You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province

IKAAPAT NA PANAHUNANG PAGSUSULIT SA


ARALING PANLIPUNAN 4

Pangalan:_______________________________________________
Petsa:___________________ Baitang at
Pangkat:______________________________________

A. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Sino ang hindi itinuturing na mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987? A.
Mamamayan ng Pilipinas nang pagtibayin ang saligang batas ng 1987.
B. Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973.
C. Mga dayuhang hindi tinatanggap ang kulturang Pilipino.
D. Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino.

2. Ang mga sumusunod ay mga gawaing pansibiko na maaaring gawin ng isang indibidwal maliban sa
isa. Alin ito?
A. Pamamahala sa trapiko
B. Pagtangkilik sa mga dayuhang produkto
C. Paggawa ng kabutihan
D. Pagsunod sa batas ng munisipyo at sa bansa

3. Ang bawat mamamayan ay may tungkulin na dapat gampanan kapalit ng karapatang itinadhana ng
ating batas. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang dito?
A. Pagtatanggol sa Bansa
B. Paggalang sa Watawat
C. Pagmamahal sa Bayan
D. Pakikipagtulungan sa mga rebelde

4. Si Jeyrick ay anak ng isang Aeta at isang Igorot. Silang mag-anak ay naninirahan sa bulubunduking
lugar sa probinsya ng Tarlac. Anong uri ng pagkamamamayan mayroon si Jeyrick? A. Si Jeyrick ay
isang dayuhan.
B. Si Jeyrick ay naturalisadong mamamayan.
C. Si Jeyrick ay likas o katutubong mamamayan.
D. Si Jeyrick ay isang katutubong dayuhan.

5. Si Lani ay rehistradong botante sa probinsya ng Tarlac at nagtratrabaho bilang call center agent sa
Maynila. Sinabi niya na hindi muna siya boboto sa darating na eleksyon sapagkat tinatamad siyang
umuwi sa probinsya dahil malayo. Tama ba ang naging desisyon ni Lani?
A. Oo, dahil malayo ang Maynila sa kanilang probinsya.
B. Oo, dahil mahal ang pamasahe pauwi sa kanilang probinsya.
C. Hindi, dahil karapatan ng bawat mamamayan ang bomoto.
D. Hindi, dahil may sarili namang sasakyan si Lani kapag umuuwi sa probinsya.

6. Kung ikaw ay isang dayuhan at nagnanais na maging isang naturalisadong Pilipino, alin sa mga
sumusunod ang maaaring mong gawin upang makamit mo ito?
A. Maging isang mabuting tao
B. Pagtanggap ng kulturang Pilipino
C. Matuto ng salita at pagsulat ng wikang Pilipino
D. Lahat ng nabanggit
7. Alin sa mga sumusunod na gawaing pansibiko ang nagtataguyod sa kapakanan ng ating
kalikasan? A. Pagsasagawa ng free dental check-up.
B. Pakikiisa sa aktibidad na tapat ko, linis ko.
C. Pagbibigay ng gamot sa mga may sakit.
D. Pagtuturo ng pagbasa at pagsulat sa mga grupong etniko.

8. Sino sa mga sumusunod na bata ang nagpapakita ng may kusang-loob sa paggawa? A. Si


Benedict na inuutusan ng magulang na ayusin ang mga gamit sa kanyang kwarto. B. Si Louie
na hinihingi ang sukli sa magulang pagkatapos utusang bumili.
C. Si Andrei na inililigpit agad ang pinagtulugan pagkagising.
D. Si Larry na padabog na ginagawa ang gawain.

9. Nakapag-asawa ng isang Pilipino si Thomas na mula sa Australia. Walong taon na silang kasal ng
kanyang asawa. Sila ay masayang naninirahan kasama ng kanilang tatlong anak sa Pampanga. Maaari
bang makamit ni Thomas ang pagiging isang naturalisadong mamamayan ng Pilipinas? A. Oo, dahil
siya ay nakapag-asawa ng isang Pilipino.
B. Oo, dahil ipinanganak sa Pampanga ang kanyang mga anak.
C. Hindi, dahil wala pang sampung taon na naninirahan siya sa Pilipinas.
D. Hindi, sapagkat siya ay isang Australyano.

10. Maraming Pilipino ang naging tanyag sa ibang bansa dahil sa angkin nilang talento, lakas at
kakayahan. Kung ikaw ay isang manlalaro, paano mo paghahandaan ang sasalihan mong laro? A.
Hihingi ako ng payo sa idolo kong manlalaro.
B. Hindi na ako magsasanay dahil magaling na ako.
C. Ipananalangin ko na lamang na manalo ako sa laro dahil nagtitiwala ako sa Maykapal. D.
Pauunlarin ko ang aking kakayahan sa pamamagitan ng pagsasanay upang makamit ko ang
tagumpay.

11. Sina Mel at Mika ay nagbibigay ng pagkain sa mga batang lansangan sa kanilang lugar. Ginagawa
nila ito upang makatulong sa kanilang kapwa. Anong katangian mayroon sina Mel at Mika? A.
Tumutulong sa kapwa na may hinihinging kapalit.
B. Tumutulong sa kapwa upang sumikat at makilala.
C. Tumutulong sa kapwa nang walang hinihinging kapalit.
D. Tumutulong sa kapwa upang malaman ng iba na sila ay mayaman.

12. Bilang mag-aaral sa ika-apat na baitang, paano mo maipapakita ang pagiging


produktibo? A. Pagtangkilik sa sariling atin.
B. Maging malikhain at maabilidad.
C. Paglinang ng talento at galing.
D. Pagbibigay ng trabaho sa ating kapwa.

13. Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng kahalagahan ng
bayanihan.
A. Napagagaan nito ang kahit anumang mabigat na bagay dahil ang lahat ng tao na sangkot
dito ay tulong-tulong at nagkakaisa.
B. Napabibilis nito ang pagtapos sa isang gawain.
C. Hindi na mahihirapan ang isang tao na gawin ang isang bagay dahil may gagawa na ito para
sa kanya.
D. A at B
E. A at C
14. Ang _________________ ay ang tawag sa prinsipyo ng pagkamamamayan batay sa lugar ng
kapanganakan.

A. Jus Soli C. Dual Citizenship


B. Naturalisasyon D. Jus Sanguinis

15. Nakita mong hirap tuwawid sa kalsada ang isang matanda. Ano ang maaari mong gawin sa
sitwasyong ito?
A. Alalayan ang matanda hanggang sa makatawid sa kabilang dulo ng
kalsada. B. Pabayaan siya at huwag pansinin.
C. Sabihan siya na mag-ingat sa pagtawid dahil maraming sasakyan.
D. Maghanap ng pulis sa paligid upang tumulong sa matanda na makatawid.

16. Alin sa mga sumusunod ang maaaring pagkunan ng mga bagay na ating kailangan upang
mabuhay?
A. Yamang tao C. Likas na yaman
B. Yamang mineral D. Wala sa mga nabanggit

17. Paano maitataguyod ng isang mamamayan ang kaunlaran ng bansa?


A. Kailangan niyang paunlarin ang kaniyang sarili upang maging kapaki-pakinabang.
B. Tularan ang mga tiwaling namumuno sa pamahalaan.
C. Huwag linangin ang katalinuhan at kakayahan.
D. Sirain ang mga kagamitang pampubliko at mga lugar.

18. Ang mga sumusunod ay iyong karapatan bilang isang bata maliban sa isa. Alin
ito? A. Karapatang makilahok sa mga protesta.
B. Karapatang alagaan at mahalin ng magulang.
C. Karapatan sa sapat na edukasyon.
D. Karapatang magpahinga at maglaro.

19. Ano ang mangyayari kung hindi sinusunod ng mga mamamayan ang mga batas na pinaiiral ng
isang bansa?
` A. Magiging maunlad ang bansa.
B. Makahihikayat ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.
C. Magkakaroon ng kaayusan at katahimikan sa bansa.
D. Magkakaroon ng malawakang kaguluhan sapagkat magkakaroon ng kampihan
ng . mga taong mayroong pare-parehong pananaw.

20. Hindi pinigilan ni mang Larry ang kanyang anak na sumapi sa relehiyon ng kanyang
mapapangasawa. Anong karapatan ang ipinagkaloob nito sa kanyang anak?
A. Karapatang Politikal
B. Karapatang Sibil
C. Likas na Karapatan
D. Karapatang Panlipunan at Pangkabuhayan
21. Pagkatapos ng malakas na bagyo, agad na nagpadala ng relief goods ang lokal na pamahalaan sa
mga evacuation centers. Kung isa ka sa mga naapektuhan ng bagyo, ano ang iyong marapat na
gawin?
A. Sisingit ako sa pila upang makakuha ako agad ng relief goods.
B. Sasabihin ko sa nag-aabot na unahin na ako dahil magkakilala naman kami.
C. Pipila ako ng maayos hanggang makarating sa unahan.
D. Magpapakuha na lang ako sa kakilala ko upang hindi na ako pumila pa.
22. Bilang isang mamamayan, alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin upang maitaguyod
ang isang maunlad na lipunan?
A. Pagiging tamad C. Pag-abuso sa kapaligiran
B. Pagiging produktibo D. Pagtangkilik sa mga produkto ng ibang bansa

23. Alin sa mga sumusunod ang hindi marapat na gawin kung ninanais ng isang tao na
mapangalagaan ang kapaligiran?
A. Paghihiwalay ng mga basura
B. Pagtatanim ng mga puno
C. Pagsusunog ng plastic
D. Pagtatanim ng halaman sa mga plastic bottles

24. Sino sa mga sumusunod na dayuhan ang may katangian upang maging isang Pilipino batay sa
prinsipyo ng naturalisasyon?
A. Si George ay isang Amerikanong naninirahan sa Zambales ng siyam na buwan. B. Si
Henry ay isang Amerikano na nagmamay-ari ng malaking korporasyon at malawak na
lupain sa Subic.
C. Sina Jack at Rose ay nagbabakasyon sa Subic tuwing Disyembre.
D. Si Kaito na isang Hapon ay nagpunta sa Pilipinas upang mag-aral ng lenggwaheng ingles.

25. Ano ang pinagkaiba ng karapatan sa tungkulin?


A. Ang karapatan ay tumutukoy sa mga bagay o gawain na dapat tamasahin ng isang
tao na naayon sa batas samantalang ang tungkulin ay tumutukoy sa mga gawain o
bagay na dapat isagawa ng isang tao.
B. Ang karapatan ay tumutukoy sa mga bagay o gawain na dapat isagawa ng isang tao
samantalang ang tungkulin ay isang pribilehiyong dapat tamasahin ng isang tao. C. Ang
karapatan ay tumutukoy sa mga gawaing nais isagawa ng isang tao ng walang pumipigil sa
kanya samantalang ang tungkulin ay mga gawaing iniutos sa kanya.
D. Walang pinagkaiba

26. Si Mang Romeo ay isang retiradong pulis. Isang araw, nagkaroon ng kaguluhan sa kanilang
barangay. Ano ang dapat na gawin ni Mang Romeo?
A. Maglabas ng baril at itututok ito sa mga nanggugulo upang tumigil sila.
B. Habulin ang mga nanggugulo sa kanilang lugar.
C. Hayaan na lamang sila dahil hindi na siya pulis.
D. Awatin at tumawag sa himpilan ng pulisya.

27. Ito ay salitang latin na nangangahulugang mamamayan.


A. civique C. civic welfare
B. sibiko D. sibilyan

28. Madalas makakita ng maraming plastic bottles sa daan si Arturo kapag papasok siya sa paaralan.
Ano ang tamang gawin ni Arturo sa mga ito?
A. Pulutin ang mga ito at gawing baunan ng tubig.
B. Pulutin ang mga ito at itapon sa ilog.
C. Pulutin ang mga ito at gawing kapaki-pakinabang na proyekto.
D. Hayaan ang iba na pulutin ang mga ito.
29. Nagnanais ka na muling makamit ang pagkamamamayang Pilipino. Ano ang maaari mong
gawin? A. Gumamit ng dahas.
B. Humingi ng tulong sa matataas na opisyal ng pamahalaan.
C. Magtayo ng negosyo sa Pilipinas upang makatulong sa mamamayan nito.
D. Bumalik sa Pilipinas at muling sumumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas.
30. Ano ang maaaring maging resulta kung hindi maayos na nagagampanan ng isang mamamayang
Pilipino ang kanyang tungkulin sa bansa?
A. Malalabag nito ang mga batas na umiiral sa bansa.
B. Hindi magiging maayos ang kanyang pamumuhay.
C. Hindi niya maipagtatanggol ang bansa laban sa mga naninira dito.
D. Lahat ng nabanggit.

31. Isang dayuhan si Marcus na nagnanais na maging isang mamamayang Pilipino subalit hindi ito
naniniwala sa mga kaugalian at tradisyon ng mga Pilipino. Maaari bang pagkalooban ng pamahalaan
ng pribilehiyong maging isang naturalisadong Pilipino si Marcus?
A. Oo, dahil siya ay isang dayuhan na maaaring makatulong sa pag-unlad ng bansa. B. Oo,
dahil ang mga kaugalian at tradisyon lamang naman natin na mga Pilipino ang hindi niya
pinaniniwalaan.
C. Hindi, sapagkat hindi nito ganap na nirerespeto ang mga paniniwala natin na mga Pilipino.
D. Hindi, sapagkat kailangan niya munang makapag-asawa ng Pilipino bago siya maging isang
naturalisadong Pilipino.

32. Papasok na sa trabaho si Kimberly nang mapadaan ito sa harap ng munisipyo na kasalukuyang
nagsasagawa ng flag raising ceremony. May mga nakabantay din na pulis sa daan na nagpapahinto
sa mga dumadaan. Ano ang marapat na gawin niya?
A. Titigil at hihintaying matapos ang flag raising ceremony.
B. Didiretso sa pagdaan dahil late na siya sa trabaho.
C. Makikiusap sa mga pulis na kung maari ay padaanin siya dahil papasok siya sa kanyang
trabaho.
D. Hahanap nang ibang alternatibong daanan.

33. Buntis si Ivy at patungo ng Amerika kasama ang kanyang asawa upang makipag-usap sa isang
kliyente ng kanilang kumpanya. Pagdating sa Amerika ay biglang sumakit ang tiyan nito at nanganak.
Kung susundin ang prinsipyo ng pagkamamamayan, anong pagkamamamayan mayroon ang anak
nina Ivy?
A. Mamamayang Pilipino
B. Mamamayang Amerikano
C. Naturalisadong Pilipino
D. Parehong Pilipino at Amerikano

34. Hinuli ng mga pulis si Ramon dahil sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Walang kakayahan
na kumuha ng abogado ang kanyang pamilya na magtatanggol sa kanya dahil mahirap lamang ang
kanilang pamumuhay. Ano ang maaaring gawin ng pamilya ni Ramon upang makahanap sila ng
abogado na magtatanggol sa kanya sa korte?
A. Humingi ng tulong sa mga politiko .
B. Magmakaawa sa tagahatol na huwang ikulong si Ramon dahil inosente
ito. C. Hayaan na lamang siyang makulong at hintaying makalaya.
D. Magtungo sa opisina ng Public Attorney’s Office upang mabigyan siya ng libreng abogado.

35. Bakit hindi maituturing na likas o katutubong mamamayang Pilipino ang isang tao na ipinanganak
sa ibang bansa kahit pa parehong Pilipino ang mga magulang niya?
A. Dahil sang-ayon sa batas, kung saang lugar ipinanganak ang isang tao ay doon ang
kanyang pagkamamamayan.
B. Dahil iba ang mga batas na sinusunod sa bansang iyon.
C. Dahil labag ito sa saligang batas.
D. Dahil mas may kakayahan ang bansang iyon na bigyan ng magandang buhay ang
mga taong ipinanganak sa kanilang bansa.
36. Hindi pinalad na magka-anak ang mag-asawang John at Faith. Dahil sa kagustuhang magka-anak,
nagpasya ang mag-asawa na mag-ampon na lamang. Anong proseso ang dapat sundin ng mag-
asawa upang makapag-ampon?
A. Humanap ng buntis na nanay at sabihing bibilhin ang sanggol pagkapanganak nito.
B. Maghanap ng mga palaboy sa kalsada upang ampunin.
C. Lumapit sa DSWD upang legal na makapag-ampon.
D. Utusan ang katulong na maghanap ng bata at iuwi ito sa bahay.

37. Si Miguel ang nangunguna sa kanilang lugar. Nag-iisip siya ng maaaring maging proyekto na ukol
sa kalusugan ng kaniyang nasasakupan. Alin sa mga sumusunod ang maaaring isakatuparan ni Miguel
na proyekto?
A. Pagsasagawa ng bayanihan.
B. Pagsasagawa ng tree-planting sa kanilang lugar.
C. Pagsasagawa ng seminar tungkol sa pangangalaga ng katawan at
kalusugan. D. Pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero.

38. Sino sa mga sumusunod ang matalinong mamimili?


A. Bumibili ng mga produkto si Ramon batay sa mga nakikita niya sa telebisyon. B.
Nililista ni Charlene ang mga kailangan niyang bilhin bago pumunta sa palengke. C.
Pinipili ni Berna ang mas marami at malalaki kaysa sa kalidad ng produkto. D. Binibili
ni Maya ang lahat ng maibigan niya sa online shop kahit hindi ito kailangan.

39. Nagkaroon ng malaking sunog sa inyong barangay na naging sanhi ng pagkasunog ng maraming
ari-arian ng inyong mga kabarangay. Bilang mag-aaral, sa paanong paraan mo maipapakita ang iyong
pagtulong sa kanila?
A. Makisimpatya sa kanila.
B. Mag-ipon ng mga damit na hindi na ginagamit at ibigay ito sa kanila.
C. Hayaan na lamang ang ibang tao na tumulong sa kanila.
D. Magsawalang-kibo na lamang.

40. Madalas mong nakikita na makalat ang likurang bahagi ng inyong silid-aralan dahil dito
nagtatapon ng pinagkainang plastic ang iyong mga kaklase. Paano mo sasabihin sa mahinahong
paraan na huwag na silang magtapon ng basura doon?
A. Hoy! Bawal magtapon ng basura diyan!
B. Isusumbong ko kayo kay mam at sir na nagtatapon kayo ng basura diyan.
C. Mga kaklase doon tayo sa basurahan magtapon ng basura natin pagkatapos
kumain. D. Hoy! Magagalit si mam at sir kapag diyan kayo nagtapon.
Susi sa Pagwawasto:
Araling Panlipunan 4

1. C
2. B
3. D
4. C
5. C
6. D
7. B
8. C
9. A
10.D
11.C
12.A
13.D
14.A
15.A
16.C
17.A
18.A
19.D
20.D
21.C
22.B
23.C
24.B
25.A
26.D
27.B
28.C
29.D
30.D
31.C
32.A
33.B
34.D
35.A
36.C
37.C
38.B
39.B
40.C

Reference: Grade 4 Compendium

You might also like