You are on page 1of 22

8

Filipino
Unang Markahan
Sariling Linangan Kit 2:
Epiko
Filipino – Ikawalong Baitang
Unang Markahan – Sariling Linangan Kit 2: Epiko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Sariling Linangan Kit
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
SLK na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Allan G. Farnazo


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Sariling Linangan Kit


Manunulat: Lyn Vincent J. Balatero, Emely L. Fajardo, Hope T. Quebec
Editor: Avelino T. Gapol
Tagasuri: Rene P. Sultan/ Avelino T. Gapol
Tagaguhit: Jemar D. Aliñabo/ Hareld O. Candari
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Mary Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon XI


Department of Education-Division of Davao City

Office Address: Daang E. Quirino, Davao City


Telefax: 224-3274
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
8

Filipino
Unang Markahan – Sariling
Linangan Kit 2:
Epiko
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan Kit
na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa SLK.
Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung may mga bahagi ng SLK na ito na nahihirapan ka sa
pagsagot, huwag mag-atubiling komunsulta sa iyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Sa aralin na ito ay pag-aaralan natin ang tungkol sa epiko at mga


elemento nito. Sa pamamagitan ng pag-aaral sa Sariling Linangin Kit na ito,
magagawa mong maglakbay sa panahon ng ating mga katutubo.
Magkakaroon ka ng kaalaman tungkol sa kanilang pamumuhay, paniniwala
at kultura. Kasabay ng pag-aaral tungkol dito ang paglinang ng mga
kasanayang pangwika, tulad ng paggamit ng iba’t ibang teknik sa
pagpapalawak ng paksa, pagsulat ng talata at paggamit ng mga hudyat ng
sanhi at bunga ng mga pangyayari.
Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo
ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
1. nakikinig nang may pag-unawa upang:
• mailahad ang layunin ng napakinggan
• maipaliwanag ang pagkakaugnay- ugnay ng mga pangyayari;
2. napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng:
• paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda
• dating kaalaman kaugnay sa binasa;
3. nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa:
• paghahawig o pagtutulad
• pagbibigay depinisyon
• pagsusuri;
4. naisusulat ang talatang:
• binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap
• nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan
• nagpapakita ng simula, gitna, wakas; at
5. nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari
(dahil, sapagkat, kaya, bunga nito, iba pa)

Subukin Natin
Bago ka tumungo sa mga gawain, kailangang maipakita mo muna kung ano
na ang mga taglay mong kaalaman. Sagutan ang paunang pagsusulit sa
ibaba.
Panuto: Suriin kung ang sumusunod na pangungusap ay nagpapahayag ng
kawastuhan hinggil sa epiko. Isulat sa inyong sagutang papel ang TAMA
kung ito’y wasto at MALI kung ito’y nagpapahayag ng kamalian.
1. Ang epiko ay isang uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao sa mga kaaway.
2. Ito ay pinapahayag nang pasalita, patula, o paawit.
3. Karamihan ng mga rehiyon sa ating bansa ay may maipagmamalaking
epiko.

1
4. Punong-puno ng mahihiwagang bagay, kababalaghan at mga pangyayaring
makatotohanan ang epiko.
5. Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang mga epiko sapagkat ito ay
nagbibigay aliw at nagsisilbing pagkakilanlang panrehiyon at pangkultura.

Aralin Natin

Ang akda na iyong babasahin ay hinggil sa isang bayani na nabuhay


noong unang panahon. Kilalanin natin ang bayani at tagapagligtas ng tribong
Manobo na si Tulalang.
TULALANG
Epiko ng mga Manobo

Sa bayan ng Kulaman, may mag-asawang mahirap na may tatlong


anak na lalaki at babae. Ang panganay ay si Tulalang. Isa siyang binatang
matangkad, payat, may maitim na ngipin, at mahabang buhok.
Isang umaga, nagtungo sa gubat si Tulalang upang manguha ng
ubod ng yantok upang sila ay may makain. Habang nangunguha ng ubod,
lumapit sa kaniya ang isang matandang naawa pala sa hikahos nilang
buhay.
Sinabi ng matanda, “Huwag ka nang mag-alala sa inyong pagkain,
Tulalang. Simula ngayon ay hindi na kayo magugutom. Anuman ang

2
naisin ninyo ay mapapasainyo.” Magmula nga noon, naging masagana na
ang buhay ng magkakapatid.
Sa kabila ng kanilang kasaganaan, nanatili pa ring masipag ang
magkakapatid. Umunlad ang kanilang buhay at napabalita iyon sa buong
kapuluan. Maraming tao mula sa iba’t ibang tribu ang nagtungo sa
kanilang tahanan upang pumailalim sa kanilang kapangyarihan.
Pagkalipas ng maraming taon, ipinasiya ng magkakapatid na manirahan sa
palasyo. Napakalaki ng palasyo. Ang trono ay napapalamutian ng mga
ginto, pilak, at iba pang mamahaling bato. Walang tigil ang mga alipin sa
pagtugtog ng magagandang musika kaya ang mga naninirahan sa paligid
ng palasyo ay naaliw rin.
May isang sinturong damak (maliit na dahon) si Tulalang na
naipupulupot niya nang pitong ulit sa kaniyang baywang. Puting-puti ang
kaniyang damit na may mahabang manggas. Hanggang tuhod lang ang
kaniyang pantalon. Nagkikislapan ang mga singsing na ginto sa kaniyang
mga daliri. May balaraw siya sa baywang at may turban sa ulo na ginagamit
niya sa paligid. Lagi siyang nakayapak.
May kaniya-kaniyang silid sa palasyo ang magkakapatid maliban sa
kaisa-isa nilang kapatid na babae. Hiyas siya ng magkakapatid na dapat
ingatan. Inilagay nila ang kapatid sa pinakailalim ng pitong patong na
basket na nakabitin sa silid ni Tulalang. May taglay na kapangyarihan ang
dalaga na mag-iba-iba ng hugis at anyo ayon sa nais niya. Naroon lamang
siya sa loob ng basket kung walang ginagawa.
Nagtanim ang kapatid nilang babae ng mahiwagang rosas.
Namumulaklak ito tuwing umaga at bago magtanghali. May kakaiba itong
katangian. Kapag nalanta agad ang mga bulaklak, babala itong may
darating na kaaway. Isang araw, biglang nalanta ang bulaklak ng rosas.
Dumating si Agio at sinalakay ang kaharian nina Tulalang. Hindi man lang
nabahala si Tulalang. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang ginagawa.
Hinamon ng mayabang na si Agio si Tulalang. Pinayuhan siya ng isa
sa kaniyang mga singsing na labanan ang mga kaaway. Inalis niya ang
singsing sa daliri at inutusan itong lumaban. Sa isang iglap, naging sundalo
ang singsing. Lumaban ito at marami siyang napatay na kaaway.
Natuklasan ni Agio ang lihim. Ibinunyag niya sa kaniyang mga kabig na
ang sundalo ay isang singsing lamang. Kaagad na pinaghahampas ng sibat
ang sundalo kaya muli itong naging singsing.
Muling hinamon ni Agio si Tulalang. Sa pagkakataong iyon, inutusan
naman niya ang kanyang balaraw na makipagtunggali. Noon din, naging
sundalo ito at pumuksa ng maraming kaaway. Muling natuklasan ito ni
Agio. Ibinunyag niyang muli na ang sundalo ay isa lamang balaraw.
Hinawakan niya sa leeg ang sundalo at bumalik ito sa dating anyo.
Sa pangatlong hamon, lumaban na si Tulalang. Marami siyang
napatay na tauhan ni Agio. Nang mapagod, umakyat siya sa palasyo upang

3
magpahinga. Pumalit sa kanya si Mangampitan, ang ikalawa sa
magkakapatid. Napatay ni Mangampitan ang kalahati ng kalaban. Nang
mapagod, namahinga rin siya sa palasyo.

Hinalinhan siya ng bunsong kapatid na si Minalinsin. Napatay ng


bunso ang lahat ng kaaway maliban kay Agio. Sa kanilang paglalaban,
tinamaan ng sibat si Agio. Dahil dito, bumalik siya sa dating makisig na
anyo. Nahubdan ang kaniyang balatkayong pulubi na ginamit niya upang
makapasok sa palasyo. Nagpatuloy sila sa paglalaban hanggang sa kapwa
mapagod. Kapwa rin sila nakatulog dahil sa mahiwagang langis na isinaboy
ng kapatid na babae.
Nakita ng kapatid na babae sa tulong ng mahiwagang langis na sila
pala ay magpinsan. Pagkagising nila, nalaman nila ang katotohanan kaya
natigil na ang paghahamok.
Isang araw, habang natutulog si Tulalang sa ilalim ng isang
punongkahoy, isang uwak ang dumumi sa kaniyang mukha. Nagising siya.
Ipinaalam sa kaniya ng uwak na may darating na isang malaking higante
na kumakain ng tao. Sinabi rin sa kaniya ng uwak kung saan ito
matatagpuan.
Agad-agad nagpunta sa kagubatan si Tulalang. Natagpuan niya rito
ang isang matandang babaeng nakatira sa isang kubo. Ibinalita sa kaniya
ng matanda na may bihag na magandang dilag ang higante.
Tinungo niya ang bahay ng higante na itinuro sa kaniya ng
matandang babae. Napakasukal nito. Napakataas ng bahay kaya tinubuan
ng napakaraming puno ng saging ang ilalim nito. Natutulog ang higante.
Nang dumating si Tulalang, nakakulong sa hawla ang magandang dalaga.

4
Nagising ang higante at sumigaw, “Sino ang nariyan? Nakaaamoy ako ng
baboy, tamang-tama sa aking pananghalian.”
Hindi ako baboy, tao rin akong kagaya mo,” sagot ni Tulalang.

Naglaban ang dalawa. Tinagpas ni Tulalang ang ulo ng higante,


maging ang dalawang paa at kamay nito.
Inilabas niya ang babae sa hawla. Siya si Macaranga na mula sa
bayang ganoon din ang pangalan. Naakit siya sa dalaga at agad na inalok
ni Tulalang na pakasal sa kaniya. Tumanggi si Macaranga. Dahil sa labis
na pagod, nakatulog ang binata.
Lingid sa kaalaman ni Tulalang, umalis ang dalaga ngunit
sinadyang mag-iwan ng suklay. Nang magising ang binata, kaagad siyang
sumakay sa kaniyang musala. Nagtanong siya sa pitong babaeng una
niyang natagpuan. Nagtungo raw sa kulog si Macaranga. Nang tanungin
niya ang kulog, tumuloy raw ito sa kidlat. Pagsapit niya sa kidlat, itinuro
naman siya sa langit. Doon na niya natagpuan ang dalaga na kasalukuyang
naliligo sa ilog. Iniluhog niyang muli ang kaniyang pag-ibig ngunit hiniling
ng dalaga na pabayaan muna siyang makauwi sa kalangitan.
Umuwi ang dalaga sa kanilang palasyo ngunit nalaman niyang
namatay na ang kaniyang amang hari. Sa gayon, nangangailangan ng
bagong pinuno ang kaharian. Sumang-ayon na siyang pakasal kay
Tulalang. Umuwi muna ang binata sa kanilang kaharian bago maganap ang
kasalan. Pagdating niya roon, nalaman niyang sinalakay na naman ito ng
mga kaaway at tinangay ang kaniyang kapatid na babae. Iniligtas niya ang
kapatid. Dahil sa kaabalahan, nakalimutan na niya ang pangako kay
Macaranga.

5
Muling sumalakay ang mga kaaway nang minsang wala si Tulalang.
Sa pagkakataong iyon, si Bagyo ang pinuno ng kalaban. Pinakamalakas at
pinakamahirap niyang kaaway si Bagyo sapagkat hindi niya ito nakikita.
Nagapi ng pangkat ni Bagyo ang dalawa niyang kapatid na lalaki. Kaagad
nilang itinakas ang kaniyang kapatid na babae. Nang tumangging pakasal
sa kaniya ang babae, nilaslas ni Bagyo ang mga kamay ng dalaga.
Nang malaman ni Tulalang ang mga pangyayari, kaagad niyang
sinundan ang kapatid. Nag-anyo siyang sibat upang makapasok sa kuweba
ngunit wala roon ang hari. Gumawa siya ng paraan upang mapasok ang
kaharian. Nag-anyo siyang bata at pumasok bilang alila sa palasyo.
Nagtrabaho siya sa kusina. Doon niya nakita ang kapatid na babae.
Isang gabi, tumakas silang dalawa. Naghinala ang hari na si
Tulalang ang mismong batang alila. Ipinasiya niyang lusubing muli ang
Kulaman. Bago umalis ang haring Bagyo at kaniyang mga tauhan sa
kanilang kaharian, pinahinga muna niya ang lahat ng isang mahiwagang
bote. Tinakpan niya ito nang mahigpit at ibinitin sa loob ng palasyo. Doon
nakalagak ang mga kaluluwa nila.
Nang maglaban ang dalawang pangkat, napansin ni Tulalang na
kapag may napatay sa isang kalaban, napapalitan kaagad ito ng dalawa pa
mula sa dugo ng namatay. Lalong dumarami ang mga kaaway habang may
napapatay. Naghinala siya at nag-anyong ibong kulasisi. Tinungo niya ang
palasyo ni Bagyo. Gumawa siya ng paraang makuha ang boteng pinag-
iwanan ng kaluluwa ng hari ng mga kawal nito.
Kinabukasan, tumungo siya sa beranda ng kaniyang palasyo at
hinarap ang mga kaaway.
“Kung hindi kayo susuko, babasagin ko ang boteng ito upang
mangamatay ang inyong mga kaluluwa,” babala niya.
Nagulumihanan at natakot ang lahat kaya napilitang sumuko ang
hari. Nagpaalipin silang lahat kay Tulalang.
Isang araw, pinabatid ni Tulalang sa kaniyang mga nasasakupan
na darating ang sarimbaw na galing sa langit upang sunduin sila. Hiniling
niya sa mga tao na manalangin sa loob ng apat na buwan upang pagdating
sa langit maging katolosan o kaluluwa silang walang kamatayan.
Pagkaraan ng apat na buwang pananalangin, biglang umihip ang
malakas na hangin. Nagdala ito ng balita na isang malaking baboy-ramo
ang manggagaling sa silangan ang paparating upang silain ang mga tao ng
Kulaman. Ayon din sa hangin, isang higante ang darating upang harangin
ang sarimbaw na magmumula sa langit. Dahil sa taglay na lakas, napatay
ni Tulalang ang baboy-ramo at ang higante.
Katanghaliang tapat nang dumating ang sarimbaw na nakasabit sa
kadenang ginto. Hugis-bangka ito ngunit yari sa bato. Isa-isang sumakay
ang mga tao upang umakyat sa langit. Isa pang higante ang nagtangkang

6
pumutol ng kadena ng sarimbaw bago ito pumaitaas ngunit napatay rin
siya ni Tulalang.
Sa kalangitan, muling nagtagpo sina Tulalang at ang kaniyang mga
kapatid. Kasama ng mga mamamayan, naging maligaya silang lahat sa
kalangitan at nagtamo ng buhay na walang hanggan.

Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan, Binagong Edsiyon 8, pp. 91-96

Naibigan mo ba ang epikong nabasa mo? Kamangha-mangha ang


mga kapangyarihan na mayroon ang mga tauhan sa kwento hindi ba? Sa
pagkakataong ito ay hihimay-himayin natin ang akda sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga katanungan sa ibaba.

Panuto: Suriin ang sumusunod na pangyayari sa akdang binasa, piliin


lamang ang titik na may tamang sagot. Isulat mo sa sagutang papel ang
tamang sagot.

1. Sinabi ng matanda, “Huwag ka nang mag-alala sa inyong pagkain,


Tulalang. Simula ngayon ay hindi na kayo magugutom. Anuman ang naisin
ninyo ay mapapasainyo.” Magmula nga noon, naging masagana na ang
buhay ng magkakapatid. Mahihinuha na ang matanda sa kwento ay ____.
A. magalang C. matulongin
B. masipag D. maunawain
2. Isang araw, biglang nalanta ang bulaklak na rosas ni Minalinsin.
Ang pagkalanta ng rosas ay isang babala ng ____.
A. kasaganaan C. digmaan
B. kalupitan D. kamatayan
3. Nang tumangging pakasal sa kaniya ang babae, nilaslas ni Bagyo ang mga
kamay ng dalaga. Mahihinuha na ang ginawa ni Bagyo sa babae ay
nagpapahiwatig ng ____.
A. kalupitan C. pagkaawa
B. kapangyarihan D. labis na pagmamahal
4. Lingid sa kaalaman ni Tulalang, umalis si Macaranga ngunit sinadya
niyang mag-iwan ng suklay. Nag-iwan ng suklay ang dalaga upang ____.
A. kalimutan siya C. layuan siya
B. sundan siya D. pasalamatan siya
5. “Nagulumihanan at natakot ang lahat sa babala ni Tulalang na babasagin
niya ang bote na may lamang mga kaluluwa nina Bagyo. Nagpaalipin
silang lahat sa kaniya.” Mahihunuha sa pangyayari na si Tulalang ay ____.
A. mapagmataas C. matalino
B. mapusok D. mayabang

7
EPIKO AT ANG MGA ELEMENTO NG TAUHAN AT TAGPUAN NITO

Ang epiko ay uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at


pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao sa mga kaaway. Ito ay karaniwang
nagtataglay ng mga mahiwaga at kagila-gilalas o di-kapani-paniwalang
pangyayari. Ang mga epiko ay pinahahayag nang pasalita, patula, o paawit
(sa iba’t ibang mga istilo); maaaring sinasaliwan ng ilang mga
instrumentong pangmusika o minsan nama’y wala. Ito rin ay maaaring
gawin nang nag-iisa o kaya naman ng grupo ng mga tao. Ang haba ng mga
epiko ay mula sa 1,000 hanggang 5,000 linya kaya’t ang pagtatanghal sa
mga ito ay maaaring abutin ng ilang oras o araw.
Karamihan ng mga rehiyon sa bansa ay may maipagmamalaking
epiko. Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang mga epiko. Bukod sa
nagiging aliwan ito, ito rin ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at
pangkultura. Kadalasan ang mga epiko ay sumasalamin sa mga ritwal at
pagdiriwang ng isang lugar upang maitanim ay mapanatili sa isipan ng mga
mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin ang mga
tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno. Narito ang ilan sa mga
ito:
1. Bidasari - epiko ng mga Maranao
2. Ibalon - epiko ng mga Bikolano
3. Dagoy at Sudsus - epiko ng mga Tagbanua
4. Tuwaang - epiko ng mga Bagobo
5. Parang Sabir - epiko ng mga Moro
6. Lagda - epiko ng mga Bisaya
7. Haraya - epiko ng mga Bisaya
8. Maragtas - epiko ng mga Bisaya
9. Kumintang - epiko ng mga Tagalog
10. Biag ni Lam-ang - epiko ng mga Iloko

MAHAHALAGANG ELEMENTO NG EPIKO


1. Tagpuan
Mahalagang bigyang-pansin ang tagpuan sa epiko sapagkat ito’y
nakatutulong sa mga pagbibigay-linaw sa paksa, sa banghay, at maging sa
mga tauhan. Halos bawat rehiyon o pangkat na mayroon sa Pilipinas ay
may isang natatanging epikong kasasalaminan ng kultura at paniniwalang
mayroon sa isang lugar. Dahil sa tagpuan ay higit na nagiging malinaw
kung bakit naging ganito mag-isip at kumilos ang tauhan at kung bakit
ganito ang naging takbo ng pangyayari.
2. Tauhan
Isa sa mga pangunahing kaibahan ng epiko sa iba pang akda ay ang
mga tauhang binibigyang buhay rito. Mapapansing halos karamihan ng

8
pangunahing tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural o di
pangkaraniwang kapangyarihan. Bagama’t may ilang epikong ang mga
tauhan ay karaniwan lamang ngunit dahil sa kaniyang pamumuno ng isang
kapuluan, ang tungkulin niyang ipagtanggol ito ay kadakilaan, at ang
kaniyang pagtatagumpay laban sa sinumang kaaway ay kabayanihan at
siya’y bayaning tatanghalin at kikilalanin. Samakatuwid ang pangunahing
tauhan sa epiko ay itinuturing na bayaning may kakayahang kalabanin ang
mga hamon sa buhay para sa patuloy na pag-unlad ng komunidad na
kanilang kinabibilangan.
Pinagyamang Pluma, Ang Binagong Baitang 8 pp. 56-57

Pag-uusapan naman natin ngayon ang mga hudyat ng sanhi at bunga.


Ano ba ito? Sigurado akong nagamit mo na ito sa iyong pang-araw-araw na
buhay ngunit maaaring hindi mo lamang alam ang tawag nito. Kaya ngayon
ay pag-aaralan mo ito nang mabuti sa pamamagitan ng pagbasa ng teksto sa
loob ng kahon.

MGA HUDYAT NG SANHI AT BUNGA

Sa pagbuo ng anumang mabisang pagsusuri, mahalagang malaman


ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. Karaniwang pinangungunahan ito
ng mga hudyat tulad ng dahil, dahilan, kaya, bunga nito, upang,
sapagkat, at iba pang kauri nito.

1. Tinatawag na sanhi ang pinagmulan ng isang pangyayari. Ito ang dahilan


kung bakit nagkaroon ng isang kaganapan.
Halimbawa:
a. Bakit pumunta si Tulalang sa kagubatan?
Dahil humahanap siya ng pagkain.
b. Bakit lalong yumaman ang magkakaptid?
Sapagkat naging masisipag na sila.
2. Tinatawag na bunga ang kinalabasan, resulta, o dulot ng isang naunang
pangyayari.
Halimbawa:
a. Dahil humahanap siya ng pagkain, pumunta siya sa kagubatan.
unang pangyayari bunga ng pangyayari
b. Sapagkat naging masisipag sila, lalo silang yumaman.
unang pangyayari bunga ng pangyayari

Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan, Binagong Edisyon 8 p. 101

9
PAGSULAT NG TALATANG NAGLALAHAD NG SARILING PANANAW
Sa pagsulat ng isang talata, tandaang mahalagang unawaing mabuti
ang paksang tatalakayin. Sa bahaging ito, susulat ka ng talatang
naglalahad ng iyong sariling pananaw. May tatlong bahagi ang talata na
dapat na pag-isipang mabuti:
1. Simula
Ang unang pangungusap ay dapat na maglahad ng paksang
tatalakayin. Ang panig na paninindigan ay linawin kaagad sa ikalawang
pangungusap.
2. Gitna
Ang sumusunod na pangungusap ay para sa mga katawan at
paliwanag na magpapatibay ng panig na sinasang-ayunan. Maglahad ng
tatlo o higit pang pahayag na kaugnay nito.
3. Wakas
Ibuod ang mga inilahad na katwiran. Muling ilahad ang iyong panig
sa pamamagitan ng isang matibay at madamdaming pahayag.

Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan, Binagong Edsiyon 8 p. 105

Gawin Natin

Panuto: Punan ang pangungusap ng angkop na hudyat ng sanhi at bunga


upang mabuo ito. Piliin lamang ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa iyong
sagutang papel.
bunga nito dahil dahilan
sapagkat upang

1. ________ sa kawalan ng disiplina ng ilang tao, maraming mga tao ang


nahahawa sa kumakalat na virus ngayon.
2. Marami ang kumukutya sa kaniyang hitsura ________ nawalan siya ng
kumpyansa sa kaniyang sarili.
3. Kaya siya nagsusumikap magtrabaho sa ibang bansa ________
makapagpatayo na siya ng bahay para sa kaniyang mga magulang.
4. Marami siyang natatanggap na mga biyaya mula sa Diyos ________ng
kaniyang pagiging matulongin sa kapwa.
5. Karamihan sa mga biktima ng sunog ay humihingi ng awa at tulong sa
gobyerno _______ naubos ang lahat nilang gamit.

Sa kabilang dako, alam mo ba na isang gawaing nagpapakita ng


malalim at malawak na kaalaman sa isang tiyak na bagay ang pagpapalawak
ng paksa? Ngayon ay tatayahin mo ang iyong sarili kung tunay bang
naintindihan mo ang binasang epiko sa pamamagitan ng pagsagot sa
susunod na gawain.

10
Sanayin Natin

Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang upang mabuo ang crossword
puzzle.
PAHALANG
2 ang pagkakatulad nina Bagyo at Tulalang bilang mga pinuno
3 ang pangunahing katangian ng tauhan sa epiko kaya ito ay
naiiba sa iba pang panitikan
5 ang elemento ng epiko na lumutang sa:
“Pagkalipas ng maraming taon, ipinasiya ng magkakapatid na
manirahan sa palasyo. Napakalaki ng palasyo. Ang trono ay
napapalamutian ng mga ginto, pilak, at iba pang mamahaling
bato.”
PABABA
1 kasingkahulugan ng salitang ipinabatid
4 ang salitang katulad ng kahulugan ng salitang katulosan
1. 4.
P A

5. A N
W
3. Y I
2. T G

Tandaan Natin

Ang epiko ay isang patunay na sa kabila ng kawalan ng pormal na


edukasyon ng ating mga ninuno, sila ay mahusay at malikhain sa pagbuo ng
mga kuwento na sumasalamin sa kanilang kultura at pamumuhay. Ipinakita
sa epikong Tulalang ang kahalagahan ng pagtutulongan at pagmamahalan
sa pamilya na isa sa mga kaugalian nating mga Pilipino na dapat ipagmalaki
at ipagpatuloy.
Ang malinaw, mabisa, at lohikal na pagpapahayag ay naipapakita sa
maayos na pag-uugnayan ng mga salita, parirala, at pangungusap. Mahalaga
sa pagpapahayag ang maingat na pagpili ng mga salitang gagamitin upang
higit itong malinaw sa lahat. Kagaya na lamang sa pagpapahayag ng sanhi at
bunga, may mga hudyat na ginagamit upang maipahayag ito nang may
kalinawan.

11
Suriin Natin
Panuto: Sagutin ang sumusunod. Isulat mo sa sagutang papel ang titik na
may tamang sagot. Para sa bilang 1-2, piliin ang angkop na hudyat ng sanhi
at bunga sa pangungusap.

1. Hindi nawawalan ng pananalig si Gretchel sa Panginoon____ alam niyang


hindi Siya nito pababayaan.
A. bunga nito C. sapagkat
B. kaya D. upang
2. Sa kabila ng mga dagok sa buhay nanatiling matatag at masipag pa rin
ang kanilang pamilya____ naging matagumpay sila sa buhay.
A. bunga nito C. sapagkat
B. dahil D. upang
3. Sumulat ng talata si Joshua hinggil sa mga paraan upang malabanan ang
virus na Covid-19. Gumawa na siya ng buod ng kaniyang kabuoang
kaisipan hinggil sa paksa. Nag-iwan pa siya ng pahayag ng panghihikayat
upang mas lalong makumbinsi ang mga mambabasa sa pamamagitan ng
isang kasabihan.
Nasa anong bahagi na ng pagsulat ng talata si Joshua?
A. Panimula C. Simula
B. Gitna D. Wakas
4. Ano ang tamang ayos ng mga pangungusap upang makabuo ng
makabuluhang talata?

1. Sa halip, tingnan natin at bilangin ang mga biyayang mayroon tayo


ipinagkaloob sa atin ng Maykapal.
2. Ang maling ugaling ito ay kalimitang sumisira sa magandang
pagsasamahan.
3. Ang pagkainggit sa kapwa ay isa sa mga negatibong pag-uugaling dapat
nating iwaksi sa ating buhay.
4. Dapat hindi natin ikumpara ang ating sarili sa iba dahil may kaniya-kaniya
tayong katangian at kakayahan.

A. 3-1-4-2 C. 3-2-4-1
B. 3-4-2-1 D. 3-2-1-4

12
Para sa bilang 5-7.
(1) Si Baltog ang unang taong nakarating sa Bikol. Siya ay anak ng
hari ng Samar. (2) Nagtungo si Baltog sa Bikol at nagtatag ng kaharian niya
sa kagubatan ng Ibalon. (3) Ngunit nanganib ang kaharian sa isang
malaking baboy na kumakain ng tao at namiminsala ng mga pananim. (4)
Nilabanan ni Baltog ang baboy at dahil sa taglay niyang lakas at talino,
natalo niya ang hayop.

5. Anong bilang ng pangungusap ang nagpapahayag ng sanhi at bunga?


A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
6. Saan ang tagpuan sa binasang epiko?
A. Bikol B. Baltog C. baboy D. kaharian
7. Ano ang layunin ng sinalungguhitang pangungusap sa loob ng kahon?
A. naglalahad ng dahilan C. nagpapakita ng paghahambing
B. nagpapakilala ng tauhan D. nagsasalaysay ng pangyayari
8. “Si Bantog na batang-batang mandirigma at kaibigan ni Handiong ang
tumigpas sa leeg ni Rabut.”
Ano ang kahulugan ng salitang tumigpas batay sa binasang pangungusap?
A. humawak B. pumigil C. pumatay D. pumutol
9. Ang sumusunod ay nagpapahayag ng kawastuhan hinggil sa epiko,
maliban sa?
A. Ito ay ipinahahayag nang pasalita, patula, o paawit.
B. Karamihan ng mga rehiyon sa ating bansa ay may
maipagmamalaking epiko.
C. Punong-puno ng mahihiwagang bagay, kababalaghan, at mga
pangyayaring makatotohanan ang epiko.
D. Ang epiko ay isang uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan
at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao sa mga kaaway.

Para sa bilang 10.


Makalipas ang ilang taon, isang malaking kalabaw, kasama ng mga
pating na may pakpak at mga higanteng buwaya ang sumalakay sa Ibalon.
Matanda na si Baltog at wala nang lakas kaya hindi na niya kayang
maipagtanggol ang Ibalon.

10. Ang sumusunod ay maaaring maganap sa Ibalon batay sa mga pangyayari


sa loob ng kahon maliban sa?
A. Napatay ng mga halimaw si Baltog.
B. Magkakaroon ng panibagong pinuno sa kanilang lugar.
C. Magkakaroon ng kahusayan at kaunlaran ang Ibalon sa pagkamatay
ni Baltog.
D. Mababalot ng kalungkutan at panganib ang buhay ng bawat
nakatira sa Ibalon.

13
Payabungin Natin

Ang Epiko at ang Pamilyang Pilipino


Lantad na lantad sa epiko ang pagpapahalaga ni Tulalang sa
kaniyang pamilya, partikular sa kaniyang mga kapatid. Pinahahalagahan
niya ang kakayahan ng kaniyang dalawang kapatid na lalaki sapagkat
mahal niya ang mga ito. Natigil ang labanan nila Agio dahil nalaman niyang
magpipinsan pala sila. Ilang beses ding binanggit ang pagliligtas niya sa
kaisa-isang kapatid na babae na lagi nang tinatangay ng mga kaaway.
Masasalamin natin sa bahaging ito ng epiko na ang mga Pilipino ay
likas na mapagmahal sa pamilya at kamag-anak mula pa nang sinaunang
panahon. Kitang-kita pa rin natin ito hanggang sa kasalukuyan. Ang mag-
anak at magkakamag-anak ay may napakalalapit na ugnayan sa isa’t isa.
Karaniwan nang nagsasama-sama sila sa mga tanging okasyon, kung may
kasayahan, may problema at kung may namamatay.
Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan, Binagong Edsiyon 8 p. 104

Panuto: Sagutin ang sumusunod mula sa binasang teksto. Isulat mo sa


sagutang papel ang sagot.

1. Ano ang layunin ng binasang teksto?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Hanapin sa binasang teksto ang mga pangungusap na nagpapahayag ng


sanhi at bunga at uriin ito.

Sanhi Bunga
1.

2.

3. Ipaliwanag sa sariling karanasan ang kahulugan ng sinalungguhitang


pangungusap sa teksto sa itaas. Sumulat lamang ng 2-3 pangungusap.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

14
Pagnilayan Natin

Panuto: Bumuo ng isang talata. Tiyaking maayos ang pagkakahanay ng mga


kaisipan. Pagtuunan ng pansin ang simula, gitna, at wakas ng iyong talata.
Malaya kang makapamili ng anumang paksa batay sa iyong interes at lawak
ng iyong kaalaman.

Mga Pamantayan sa Pagsulat ng Talatang Naglalahad


ng Sariling Pananaw
3 2 1 Puntos
Napakalinaw ng Malinaw ang Hindi gaanong
paglalahad ng paksa paglalahad ng paksa at malinaw ang
at panig na panig na ipinaliliwanag. paglalahad ng paksa
ipinaliliwanag. at panig na
ipinaliliwanag.
Nagpakita ng Nagpakita ng mahusay Walang kaisahan ang
napakahusay na na kaisahan ng kaisipan ng talata
kaisahan ng kaisipan kaisipan ang talata mula sa simula, gitna,
ang talata mula sa mula sa simula gitna, at wakas.
simula, gitna at at wakas.
wakas.
Labis na Nakahihikayat ang Hindi nakahihikayat
mapanghikayat ang estilo ng paglalahad ng ang estilo ng
estilo ng paglalahad panig na sinasang- paglalahad ng panig
ng panig na sinasang- ayunan. na sinasang-ayunan.
ayunan.
Angkop na angkop ang May dalawa o higit Hindi angkop ang mga
mga salitang ginamit pang salitang hindi salitang ginamit at
at tama lahat ang mga angkop ang maraming mali sa
elementong pagkakagamit at may elementong
gramatikal. mga pagkakamali sa gramatikal.
elementong gramatikal.
Kabuoang Puntos

Interpretasyon:
9-12 Napakahusay 5-8 Mahusay 1-4 Katamtaman

15
16
Pagnilayan Payabungin Natin Suriin
Natin Natin
1. Ang layunin ng binasang teksto ay
Markahan paglalahad ng kaugnayan ng epiko sa 1. C
ang binuong pagmamahal ng pamilya bilang isa sa mga 2. A.
talata ng kulturang Pilipino. 3. D.
mag-aaral 4. C
batay sa 2. 5. D
pamantayang 6. A
inilahad sa Sanhi Bunga 7. B
rubrics. nalaman niyang natigil ang labanan 8. D
magpipinsan pala nila Agio 9. C
sila 10. C
mahal niya ang pinahahalagahan niya
mga ito ang kakayahan ng
kaniyang dalawang
kapatid
3. Hayaan ang mga mag-aaral na bumuo ng
kanilang sariling pagpapaliwanag batay sa
kanilang karanasan.
Sanayin Natin Gawin Aralin Subukin
4.
Natin Natin Natin
1.I
K 1. dahil 1. C 1. TAMA
P A 2. bunga 2. C 2. TAMA
I L nito 3. A 3. TAMA
3. upang 4. B
N U 4. MALI
4. dahilan 5. C
5. sapagkat 5. TAMA
A L
5. A G P U A N U
T
L W
3. A Y A N I A
B
2. A T A P A N G
M
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Infantado, Remedios, Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan,


Binagong Edisyon 8 (2018), Rex Book Store, Inc., Nicanor Reyes Sr. St.,
C.M. Recto Avenue, Manila, Philippines

Julian, Ailene Baisa, Del Rosario, Mary Grace G., Lontoc, Nestor S.
Pinagyamang Pluma, Ang Bagong Baitang 8 (2015),
Phoenix Publishing House, Inc. Philippine Education Publisher
Association, 927 Quezon Ave., Quezon City

17
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI


F. Torres St., Davao City
Telefax:
Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like