You are on page 1of 28

11

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Isip ay Palawigin: Pagpapaliwanag sa
mga Kaisipan sa Teksto
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Isip ay Palawigin: Pagpapaliwanag sa mga Kaisipan sa
Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon XI, Pilipinas

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jhassie T. Vivas
Editor: Marlyn A. Publico
Tagasuri: Jesyl F. Avanceña
Tagaguhit: Jonathan A. Pines
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz

Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero Dee D. Silva
Mary Jeanne B. Aldeguer Eduard C. Amoguis
Analiza C. Almazan Ernie M. Aguan/
Marilyn E. Sumicad
Ma.Cielo D. Estrada Lourdes A. Navarro
Mary Jane M. Mejorada Marlyn A. Publico

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Davao del Norte
Office Address: DepEd Building, Provincial Government Center
Mankilam, Tagum City, Davao del Norte, Region XI 8100
Telefax: (084) 216 0188
E-mail Address: depeddavnor.lrms@deped.gov.ph
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Isip ay Palawigin: Pagpapaliwanag sa
mga Kaisipan sa Teksto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring
sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.

Kung mayroon kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga


inilaang gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

PAGE \* MERGEFORMAT ii
Alamin Natin

Ang pagbasa ay isa sa mga makrong kasanayang pangwika na


napakahalaga sa buhay ng tao. Sa pamamagitan ng pagbasa ay
nakakakalap siya ng impormasyon, napalalawak niya ang kaniyang isipan,
at napauunlad ang sarili bunga ng iba’t ibang aral at karunungang
kaniyang nahuhugot mula rito.

Ang gawaing pagbasa ay hindi ganoon kadali, sapagkat hindi lamang


ito nagtatapos sa simpleng pagkilala ng mga titik at tamang pagbigkas ng
bawat salita, kung hindi lalo’t higit sa pag-unawa ng mga nakakubling
kaisipan at mensahe na siyang pinakagitna ng gawaing pagbasa.

Ang pagpapaliwanag sa mga kaisipang nakapaloob sa teksto ay isang


mainam na paraan upang masuri at masukat ang iyong kaalaman at pag-
unawa nito. Kung maipahahayag mo ito gamit ang sariling salita at
maibabahagi ang sariling pagkukuro kaugnay ng mga kaisipan sa loob ng
teksto, isang katiyakan na naging mabisa at matagumpay ang iyong
pagbabasa.

Sa tulong ng iyong mapanuri at malikhang pag-iisip, mapalalawig mo


pa ang ipinahihiwatig na mensahe o kaisipan ng teksto na maaaring
mapagkukunan din ng ideya at aral ng iba.

Sa bahaging ito ng iyong pag-aaral sa modyul 5, magkakaroon ka ng


pagkakataong maisasakatuparan ang kasanayang pampagkatuto sa ibaba:

 Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.


(F11PS – IIIf – 92)

Ihanda na ang sariling matuto at hasain ang kasanayang taglay!


Balang araw aanihin mo rin ang iyong mga pinaghihirapan! Maging ang mga
kaalaman at karunungan sa modyul na ito ay lubos mong magagamit sa
mga tiyak na sitwasyon ng iyong buhay.

Kalakip ng mga talakayan ay mga gawain at pagsasanay na susukat


sa iyong kakayahan tungo sa pagpapaangat ng husay sa gawaing pangwika.
Maligayang pagkatuto!

PAGE \* MERGEFORMAT 23
Subukin Natin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tula sa ibaba. Subuking alamin


ang mensahe o diwa ng tula at ipaliwanag ito batay sa sariling buhay o
pagkatao. Ipahayag ang iyong repleksiyon sa kasunod na pahina.

Isang Punong-kahoy
ni Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook, Ang kampana sa tuwing orasyon,


Ako’y tila isang nakadipang kurus; Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy
Sa napakatagal na pagkakaluhod, Ibong sa sanga ko’y may tabing ng dahon
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos. Batis sa paa ko’y may luha ng daloy.

Organo sa loob ng simbahan Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,


Ay nananalangin sa kapighatian, Natuyo, namatay, sa sariling aliw,
Habang ang kandila ng sariling buhay Naging kurus ako ng pagsuyong laing,
Magdamag na tanod sa aking libingan. At bangkay sa hukay sa gitna ng dilim.

Sa aking paanan ay may isang batis, Wala na, ang gabi ay lumbong na luksa,
Maghapo’t magdamag na nagtutumangis; Panakip sa aking namumuktong mukha!
Sa mga sanga ko ay nangagkasabit Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig. Ni ibon, ni tao’y hindi na natuwa.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, At iyong isipin ang nagdaang araw,


Asa mo ri’y agos ng luhang nunukal; Isang kahoy akong malago’t malabay.
At saka ang buwang tila nagdarasal, Ngayon ang sanga ko’y kurus sa libingan,
Ako’y binabati ng ngiting malamlam. Dahon koy ginawang korona sa buhay.

PAGE \* MERGEFORMAT 23
A. Piliin mula sa kahon ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit
sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

a. pagdadalamhati b. pag-iyak o paghagulhol

c. matinding paghihirap ng kalooban

d. mayabong e. walang sigla f. natumba

g. lilitaw o lalabas

1. Organo sa loob ng simbahan, ay nananalangin sa kapighatian


2. Sa aking paanan ay may isang batis, maghapo’t magdamag na
nagtutumangis
3. Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, asa mo ri’y agos ng luhang
nunukal
4. At saka ang buwang tila nagdarasal, ako’y binabati ng ngiting
malamlam
5. Ang kampana sa tuwing orasyon, nagpapahiwatig sa akin ng taghoy
6. Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga, ni ibon, ni tao’y hindi na natuwa
7. At iyong isipin ang nagdaang araw, isang kahoy akong malago’t
malabay

B. Magtala ng mga kaisipang nakapaloob sa tulang binasa. Isulat ito


sa loob ng hugis.

MGA KAISIPANG NAKAPALOOB SA TULA

______________________________________
______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________
______________________________________

PAGE \* MERGEFORMAT 23
C. Ilahad ang iyong repleksiyon mula sa tulang binasa. Iugnay ang
mga kaisipang nakuha batay sa sariling buhay o pagkatao.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Aralin Natin

PAGE \* MERGEFORMAT 23
Halina! Pag-aralan mo ang paksa sa ibaba upang mas mapalalawak pa ang
iyong kaalaman sa pagpapaliwanag sa mga kaisipang nakapaloob sa teksto.

Kaakibat ng gawaing pagbasa ay ang pag-unawa sa nilalaman nito.


Bawat teksto ay may natatanging katangian na nagpapaliwanag tungkol sa
mahahalagang bagay na may kinalaman sa makabuluhang paksa. Upang
maisagawa ito, dapat mong alamin ang mga importanteng detalye na
nakatutulong sa iyong mabilis na pag-intindi sa mensahe at layunin ng
tekstong iyong binabasa. Simulan na natin!

Ang Pangunahing Paksa at Pantulong na mga Ideya

Bawat tekstong ating nababasa ay binubuo ng mga pangungusap at


talata. Ang mga pangungusap at mga talatang ito ay nagkakaisa upang
magpahayag ng kolaboratibong layunin at mensahe. Ang mga pangungusap
na ito ay maaaring ang pangunahing paksa o mga pantulong na mga ideya
ng teksto.
Ang isang gawaing pangkaraniwang bahagi na ng buhay ng isang
mag-aaral ay ang pagbasa ng iba’t ibang uri ng babasahing maaaring
kinakailangan o hindi sa kaniyang patuloy na pagkatuto. Kapag ang isang
tao ay nagbabasa, madali niyang matutukoy ang pahiwatig ng may-akda sa
pamamagitan ng pagkilala sa mga pangunahing paksa at pantulong na
ideya.

Ang pangunahing paksa ay ang bahaging sumasagot sa tanong na:


“Tungkol saan ang teksto?” o “Ano ang paksa o mensaheng gustong ipaaabot
ng talata?”. Taglay ng pangunahing paksa ang mensaheng nais na
ipararating ng teksto. Ito ay ang pangunahing tema o paksang pinag-
uusapan sa anumang tekstong naglalahad ng mahalagang paksa. Ito ang
pinakabatayan ng mga detalyeng inilalahad sa isang teksto sapagkat dito
umiikot ang paglalahad ng mga impormasyon na nais bigyang-diin ng
manunulat. Inilalahad nito ang pinakasentro ng kaisipan sa pamamagitan
ng isang buong pangungusap o pahayag na mababasa kadalasan sa unang
bahagi ng teksto at minsan sa gitnang bahagi ng nilalaman at sa wakas o
konklusyon na bahagi. Ito rin ang pinakadiwa ng isang teksto na
kinasasangkutan ng mga sangay o kawing-kawing na kaisipan at
impormasyon na siyang kapapalooban ng nilalaman o suportang detalye.

Ang mga pantulong na detalye naman ay ang nagbibigay-linaw sa


mensahe o nagsasaad ng mga detalye upang higit itong mauunawaan ng
mga mambabasa. Ito ay mahahalagang kaisipan na tumatalakay at
nagpapaliwanag sa kung saan napapatungkol ang paksang pinag-uusapan
sa isang teksto. Dito inilalahad ang mga impormasyon at kaisipang
tumatalakay sa paksang pinag-uusapan na kinapapalooban sa nilalaman
ng kabuoang teksto. Dahil sa ito ang mga kaisipang tumatalakay sa paksa,

PAGE \* MERGEFORMAT 23
ito rin ang mahabang bahagi na makikita sa teksto. Samakatuwid, ang
suportang detalye ay ang batayan ng paksang pangungusap batay sa kung
ano ang layunin ng teksto.

Layunin ng Teksto

Halos lahat ng tekstong may paksang tinatalakay ay may layuning


nais na ipababatid sa mga mambabasa. Nagsasaad ito kung ano ang nais
na ipabatid ng isang manunulat sa kaniyang mga mambabasa at paano ito
magkakaroon ng impak o dating sa mga bumasa ng kaniyang teksto.

Makatutulong sa mga mambabasa na matukoy ang layunin ng


tekstong binabasa. Mahalaga ito upang magkakaroon ang mambabasa ng
kaalaman kung ano ang nais na ipahiwatig ng awtor sa kaniyang tekstong
isinulat. Ang mga teskto ay maaaring may layuning manlibang,
manghikayat, mang-aliw, magbigay ng opinyon, magpaliwanag o magbigay
ng impormasyon, magbahagi ng isang paniniwala o prinsipyo, magtanggol,
mangaral at iba pa. May mga pagkakataon na ang isang teksto ay may
dalawa o higit pang layunin. Halimbawa, may mga tekstong nagbibigay ng
impormasyon habang nanghihikayat. May mga teksto ring ang layunin ay
magpatawa ngunit nagbibigay ng aral sa mga mambabasa.

Pagpapaliwag sa mga Kaisipan sa Teksto

Bawat teksto ay binubuo ng mga kaisipang maingat na isinaayos ng


manunulat upang makalilikha ng iisang mensahe na maaaring
magpagkukunan ng impormasyon at karunungan ng mambabasa. Sa
pamamagitan ng pagtukoy sa mga kaisipang nakapaloob sa teksto na
maaaring ang pangunahing paksa o mga pantulong na detalye, mas
mapadadali ang pagkuha sa layunin ng manunulat lalo na ang mensahe na
nais nitong ipabatid.

Ang pagpapaliwanag sa mga kaisipang ito ay paraan upang


maiuugnay ang iyong nakuhang kaalaman at maipahahayag ang iyong
sariling pagkukuro mula sa binasang teksto. Sa tulong nito, nagkakaroon
ng isang buhay na interaksiyon sa pagitan ng manunulat at mambabasa
kahit na hindi sila literal na nagkakausap.

Gawin Natin

PAGE \* MERGEFORMAT 23
Panuto: Basahin at unawain ang teksto sa ibaba at ilahad ang pangunahing
paksa at mga pantulong na detalye. Isulat ito sa loob ng graphic organizer.

Buhay na Buhay ang Puno ng Buhay


ni Tyrael Gabriel Angelo C. Domer

Mayroon daw malaking pagkakaiba ang punong niyog, o ang tinaguriang


“puno ng buhay” sa ibang mga prutas at puno. Dito raw ay walang maitatapon
sapagkat mula dahon hanggang ugat ay may sari – sariling mga gamit. Mula sa
mga ugat ay nakagagamot ito sa pananakit ng kasu – kasuan at iba pa, at ang
katawa’y ginagamit sa pagpapatayo ng mga gusali’t bahay. Ang mga bao ng
niyog at dahon ay ginagawang mga palamuti’t dekorasyon, at dagdag pa, ang
mismong prutas na paboritong kainin ng marami.
Talaga namang may iba’t ibang sari – sariling mga gamit ang bawat
bahagi ng punong niyog, mula sa dahon, katawan, bao, ugat hanggang sa
prutas. Ang bao’y pinagmumulan ng mga produktong bunot at walis. Ang dahon
nama’y ginagamit na palamuti sa ibang mga kabahayan pati na sa mga tuluyan.
Ang mismong bunga nama’y may samu’t saring gamit din: pinagkukunan ng
langis ang bunga nitong ihinahalo sa mga inumin bilang gamot. Ang sabaw ay
karaniwang pinapainom sa mga nakararanas ng panunuyo’t pananakit ng
lalamunan, balat, hirap sa pag-ihi’t pagdumi, bulutong, at iba pa. Ang maputing
laman ng prutas ay kinakain din at pinanggagalingan ng protina’t iba pang mga
bitamina’t mineral. Ang sahog nito’y ginagamit sa mga putahe tulad ng sinigang.
Angkop nga namang tawaging “puno ng buhay” ang punong niyog.
Nagagamit nang lubos ang lahat ng inihahandog ng bawat bahagi ng punong
ito’t isa ito sa mga likas na yaman kung saan tunay na mayaman ang Pilipinas.

https://nadsfil9qmgasanaysay.wordpress.com/2016/03/06/buhay-na-buhay-
ang-puno-ng-buhay/

Pangunahing Paksa

Sanayin Natin
Basahin at suriin ang kuwento sa ibaba. Isagawa ang mga gawain
pagkatapos ng pagbabasa.

PAGE \* MERGEFORMAT 23
ANG PAG-UWI
ni Genoveva Edroza - Matute

Masigla ang pagpukpok ni Endong sa suwelas ng ginagawa niyang sapatos.


Sinusundan niya ito ng pagsipol at ng pag-uga ng ulo. Tumilapon ang
munting pako at iyon ay gumulong hanggang sa may pintuan. Dumampot siya ng
ilan at iniipit ang mga iyon sa kaniyang mga labi. Natigil ang kaniyang pagsipol
ngunit nagpatuloy ang pag-uga ng kaniyang ulo sa pagsunod sa kaniyang
pagpupukpok.
Isang anino buhat sa pintuan ang tumakip sa luma’t ukit-ukit na katangan
niya ng sapatos.
“Nasira ho ang hibilya ng sapatos ng anak ko,” ang sabi ng babaing sa ayos
ay humigit-kumulang sa limampung taong gulang.
“Halikayo, tuloy kayo… ‘mupo muna kayo… Sandali la’ng ho ‘to,” ang
sunod-sunod na sabi ni Endong matapos maibuga sa kanang palad ang maliit na
pako.
Bago niya sinimulan ang pag-aayos ng hibilya, maingat na muna niyang
kinuha sa ilalim ng mesitang malapit sa kaniyang katangan ang isang nakabalot
na bagay. Buong ingat niyang inalis ang balot at iniabot sa babae.
“Mano’d muna kayo ng album, aling ano, para ‘di kayo mainip.”
Inabot ng babae ang album. Walang malasakit at lalong walang kasabikan
iyon sa sunod-sunod na pagbuklat niya ng album.
“Ang..ang suot-kadete ho sa bandang una,” ang sabi Endong, “ay kapatid
ko.”
Marahan lamang ang titig ni Endong. Mababa, marahan, karaniwan. Ngunit
napatinging mabuti ang babae sa nagsasalita: gayon na lamang ang pagmamalaki
sa tinig na niyon. Nagbalik ang paningin ng babae sa larawan. “Ang…suot-kadete
ho sa bandang una,” ang sabi Endong, “ay kapatid ko.”
Naroroon din ang mga matang may kasingkitan ng sapatero. Ang ilong na
katamtaman ang laki. Ang mga labing may kakapalan. Ngunit wala sa sapatero
ang kinis ng balat ng nakalarawan. Ang tikas at tindig niyon. Ang kaputian ng
balat.
Nagsimulang mapansin ng babae na ang karamihan ng mga larawang nasa
album ay sa sinasabing kadete.
“’Yan ho ang litrato ng klase nila sa Baguio,” ang patuloy ng sapatero. “Ang
‘sa naming ‘yan e nang magkaro’n ng sayawan. ‘to ho nang premyuhan sila sa
galing nilang magmartsa. ‘to naman, ho, kaibigan ng Aniel…”
“Aniel?”
“’to hong kapatid ko…”
Mula sa madilim na kusina, isang matandang lalaki ang sumungaw.
“Asus, at ‘pinakikita mo na naman ba ang mga litratong ‘yan ng kaputol mo,
ha,” ang pagtatanong ng matanda’y may kahalong pagtatawa.
“Ho?... A…e…para la’ng ‘ka ko huwag siyang mainip, Tatang. Kakunat ng
‘bilyang ‘are e…”
Maya-maya pa’y nagkadalawa na ang nagbabalita sa babae tungkol sa nasa
larawan.

PAGE \* MERGEFORMAT 23
“Naku, oho nga Misis.” At nangniningning ang mga mata ng sapatero. “Ke
katalas ng ulo ng ‘sang ‘to.” Marahan at kimi ang tawang sumunod, “di gaya ko,
apat na grado lang e, natigil na.”
Matamang pinagmasdan ng babae ang mag-ama, pagkatapos ang nasa
larawan. Kitang-kita niyang ang buong daigdig ng mag-ama’y nakapaligid sa
nakalarawan: ito ang buong kahulugan ng buhay sa kanila.
Nagtagal ang pag-aayos ng hibilya ng sapatos.
“Kung me awa’ng D’yos sa taong ‘to, tapos na ang Aniel,” anang matanda.
“Aba, ‘alang duda ‘yon, tatang,” anang sapatero. “Di pa nalalagpak ang
Aniel, minsan man.”
Isang ngiting tigib ng pagmamalaki ang gumuhit sa labi ng matanda,
samantalang ibinabalik sa babae ang nanlalabo nang paningin.
“Ang problema la’ng, Endong, baka manibago rine sa probinsiya ang
kaputol…e kainit dito e…”
“Katagal na ho kasi sa Baguio ng kaputol ko, misis e,” ang baling na
paliwanag ng sapatero sa babae. “Buhat nang mag-aral du’n e, ilang beses la’ng
nauuwi rine… ilang nga lang, tatang?”
“Dadal’wa ‘ta… katagal nang ‘di nauuwi ng Aniel.”
Nagpaypay nang sunod-sunod ang babae.
“Asus, ang ‘ibilya,” ang napabiglang sabi ng matanda, “haplitin mo anak,
ang paggawa, kahiya-hiya sa kanila.”
Nagtawanan ang tatlo.
“A, hindi ho bale,” ang sabi ng babae. “Nawili rin ho ako sa inyong kuwento
e. Saka, diyan lang ho naman ako sa tapat ninyo e…”
Nagulat ang mag-ama sa sinabi ng babae.
“Nagbabakasyon ho kaming mag-anak sa mga biyenan ko riyan.” ang
paliwanag ng babae.
“Asus at ikaw baga ang napangasawa ng Sente, ha?” ang tanong ng
matandang sinagot ng tango ng babae.
“Kayo ho pala’ng manugang ng mga Ba Selo at Da Inta,” anang sapatero.
“Medyo kamag-anak pa ho namin ng Tatang ang mga b’yenan n’yo a.”
Kinabukasan din, samantalang nakadungaw ang babae sa bahay nina Ba
Selo, tumigil sa tapat niya ang mga nagmamadaling hakbang ng sapatero.
“Naku, alam n’yo ba, Misis, ang kaputol ko ‘ho, ‘yong nakita n’yo sa album
kahapon… uuwi rito sa Linggo.” Halos hindi magkandatuto sa pagbabalita ang
sapatero.
“Siya nga aba? Aba, bakit? Tapos na ba ng pag-aaral?”
“Di pa ho, sa Abril pa…pero uuwi raw sa Linggo… sabi sa sulat sa ‘min ng
tatang ko… Kangina la’ng dumating. Uuwi dahil malapit na’ng pista rine…”
“A, ang ibig mo bang sabihin, hihintayin na tuloy ang pista rito?”
“di ho, Misis, babalik ho uli sa Baguio, bago magpista rine. Ang lagay e… me
balak ho ‘atang magdala rine ng mga kaibigang kadete… sa pistang-bayan.”
Ang isa pang pares na sapatos na dinala ng babae kay Endong ay hindi na
ito nagawa.
“Apurahan ho ‘ata. Misis, ‘di ko ho magagawa…”
“Dangan kasi ho, inaayos ng ‘sang ‘are ang k’wartong tutuluyan ng kaputol
‘nya… saka hinahaplit matapos ang katre, saka ‘sang mesitang mapagkakanan ng
Aniel…”

PAGE \* MERGEFORMAT 23
“Hindi naman apurahan ito, Endong, kahit kailan mo gawin. Tutulungan ko
tuloy kayo sa pag-aayos kung ibig ninyo,” anang babae, “ayaw rin lamang akong
pagawain diyan sa mga biyenan ko…bakasyon ko raw naman.”
“Kahiya-hiya naman ‘ata…”
“Asus, nagbabakasyon e, sasabak ng trabaho rine…”
“Para naman kayong hindi kamag-anak ng mga biyenan ko… basta’t
tutulungan ko kayo… dadalawa kayong lalaki rito.”
Nakita niya ang pag-aamunat ng mga bisig ni Endong sa paglalagare nito sa
kahoy, sa pagkakatam, sa pagsusugpong at pagpapako, ang pag-aaninag ng
matandang lalaki sa kahabaan, sa kalaparan, sa kakapalan ng katre, ng mesita.
Pinagtulung-tulungan nilang tatlo ang pag-aayos ng mga nayari sa silid na
tutuluyan ng darating na kadete.
Mula sa pintuan ng munting silid ay pinalibot ng babae ang mga paningin
sa munting durungawan, sa bago ngunit maligasgas pang higaan, sa mesitang may
tagpi ng lumang kahoy sa panabi.
“May kurtina kayang maaari kong mahiram sa aking mga biyenan? At
kubrekama, saka kahit lumang tapete ng mesita?” Ang naitanong ng babae sa
sarili mula sa pintuan ng munting silid. “Ngunit baka naman kaya wala ay
mapahiya pa… o baka magdamdam tuloy sa akin ang aking biyenang babae.”
Sabado ng gabi nang maalaala ng mag-amang manghiram ng kubyertos sa
tapat.
“’sang kutsara…’sang tinidor at ‘sang kutsilyo lang ho, Misis… baka ‘di
mabusog ang aking anak kung magkakamay,” at marahang tumawa ang
matandang lalaki.
“’alang duda, tatang… de-kubyertos sila sa akademya e.”
Maagang-maaga nagsimba kinalingguhan ang mag-ama. Ni hindi nila
tinapos ang misa. Hindi pa nagbibindisyon si Pari Maneng ay nagmamadali nang
lumabas ang dalawa. Naunahan pa ng matandang lalaki ang anak ng sapatero sa
paghangos patungo sa tren.
“Ang tatang naman,” ani Endong “Alas s’yete pa’ng dating ng b’yahe a!”
“Lagay ba, ilan pang ‘las s’yete n’yan, Rosend? Ba, kangina pang putok ang
araw a!”
“’la pa hong tunay, tatang. ‘di ba n’yo nakita’ng liros sa sambahan? ‘las sais
pa la’ng!”
“Hu, ‘no bang liros-liros ‘tong putok na’ng araw?”
Isang oras na naghintay ang mag-ama sa lumang himpilan bago nila narinig
mula sa ibayo ang matinis na sipol ng tren.
Kasabay ng sipol ng tren ang nag-uunahang mga hakbang ng babae,
patungo sa tirahan ng mag-ama. Inaayos niya ang pinakabagong kumot na inilatag
ng matanda sa kabagong yaring katre. Itinuwid niya ang kaputol ng isang lumang
mantel sa mesita. Nakita niya ang malamig nang tsokolate sa kalanan, ang kaning
lamig na nakahanda na sa pagsasangag sa lumang kawali at ang isdang
nakatuhog na namimintong sa kabataan.
Iniinit ng babae ang tsokolate nang marinig niya ang matanda sa may
pintuan.
“Magpalit ka agad ng damit, anak, nang mapreskuhan ka…”
“’tong sanelas, Aniel,” ani Endong, “nang nakahinga na’ng paa mo…”
“Sa’n ba’ng anahaw? Mapaypayan ‘tong kaputol mo…”
“Akon a, Tatang, ang magpapaypay kay Aniel…”
“Naku, Misis, nar’yan pala kayo sa kusina… ke-laki na ng pagod n’yo.”

PAGE \* MERGEFORMAT 23
“Pagod na ho ba ito? Saka, ayaw ba ninyong makita ko naman ang inyong
kadete?” ang tanong ng babae habang isinangag niya ang kaning lamig.
“Senga pala,” ang biglang sabi ni Endong sa bagong dating.
“Aniel, si Misis ang manugang nina Ba Selo r’yan sa tapat.”
“ke ka-laki na’ng tulong n’ya sa ‘amin ng Endong”
“How do you do?”
Ang tinig ng bagong dating ay mababa at malamig. Hindi magkandatuto ang
mag-ama at ang babae sa paghahain ng agahan sa mesita.
“Sa’n ba ‘areng kutsilyo, kanan ba o kaliwa,” ang marahang tawa ng
matanda.
“Ngayon pa nauga ang mesitang ‘are… ‘san ba’ng kalso?” tumawa rin nang
marahan si Endong.
“Ang asukal? Ang gatas? Isang kutsarita para sa asukal, Endong,” anang
babae.
Ang mga tawa nila’y mararahan at mabababa, nangag-aalinlangan.
Ang bagong dating ay nagbasa ng mga kamay mula sa isang tabo, at
nagsabon. Pinihit ang lumang gripo ngunit walang pumatak na tubig buhat doon,
Si Endong ay nakalapit agad, dali-daling tumabo mula sa malaking tapayan sa
sulok at unti-unting ibinuhos ang tubig sa mabulang kamay ng bagong dating.
“La na naming tubig ang gripong ‘are. Malinis naman ‘areng nasa tapayan,
Aniel.” Tumawa nang marahan si Endong.
Ang bagong dating ay lumapit sa pamahiran ng kamay na nakasabit sa
tapat ng tapayan, saglit na napatigil, bago tuluyang naupo sa harap ng mesita at
nagpagpag ng kamay.
“Bagong labas ang pamahirang ‘yan, Aniel,” anang matanda.” “Me pekas nga
lang… Mayro’n tayong ‘alang pekas, teka nga’t mahanap…?
“Pabayaan na ninyo, Tatang,” ang sabi ng bagong dating. “Tuyo na ang mga
kamay ko.” At nagsimula nang mag-agahan.
“Ang gandang mangubyertos ng bagong dating,” ang naisip ng babae. Ngunit
kakaunti ang nakain.
“Ubusin mo anak,” anang matanda, “o, konti pang sinangag, hala na…
magpakabusog ka… ‘ala kang nakain a.”
“Sa ‘yong lahat ‘yan… ‘alang kakain ng tira mo… kain pa, Aniel,” ani
Endong. Marahang umiling ang bagong dating at marahan ding tumayo.
“Busog na ako, kayo, Misis, kumain na ba kayo? Kayo ng apala, Tatang,
Endong?”
“Asus, bago pa kami pasa-sambahan ng kaputol mo…”
‘Kumain na ako sa aking mga biyenan.”
Muling nagsabon ng mga kamay ang bagong dating, nakalimot, biglang
pinihit na muli ang lumang gripo. Mabilis na nakalapit na muli si Endong at
tinabuan ng tubig ang mga kamay ng kapatid. Hindi na nagtuloy ang bagong
dating sa kinasasabitan ng pamahiran. Pinatuyo ang mga kamay sa hangin bago
lumapit sa silyong nasa tabi ng mesita. Ang silyo’y pinaspasan ng kaniyang dalang
pahayagan, saka naupo. Nagsindi ng sigarilyo. Hinitit ito at ibinuga ang usok, bago
nagsalita.
“Kumusta naman kayo rito ni Endong, tatang?”
Sa pakikinig ng babae, ang tinig ng bagong dating ay ibang-iba sa mga tinig
ng matanda at sapatero. Ang naririnig niya ngayo’y isang tinig na malamig, walang
sigla, walang pananabik.

PAGE \* MERGEFORMAT 23
“Ang Endong? Mabuti-buti na’ng kita ng kaputol mo... ang lagay nga la’ng
me araw na mayro’n, me araw na ‘ala…”
“Alam mo na’ng tagarito, Aniel,” ani Endong na tumawa nang marahan,
“mara’i pa ri’ng ‘di nagsasapatos…”
Tumawa nang marahan ang matanda, “ako naman…eto…bihira na ‘kong
makatulong sa kaputol mo… Malabo na’ng mata e…”
Walang kasabikan ang pakikinig ng bagong dating sa mga sinasabi ng
dalawa.
Sinundan ng babae ang paningin ng bagong dating buhat sa mga paang
walang pinta ng mesita hanggang sa maligasgas na panabi ng bagong kayayaring
katre, buhat doon hanggang sa paligid-ligid ng maliit at sumisikil na silid.
“’Senga pala,” ang biglang sabi ni Endong. “Malapit na’ng pistang-bayan
dine, Aniel. Kinumbida mo na ba’ng mga kaibigan mong taga-‘kademya?”
Biglang napatingin ang bagong dating sa nagsalita. Maya-maya’y binawi ang
kaniyang paningin, hindi sumagot.
“Henga, henga!” tumataginting ang kasabikan sa tinig ng matanda. “Dalhin
mong lahat dine’ng mga kaibigan mong taga-Baguio. Makita naman nila’ng karakul
ng Mahal na Santo Ninyo sa dagat… Henga pala, Endong, ‘sama mo silang lahat sa
bagong sibol na dinarayo ngayon sa ibayo… anong tawag do’n… Nayu aspareng ba
‘yon, Endong, ha?”
“New Spring ho, tatang. Senga, Aniel, dadalhin natin ang mga kaibigan
mong taga-‘kademya ro’n… ke-kaganda raw ng lugar na ‘yon.”
Napatigil ang paglilipat-lipat ng mga paningin ng bagong dating sa pang
walang pinta ng mesita at sa maligasgas na panabi ng bagong kayayaring katre.
Ang paningin niya ngayo’y sinundan ng babae sa munting daliri ng kaniyang paa
na sumusungaw sa himu-himulmol na pigtas ng lumang sinelas.
“Aapurahan ko’ng ‘sa pang katre’t ‘sang malaking papag, bago dumating ang
pista,” ‘nang patuloy ni Endong, “para sa ‘yong mga kaibigan.”
“Kami’ng bahala rine, anak,” anang matanda. “Ihahanda namin ang mga
higaan, mesang kakanan, kubyertos, pati mga…”
Gumalaw ang mga labi ng bagong dating. Paputol-putol ang mga salitang
nanggaling doon.
“E… Tatang… Endong… huwag na… huwag na muna… kaya…”
“Huwag?... Bakit...huwag?
Nilapi-lapirot ng bagong dating ang sigarilyo sa kaniyang kamay.
“E…sabi ko…huwag na muna kayong… maghanda ng… ng kahit ano…
dahil…dahil hindi yata sila makakasama e…”
“Di makakasama?”
“Pero bakit?”
Nagsikip sa silid ang pagkabigo sa tinig ng mag-ama.
Patuloy ang paglapi-lapirot ng bagong dating sa sigarilyo.
“May… may affair kasi kami sa Akademya e… pati siguro ako e… hindi
makauwi sa… pista…”
Panabay na napatayo ang matanda at ang sapatero. Ang una’y lumapit agad
sa nagsalita.
Nakalito sa babae ang panabayang paghimok ng dalawa sa bagong dating,
ang maminsan-minsang pagsagot ng huli.
“Pilitin mo sana, anak… ke ka-saya ng pista ng Mahal na Santo Ninyo rine
a, nakal’mutan mo na ba?... saka, sabik na sabik kami sa’yo…”

PAGE \* MERGEFORMAT 23
“Ba’t sabi mo sa sulat… mamimista kayo rine… ikaw at mga kaibigan mong
taga-‘kademya?”
“Maski ‘kaw na la’ng anak, kung ‘di sila ma’ari… sige na, sa pagbabakasyon
mo rine sa’tin…”
“Pipilitin ko. Pero…” Nagsimulang magpatung-patong ng kinanan sa mesita
ang babae.
“Kasi…may affair kami sa Akademya e.”
Inilabas ng babae ang pinagkainan.
“Baka sa isang taon na, Tatang, Endong… ako at ang aking mga kaibigan…”
Pinihit ng babae ang lumang gripo, sabay ang pagkaalaalang walang
pumapatak buhat doon. Tumabo siya sa malaking tapayan at ibinuhos nang unti-
unti sa pinagkanan. Sa pinggan at baso at mga kubyertos ay pilit na sumasama
ang mga larawan ng pang walang pinta ng mesita, ng maligasgas na panabi ng
bagong kayayaring katre. At ang isang munting daliri ng paa na sumusungaw na
himu-himulmol na pigtas ng lumang sinelas.
At ang tinig buhat sa maliit na at sumisiil na silid na pinagtulungan nilang
ayusin noong nakaraang araw.
“Kasi…may affair kami sa akademya e… baka sa isang taon na,… Tatang…
Endong… ako at ang aking mga kaibigan…”

Sagutin Natin!

1. Isa-isahin ang mga mahahalagang tauhan sa teksto at ilahad ang


kanilang mga pag-uugali batay sa kani-kanilang kilos at pananalita.

TAUHAN PAG-UUGALI/ASAL PATUNAY (kilos o


pananalita ng tauhan)

PAGE \* MERGEFORMAT 23
2. Sumulat ng isang maikling repleksiyon kaugnay ng mahahalagang
kaisipang ipinararating ng teksto. Gamiting gabay ang sumusunod na
katanungan:

a. Ano sa inyong palagay ang nangyari at nagkaroon ng pag-iba ng


pananaw ang anak na Kadete?
b. Bakit kaya tila naging estranghero na siya?
c. Ikaw ba’y nakaranas na ng ganitong sitwasyon mula sa isang
kaanak o di kaya ay kaibigan? Ano ang iyong naramdaman?
d. Sakaling ika’y mangingibang bansa o di kaya ay lilipat ng ibang
lalawigan o probinsiya, sa iyong palagay, ikaw ba’y uuwing isang
estranghero? Bakit?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

PAGE \* MERGEFORMAT 23
Tandaan Natin

Panuto: Dugtungan ang pahayag batay sa iyong sariling pag-unawa


at mga natutuhan mula sa talakayan sa modyul na ito.

Mula sa mga paksang natalakay, nabatid kong


_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________

Napag-isip-isip ko na mahalaga ang pag-unawa sa


binasa at pagpapaliwanang sa mga kaisipang
nakapaloob sa teksto _______________________

__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

PAGE \* MERGEFORMAT 23
Suriin Natin
Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba at sagutin ang mga hinihingi sa
baba. Isulat ang iyong kasagutan sa inyong sagutang papel.

Ano ang Maaari Nating Gawin tungkol sa Climate Change?

Saan man tayo naroroon, sa opisina, sa tindahan, sa pabrika, sa loob at


labas man ng ating mga tahanan, sa kalye o sa paaralan, napakarami ng
pagkakataon upang tayo ay makapagtipid ng enerhiya.

Sa trabaho:

 Patayin ang anumang gamit na de-kuryente kapag hindi kailangang gamitin,


tulad ng mga kompyuter, photocopier, cash register, coffee maker, lalo na sa
magdamag o tuwing Sabado at Linggo na walang pasok.

 Kung ang iyong kompyuter ay mayroong “integrated power management


capabilities,” tiyakin na ang sistema ay nakaayos sa paggamit nito. Kapag
ang printer at photocopier ay nagtataglay ng “energy-saver mode”, tiyakin na
ito ay gumagana.

 Iwasang gumamit ng “laser printer” para sa burador (draft) na kopya. Kung


maaari, gumamit muna ng ink-jet o dot matrix.

 Magtipid sa papel. Ang paglimbag, photocopying, at faxing ay gumagamit ng


enerhiya. Ang mga electronic na komunikasyon mula sa email at
fax/modems ay mas mabilis, mas matipid, mas kapaki-pakinabang at
mabuti para sa kalikasan.

 Gamitin ang magkabilang bahagi ng papel. Ito ay makatitipid sa gastos sa


papel at enerhiya, at makababawas din sa hibla fiber na kinakailangan sa
paggawa ng papel.

 Gumamit ng niresiklong papel hangga’t maaari.

 Himukin ang mga taong iyong pinaglilingkuran na magsagawa ng isang


programa ng kaalaman na magggaganyak sa mga manggagawa na
pagbutihin ang pagtitipid sa enerhiya sa loob ng inyong pagawaan.

Sa kalsada:

PAGE \* MERGEFORMAT 23
Ang mga behikulo ay nagpapahirap sa ating kalikasan sapagkat ang sektor
ng transportasyon ay isa sa pinakamalaking pinanggagalingan ng greenhouse gas
emission sa ating bansa.

Ang pagbabawas sa paggamit ng enerhiya mula sa mga behikulo, kasama na


ang mga sasakyang pampamilya, ay malaking tulong sa solusyon sa climate
change. Narito ang ilang mga hakbang upang mababawasan ang paggamit ng
enerhiya, gastos sa pagmentena at pagbuga ng tambutso:

 Iwanan ang sasakyan sa tahanan-maglakad o magbisikleta kapag malapit


lang ang patutunguhan. Para sa malayuang patutunguhan, sumakay ng
bus. Ang mabawasan ng 40 behikulo sa daan kapag rush hours ay
makatitipid ng 70,000 litro ng gasolina/langis at makaiiwas sa mahigit na
175 tonelada ng emisyon sa loob ng isang taon.

 Iwasan ang pag-idling ng sasakyan – ang sampung sandaling pag-idling ay


gumagamit ng higit na maraming enerhiya kaysa sa pag-start ng makina.

 Panatilihin ang bilis ng pagtakbo. Ang pagmamaneho nang may bilis na 100
kilometro bawat oras ay nagsusunog ng higit na sampung porsyento kaysa
sa bilis ng 90. Sa mga langsangang bayan, panatilihin ang bilis na walang
pagbabago upang mabawasan ang kunsumo.

Sa loob ng paaralan at kampus:

Naging karaniwan sa mga paaralan at unibersidad ang mga green initiative


magmula noong dekada 1990. Karamihan sa mga ito ay ipinakilala bilang paraan
ng pagtitipid o dili kaya ay bahagi ng mga programa tungkol sa edukasyong
pangkalikasan. Makatutulong din ang mga ito upang mabawasan ang emission sa
bawat komunidad. Ilan sa mga uri ng inisyatibo ay:

 Pagtatanim ng puno
 Mga programa tungkol sa alternatibong transportasyon (pagsasama sa isang
sasakyan; paggamit ng mga sasakyan ng paaralan, atbp.)
 Tamang paggamit ng enerhiya at mga programa tungkol sa alternatibong
enerhiya;
 Mga programa tungkol sa tamang pagbabasura;
 Mga patakaran at kasanayan tungkol sa green purchasing.
Sa tahanan:

Napakarami ng ating tunay na magagawa upang mababawasan ang


greenhouse gas emissions, at napakainam na magsisimula sa ating mga tahanan.
Narito ang ilan sa mga paraan upang mababawasan ang emissions, maging maaya
ang ating mga tahanan at makatitipid na rin sa salapi:

PAGE \* MERGEFORMAT 23
 Patayin ang ilaw, telebisyon, kompyuter at iba pang gamit aplayanses kung
hindi ginagamit;

 Parating tingnan ang Energy Efficiency Rating (EER) sa pagbili ng anumang


aplayanses, air-conditioners o behikulo. Mas mataas ang EER, mas mabuti;

 Gumamit ng energy-efficient na ilawan, tulad ng compact fluorescent bulbs.


Ang mga ito ay tumatagal ng hanggang 10 ulit at kumukunsumo ng mas
mababa (75%) kaysa sa mga karaniwang bumbilya;

 Magkabit ng mababang paliguan, na kumukunsumo nang mas mababa


(60%) sa tubig kaysa sa karaniwang paliguan. Ayusin ang mga tumutulong
gripo. Sa isang tulo bawat segundo, ang isang tumutulong tubo o gripo ay
nagsasayang ng katumbas na labing-anim na paligo sa isang buwan.

(http://www.emb.gov.ph/eeid/cctagalog.htm)

Sagutin Natin!

1. Ilahad ang mga mahahalagang kasipan mula sa teksto sa


pamamagitan ng pagtukoy sa pangunahing detalye at mga suportang
detalye. Punan ang graphic organizer sa ibaba.

Suportang Kaisipan/Detalye
_____________________________
_____________________________

Pangunahing Kaisipan/Detalye
__________________________________ Suportang Kaisipan/Detalye
__________________________________ _____________________________
__________________________________ _____________________________
__________________________________
_____________________________
Suportang Kaisipan/Detalye
_____________________________
_____________________________

2. Sa iyong sariling pag-unawa, ipaliwanag ang konsepto ng Greenhouse


Effect at Climate Change.

PAGE \* MERGEFORMAT 23
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga masasamang dulot ng Climate Change sa buhay ng


tao?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Ano ang layunin ng tekstong iyong binasa?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Ano kaya ang pinakamabisang paraan na dapat gawin ng


mamamayan tungkol sa Climate Change?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Payabungin Natin

A. Magsaliksik at magbasa ng isang dokumentaryong Pilipino


mula sa magasin, internet o iba pang babasahin. Suriing mabuti ang
nilalaman at mensahe nito at itala ang mahahalagang kaisipan sa
loob ng mga bilog.

Pamagat ng Dokumentaryo

____________________
PAGE \* MERGEFORMAT 23
B. Sumulat ng isang maikling repleksiyon mula sa mahahalagang kaisipan
at mensahe na iyong nakuha mula sa dokumentaryo.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Pagnilayan Natin

Ang gawaing pagbabasa ay lubos na mahalaga para sa iyo bilang


mag-aaral. Sa tulong ng pagbabasa, nabubuksan ang pinto ng kaalaman at
karunungan at napalalawak ang pananaw sa lahat ng bagay na hindi na
kinakailangang danasin pa. May mga bagay na sadyang sa pagbabasa
lamang natin nakukuha at ito ay may sariling kakanyahan din tulad ng
ibang makrong kasanayang pangwika.

Sana’y iyong napagtanto na ang iyong tagumpay sa bawat gawaing


pagbasa ay nakasalalay sa iyong taimtim na pag-unawa sa nilalaman at
mensahe na ipinahihiwatig nito sa iyo. Maging ang pagpapaliwanang ng
mahahalagang kaisipan na iyong napupulot sa pagbabasa ay mabisang
paraan upang masusukat kung gaano kalalim ang iyong pag-unawa sa akda
o tekstong iyong binasa. Nawa ay sa bawat pagbabasa na iyong
kasasangkutan ay makahahanap ka ng inspirasyon at motibasyon na mas
payabungin pa ang kasanayang ito.

Pagbati! Sa wakas ay natapos mo na ang modyul na


ito. Nawa PAGE
ay marami
\* kang natutuhan na tunay
MERGEFORMAT 23 mong
magagamit sa patuloy na pag-aaral. Hanggang sa muli!
Susi sa Pagwawasto

Subukin Natin
1. C
2. B
3. G
4. E
5. A
6. F
7. D

PAGE \* MERGEFORMAT 23
Sanggunian

K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes.

“Sa Isang Punong-kahoy ni Jose Corazon de Jesus,” Facebook, May 22, 2020,
https://m.facebook.com/story.php?
story_fbid=977532046015233&id=693488117752962&sfnsn=mo.

“Pangunahing Paksa at Pantulong na mga Ideya sa Talata”, MatutuoKayGuro,


Youtube, August 28, 2020, https://youtu.be/s8kjoqutyu0.

Tyrael Gabriel Angelo C. Domer, “Buhay na Buhay ang Puno ng Buhay”, March
2016, https://nadsfil9qmgasanaysay.wordpress.com/2016/03/06/buhay-na-
buhay-ang-puno-ng-buhay.

“Ano ang Maaari Nating Gawin tungkol sa Climate Change?”


http://www.emb.gov.ph/eeid/cctagalog.htm, binanggit sa Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto sa Pananaliksik ni Bernardino, E. et. al. Malabon City: Mutya
Publishing House. 2016.

PAGE \* MERGEFORMAT 23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph


PAGE \* MERGEFORMAT 23
PAGE \* MERGEFORMAT 23

You might also like