You are on page 1of 43

1

PAG UNLAD SA KASANAYAN


Worksheets para sa mga Di Gaanong Nalinang na Kasanayan sa Filipino
para sa Ikalimang Baitang
Unang Edisyon 2020

ISBN 978-621-8218-04-8
Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na “Hindi Maaring Magkaroon ng
Karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna
ng pahintulot g ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names,
tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa worksheet na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari.

Inilathala ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Cabuyao

Punong Lungsod : Atty. Rommel A. Gecolea


Pangalawang Punong Lungsod : Atty. Leif Opina
Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan : Dr. Doris DJ. Estalilla
Katuwang Pansangay na Tagapamanihala : Dr. Elvira B. Catangay

Kasalukuyang Pamunuan ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Cabuyao


Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan : Hereberto Jose D. Miranda, CESO VI
Katuwang Pansangay na Tagapamanihala : Dr. Neil G. Angeles

Mga Bumuo ng Worksheets


Punong Tagapangasiwa : Dr. Jonathan F. Bernabe
Education Program Supervisor - Filipino
Mga Manunulat : Jocelyn E. Paguio, Maricher S. Garcia at
Ma. Eda C. Lapidez
Mga Konsultant : Dr. Edna F. Hemedez, Chief, CID
Dr. Jose Charlie S. Aloquin, OIC Chief, SGOD
Mga Tagaguhit : Patrick Lemuel V. Reyes
Patrick L. Pernia
Disenyo ng Pabalat : Patrick Lemuel V. Reyes
Tagasuri ng Kalidad ng Katiyakan : Dr. Jackie Lou A. Almira, EPS-LRMS

Printed by : Hercules Publication Enterprises, Binan City, Laguna


Published by : City Schools Division of Cabuyao
Osmena St. Poblacion Dos, Cabuyao City, Laguna
Tel No. (049) 545-4878, (049) 545-4597
Email: division.cabuyao@deped.gov.ph
All rights reserved
No parts of this book maybe reproduced in any form by any means without permission from the
publisher
GOVERNMENT PROPERTY, NOT FOR SALE

2
PAUNANG SALITA

Mahal na mga mag-aaral,

Ang Workbook na ito ay inihahandog namin sa inyo upang higit na


malinang ang inyong kakayahan at mapaunlad ang kaalaman paggamit
ng Wikang Filipino. Ito ay binubuo ng mga worksheets na isinulat ng mga pili
at mahuhusay na guro ng kasalukuyang henerasyon. Ang mga paksa na
napili ay ayon sa Ulat ng mga Di Gaanong Nalinang na Kasanayan mula sa
mga isinagawa ninyong pagsusulit. Ang Gabay Pangkurikulum 2016 ang
basehan ng mga manunulat sa pagbuo ng mga gawaing pagkatuto na
lilinang sa inyong mga kaalaman.
Layunin ng mga gawaing pagsasanay na mapayabong at
mapaunlad ang inyong mga kasanayan upang masiguro na ang lahat ng
mga kompetensi na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon ay inyong
natutunan. Nawa ay makatulong ito sa inyo upang lalong humusay at
maging handa sa mga hamon ng makabagong panahon.
Gamitin niyo ito nang maayos, sundin at unawain ang mga panuto sa
bawat gawaing pagsasanay. Magkaroon ng positibong pananaw sa pag-
aaral upang mapagtagumpayan lahat ng pagsubok na mararanasan.
Tandaan, na ang aming pagsisikap na maturuan at mapahusay ang inyong
kakayahan ay tanda ng aming pagmamahal sa inyo bilang aming mag-
aaral.
Gabayan at Pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal.
Maligayang pag-aaral.

Dr. Jonathan F. Bernabe


Education Program Supervisor

3
TALAAN NG NILALAMAN

Karapatang Sipi ……………………………………………………..…….. 2


Paunang Salita ……………………………………….………………….. 3

Talaan ng Nilalaman ………………………………………….……………….. 4

Worksheet Blg.1 Kaantasan ng Pang-uri…………………………………………… 5

Worksheet Blg.2 Pangkalahatang Sanggunian sa Pananaliksik………….…… 11

Worksheet Blg.3 Pandiwa………………………………………….…………………. 16

Worksheet Blg.4 Simuno at Panaguri………………………………………………. 20

Worksheet Blg.5 Kaantasan ng Pang-uri……………………………….………….. 23

Worksheet Blg.6 Pangngalan at Panghalip ……………………………..…………. 28

Worksheet Blg.7 Sanhi at Bunga…………………………………………………...... 31

Worksheet Blg.8 Matalinhaga na Salita………………………………….…….…… 34

Worksheet Blg.9 Pang-abay…………………………………………….………….… 37

Worksheet Blg.10 Pagsagot ng Tanong Gamit ang Bakit at Paano……………….. 41

4
Worksheet Blg.1

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _______________________________________________________

I.PAMAGAT: Kaantasan ng Pang-uri

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan

( F5WG-IIf-g-4.2)

HANDA KA NA BA?

III. PANUTO: Basahin ang tula na pinamagatang Alapaap. Isagawa ang mga sumusunod

na gawain sa pagsasanay, pagpapayabong, at pag-papaunlad.

IV. GAWAIN

A. Pamamaraan

Alapaap

ni Maria Eda C. Lapidez

Sa ulap parang ayaw nang kumurap,


Kayganda nito at tila napakasarap sa alapaap,
Habang nakatitig biglang napangarap,
Anong pinakamaganda sa parating na hinaharap?

Sa alapaap di maiwasan na magbalik-tanaw,


Inaalala ng isip at dinaramdam ng pusong nauuhaw,

5
Mula sa pinakamasakit at pighati noong nagdaang mga araw,
Para bang walang liwanag na matatanaw.

May mga oras nakatingala sa lungkot man o saya,


Pilit nitong inaaninag ang Dakilang Lumikha,
Upang sa kanya iasa ang lahat ng nadarama,
At nang gumaan ang nadarama’t guminhawa.

Ang isip at puso ay napapanatag,


Katulad ng kabiyak na pilit pinatatag,
Sa pagmamahal niya napawi ang bagabag,
Mula sa di magandang kahapon na naiambag.

Ngayon patuloy pa rin na nakatanaw sa ulap,


Dalangin ay matupad ang mga pangarap,
Kahit ang buhay man ay di palaging masarap,
Subalit nanaisin mo pa bang bumalik sa hirap?

B. Mga Tanong

1.Saan sa bahagi ng tula,nakikita mo ang iyong sarili?

_____________________________________________________

2.Ano ang pagkahawig ng buhay mo sa nangyari ng tauhan sa tula?

_____________________________________________________

3.Paano inilarawan ng may akda ang buhay ng tauhan sa tula?

_____________________________________________________

4.Anong uri ng pamumuhay ang pinagdaanan ng tauhan sa tula?

_____________________________________________________

5.Bilang mag-aaral ng Ikalimang baitang,paano ka magsumikap?

_____________________________________________________

6
PAGTUKLAS

Ang kaantasan ng pang-uri ay nagtataglay ng pagkakaiba-iba ng mga

katangian. May tatlong kaantasan ang mga pang-uri.

1. Lantay - Ang pinakasimpleng paraan ng paglalarawan sa katangian

Hal.

masaya maginhawa masarap malungkot

2. Pahambing - Pinaghahambing ang katangian ng dalawang pangngalan o

panghalip.

a.kapag magkapareho ang katangian ,dinadagdag ang mga unlaping magkasing-

,sing-, o kasing

Hal.

magkasinggulo kasing-init kasingkulay magkasingsarap

b.kapag hindi magkapareho ang katangian, ginagamit ang mga salitang mas,higit na,o

di-gaano

Hal.

Mas malamig ang Cavinti kaysa Nagcarlan.

Mas malayo ang Siniloan kaysa Sta. Cruz.

Higit na bago Oppo F9 kaysa Oppo F5.

Di – gaanong malapit ang Los Baños kaysa Calamba

7
3.Pasukdol- Ang katangian ay namumukod o katangi-tangi sa lahat.Ginagamitan ng

unlaping pinaka, napaka, o kay

Hal.

pinakamalamig napakalayo pinakabago kaytatayog

Maaari ring idagdag ang mga salitang ubod ng o walang kasing

Hal.

Ubod ng lamig ang tubig sa Taytay Falls.

Walang kasingtaas ang bundok ng Apo sa Pilipinas.

Maaari ring ulitin ang ang pang-uri upang maipahayag ang kaantasang pasukdol.

Hal.

Gandang-ganda sa sarili si Ana.

Lumang-luma na ang gamit ni Bikoy.

I. PAGSASANAY

PANUTO: Basahing muli ang tula at isulat sa bawat kahon ang mga salitang

pang-uri.

8
2. Pagpapayabong

PANUTO: Ibigay ang kaantasang pahambing at pasukdol ng mga

sumusunod na pang-uri. Kopyahin ang tsart sa inyong kwaderno at

isulat ang iyong sagot.

Lantay Pahambing Pasukdol

1. maganda

2. sarap

3. hirap

4.magaan

5.maliwanag

3.Pagpapaunlad

Panuto:Gamitin ang mga sumusunod na Pang-uri sa pangungusap ayon sa

Antas nito,Lantay,Pahambing, at Pasukdol.

1.malusog

Lantay:________________________________________________________

Pahambing:____________________________________________________

Pasukdol:______________________________________________________

2.dalisay

Lantay:________________________________________________________

Pahambing:____________________________________________________

Pasukdol:______________________________________________________

3.malinamnam

Lantay:________________________________________________________

Pahambing:____________________________________________________

9
Pasukdol:______________________________________________________

4.makinis

Lantay:________________________________________________________

Pahambing:____________________________________________________

Pasukdol:______________________________________________________

5.matangkad

Lantay:________________________________________________________

Pahambing:____________________________________________________

Pasukdol:______________________________________________________

V. Panapos

Binabati kita sa iyong tagumpay na mga gawain.

10
Worksheet Blg.2

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _______________________________________________________

I.Pamagat: Pangkalahatang Sanggunian sa Pananaliksik

II.Kasanayang Pampagkatuto: Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa

Pananaliksik (F5EP-IVi-6)

HANDA KA NA BA?

III.Panuto: Basahin ang maikling kwento na pinamagatang Pabida? Isagawa ang mga

sumusunod na gawain sa pagsasanay,pagpapayabong at pagpapaunlad.

IV. Gawain

A.Pamamaraan

Pabida

Ni:Maria Eda C. Lapidez

Sa loob ng aklatan,may lima na walang tigil ang pagtutunggali. Kanya-kanyang

pasikatan sina Diksyunaryo, Tesauro,Atlas,Almanake at Peryodiko.

“ Ako ang sikat! Taglay ko ang kahulugan ,baybay,pagpapantig at pinagmulan ng mga

salita,isama na rin kung anong bahagi ng pananalita kabilang ang salita.” Pagmamayabang

ni Diksyunaryo.

Biglang sumabat ang isa, “ Wala kayo sa akin! Ako lang naman ay may

kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita,kaya kung gusto mong mabulaklak na

salita,ako ang bida!” wika ni Tesauro.

11
“ Sa ating lima ako ang lamang! Mapa at impormasyon sa isang lugar,lawak,

layo,populasyon,anyong lupa at anyong tubig ay nasa akin!” sabi ni Atlas. “ Magsitahimik

kayo!Pagka’t ako’y narito,pinakabagong impormasyon tungkol sa politika,kawilihang

isports,relihiyon,at iba pang nangyari sa loob ng isang taon ay aking laging baon!” bida ni

Almanake.

“ kung sikat at bida kayo!ako naman ang pinakasikat at pinakabida sa lahat dahil

balita, impormasyon, o patalastas sa isang lugar o espesyal na paksa at higit sa lahat ako’y

lumalabas bawat araw,linggo,buwan o taon.” pabida ni Peryodiko.

Alin man sa limang sanggunian na nagtunggalian,kung sino sa kanila ang bida ang

pagpapasya ay nasa nagbabasa.

B. Mga Tanong:

1.Ibigay ang mga nagbibidahan sa kwento?

___________________________________________________________________

2.Paano ibinibida ang sarili ng bawat karakter sa kwento?

___________________________________________________________________

3.Saang bahagi ng paaralan ang pagbibidahan ng mga karakter?

___________________________________________________________________

3. Ano ang halaga ng bawat karakter ng kwento?

_________________________________________________________________

5.Bakit ang bawat isa sa kanila ay may halaga?

_______________________________________________________________

12
PAGTUKLAS

Sanggunian sa pananaliksik ang sagot sa halos lahat ng tanong at ito ay may iba’t-ibang

gamit.

Diksiyonaryo-mga impormasyong makukuha tulad ng kahulugan, baybay,pagpapantig, at

pinagmulan ng mga salita.Malalaman din kung sa aling bahagi ng pananalita kabilang ang

salita.

Tesawro-Kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita.

Atlas-mapa at impormasyong tungkol sa isang lugar, gaya ng lawak ,layo,populasyon,

anyong –lupa,at anyong –tubig.

Almanake- impormasyong tungkol sa politika,kawilihan,isports,relihiyon,at iba pang

nangyari sa loob ng isang taon.

Peryodiko-balita, impormasyon, o patalastas tungkol sa isang lugar o espesyal na paksa.

1.Pagsasanay

PANUTO: Isulat sa loob ng ulap ang mga sanggunian sa pananaliksik.

13
2.Pagpapayabong

PANUTO: Tukuyin ang sanggunian na gagamitin upang matugunan ang isinasaad

ng bawat sumusunod na pangungusap.

1.Anong sanggunian ang gagamitin sa tamang baybay ng salitang

kabataan?__________

2.Nais ni Belle na malaman ang mga anyong-lupa at anyong tubig sa

Pilipinas._________

3.Nagbabasa ng balita si Mang Tope araw-araw._________________

4.May takdang aralin si Rosa tungkol sa kasingkahulugan at kasalungat ng mga

salita.___

5.Pananaliksik tungkol sa mga relihiyon ng bansan Asya.___________________

3.Pagpapaunlad

PANUTO: Ibigay ang mga impormasyong makukuha mula sa nakatalang

sanggunian.

Atlas Tesauro Diksiyonaryo

14
Almanake Peryodiko

V. PANAPOS

Binabati kita nang malugod mong naisagawa ang bawat gawain.

15
Worksheets Blg.3

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _______________________________________________________

I.Pamagat: Pandiwa

II.Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

panahunan. (F5WG-IIa-c-5.1)

HANDA KA NA BA?

III. Panuto: Basahin ang tula na pinamagatang “Cellphone”. Isagawa ang mga

sumusunod na gawain sa pagsasanay,pagpapayabong at pagpapaunlad.

IV. Gawain

A. Pamamaraan

CELLPHONE
Ni:Maria Eda C. Lapidez

Matagal na nangarap at nag-ipon


Di ginastos pati baon.
Gusto lang ay magkaroon
Inaasam-asam na Cellphone.

Gamit ka sa makabagong panahon


Bawat araw malaki ang naitulong
Dahil dito napadali ang komunikasyon
Lalo sa kasapi ng pamilya na bumabalong.

Gamitin nang wasto at huwag maabuso


Alamin nang mabuti ang nakikita at mga nauso
Kaya beshie magmatyag at huwag paloko
Sa mga nagkukunwari at manloloko.
16
B. Mga Tanong

1. Ano ang dapat gawin kapag gusto mong magka- Cellphone?

_____________________________________________________________

2. Paano nakatutulong ang cellphone sa ating pang-araw-araw na

pamumuhay?__________________________________________________

_____________________________________________________________

3. Bilang mag-aaral ng Ikalimang Baitang,gaano kahalaga sa iyo na magkaroon ng

cellphone?____________________________________________________

_____________________________________________________________

4.Paano mo pahalagahan ang gamit mo tulad ng Cellphone?

______________________________________________________________

5.Bakit kailangan na gamitin nang wasto ang Cellphone?

______________________________________________________

PAGTUKLAS

Pandiwa- ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw at nagbibigay –

buhay.

Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng panlapi at salitang-ugat.

Hal.

kumain, kumakain,kakain

Mga aspekto ng pandiwa - ang tawag sa panahon ng pagkakaganap ng kilos

1.Aspektong magaganap o kontemplatibo- mangyayari pa lamang ang kilos

2.Aspektong nagaganap o imperpektibo- kasalukuyang nangyayari ang kilos

3.aspektong nagaganap o perpektibo-mangyayari pa lamang ang kilos

17
1.Pagsasanay

PANUTO: Balikan ang tula at kopyahin ang mga salitang nagsasaad ng kilos o

galaw.Itala sa loob ng malaking kahon.

2.Pagpapayabong

PANUTO: Ibigay ang tamang aspekto ng pandiwa mula sa mga sumusunod na salita.

Pawatas Pangnagdaan/ Pangkasalukuyan Panghinaharap/

Naganap/ /nagaganap/ Magaganap/

Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo

1.mag-ipon

2.inabuso

3.binaon

4.magkunwari

5.kumain

18
3. Pagpapa unlad

PANUTO: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na pandiwa.

1.mag-iipon

_________________________________________________________________

2.inabuso

________________________________________________________________

3.nagkukunwari

_________________________________________________________________

4.babaunin

_________________________________________________________________

5.kumakain

_________________________________________________________________

V.Panapos

Binabati kita sa matiyaga mong pagsagot sa mga gawain.

19
Worksheet Blg. 4

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _______________________________________________________

I. Pamagat: Simuno at Panag-uri

II. Kasanayang Pampagkatuto: Nasasabi kung ano ang Simuno at Panaguri sa

Pangungusap. (F5WG-III;j-8)

HANDA KA NA BA?

III. Panuto: Basahin ang maikling sanaysay at gawin ang mga gawaing pagsasanay,

pagpapayabong at pagpapaunlad

IV. Gawain

A.Pamamaraan

Wika
ni Maricher S. Garcia

Mahabang panahong pinag-aralan ng mga ninunong Pilipino, pinanday at pinamana,

ang wikang Filipino. Kung saan patuloy na pinauunlad ng mga bagong sibol na henerasyon.

Ginamit ng mga bayani sa pagsulat upang ipagtanggol ang bayan. Wikang pagkakakilanlan

ng lahing Pilipino saan mang dako ng mundo mapadpad. Subalit kasabay ng pag – usbong

ng mga bagong henerasyon ay ang paglimot sa wikang kinagisnan, nawalan ng saysay ang

wikang nagpapakilala bilang isang tunay na Pilipino. Sa pag-unlad ng teknolohiya at sa

pagsulong ng kurikulum ng Edukasyon siya na mang pagbasura sa wikang Filipino at sa

darating na pasukan sa taong kasalukuyan ay hindi na ituturo sa kolehiyo.

Paano nga ba makikilala ang isang bansang walang wika, makukuha pa baa ng

respeto ng ibang karatig bansa? Hindi kaya ang kalabasa ng bansang Pilipinas ay gaya.

20
Pagtuklas

Ang simuno ay ang salitang inilalarawan o pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ang tagatanggap

samantalang ang panag-uri ay ang tumutukoy sa simuno, nagsasabi kung ano ang gingawa

patungkol sa simuno

1.Pagsasanay

Panuto: Mula sa binasang sanaysay punan ang bawat kahon sa graphic organizer.

Isulat ang tamang sagot sa loob ng kahon.

Wikang Filipino

2.Pagpapayabong

Panuto: Punan nang akmang panag-uri ang mga sumusunod na pangungusap.

1. Ang paring Kastila ay tinaguriang kamay na bakal sa lupit.

2. Bughaw ang langit ____________________________________________.

3. Bayang Pinagpala ____________________________________________.

4. Ulirang Ina __________________________________________________.

5. Wikang Filipino ______________________________________________.

21
3.Pagpapaunlad

Panuto: Bilugan ang Simuno at kahunan ang Panag-uri sa loob ng

pangungusap.

1. Ang wikang Filipino ay ginamit sa pagsulat bilang sandata ng sa

pagtatangol sa bayan..

_____________________________________________________

2. Ang bansang Pilipinas ay kilala sa wikang Filipino.

_____________________________________________________

3. Ang mga bayaning Pilipino ang nagpatibay sa wikang Filipino.

_____________________________________________________

4. Ang mga bagong milenyo ang nagpapatuloy ng pagpapaunlad sa wika.

____________________________________________________

5. Ang pagunlad ng teknolohiya ang siyang naging dahilan ng pagbasura sa

wikang Filipino.

____________________________________________________

V. PANAPOS

Magaling! Binabati kita sa pagsusumikap na pagsagot at pagtapos ng mga gawain.

22
Worksheet Blg. 5

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _______________________________________________________

I.Pamagat: Kaantasan ng Pang-uri

II. Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan.

(F5WG-IIf-g-4.2)

HANDA KA NA BA?

III. Panuto: Basahin ang tulang “Salipawpaw” at gawin ang mga gawaing pagsasanay,

pagpapayabong, at pag-papaunlad.

IV. Gawain

A.Pamamaraan

Salipawpaw
ni Maria Eda C. Lapidez

May isang lugar sa kalakhang Maynila,


Unang nasilayan sa mga mata ng bata.
Di maitago ang sobrang pagkamangha
Sa napakalawak at napakalaking nakita.

Dati’y lamang sa himpapawid at sa TV,


Kanyang nakita ang parang tutubi.
Sabay sambit pa ang salitang someday,
Na ma-experience ang loob nito na nasa ere.

Napakalaki kung titingnan sa malapitan,


Napakahusay ang pagkagawa kung pagmamasdan.
Sa tulong ng teknolohiya at malawak na kaalaman
Kaya ito ay nabuo at napakinabangan.

23
Napasuot ng jacket dahil sa lamig,
Habang nasa upuan ramdam ang panginginig
Unang karanasang paglalakbay sa himpapawid.
Magkahalong pakiramdam na tuwa at excited.

Napakaswerte at pinagpala na maranasan ito,


Di lahat ng bata na nangangarap ay nagkatotoo.
Depende kung paano pinagsisikapan nito,
Habang nabubuhay sa isang mapaghamon na Mundo.

Pagtuklas

Ang kaantasan ng pang-uri ay nagtataglay ng pagkakaiba-iba ng mga katangian. May

tatlong kaantasan ang mga pang-uri.

Lantay - Ang pinakasimpleng paraan ng paglalarawan sa katangian

Hal.

masaya maginhawa masarap malungkot

Pahambing - Pinaghahambing ang katangian ng dalawang pangngalan o panghalip.

a.kapag magkapareho ang katangian ,dinadagdag ang mga unlaping

magkasing-,sing-, o kasing

Hal.

magkasinggulo kasing-init kasingkulay magkasingsarap

b.kapag hindi magkapareho ang katangian, ginagamit ang mga salitang

mas,higit na,o di-gaano

Hal.

Mas malamig ang Cavinti kaysa Nagcarlan.

24
Mas malayo ang Siniloan kaysa Sta. Cruz.

Higit na bago Oppo F9 kaysa Oppo F5.

Di – gaanong malapit ang Los Baños kaysa Calamba.

Pasukdol- Ang katangian ay namumukod o katangi-tangi sa lahat.Ginagamitan

ng unlaping pinaka, napaka, o kay

Hal.

pinakamalamig napakalayo pinakabago kaytatayog

Maaari ding idagdag ang mga salitang ubod ng o walang kasing

Hal.

Ubod ng lamig ang tubig sa Taytay Falls.

Walang kasingtaas ang bundok ng Apo sa Pilipinas.

Maaari ding ulitin ang ang pang-uri upang maipahayag ang kaantasang pasukdol.

Hal.

Gandang-ganda sa sarili si Ana.

Lumang-luma na ang gamit ni Bikoy.

25
1. Pagsasanay

Panuto: Basahing muli ang tula at isulat sa bawat kahon ang mga salitang

pang-uri.

2. Pagpapayabong

Panuto: Bumuo ng limang pangkat.Ang bawat pangkat ay pumili ng

dalawang salitang pang-uri na naitala sa kahon at ibigay ang

kaantasan nito at gamitin sa pangungusap ang mga ito.

26
3.Pagpapaunlad

Panuto: Ibigay ang kaantasang pahambing at pasukdol ng mga sumusunod na

pang-uri. Kopyahin ang tsart sa inyong kwaderno at isulat ang iyong

sagot.

Lantay Pahambing Pasukdol

1. maganda

2. sarap

3. hirap

4.magaan

5.maliwanag

V. Panapos

Binabati kita sa iyong tagumpay na mga gawain.

27
Worksheet Blg. 6

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _______________________________________________________

I. Pamagat: Pangngalan at Panghalip

II. kasanayan sa Pagkatuto: Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip

sa pagtalakay tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop, lugar, bagay at pangyayari sa paligid.

(F5WG-Ia-e-2)

HANDA KA NA BA?

III. Panuto: Basahin ang tulang Luntiang Paligid at gawin ang mga gawaing pagsasanay,

Pagpapayabong at pagpapaunlad.

IV. Gawain

A.Pamamaraan

Luntiang Paligid
ni Maricher S. Garcia

Naglipana ang mga bata, guro’t, matatanda


Saan mang sulok, makikita ang kanilang pagkabalisa
Dakot dito, tapon doon, silip dito, silip doon
Nag-aasam na may malilikom

Buhos ang biyaya ng mga mabubuting puso


Hakot dito, hakot doon
May timba, walis, paso at tabo,
Na tila natatanaw ang malinaw na dako
Na kasing busilak ng bawat puso

28
Tila may ngiti na makikita sa bawat labi
Bughaw na paligid, tingnan mo’t lungkot mapapawi
Bunga ng pagkakaisa, bungkos ng isang lahi
Biyaya’y makakamit ng iba’t-ibang saling lahi.

PAGTUKLAS:

Ang pangngalan ay ang salitang ginagamit sa ngalan ng tao, bagay, pook at

pangyayari at mayroong iba’t-ibang gamit sa pangungusap. Ang salita ay may

mahahalagang detalye.Ang panghalip ay inihahalili sa ngalan ng tao, hayop, lugar

o bagay.

I. Pagsasanay: Bilugan ang angkop na panghalip ng salitang may salungguhit.

1. Si Marla ay maganda, siya ay mahusay umawit.

2. Ang mga bata ay naglalaro, sila ay nagluluksong tinik sa damuhan.

3. Nagdala ng tambo, timba at sako ang guro, ang mga ito ay gagamitin sa paglilinis

ng hardin.

4. Sa Baguio nabuo ang masasayang alala ng magkapatid, doon sila nagkakilala

nang husto.

5. Masaya ang pasko ng mag-anak, sama-sama silang nagsimba at namasyal sa

parke.

2. Pagpapayabong: Ibigay ang angkop na panghalip sa mga pangngalan.

1. Inhinyero si Gerry sa pabrika ng coke, ____ ang namamahala sa produksyon para

sa manggagawa.

29
2. Kinuha ni Jenny at Carlo ang natirang tinapay, Inilagay _____ ang tinapay sa kahon.

3. Inakyat ni Ben ang Bundok Apo, Inilagay ni Ben ang watawat ng Pilipinas ___.

4. Humahangos si Ben sa paghabol sa tumatakbong aso, nahuli ____ ni Ben at

inilagay sa kulungan.

5.Ako, si Maila at SI Jacky ay magdadala ng litson sa kaarawan ni Glen, ____ ay

magsusuot ng magagandang damit.

3. Pagpapaunlad : Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pangngalan at

ibigay ang angkop na panghalip.

1. Si Fe, Tanya at Sonia _______________________________________________

2. Ang Sampaloc Lake ________________________________________________

3. Ang Kalabaw, Bangus at bahay kubo ______________________________________

4. Leron Leron sinta at Paru parong bukid _____________________________________

5. Ang mga Lapis, papel at krayola __________________________________________

V. PANAPOS

Magaling! Binabati kita sa pagsusumikap na pagsagot at pagtapos ng mga gawain.

30
Worksheet Blg. 7

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _______________________________________________________

I. Pamagat: Sanhi at Bunga

II. Kasanayang Pampagkatuto: Nasasabi ang Sanhi at Bunga ng mga pangyayari


(F5PB-IIIj-6.1)
HANDA KA NA BA?
III. Panuto: Basahin ang maikling tulang “ Ang Lihim sa Likod ng mga Ulap” at gawin
ang mga gawain sa pagsasanay, Pagpapayabong at Pagpapaunlad.
IV. Gawain

A. Pamamaraan

Ang Lihim sa Likod ng mga Ulap


ni: Maricher S. Garcia

Ako’y naiinis sa aking nararamdaman


Hinahanap kita, nasa isip twina
Ano ba itong gumugulo sa isipan?
At ako’y patuloy na nahihirapan

Puso ko’y puno ng saya, kahit pa lihim ang pagsinta


Nadarama ko ang lubos na ligaya
Isip ko’y, puso ko’y gulong-gulo
Para kang gamu-gamong sa isip ko’y nagpapahilo

Ako’y tulungan, bigyang linaw mo


Hinagpis ng puso ko, sana’y madama mo
Kay hirap ng kalagayan dahil kay ilap mo
Kasing dilim ng ulap ang pag-ibig mo

31
Minamahal kita ng di ko namamalayan, puso’y unti-unting nalulusaw
Kapag nakita kang masaya’t may kaulayaw
Puso kong baliw, kailan matatauhan?
Na kahit kailan man pag-ibig mo’y hindi makakamtan.

Kawangis mo’y balong malalim


Nang mahulog ako’y di makaahon-ahon
Paano makaaalis sa sitwasyong gipit ng panahon
Pagmamahal sa isa’t-isa malabong makamit dahil sa panahong di umaayon

1. Pagsasanay

Panuto: Bawat sanhi sa Hanay A ay may katambal na bunga sa hanay B.

Pagtambalin ito at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot upang mabuo ang kaisipan.

Hanay A Hanay B

___1. Pagtatapon ng basura sa ilog a. tumataas ang presyo ng bilihin

___2. Pagtaas ng halaga ng gasoline b. bumabaha sa kapaligiran

___3. Paggamit ng pataba c. nagpapabagal ng daloy ng tubig

___4. Pananalanta ng bagyo d. umaani nang masagana ang magsasaka

___5. Pagputol ng puno sa kabundukan e. nasisira ang mga ari-arian

2. Pagpapayabong

Panuto: Ibigay ang bunga ng sumusunod na sitwasyon ayon sa tula.

1. Ano ba itong gumugulo sa isipan?____________________________________.

2. Puso ko’y puno ng saya, kahit pa lihim ang pagsinta _____________________.

32
3. Hinagpis ng puso ko, sanay madama mo______________________________.

4. Puso’y unti-unting nalulusaw_________________________________________.

5. Paano makaaalis sa sitwasyong gipit ng panahon?________________________.

3. Pagpapaunlad

Panuto: Bawat pangungusap sa ibaba ay may sanhi at bunga. Bilugan ang sanhi at

kahunan ang bunga.

1. Ako’y naiinis sa aking nararamdaman Hinahanap kita nasa isip tuwina.

_________________________________________________________

2. Puso ko’y gulong-gulo , para kang gamu-gamong sa isip koy nagpapahilo.

_________________________________________________________

3. Kay hirap ng kalagayan dahil kay ilap mo.

_________________________________________________________

4. Puso’y unti-unting nalulusaw, kapag nakita kang may kaulayaw.

_________________________________________________________

5. Kawangis mo’y balong malalim, Nang mahulog di makaahon-ahon.

_________________________________________________________

V. Panapos

Binabati kita sa matagumpay na mga Gawain!

33
Worksheet Blg. 8

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _______________________________________________________

I. Pamagat: Matalinghagang Salita

II.Kasanayang Pampagkatuto : Nabibigyang Kahulugan ang


Matalinghagang Salita (F5PT-IVe-h-4.4)

HANDA KA NA BA?

III. Panuto: Basahin ang tula.Isagawa ang mga gawain sa pagsasanay,pagpapayabong


at pagpapa-unlad.

IV. Gawain

A. Pamamaraan

Balat-Kayo
Ni: Jocelyn E. Paguio

Tila ang iyong katauhan may busilak na puso


Sa mga kaibigang karnal ikaw palung-palo
Kapag sila'y kasama anong ligaya mo
Di batid ang sandali tuwing magtatagpo.

Bakit ngayon ika'y nagbago?


Ang dating busilak na puso
Ngayon tila matigas na bato
Ano nga ba ang nangyari sa iyo?

Sa panahong lumipas ito'y itinago


Di pinahalata sa mga katoto
Lumulutang sa alapaap ang pagkatao
Parang kiti-kiting di mapahinto.
34
Ang iyong pakiramdam tila mistulang pugon
Sa mga pangaral nagtataingang-kawali ang tugon
Sa mga kaibigan hindi maitago
Kaya naibulalas ang pagbabalat-kayo.

B. Mga Tanong

1. Sino ang nagbabalat kayo?

_________________________________________________________

2. Sino ang nakapansin sa kanyang pagbabago?

_________________________________________________________

3.Ano ang nangyari sa busilak na puso?

__________________________________________________________
4. Sa inyong palagay ,bakit siya nagbago?
__________________________________________________________

5. Tama ba na itago ang nararamdaman sa iba lalo na sa magulang? Bakit?

Pagtuklas:

Ang matalinghagang salita o mas kilala bilang idyoma ,ito ay may nakatagong
tunay na kahulugan dahil sa matalinghagang salita ang pangungusap ay nabibigyang
kulay at ganda.

Ito rin ay salitang may malalim na kahulugan. Ito ay kadalasang binubuo ng


tambalang salita na ang kahulugan ay naiiba sa kahulugan ng dalawang salitang
pinagtambal.

Hal: balat sibuyas

Nagtaengang kawali

35
1. Pagsasanay

Punan ng kahulugan ang bawat kahon

BALAT-KAYO

2.Pagpapayabong

Ibigay ang kahulugan ng matalinghagang salitang may salungguhit sa


pangungusap.

1. Ang may akda ay kaibigan karnal.

2. Nagtataingang-kawali siya sa lahat ng nagpapayo sa kanya.

3. Busilak ang puso ng taong nagbabalat-kayo.

4. Ang kanyang itsura ay tila bangkay ng silay magkahiwalay.

5. Pikit-mata niyang tinanggap ang kanyang kalungkutan.

3. Pagpapaunlad

Isulat sa pangungusap ang mga matalinghagang salita.

1. di-maliparang uwak

2. kapilas ng buhay

3. natutunaw na kandila

4. maamong kordero

5. matigas na bato

IV.Panapos

Malugod kitang binabati sa matagumpay na pagsasagawa ng mga gawain.

36
Worksheets Blg. 9

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _______________________________________________________

I. Pamagat : Pang-abay

II.Kasanayang Pampagkatuto : Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos


( F5WG-IIIa-c6)

HANDA KA NA BA?

III. Panuto: Basahin ang tulang “Katoto”.Isagawa ang mga gawain sa


pagsasanay,pagpapayabong at pagpapa-unlad.

IV. Gawain

A. Pamamaraan

Katoto
Ni: Jocelyn E. Paguio

Inihambing kita sa isang bulaklak. Pagkatao mo’y tunay na kagalak-galak. Naaalala


ko noon kung gaano ka kaganda. Halos lahat ng ginoo sa ating silid ay napupusuan ka.
Agad kitang kinaibigang lubos na kasiyahan ang aking nadama. Hinahangaan kong binibini
naging kaibigan ko na. Ngunit di natin mapipigilan ang oras. Tayo ay unti-unting tatanda't
magkakahiwalay ng landas...... “Binibining kasing rikit ng bulaklak,” Binibini ako’y nasabik
sa ating muling pagkikita. Kababata ko noon ano na kayang itsura?

Dumating na ang araw na muli tayong nagkita .Subalit ako'y hindi natuwa sa aking
nasaksihan tila ba ibang tao aking nasa harapan. Lumipas ang mga oras tahimik na
naguguluhan, kababata kong masayahin ikaw nga ba talaga ito? Bakas sa katawan mo ang
labis na pangangayayat, sa iyong mga mata nama’y labis na pagpupuyat . Ako’y
napatanong kung ayos ka lang ba? Sagot mo'y “Oo”, ngunit naramdaman ko'y iba.

Bago tayo umuwi sa ating mga tahanan ako'y nagmungkahing dumaan muna sa
simbahan,upang taimtim na idulog sa Panginoon iyong nadarama. Ano man ang mangyari
hindi ka niya pababayaan. Natapos na ang ating panalangin, balisang nagtirik ng kandila.

37
Bigla kong naitanong dahilan ng iyong pagkatulala .Mata mo’y dahan-dahang pumapatak
ang luha pagkalungkot di naiwasan bigla .Dahilan nang kalungkutan sinabi sa amin,habang
ika'y nagkukwento aking di naiwasang napansin, dalawa kong mga mata ay lumuluha na
rin.

Labis akong nalungkot sa iyong istorya. Aking dalangin ay magpakatatag ka sana


problema’t pagsubok na parati'y kayanin mo pa. Nandito ako para damayan ka,sumapit ang
ilang oras tapos na ang kwentuhan. Matinding luha ay pinawi't ngumiti ka sa aming harapan.
Bago umuwi,sa Panginoon ako'y buong pusong humiling kababata naming singrikit ng
bulaklak sana’y muli naming makapiling.

B. Mga Tanong
1. Ano ang ibig sabihin ng katoto?

__________________________________________________________________
2. Saan inihalintulad ang binibining marikit?

__________________________________________________________________
3. Ano ang naramdaman ng kaibigan sa isiniwalat ng istorya?

_________________________________________________________________
4. Bakit sa inyong palagay, damang-dama niya ang kalungkutan ng kaibigan?

_________________________________________________________________ 5.
Paano niya ipinakita sa kaibigan ang masidhing pag-alalay sa mga problemang
kinaharap ?

_________________________________________________________________

Pagtuklas:

Ang pang-abay ay salitang naglalarawan kung paano,saan,at kalian


ginagawa,ginawa at gagawin ang kilos na isinasaad ng pandiwa

1.Pagsasanay

Basahin muli ang sanaysay. Sumipi nang limang pang-abay na ginamit .Isulat ito sa
loob ng bituin.

38
1. 2.

3.

4. 5.

2. Pagpapayabong

Punan ang patlang nang wastong pang-abay upang mabuo ang pangungusap.

1. Sa loob ng ______ aralan kami nagtatalakayan.

2. Sa _______ nagsisimula ang paghubog ng magandang asal.

3. ________ pinahid ang luha ng kaibigan.

4 . Nagdasal nang _________ at idinulog ang nararamdaman.


5 Ilang _______ na huminto sa pangkukwentuhan ang bawat isa.

3. Pagpapaunlad

Panuto: Sumulat ng maikling talata gamit ang pang-abay na binubuo ng limang


pangungusap. Gawing gabay sa pagsulat ang hakbang o pamantayan.

39
RUBRIK SA PAGSULAT NG TALATA

5 4 3 2 1
Pamantayan
ANYO

* pagsunod sa uri at anyong hinihingi o ipinasusulat


BALARILA
* wastong gamit ng wika/salita
* baybay,bantas,estruktura ng mga pangungusap
HIKAYAT
* paraan ng pagtalakay sa paksa
* lohikal na pagkakaayos/ daloy ng mga ideya
* pagkakaugnay ng mga ideya

NILALAMAN
* lawak at lalim ng pagtalakay ng paksa

IV.Panapos

Binabati kita sa mabilis na pagtugon sa lahat ng gawain.

40
Worksheet Blg. 10

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _______________________________________________________

I. Pamagat: Bakit at Paano

II.Kasanayang Pampagkatuto : Nasasagot ang mga tanong na Bakit at Paano

( F5PB-IIIg-3.2 )

III. Panuto: HANDA KA NA BA?

Basahin ang tulang Dating Tayo”Isagawa ang mga gawain sa


pagsasanay,pagpapayabong at pagpapa-unlad.

A. Pamamaraan

Dating Tayo
Ni: Jocelyn E. Paguio

Mahal,naalala mo pa ba ?
Ang mga panahon na tayo'y magkasama,
Laging masaya't walang problema,
Mga ngiti sa labi'y di mabura-bura,
Ang kilig na pinadama di maalis sa sistema.

Ngunit mahal bakit nagkaganoon?


Bakit iniwan para lang sa kanya?
Siguro nga'y di ako karapat-dapat,
Marahil di minahal ng totoo,
Katulad ng pagmamahal ko sayo,
Maaring pagpapanggap lang ang lahat ng ito.

Mahal ko,naasa pa rin ako,


Na maibabalik ang dating tayo,
Pero kung hindi, tatanggapin ko,

41
Salamat,Salamat binigyang kasiyahan mo,
Ang puso ko kahit panandalian lamang ito.

1.Pagsasanay

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Bakit di mabura- bura ang ngiti niya sa labi?


___________________________________________________________
2. Bakit sa tingin niya ay pagpapanggap lang ang lahat?
___________________________________________________________
3. Bakit ninanais pa rin niya na sila ay magkabalikan?
_________________________________________________________________
4. Ano sa tingin mo ang damdamin ng manunulat habang sinusulat niya ang
tula?____________________________________________________________

________________________________________________________________
5. Paano tinanggap ang kanyang pagkabigo?

_________________________________________________________________

Pagtuklas:

Ang bakit ay tumatalakay sa sanhi at bunga ng pangyayari samantalang ang paano


ay naglalahad ng paraan ng pagkakaganap ng pangyayari.

2. Pagpapayabong

Panuto: Bigyang kaukulang kasagutan ang sumusunod na tanong na Bakit at


Paano.

1. Paano mo ipinadarama ang iyong pagmamahal sa iyong magulang at sa ibang tao?


___________________________________________________________________
2. Paano mo masasabing mapagpanggap ang isang tao sa ipinakikita nito sayo?
___________________________________________________________________
3. Bakit kinakailangang magmahal ng iba gayong may minamahal ka na?
___________________________________________________________________

42
4. Bakit kinakailangang umasa sa taong hindi marunong magpahalaga sa pagmamahal
mo?
___________________________________________________________________
5. Paano mo masasabing iba ka sa inilarawan sa tula?
___________________________________________________________________

3. Pagpapa-unlad

Panuto: Mula sa tula bumuo ng limang tanong na nagsisimula sa bakit at paano.


Isulat ang karampatang sagot dito.

V. Panapos

Binabati kita sa iyong matagumpay na pagsagot sa mga gawain.

43

You might also like