You are on page 1of 17

9

Filipino
Unang Markahan
Sariling Linangan Kit 4:
Sanaysay
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Unang Markahan – Sariling Linangan Kit 4: Sanaysay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Allan G. Farnazo


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Sariling Linangan Kit


Manunulat: Avelino T. Gapol, Emily Bayla
Editor: Phelma O. Camacho
Tagasuri: Rene P. Sultan/Phelma O. Camacho
Tagaguhit: Hareld O. Candari/Jemar D. Alinabo
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Mary Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon XI


Sangay ng Lungsod ng Davao
Daang E. Quirino, Lungsod Davao
Telepono Bilang (082) 2274726
9

Filipino
Unang Markahan
Sariling Linangan Kit 4:
Sanaysay
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan Kit
na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa SLK.
Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung may mga bahagi ng SLK na ito na nahihirapan ka sa
pagsagot, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Sa pag-aaral mo ng SLK na ito, maisakatuparan mo ang sumusunod:


1. naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan;
2. nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa
napanood na debate o kauri nito;
3. nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw;
at
4. naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga datos o hindi dapat na
katangian ng kabataang Asyano.

Subukin Natin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na tanong.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang dalawang sangkap na makikita sa salitang sanaysay ayon


kay Alejandro G. Abadilla?
a. pasalaysay at sanay c. sanaysay at sanay
b. salaysay at sanay d. pagsasanay at sanay

2. Ano-ano ang dalawang uri ng sanaysay?


a. pormal at impormal c. pamilyar o palagayan
b. pormal at maanyo d. pamilyar o impormal

3. Anong uri ng pagsulat ng sanaysay ang ginagamit sa paglalarawan ng


isang tao, bagay, lugar, pangyayari, damdamin, sitwasyon at iba pa?
a. sanaysay na naglalahad c. sanaysay na nagsasalaysay
b. sanaysay na naglalarawan d. sanaysay na nangangatuwiran

4. Anong uri naman ng pagsulat ng sanaysay ang matamang nagsusuri


sa isang paksa, nangongolekta ng datos, nakalilikha at
nakapagsusuri ng mga ebidensya at nakapagpapatibay ng tindig o
panig ng isang paksa sa tiyak na paraan sa pagbuo ng argumento?
a. sanaysay na nagsasalaysay c. sanaysay na nangangatuwiran
b. sanaysay na naglalahad d. sanaysay na naglalarawan

5. Sino ang nagsabi na ang sanaysay ay pagtatangka o pagsubok sa


bagong larangan ng panitikan?
a. Alejandro G. Abadilla c. Michael de Montaigne
b. Lilia Santiago d. Francis Bacon

1
Aralin Natin

Panuto: Basahin mo ang sanaysay at sagutin ang sumusunod na tanong.


Isulat mo sa sagutang papel ang sagot.

Kay Estella Zeehandelaar


(Panitikang Indonesian)
Mula sa mga liham ng isang Prinsesang Javanese
Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo

Japara, Mayo 25, 1899


Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng moderno,” iyong
babaeng malaya, nakakapagmamalaki’t makaaakit ng aking loob! Iyong
masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay,
puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling
kapakanan at kaligayahan kundi maging ang kabutihan ng buong
sangkatauhan.
Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong
panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga
katutubo, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na
tumatanaw sa malayong Kanluran.
Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala
akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang aking sarili sa mga
nagtatrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europa; subalit
nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaring suwayin. Balang
araw maaring lumawig ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang malayo
pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon,
ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na henerasyon. Alam mo ba kung
paano mahalin ang bago at batang panahong ito nang buong puso’t
kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng
sariling bayan? Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para
sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon namin. Wala akong
iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga
lumang tradisyon namin. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong
iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay
pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang
pagmamahal na inuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga
taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba
akong wasakin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi
pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin nang buong
pagsuyo?
Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo,
marikit at bagong- silang na Europa ay nagtutulak sa aking maghangad ng
mga pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y
may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon;” may
isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maabot ng aking

2
pang-unawa. Gumigising ito sa akin para hangarin ang pagsasarili at
kalayaan – isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso ko’y
sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong
lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan.
Patuloy na lumalapit ang mga tinig na galing sa malalayong lupain,
umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa
kalungkutan ng iba, dala nito ang binhing sumupling sa aking puso, nag-
ugat, sumibol hanggang sa lumakas at sumigla.
Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang
magkakilala tayo.
Panganay ako sa tatlong babaeng anak ng Regent ng Japara. Ako’y
may anim na kapatid na lalaki at babae. Ang lolo kong Pangeran Ario
Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo
noong kapanahunan niya. Siya rin ang kauna-unahang regent ng gitnang
Java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat –
ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong
European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig
o umibig sa kaunlarang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa
mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo.
Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay
nag-aral sa Hoogere-Burger School, ang pinakamataas na institusyon ng
karunungang matatagpuan dito sa Java. Ang bunso sa tatlong
nakatatandang kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa
Netherlands, at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa
pa. Samantala, kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng
pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan ng aming mga
lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin
ang mga babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay araw-araw para
pumasok sa eskwela. Ipinagbabawal ng aming kaugalian na lumabas man
lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saanman,
liban lamang kung sa paaralan, at ang tanging lugar ng pagtuturong
maipagmamalaki ng siyudad namin na bukas sa mga babae ang libreng
grammar school ng mga European.
Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay
itinali sa bahay – kinailangang “ikahon” ako. Ikinulong ako at
pinagbawalang makipag-ugnayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang
mundong hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang
mapapangasawang estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili ng mga
magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko
namamalayan. Noong bandang huli, nalaman kong tinangka ng mga
kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko
para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala
silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang
tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makakapal
na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas.
Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging
kaligayahang naiwan sa aki’y ang pagbabasa ng mga librong Dutch at ang
pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito-
ito lamang ang nag-iisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip

3
na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay lalo ng naging kaawa-awa
ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t
kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapaligtas – ang Diwa ng
Panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig
sa paglapit niya ang palalo’t matatag na balangkas ng mga lumang
tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba,
ang iba nama’y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at ipinasok
ang mga inanyayahang panauhin.
Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y
maglabing-anim na taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking
kulungan nang malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom.
At mabilis pang sumunod ang mga pangyayring nagpabalik sa aming mga
babae ng mga nawala naming kalayaan.
Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang
Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng Netherlands), opisyal na inihandog sa
amin ng mga magulang namin ang aming kalayaan. Sa kauna-unahang
pagkakataon sa aming buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan namin
at pumunta sa siyudad na pinagdarausan ng pagdiriwang para sa okasyong
iyon. Anong dakilang tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga kabataang
babaeng tulad namin ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon.
Nasindak ang “mundo;” naging usap-usapan ang krimeng iyon na dito’y
wala pang nakagagawa. Nagsaya ang aming mga kaibigang European, at
para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi
pa ako nasisiyahan. Lagi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo.
Wala akong hangaring makipamista, o maglibang. Hindi iyon ang dahilan
ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong maging malaya
upang makatayo nang mag-isa, mag-aral, hindi para mapailalim sa
sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan.
Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-
aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng
Muslim; ito ang pinakamalaking kahihiyang maipagkakaloob ng isang
katutubong babae sa kaniyang pamilya.
At ang pag-aasawa para sa amin, mababaw pa ngang ekspresyon ang
sabihing miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila
ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at
hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng
kaluwaga’y para sa kaniya lang?

Halaw mula sa Modyul 9 pahina 52-55

Mga pamprosesong tanong:


1. Sino si Estella Zeehandelaar?
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

4
2. Bigyan ng sarili interpretasyon ang pahayag na “Kung pahihintulutan
lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang
ipagkaloob ang aking sarili sa mga nagtatrabaho’t nagsisikap na bagong
kababaihan ng Europa; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi
maaring suwayin.”
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
3. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng prinsesa, ano ang gagawin mo upang
matulungan ang kababaihan sa inyong lugar? Patunayan ang iyong
sagot.
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
4. Paano inilarawan ang kahinaan at kalakasan ng pangunahing tauhan sa
akda? Ipaliwanag kung paano labanan ng tao ang kahinaan at kung kailan
dapat gamitin ang kalakasan nito?
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

5. Anong kaisipan ang namamayani sa sanaysay na binasa?


___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

Alam mo ba na…
Ang pang-ugnay ay nauuri rin bilang mga salitang pangkayarian. May
tatlong uri ng pang-ugnay: pangatnig, pang-angkop at pang-ukol.
Ang mga pang-ugnay ay ang sumusunod:
A. Pangatnig (conjunction) – mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita,
parirala, o sugnay. Halimbawa: tulad ng, kahit
na, dahil sa, kasi, palibhasa, bukod-tangi,
at iba pa.
B. Pang-angkop (ligature) – mga katagang nag-uugnay sa panuring at
salitang tinuturingan. Halimbawa: na, ng, at iba
pa.
C. Pang-ukol (preposition) – mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan
sa iba pang salita. Halimbawa: ang/si,
ng/ni/kay, ayon sa/ayon kay, para sa/para
kay, hinggil sa/hinggil kay, at iba pa.

5
Gawin Natin

Panuto: Magtala ng dalawang katangiang dapat taglayin at di dapat taglayin


ng isang kabataang Asyo sa talahanayan. Pagkatapos, magbigay ng sariling
opinyon hinggil dito sa pamamagitan ng dalawang talata at gumamit ng mga
pang-uugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw. Gayahin mo ang pormat
at isulat sa sagutang papel ang sagot.

Dapat Taglayin ng Kabataang Di-dapat Taglayin ng Kabataang


Asyano Asyano

Paglalahad ng sariling pananaw:


_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

Sanayin Natin

A. Panuto: Piliin sa hanay B ang pinakamalapit na kahulugan ng mga


pahayag sa hanay A. Isulat mo sa sagutang papel ang tamang sagot .
A B

___1. “May karapatan ba akong wasakin ang a. alam niya sa


puso ng mga taong walang naibigay sa akin kaniyang sarili na
mundo kundi pagmamahal at kabutihan?” may iba siyang
nais galawan.

6
___2. “Totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako b. Ang kinagisnang
nabibilang sa daigdig ng mga European” paniniwala ay
kinakailangang
sundin sa ayaw
man niya’t gusto.
___3. “Nakatali ako sa mga lumang tradisyon c. Di niya
na hindi maaaring suwayin”. magagawang
sawayin ang mga
taong nagmamahal
sa kaniya.
___4. “Tuwirang sumasalungat sa mga d. Magkaibang-
kaunlarang hinahangad ko para sa aking magkaiba ang
mga kababayan ang lahat ng mga institusyon ninanais ng
namin”. prinsesa para sa
kaniyang mga
kababayan. Ang
kanilang
pamahalaan,
simbahan maging
ang kaniyang
pamilya.
___5. “Apat na mahabang taon ang tinagal ko sa e. Mistulang bilanggo
pagitan ng makapal na pader at hindi ko ang mundo ng
nasilayan minsan man ang mundong nasa labas”. prinsesa dahil sa
kanilang
tradisyon.

B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang pang-ugnay na bubuo sa diwa ng


pangungusap. Isulat mo sa sagutang papel ang tamang sagot.

ngunit at
upang subalit

6. Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong


ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang aking sarili sa mga nagtatrabaho’t
nagsisikap na bagong kababaihan ng Europa; ______________nakatali ako
sa mga lumang tradisyong hindi maaring suwayin.
7. Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili
_______magkakilala tayo.

7
8. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba
nama’y pilit at bahagya lamang ____________bumukas pa rin at ipinasok
ang mga inanyayahang panauhin.
9. Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-
anim na taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang
malaya ______ hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom.
10. Nagsaya ang aming mga kaibigang European, at para naman sa amin,
walang reynang yayaman pa sa amin. __________hindi pa ako
nasisiyahan.

Tandaan Natin

Malaki ang papel na ginagampanan ng kababaihan sa lipunan. Sa


kabila ng mga suliranin na kanilang hinaharap sa lipunan ay nararapat
lamang na kilalanin ang mga kababaihan sa pamamagitan ng pagpapahalaga
sa kanilang papel na ginagampanan at upang maingat ang pagtingin ng mga
tao sa kanilang kakayahan at kasanayan. Kung ang lahat ng tao, babae man
o lalaki ay magbibigay respeto sa pagkakaiba-iba ng kasarian, malaki ang
ating magagawa tungo sa pagkamit ng pagkakapantay-pantay ng
sangkatauhan.

Suriin Natin

Panuto: Magsaliksik ng isang halimbawa ng debate sa internet o makinig sa


radyo tungkol sa kababaihan noon at ngayon. Maaaring gamitin o buksan
ang URL na https:// www. Youtube .com /results? search_query= debate+
tungkol+ sa+kababaihan upang makakita ng mga debate na may kaugnayan
sa paksa. Sagutin ang gabay na tanong at isulat mo sa sagutang papel ang
sagot.
1. Ano ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa napanood
o napakinggan na debate?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

8
Payabungin Natin

A. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng mga salitang may


salungguhit sa pangungusap. Pagkatapos, ipaliwanag ang kahulugan ng
salita. Isulat mo sa sagutang papel ang tamang sagot.

a. malaya sa sinaunang tradisyon


b. makabago
c. pinapasisidhi
d. lumaya sa pagkakabilanggo
e. nakasanayang gawin

_____1. Ibig na ibig kong makakilala ng isang babaeng moderno.


__________________________________________________________________
_________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

_____2. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig


ang salitang emansipasyon; may isang naiibang kabuluhan ito,
isang kahulugang hindi maabot ng aking pang-unawa.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

_____3. Balang araw, maaaring lumuwag ang tali at kami’y makalaya sa


pagkakaalipin.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

_____4. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t


kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskwela.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

_____5. Ang puso ko’y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin


at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising
ang aking bayan.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

9
B. Panuto: Suriin ang mga pahayag kung ano ang nais ipakahulugan nito.
Isulat mo sa sagutang papel ang tamang sagot.

a. maraming pangarap sa buhay


b. may kaisipang malaya
c. hindi madaling mawalan ng pag-asa
d. may malasakit sa kapwa
e. matapang at may sariling paninindigan

_____6. Balang araw maaaring lumawig ang tali at kami’y pawalan, ngunit
lubhang malayo pa ang panahong iyon.
_____7. Nagsaya ang aming mga kaibigang European, at para naman sa amin,
walang reynang yayaman pa sa amin.
_____8. Wala akong iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa ng paraang
malabanan ang mga lumang tradisyon namin.
_____9. Ibig kong maging malaya upang makatayo nang mag-isa, mag-aral,
hindi para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-
asawahin nang sapilitan.
_____10. Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala
akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang aking sarili sa mga
nagtatrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europa; subalit
nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin.

Pagnilayan Natin

Panuto: Sumulat ng dalawang talata tungkol sa tanong na “Marami bang


kabataang Asyano ang nagtatanong tungkol sa kanilang pananampalataya?
Ano ang implikasyon nito sa mga taong nakapaligid sa kanila? at gumamit ng
mga pang-ugnay sa pagbibigay ng sariling pananaw. Isulat mo sa sagutang
papel ang sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

10
11
Sanayin
Natin
A.
1. C
2. A
3. B
4. D
5. E
B.
6. subalit
7. upang
Payabungin Natin 8. ngunit
9. at
A. 10. subalit
1. B
2. A
3. D
4. E
5. C
Subukin Natin
B.
1. B
6. C
2. A
7. A
3. B
8. E
4. C
9. B
5. C
10.D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Peralta, R., et al, Panitikang Asyano –Modyul ng Mag-aaral sa Filipino


9, (2014), Department of Education: Bureau of Learning Resources
(DepEd-BLR), Pasig City, Philippines.
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI


F. Torres St., Davao City
Telefax:
Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like