You are on page 1of 28

Aralin 1:

Ang
Kinalalagyan ng
Aking Bansa
Makikita sa larawan ang ating daigdig at mga
kontinenteng bumubuo rito. Ang kontinente ay isang
malawak na tipak ng lupain na binubuo ng iba’t ibang
bansa.
Ang Pilipinas ay bahagi ng pinakamalaking kontinente
sa daigdig- ang ASYA
Ano-ano ang mga nasa larawan?
Saan natin ito makikita?
Ang Pilipinas ay may katangi-
tanging lokasyon sa daigdig. Ang
magagandang at estratehikong
kinalalagyan nito ayang dahilan
kung bakit maraming dayuhang
nagtatangkang umangkin at
sumakop dito.
Dapat ba nating ipagmalaki ang mga
magagandang tanawin an ito?Bakit?
Mga Batayang Heograpiya
Sa pagtukoy ng kinalalagyan o lokasyon ng
Pilipinas, maari nating gamitin ang
dalawang paraan ang tiyak na lokasyon at
ang relatibong lokasyon.
Tiyak na lokasyon ay kinalalagyan ng isang lugarsa
pamamagitan ng mga likhang guhit sa mapa tulad ng
longhitud at latitude.

Relatibong lokasyon naman ay ang kinalalagyan ng


isang lugar batay sa mga kalapit na lugar nito tulad
ng mg kalupaan at mga anyong tubig.
Ang globo ay isang pabilog na
replica ng daigdig. Ipinapakita
nito ang eksaktong anyo at
posisyon ng daigdig.

Binubuo ito ng: Ang mapa ay patag na


representasyon ng mundo.
Ipinapakita rito ang lawak ng
mga lupain at kabuuan ng
mundo nakaguhit nang
palapad sa papel.
Kaya niyo bang hanapin ang
ating bansa sa globo?

Binubuo ito ng:


Mga Guhit Longtitud
Ang guhit longhitud ay ang linyang patayo na nasa silangan
o kanluran ng linya ng prime meridian at international
dateline. Ito ay nag-uugnay sa Hilaga at Timog Polo. Ang
guhit longhitud ay tinatawag ding Meridian.

Prime Meridian ay ang pinakagitnang


guhit na patayo na humahati sa globo
sa silangan at kanlurang hating-globo.
Ito ay bumabagtas sa Greenwich,
England at nasa zero degree longhitud.
Kilala rin ito sa tawag na Greenwich
Meridian.
Prime Meridian

Ang guhit na patayo na may


bilang na zero digri ay tinatawag
na Prime Meridian.Ito ay
naghahati sa globo sa Silangan
at kanlurang hatingglobo.
International Date Line

Ang International Date Line ay


matatagpuan sa kabilang bahagi ng globo,
katapat ng Prime Meridian. Ang
international Date Line ay batayan ng
pagkakaiba ng araw o petsa sa
magkabilang panig ng mundo.
Mga Guhit Latitud
Ang guhit latitud ay tumutukoy sa linyang
pahalang sa globo o mapa. Tinutukoy nito
ang ang kinalalagyan ng isang lugar mula sa
ekwador patungong hilaga o patungong
timog.
Ekwador
Ang Ekwador ay ang pabilog na
guhit sa pinakagitnang bahagi ng
globo. Hinahati nito ang globo sa
dalawang hatingglobo-Hilagang
hatingglobo at timog hatingglobo.
Ito ay nakakatulong sa pagsabi
kung ang mga lugar sa mundo ay
nasa hilaga o nasa timog.
EKWADOR
Pangunahing Guhit Latitud sa
Globo at Mapa

Ang globo at mapa ay mkay limang


pangunahing guhit latitud. Ang mga
ito ay Ekwador, Tropiko ng Kanser,
Tropiko ng Kaprikorn, Kabilugang
Artiko, at Kabilugang Antartiko.
Tropiko ng Kancer at
Kapricorn
Ang Tropiko ng Kanser ay ang
pahalang na linya na
matatagpuan sa 23.5 ℃ hilagang
latitud. Ang Tropiko ng Kaprikorn
naman ay linyang pahalang na nasa
23.5 ℃ timog latitud.
Kabilugang Antartiko at
Artiko

Ang Kabilugang Artiko ay ang


pahalang linya na matatagpuan sa
66.5 ℃ hilagang latitud.
Ang Kabilugang Antartiko ay ang linyang
nasa 66.5 ℃ timog latitud.
Polong Hilaga

Ang Polong Hilaga ( North Pole


) ang pinakamlayong lugar sa
hilaga ng Ekwador.
Polong Timog

Ang Polong Timog ( South


Pole) ay ang
pianakamalayong lugar sa
timog ng ekwador
Ang Mga Grid
Ang pagsasalubong ng mga guhit
latitud at guhit longhitud sa mapa ay
tinatawag na grid or o parilya. Ito ay
mahalaga at ginagamit na pantukoy ng
tiyak na lokasyon ng isang lugar gamit
ang globo at mapa.
Ang Kinalalagyan ng
Pilipinas sa Daigdig
Relatibong Lokasyon ng
Pilipinas
May dalawang paraan sa pagtukoy
ng relatibong lokasyon ng Pilipinas.
Bisinal

Ang pangalawa ay ang paraang


bisinal. Sa paraang ito, tinutukoy
ang mga kalupaang nakapalibot
sa Pilipinas.
Tiyak na Lokasyon ng PIilipinas

THANK YOU AND GOD


BLESS!

You might also like