mamaya’y Lukas) Salitain

Juana: Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si Julia
at si Tenyong) (Lalabas si Lukas)
Lukas: Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…!
Tenyong: Napaano ka, Lukas?
Lukas: Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria.
Tenyong: Diyata dinakip si Tatang?
Lukas: Opo
Tenyong: Saan kaya dinala?
Lukas: Sa Bulakan daw po dadalhin.
Tenyong: Tiya, ako po’y paparoon muna’t susundan si Tatang.
Juana: Hintay ka sandali at kami’y sasama. Julia, magtapis ka…
(Magsisipasok sina Juana, Julia, at Lukas).
Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang tinatamo ng
dibdib, ay tinutunungan kapagdaka ng matinding dusa! Magdaraya ka!
Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay maitutulad sa bango ng
bulaklak, na sa sandaling oras ay kusang lumilipas.

(Telong Maikli) Kalye


IV TAGPO
Koro at Lukas

Lukas: Tayo na’t ating dalawin mga tagarito sa atin.


Koro: Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.
Isang Babae: Naubos na ang lalaki.
Lahat ng Babae: Lahat na’y hinuhuli mga babae kami.
Lukas: Marami pang lalaki.
Lahat ng lalaki: Huwag malumbay… kami nasasa bahay at nakahandang tunay,
laan sa lahat ng bagay…

9
Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming mga babae’y
pabayaan, di namin kayo kailangan.
Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang.
Isang Lalaki: Kaka ko’y gayundin naman.
Isang Babae: Asawa’y paroroonan.
Isang Babae: Anak ko’y nang matingnan.
Lahat. Tayo na’t sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanila’y dalhin masarap
na pagkain.
Mga Babae: Tayo na, tayo na.
Lahat: Sumakay na sa tren.

Mga Lalaki: Doon sa estasyon.


Lahat: Ating hihintuin. (Papasok lahat)
(Itataas ang telong maikli)

V. TAGPO
(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali
sa mga rehas).
Salitain
Relihiyoso 1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; maraming tao ito…
Marcelo: Mason po yata, among
Relihiyoso 1.0: Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka’t kung siya’y
sumulat maraming K, cabayo K.
Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!
Relihiyoso 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang
kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti
mamatay siya.
Relihiyoso 2.0: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay
daragdagan ng rasyon.
Marcelo: Hindi sila makakain eh!
Relihiyoso 1.0: Hindi man, ang rasyon na sinasabi ko sa iyo na dagdagan, ay ang
pagkain, hindi, ano sa akin kundi sila kumain? Mabuti nga mamatay silang lahat.
Ang rasyon na sinasabi ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang kailangan.
Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang
magsidaing; isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo po naming walang tulog
sila!
Relihiyoso 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro que duro awa
awa? Ilan kaban an rasyon? Ang rasyon na palo, ha!
Marcelo: Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan,
ngayon po’y lima ng kaban, at makalima po isang araw.
Relihiyoso 2.0: Samakatuwid ay limang beses 25, at makalimang 125, ay huston
526 (binibilang sa daliri). Kakaunti pa! (bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako).
Marcelo: Salamat po, among!
Relihiyoso 1.0: Kahapon ilan ang namatay?
Marcelo: Wala po sana, datapwa’t nang mag-uumaga po ay pito lamang.
Relihiyoso 1.0: Bakit ganoon? (gulat)

Marcelo: Dahil po, si Kapitan Inggo ay pinagsaulan ng hininga.


Relihiyoso 1.0: Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin,
at ibig daw makita si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi
mamamatay si Kapitan Inggo.

10
Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi
sa kapapalo, at ang dalawang braso po’y litaw na ang mga buto, nagitgit sa
pagkakagapos.
Relihiyoso 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?
Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban.
Relihiyoso 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan
Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at buhusan ng tubig ang ilong, at huwag
bibigyan ng mabuting tulugan, ha?
Marcelo: Opo, among. (Sa mga kasama niya) Companeros, habeis traido el
dinero para el Gobernador?
Relihiyoso 2,3,4: Si, si, hemos traido.
Relihiyoso 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.
Marcelo: Hindi po makalakad, eh!
Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag.
Relihiyoso 2.0: Tonto.
Tadeo: Bakit ka mumurahin?
Juana: Kumusta po naman kayo, among?
P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi na
lamang sa hirap, noong araw kami ay walang inaasahan kundi
kaunting sweldo dahil sa kami’y alipin ng mga prayle, ngayon nga,
kung sa bagay ay kami na ang namamahala, wala naman kaming
kinikita; wala nang pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon
napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay
pawang pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking
takot sa mga prayle.
Juana: Totoo po ba ang sabi mo.
P. Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga klerigo ay mauwi sa pagsasaka,
tantuin niyong kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na
hangin.
Juana: Bakit dami mo pong mga pinakaing mga pamangking dalaga?
P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko.
Miguel: Ay! Aling Julia… ay…ma…ma… malapit na po…
Julia: Alin po ang malapit na?
Miguel: Ang…ang…ang…
Julia: (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?
Tadeo: Miguel, tayo na’t nagkayari na kami ng kaniyang ina.
Miguel: Ay…salamat (tuwang-tuwa.)
Julia: (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang?
Tadeo: Ano ba ang sinabi mo?
Miguel: Sinabi ko pong… ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, Julia ko!
Tadeo: Wala ka nang nasabi kundi pulos na “ay”? Hindi ka nagpahayag ng
pagsinta mo?
Miguel: Sinabi ko pong malapit na…
Tadeo: Malapit na ang alin?
Miguel: Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko po
nasagutan…
Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa mahalata…
Relihiyoso 1.0: Kapitan Putin, mana dalaw, parito kayo. (Magsisilabas ang mga
dalaw).

VI TAGPO

11
(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga dalaw, babae at lalaki).
Salitain
Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita ma na ang tao mo, dadalhin dito,
at sinabi ko sa Alkalde na huwag nang paluin, huwag nang ibibilad at
ipagbilin ko na bibigyan na ng mabuting tulugan…
Putin: Salamat po, among.
Relihiyoso 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador at sasabihin naming
pawalan, lahat ang mga bilanggo, kaawa-awa naman sila.
Putin: Opo, among, mano na nga po… Salamat po, among.
(Magsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang lalaki).
Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador… a Manila,
cogemeros el tren la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que
empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal.
Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal.
Los 3: Si, si a fusilar, a fusilar. (Papasok ang mga pare).

VII TAGPO
(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso)
Salitain
Putin: Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa
among?
Tenyong: Inang, ang mga kamay pong… namamatay ng kapwa ay hindi dapat
hagkan, huwag pong maniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na
si Tatang ay pawalan, bagkus pa ngang ipagbibiling patayin na ngang
tuluyan. (Sarili) Kung nababatid lamang ng mga ito ang pinag-usapan
ng apat na lilo! Nakalulunos ang kamangmangan!
(Ipapasok si Kapitang Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid).
Putin: Inggo ko!
Tenyong: Tatang!
Julia: Kaawa-awa naman!
Tenyong: Mahabaging Langit!
Musika

Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang mga buto sa
mga tinalian, lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal!
Ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas
siyang naghahari lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay Satang
malupit nakikiugali…Ah, kapag namatay ka, oh, ama kong ibig, asahan
mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng
prayle isa sa kikitil.
Salitain

Tenyong: Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay…


Inggo: Huwag na… anak ko… hindi na maari… luray luray na ang katawan…
Tayo’y maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko, huwag mong
pababayaan ang Inang mo!
Putin, ay Putin… Juana-Julia… kayo na lamang ang inaasahan kong
kakalinga sa kanila… Ang kaluluwa ko’y inihain ko na ka’y
Bathala. Adyos mga kaputol ng dibdib! Adyos mga kababayan! Ako’y
inyong patawarin… Naluoy na yata ang puso ng mga Kastila.
Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang ganitong
hirap? (Dito lamang ang pasok ng kantang “Ang dalawang braso’y…)

12
Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga
tinalian, lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal, ay! Ang
anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang
naghahari, lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay satang malupit
nakikiugali. Ah! Kapag namatay ka, oh, ama kong ibig, asahan mo po’t
igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng prayle, isa sa
kikitil.
Julia: Taya ang loob ko at binabanta-banta mga taong iya’y tadtarin man yata
lahat ng niyang laman, buto sampung taba, di makababayad sa utang
na madla.
(Mga Babae at Lalaki): Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay
daig magpahirap.
Tenyong: Oo’t di matingnan puso ko’y sinusubhan sa ginawa kay Amang ng mga
taong hunghang…ang awa’y nilimot sa kalupitan…
Lalaki’t Babae: Wari mukha nang bangkay…
Tenyong: Inang, masdan mo po… at masama ang lagay ni Tatang, Inang, tingnan
mo’t naghihingalo… Tatang, tatang…
Putin: Inggo ko…Inggo…
Tenyong: Patay na!

(Mangagsisihagulgol ng iyak)
Telong Maikli

VIII TAGPO
(Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga bilanggong
nangakagapos).
Salitain
Putin: Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong
katawan ko! Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay tagos hanggang likod! Ay,
Tenyong, hindi ako makahinga! Ang puso ko’y parang pinipitpit sa palihang bakal!
(Si Putin ay mapapahandusay).
Tenyong: Langit na mataas! (Papasok lahat)

IX TAGPO
(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya’y si Julia).
Salitain
Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhin.
Isa: Ako’y mayroong iniingatan.
Isa pa: Ako ma’y mayroon din.
Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.
Isa: Nalalaman mo bang sila’y mangasisilulan?
Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy
na sasabihin daw nila sa Heneral na tayo’y pagbabarilin na.
Isa: Mga tampalasan.
Isa pa: Walang patawad!

(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si


Julia).
Julia: Tenyong, Tenyong!
Tenyong: Julia!
Julia: Diyata’t matitiis, na Ina’y lisanin mo sa kahapis-hapis na anyo? Di ba

13
nalalaman mong sa kaniya’y walang ibang makaaaliw kundi ikaw, at
sa may damdam niyang puso, ay walang lunas kundi ikaw na bugtong
na anak? Bakit mo siya papanawan?
Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa’t sa sarili mong loob, di ba si Inang
ay kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang sa paglingap
mo sa akin? Sa bagay, na ito, ano ang ipag-aalaala ko?
Julia: Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang
lalaking kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing gaya ko.
Tenyong, huwag kang umalis!
Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng
mga kapatid, Julia, tumutugtog na ang oras ng pananawagan ng
naaaping Ina, sa pinto ng nagpaubayang anak; ang Ina natin ay
nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib
ko’y tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang nakapanlulumo
Niyang daing: “Mga anak ko,” anya, “ngayo’y kapanahunang ako’y ibangon na ninyo
sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng paglaot sa matibay na
tanikalang mahigit sa tatlong daang taong sinasangayad; hindi dapat
tulutang… mga iaanak natin ay magising pa sa kalagimlagim na
kaalipin.
Julia: Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin!
(Huhubarin ang garantilyang may medalyita; tangnan at isusuot kay
Tenyong ang garantilya.) Ang larawang ito’y aking isasabit sa tapat ng
puso’y huwag iwawaglit at sa mga digma, kung siya’y masambit
ipagtanggol ka sa mga panganib. Kung saka-sakaling irog
ko’y masaktan, pahatid ka agad sa aking kandungan. Ang mga sugat
mo’y aking huhugasan ng masaganang luhang sa mata’y nunukal.
Tenyong: Sa Diyos nananalig.
Julia: Puso ko’y dinadalaw ng malaking hapis.
Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.
Julia: Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.
Tenyong: Ang ulap Julia ko’y di mananatili. Darating na ibig, ang
pagluluwalhati.
Julia: Tenyong na poon ko’y kahimanawari. Magliwayway uli’t dilim ay
mapawi.
Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako’y tutupad lang ng
aking panata sa pakikianib sa mga kasama. Aming tutubusin,
naaliping Ina. Ikaw irog ko’y aking itatago sa loob ng dibdib, sa tabi ng
puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa mga sakuna, ikaw’y
kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako!
Julia: Ako’y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka
agad nang di ikamatay.
Tenyong: Juliang aking sinta!
Julia: Oh, Tenyong ng buhay!
Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis).
Julia: (Biglang lilingon Te…! Yumao na! (papasok)

X TAGPO
(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig
ang sigawan sa loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.)
Sa loob.

14
Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo’t oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama
ko – Perdon! Walang utang-na-di pinagbabayaran! (Hagaran at mapapatay ang
mga prayle, isa ang mabibitin na sasama sa tren).
Telon
Wakas ng Unang Bahagi
Ikalawang Bahagi
I TAGPO
(Bahay ni Julia)
Julia at Juana
Salitain
Juana: Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang kanyang
ama, sila’y pagpapakitaan ng mainam.
Julia: Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po!
Juana: Bakit ba ganyan ang sagot mo?
Julia: Wala po!
Juana: Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at
nakaririwasa, ano pa ang hangarin mo?
Julia: Ako po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran
mo, ang hinahangad ko po ay…
Juana: Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko.
Julia: Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko.
Juana: (Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga –
anong pusupuso ang sinasabi mo? Totoo nga’t noong unang dako,
kapag may lalaking mangingibig ay tinatanggap ng mga mata at
tinutuloy dito (hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung
ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay
hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan,
siya’y nagpapahingala’y na…
Julia: Nakasisindak, Inang ko, ang mga pangungusap mo!
Juana: Siyang tunay!
Julia: Ako po’y makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito po ako
makatatakwil sa tapat na udyok ng aking puso.
Juana: Julia, tila wari… may kinalulugdan ka nang iba.
Julia: Wala po!
Juana: Kung wala ay bakit sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na,
ang kagalingan mong sarili ang aking ninanais. Ang wika ko baga, ay
bukas-makalawa’y mag-aasawa ka rin lamang…ay kung mapasa-
moro, mapasa-Kristiyano na!
Julia: (Sarili) Moro yata si Tenyong!

II TAGPO
(Julia at Monica)
Salitain
Julia: Monicaaaaaaaaaa, Monicaaaaaaaaaa.
Monica: (Sa loob) Pooo!
Julia: Halika (Lalabas si Monica) Pumaroon ka kay Kulas, sabihin mong
hinihintay ko siya; madali ka…
Monica: Opo (Papasok)

III TAGPO (Julia, mamaya’y Miguel, Tadeo, Pari, Teban, at Juana)


Musika

15
Dalit ni Julia
Oh, Tenyong niyaring dibdib,
Diyata’ ako’y natiis
Na hindi mo na sinilip
Sa ganitong pagkahapis.

Ay! Magdumali ka’t daluhan,


Tubusin sa kapanganiban,
Huwag mo akong bayaang
Mapasa ibang kandungan.

Halika, tenyong, halika,


At baka di na abutin Si
Julia’y humihinga pa…
Papanaw, walang pagsala!

At kung patay na abutin


Itong iyong nalimutan
Ang bangkay ay dalhin na lamang Sa
malapit na libingan.

Huling samo, oh Tenyong,


Kung iyo nang maibaon
Sa malungkot na pantiyon,
Dalawin minsan man isang taon.

Salitain
P. Teban: (Pumalakpak) Mabuti ang dalit mo Julia…datapwa’t napakalumbay
lamang…
Julia: (gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo’y
nangagsirating…kahiyahiya po.
P. Teban: Hindi; hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang Inang mo?
Julia: Nariyan po sa labas: tatawagin ko po (Papasok).
P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting asawa…
Marunong kang pumili, Miguel.
Tadeo: Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po’y hindi maalam
makiusap. (Lalabas si Juana).
Juana: Aba, narito pala ang among! Mano po, among!
P. Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay?
Juana: Mabuti po, among.
Tadeo: (Kay Miguel) Lapitan mo.
Miguel: Baka po ako murahin ah! May manliligaw si Julia na Miguel ang
pangalan. Mayaman at bugtong na anak ngunit dungo.
Payo ni Aling Juana: “Ang pag-ibig ay tinatanggap ng mata at itinutuloy sa isip at
di sa puso” Tutol si Julia kay Miguel. Ngunit ipinagkayari siya ng ina sa ama ni
Miguel. Hindi alam ni Juana ang ukol sa anak at pamangking si Tenyong.
Nagpadala ng liham si Julia kay Tenyong sa tulong ni Lukas. Si Tenyong ay
kapitan ng mga naghihimagsik. Walang takot sa labanan. Natagpuan ni
Lukas ang kuta nina Tenyong. Ibinigay ang sulat ng dalaga. Isinasaad sa sulat
ang pagkamatay ng inang si Kapitana Putin at ang araw ng kasal niya kay
Miguel. Sasagutin na sana ni Tenyong ang sulat ngunit nagkaroon ng
labanan.
16
Ikatlong Bahagi
Sinabi ni Lukas kay Julia ang dahilan nang di pagtugon ni Tenyong sa liham.
Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng kasal. Minsan habang nanliligaw si Miguel
kay Julia ay si Tenyong naman ang nasa isip ng dalagang ayaw makipag-usap sa
manliligaw kahit kagalitan ng ina.
Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana, na ina ni Julia.
Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lukas na
tumakas upang pumunta kay Tenyong. Ngunit di alam ni Lukas kung nasaan na
sina Tenyong kaya walang nalalabi kay Julia kungdi ang magpakasal o
magpatiwakal. Pinayuhan ni Lukas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung
iniibig nito si Miguel ay buong lakas nitong isigaw ang “Hindi po!”. Ngunit tumutol
ang dalaga dahil mamamatay naman sa sama ng loob ang kanyang ina.
Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Tenyong na
sugatan. Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari para makapangumpisal
si Tenyong. Kinumpisal ng kura si Tenyong. Ipinahayag ng kura ang huling hiling ng
binata – na sila ni Julia ay makasal. Galit man si Juana ay pumayag ito. Maging si
Tadeo ay pumayag na rin sa huling kahilingan ng mamamatay. Gayun din si Miguel.
Matapos ang kasal, bumangon si Tenyong. Napasigaw si Miguel ng “Walang Sugat”.
Gayundin ang isinigaw ng lahat. Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang
lahat. (https://tl-ph.facebook.com/notes/filipino-iv/walang-sugat-niseverino-
reyes/206433736075673)

Ang binasang akda ay isang halimbawa ng sarsuwela. Ito ay dulang


impluwensiya ng mga Kastila. Karaniwang may isa hanggang limang tagpo/eksena.
Nagpapakita ng sitwasyon ng mga Pilipino na may kinalaman sa mga suliraning
panlipunan, pag-ibig at ang pagnanais na magkaroon ng isang malayang bansa.
Layunin din nitong itanghal ang mga tagpo sa entablado o tanghalan.
Kung ihahambing sa ibang sangay ng dula, wala itong masyadong kaibahan
maliban na lamang sa diyalago na kinakanta at patula kung kaya’t kinagiliwan ito ng
mga Pilipino dahil sa sayaw at kantahan sa palabas.

Gawain I
Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan batay sa akdang binasa.
Mga katanungan:
1. Sino-sino ang mga tauhan? Ilarawan ang papel na ginagampanan nila.
2. Ano ang reaksyon ni Tenyong nang makita ang binuburdang panyo ni
Julia?
3. Sang-ayon ka ba na ipinagkasundo ni Juana ang kaniyang anak na si
Julia kay Miguel? Bakit?
4. Bakit “Walang Sugat” ang pamagat ng akda?

Gawain II. Pagpupuno ng Talahanayan Gawin


ang sumusunod:

Mula sa binasang akda, isulat sa Hanay A ang mga bagong salitang makikita
sa akda, para sa sa Hanay B, ibigay ang kahulugan nito at sa Hanay C, gamitin ang
mga napiling salita sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

17
A. Mga Bagong Salita Para B. Kahulugan Batay sa C. Pangungusap
sa akin pagkagamit sa Akda

Napansin mo ba na may mga salitang bukod sa kanyang literal na kahulugan ay


nagagamit pa ito sa iba pang pahayag at pangungusap kaya nagkakaroon ng
panibagong kahulugan?
DENOTASYON AT KONOTASYON
May mga salita ang ating wika na hayagan ang kahulugan at mayroon namang
matalinghaga o tago ang kahulugan. Isang susi upang maintindihan ang kabuoan
ng kuwento o akda ay nasa pag-unawa ng kahulugan ng mga salitang ginamit sa
akda. Kung literal o yaong karaniwang kahulugan na matatagpuan mo sa
diksyunaryo, ang ibig sabihin ng salita o mga salita, denotasyon ito. Samantala,
konotasyon naman ang kahulugan kung higit na malalim o matalinghaga ang nais
sabihin sa atin ng salita o mga salita.

Mga halimbawa:
1. “Salamat, salamat Juliang poon ko.”
2. Ang mga sugat mo’y aking huhugasan ng masaganang luhang sa mata’y
nunukal.

Pansinin ang hanay sa ibaba:


Salita Denotasyon Konotasyon
poon sinasamba bilang sinasamba bilang kasintahan
Panginoon
sugat punit o gasgas sa balat masakit na
nagpapahapdi o damdamin/hindi magandang
nagpapadugo karanasan
luha tubig na umaagos mula sa kalungkutan/kasiyahan
mata

Sa araw-araw na pakikibaka ng tao sa mundo ay mayroon siyang karapatang


magpahayag ng kaniyang saloobin sa anumang nakikita at naririnig niya sa
pamamagitan ng pagbibigay-opinyon. Subalit hindi lahat ng mga saloobin ay
maaaring katanggap-tanggap sa iba kung kaya dito lumalabas ang salungatan ng
ideya at paniniwala.

PANGANGATUWIRAN

Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay


upang ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala.
Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ng
kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag.
Sa pangangatwiran, ang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa
pamamagitan ng mga katwiran o rason. Ang pangangatwiran ay isang sining
18
sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at magandang pananalita ay makatutulong
upang mahikayat na pakinggan, tanggapin at paniniwalaan ng nakikinig ang
nangangatwiran.
Ito ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong dapat
isaalangalang o sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo na sa
pormal na pangangatwiran gaya ng debate.
Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring
matamo ninuman subalit hindi sa paraang madali at sa maikling panahon lamang.
Halimbawa:
Ang sarsuwelang “Walang Sugat” ay sumasalamin sa suliraning panlipunan
ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Pansinin ang dalawang
halimbawa.

Hindi makatuwiran ang paghuli


kay kapitan Inggo dahil hindi man
1. Ang paraan ng paghuli lang ito napaabisuhan sa maayos
kay Kapitan Inggo. na paraan. Ang ganitong
pamamaraan ay lumalabag sa
karapatang pantao.

Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi
sa kapapalo, at ang dalawang braso po’y litaw na ang mga buto, nagitgit sa pagkakagapos.

Relihiyoso 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?


Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban.
Relihiyoso 1.0 : Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan
Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng
mabuting tulugan, ha?

2. Ang pagkasundo kay Hindi makatuwiran ang


pagkasundo kina Julia at
Julia ng kaniyang ina kay
Miguel dahil hindi man
Miguel. lamang nabigyan si Julia ng
kalayaang pumili ng lalaking
pakakaslan.

Patunay
Ikalawang Bahagi/ I Tagpo
Juana: Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang kaniyang
ama, sila’y pagpapakitaan ng mainam.
Julia: Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po!
Juana: Bakit ba ganyan ang sagot mo?
Julia: Wala po!
Juana: Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at

19
Pagyamanin

Upang masukat natin ang iyong natutuhan sa aralin, pagsunod-sunurin ang mga
pangyayari sa sarsuwelang “Walang Sugat” sa pamamagitan ng pagsulat ng bilang
1 hanggang 10. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Gawain I. Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari.
a. Binuburdahan ni Julia ng panyong ibibigay kay Tenyong.
b. Nagpasyang sumama si Tenyong sa mga armadong naglulunsad ng Katipunan.
c. Sugatang dumating si Tenyong sa kasal.
d. Ibinalita ni Lucas kay Tenyong ang pagdakip ng kanyang ama.
e. Namatay ang Kapitang si Inggo sa labis na bugbog sa katawan.
f. Pagkatapos ng seremonya ay bumangon si Tenyong at sumigaw ang lahat ng
“Walang Sugat”
g. Sinulatan ni Julia si Tenyong na siya ay ikakasal na kay Miguel at ibinalita rin
ang pagkamatay ng kanyang inang si Kapitana Putin.
h. Hinuli si Kapitang Inggo ng mga boluntaryo ng Sta. Maria at pinagpapalo sa loob
ng piitan.

Gawain II. Ibigay ang denotasyon at konotasyon na pagpapakahulugan sa mga


salitang nakahilis sa bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa
kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
kalsada umibig parte ng
susi katiwala
katawan
1. Ang daan sa pagkamit ng mga pangarap ay sipag at tiyaga.
2. Siya ay labis na natatakot na muling mahulog ang loob sa lalaki.
3. Si Rafael ang kanang kamay ng aking ama noong ito’y nabubuhay pa.
4. Dito ang daan papuntang simbahan.
5. Matapos magbuhat ng kayrami-raming mga bato ay sumakit ang kanang
kamay ni Chad.

Isaisip

Narito ang mga mahahalagang konsepto na dapat mong tandaan sa ating


aralin.
• Ang sarsuwela ay nagmula sa salitang Espanyol na zarzuela.
• Si Severino Reyes ay tinaguriang “Ama ng Sarsuwelang Tagalog”.
• Tinatawag na dulang hinonihan, tulang inawitan, drama liriko at operata ang
sarsuwela.
• Naging tahanan ng sarsuwela ang Teatro Zorilla noong 1893.
• Ang akdang Walang Sugat ay nagpapakita ng suliraning panlipunan.
20
• Ang mga pangunahing tauhan sa akda ay sina Julia, Tenyong, Juana, Miguel,
Lukas.
• Ang denotasyon ay literal na kahulugan ng salita.
• Ang konotasyon ay mga matalinghaga o ‘di-tuwirang kahulugan ng salita.
• Ang pangangatuwiran ay nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang
ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala.

Isagawa

Ang sarsuwelang Walang Sugat ay sumasalamin sa mga kultura ng mga Pilipino.


Pumili ng isang tauhan na nagpapakita o nagtataglay ng kaugaliang Pilipino. Sundin
ang pormat sa ibaba at sagutin ang katanungan. Isulat sa iyong sagutang papel.

WALANG SUGAT
(Sarsuwela)
Repleksyon ng tradisyon, paniniwala o
kaugalian ng mga Pilipino

Tauhan

1. Ano ang magandang kaugalian ang ipinakita ng tauhang iyong pinili?


2. Sa iyong palagay mahalaga bang mapanatili ang kaugaliang ito?
3. Paano ka makatutulong sa pagpapanatili o pagpapahalaga sa
kaugaliang ito?

Kailangan pa ng
Magaling
Katamtaman higit na
Pamantayan (8
(5 puntos) kasanayan
puntos)
(2 puntos)
Angkop na angkop ang Tama ang May nilalaman
Nilalaman nilalamang inilagay sa bawat nilalamang inilagay ngunit malayo sa
kahon. sa bawat kahon. itinakda.
Angkop ang
Paggamit Angkop na angkop ang Hindi angkop ang
denotasyon/
denotasyon/ denotasyon/konotasyon na pagkagamit nito
konotasyon na
konotasyon inilagay. sa pangungusap.
inilagay.
May iilang
Walang nakitang kamalian sa Hindi nagagamit
pagkakamali sa
Gramatika paggamit ng mga salita at ang tamang salita
paggamit ng salita
bantas. at bantas.
at bantas.

21
Tayahin
I. Suriin ang salitang nasalungguhitan sa pangungusap. Isulat ang titik D kung
ang pagkagamit nito ay denotasyon at titik K kung ito naman ay konotasyon.
Isulat sa sagutang papel.

1. Pantay na ang paa ng ina ni Tenyong na si Kapitana Putin.


2. Nais ng ina ni Julia na ipakasal siya sa may gintong kutsarang si
Miguel.
3. Handang ibigay ni Julia ang kaniyang puso kay Tenyong.
4. Tila atakehin sa puso si Julia nang malamang namatay si Tenyong.
5. Hinding hindi kita mapapatawad dahil ahas ka.
-

6. Pinatay ng magkaibigang Ben at Adel ang 3 talampakang ahas.


7. Sisinag din ang bagong araw para sa ating lahat.
8. Mahapdi na ang sikat ng araw tuwing alas 10:00 ng umaga.
9. Isang ina ang kaniyang papel na ginagampanan sa teatro.
10. Nabasa ang papel ni Ildefonso dahil sa malakas na buhos ng ulan.

II. Tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang titik ng napiling sagot sa iyong
sagutang papel.

a.1923 b. zarzuela c. pangangatuwiran


d. denotasyon e. Jugar con Fuego f. Setyembre 15, 1945
g. Severino Reyes h. konotasyon i. Miguel
j. Kapitan Inggo

11. Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay


upang ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala.
12. Siya ang tinaguriang Ama ng Sarsuwelang Tagalog.
13. Ito ang salitang Espanyol ng sarsuwela.
14. Kailan nabuksan ang Liwayway?
15. Tumutukoy sa pagpapakahulugan mula sa diksyunaryo.
16. Ano ang dulang itinanghal ni Darlo Cespedes?
17. Kailan pumanaw ang may akda ng “Walang Sugat”?
-

18. Tumutukoy sa pagpapakahulugang hindi literal.


19. Siya ang ipinagkasundo ni Juana kay Julia.
20. Siya ang ama ni Tenyong.

Karagdagang Gawain

Pagsulat ng Journal
Isulat sa iyong learning journal ang sagot sa tanong na ito.
1. Paano mo pahahalagahan ang karapatan ng mga kababaihan sa
kasalukuyang panahon?
2. Paano isinalamin ng sarsuwela ang kamalayan at kaugaliang Pilipino? Ano
ang mga suliraning nailahad sa sarsuwelang “Walang Sugat”? Magbigay ng mga
posibleng solusyon dito.
Sanggunian

Baisa-Julian, Ailene et al. 2014. Pluma 8.. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
pp.257-274
Moral, Richard P. Pagsibol ng Punla 8 126-150

https://philippineculturaleducation.com.ph/reyes-severino/
https://www.mgabayani.ph/severino-reyes/
https://tl-ph.facebook.com/notes/filipino-iv/walang-sugat-ni-
severinoreyes/206433736075673/
http://maestroaeious.blogspot.com/2015/05/pangangatwiran-argumentatib.html
http://delfinomenchie.blogspot.com/
24
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda
at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na
ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa
pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang
proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong
1.0. Malugod naming hinihikayat ang pagbibigay ng puna, komento at
rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

25

You might also like