You are on page 1of 4

LILOAN DISTRICT

YATI ELEMENTERY SCHOOL


Ikaapat na Markahang Pagsusulit
ARALING PANLIPUNAN 4
S.Y. 2018-2019

NAME:_____________________________ DATE:______________

I. Basahing mabuti ang mga tanong at isulat ang letra ng tamang sagot
1. Ano ang tawag sa prinsipyo ng pagkamamamayan batay sa lugar ng kapanganakan?
a. Jus soli b. Jus sanguinis c. Naturalisasyon d. Dual citizenship
2. Ito ang prinsipyo ng pagkamamayan ayon sa pagkamamamayan o dugo ng magulang?
a.Jus soli b. Jus sanguinis c. Naturalisasyon d. Dual citizenship
3. Ano ang tawag sa kasulatan na kung saan nakasaad ang pagkamamamayang
pilipino?
a. Artikulo b. Saligang Batas c. Seksiyon d. wala sa nabanggit
4. Sino sino ang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas?
a. Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino
b. Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987 noong Pebrero
2, 1987.
c. Mga dayuhang nagpasiyang naging mamamayang Pilipino ayon sa batas ng
naturalismo.
d. Lahat ng mga nabanggit
5. Ito ang proseso ng pagiging mamamayan ng isang dayuhan ayon sa batas?
a. Naturalisasyon b. dual citizenship c. jus soli d. jus sanguni
6. Isa sa mga katangian ng isang dayuhan upang maging naturalisadong Pilipino ay ang
paninirahan nang tuloy-tuloy sa Pilipinas sa loob ng sampung taon. Kailan ito maaaring
mapaikli ng limang taon?
a. Kung ang isang dayuhan ay mayaman
b. Kung ang isang dayuhan ay tanyag sa kaniyang bansa.
c. Kung ang isang dayuhan ay nakapag-asawa ng isang Pilipino.
d. Kung ang isang dayuhan ay may kilalang mataas na opisyal sa Pilipinas.
7. Sino ang mga sumusunod ang mamamayang Pilipino?
a. Si Joy na anak ng isang Igorot at Bicolano.
b. Si Carson na nagbabakasyon sa Pilipinas tuwing mahal na araw.
c. Si Smith na isang Amerikano na nakapagtayo ng isang malaking kompanya sa
Pilipinas. Dalawang taon na siyang naninirahan dito.
d. Si Jasmine na anak ng Intsik at Amerikano.
8. Sino sa mga sumusunod ang hindi mamamayang pilipino?
a. Si Christian na anak ng Pilipino at isanh Hapones
b. Si Jenifer na Canadian na naging naturalisadong Pilipino.
c. Si Trixie na ipinanganak sa Pilipinas
d. Si Johnson na anak ng kapwa dayuhan.
9. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa likas na karapatan?
a. Bumuto b. maglaro c.mabuhay d. mag-aral
10. Anong uri ng karapatan ang nauukol sa ugnayan ng mamamayan at pamahalaan?
a. Sibil b. Politikal c. Panlipunan d. pangkabuhayan
11. Hindi pinigil ng kanyang ama si Alden na sumapi sa relihiyon ng kanyang napangasawa.
Anong uri ng karapatan ang inihayag?
a. Likas na karapatan c. Karapatang panlipunan
b. Karapatang sibil d. Karapatang pangkabuhayan
12. Pilit na pinagpapalimos ng kanilang ina sa lansangan ang magkapatid na Jeremy at
Symhon dahil may sakit ang kanilang ama. Anong karapatan ang nilalabag nito?
a. Karapatang magkaroon ng tirhan at ari-arian
b. Karapatan sa pantay na proteksiyon ng batas
c. Karapatang magsalita at ipahayag ang sarili
d. Karapatan laban sa sapilitang paglilingkod.
13. Binigyan ni James ng pampublikong abogado para ipagtanggol siya sa kaniyang kaso.
Anong karapatan ang tinamasa ni James?
a. Karapatan ng nasasakdal c. Krapatang panlipunan
b. Karapatang pangkabuhayan d. Karapatang sibil
14. Masayang nakilahok si Marjhon sa paglilinis sa harap nag kanilang bahay dahil sa
panawagan ng programa ng barangay na “Tapat Ko, Linis Ko.” Anong tungkulin ang
ipinapahayag sa sitwasyon?
a. Pagtatanggol sa bansa c. Pagmamahal sa bayan
b. Pagsunod sa batas d. Pagganlang sa watawat
15. Si Jonathan ay dating pulis ngunit siya ay nagretiro na. Isang araw, nagkaroon ng
kaguluhan sa kanilang lugar. Ano ang dapat niyang gawin.
a. Huwag na itong pakialaman dahil hindi na siya pulis.
b. Paggugulpuhin niya ang mga nanggugulo.
c. Habulin lahat ng mga nanggulo sa lugar.
d. Awatin ang mga nanggugulo at tumawag ng ibang pulis.
16. Nakita mong nangongopya ang iyong kaklase sa kanyang notebook habang kayo ay may
pagsusulit. Ano ang iyong gagawin.
a. Magagalit ako sa kanya kapag hindi ako pinakopya
b. Sasabihan ko siya na hindi tama ang kaniyang ginagawa.
c. Magsasawalang kibo nalang ako.
d. Gagayahin ko rin siya.
17. Nagdulot ng mabahong amoy at usok ang paggawaan ng plastic sa inyong pamayanan.
Kung isa ka sa mga opisyal ng inyong pamayanan, ano ang gagawin mo?
a. Huwag nalang papansinin dahil hindi naman umaabot ang amoy sa bahay mo.
b. Ipaalam ito sa tanggapan ng punong lungsod.
c. Pagalitan ang may ari ng pagawaan.
d. Pulungin ang mga tao sa pamayanan para magrali sa tapat ng pagawaan
18. Binigyang halaga ang karapatan ng bawat mamamayan sa Saligang Batas ng 1987 upang
mapangalagaan ito at makapamuhay nang matiwasay ang mga tao sa lipunan. Ano ang
dapat na maging kaakibat nito?
a. Batas b. tungkulin c. kasunduan d. alituntunin
19. Naihalal si Waukee na alkalde sa kanilang lungsod. Anong kaakibat na tungkulin ang dapat
niyang gawin?
a. Gawin ng tapat ang tungkulin c. Magsabi ng katotohanan
b. Gawin ang naising gawin d. Maging bos ng kanilang lugar
20. Madalas na walang pambili ng pagkain si Mang Luis para sa kaniyang pamilya dahil wala
siyang trabaho. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Magpalimos sa daan c. Mangutang sa tindahan
b. Manghingi sa magulang d. Maghanap ng pagkakakitaan
21. Masayang nagkukuwenruhan ang magkaibigang Joan at Joey. Sa isang silid ay natutulog
ang isang bata na may sakit. Ano ang pinakamabuti nilang gawin?
a. Itigil nila ang kanilang kuwentuhan.
b. Ituloy ang kanilang kasayahan dahil karapatan nila ito.
c. Hinaan nila ang kanilang boses para hindi maabala ang may sakit.
d. Lakasan ang kanilang kuwentuhan.
22. Anong termino ang tumutukoy sa pinakamataas na kabutihang makakamit at mararanasan
ng mga mamamayan?
a. Gawaing pansibiko c. Produktibong mamamayan
b. Kamalayang pansibiko d. Kagalingang pansibiko
23. Anong mga salita ang maaaring kabahagi ng Kagalingang Pansibiko?
a. Bayanihan, Pagkukusang-loob c. Pagkukusang-loob, Kasipagan
b. Pagkukusang-loob, Kalakasan d. Bayanihan, Katapatan
24. Alin ang sakop ng Kagalingan Pansibiko?
a. Edukasyon, Negosyo, Pagbisita ng Papa, Isports
b. Edukasyon, Kalusugan, Pananakop, Giyera
c. Edukasyon, Kalikasan, Kabuhayan, Kababaihan
d. Edukasyon, Kalikasan, Kabuhayan, Kalusugan
25. Katatapos lamang ng malakas na bagyo. Maraming relief goods ang dumating sa inyong
lugar. Ano ang gagawin mo?
a. Tumulong sa pamimigay ng relief goods.
b. Kukunin lahat ng relief goods para ibenta.
c. Hayaan na lamang sila sa pamimigay.
d. Ibalita ito sa media na may dumating na relief goods.
26. Tumunog ang bell ng paaralan, marami pa ring bata ang hindi nakalinya. Masisimula na
ang pambansang awit. Ano ang gagawin mo?
a. Sumali sa mga batang hindi pa nakalinya.
b. Huwag kumibo.
c. Sabihan sila na pumila na at sumabay sa pag awit ng Lupang Hinirang.
d. Sigawan ang mga batang hindi nakalinya.
27. Nakita mong tumatawid sa kalsada ang isang matanda. Ano ang gagawin mo?
a. Alalayan ang matanda
b. Pabayaan siya at huwag pansinin
c. Sabihan siya na mag ingat sa pagtawid
d. Maghanap ng pulis na magtatawid sa kanya
28. May proyekto sa inyong barangay tungkol sa kalinisan. Ano ang gagawin mo?
a. Manood sa mga taong maglilinis
b. Tumulong sa paglilinis at gawin ang makakaya
c. Manatili na lamang sa loob ng bahay
d. Mamasyal nalang para hindi ka makita
29. Alin sa mga sumusunod ang mga gawaing pansibiko?
a. Pagpapakain sa mga batang lansangan.
b. Paglalaan ng oras sa bahay ampunan.
c. Pagboto sa mga opisyal ng pamahalaan.
d. Lahat ng nabanggit.
30. Alin sa mga sumusunod ang hindi gawaing pansibiko?
a. Pagtulong sa mga nagbibigay ng relief goods.
b. Panood ng sine
c. Paglilinis ng kapaligiran
d. Pagtatanim sa gilid ng mga kalsada
II. Lagyan ng tsek( / ) ang bilang kung ang pahayag ay may kinalaman sa kagalingan
pansibiko at ekis(x) kung hindi.
_____31. Pagboto ng mga opisyal ng pamahalaan.
_____32. Pagtulong sa pamimigay ng relief goods.
_____33. Paggamit ng bawal na gamot.
_____34. Paglalaan ng oras sa bahay ampunan.
_____35. Magdudruga sa araw ng walang pasok.
III. Lagyan ng puso ( ) ang mga pahayag na nakatututlong sa pag-unlad ng sarili o ng
bansa at bituin ( ) kung hindi.
_____36. Mahilig magkumpuni ng mga sirang gamit si Mang Gaston.
_____37. Laging huli sa klase si Dave.
_____38. Madalang maglaro si Maine dahil tumutulong siya sa tindahan ng kaniyang lola Martha.
_____39. Mahilig sa mga imported na gamit at pagkain si Nicole.
_____40. Umiiwas si Jose sa kaniyang kaibigan na nagdudruga.
IV. Basahin ang bawat sitwasyon at piliin ang titik ng tamang sagot.
41. Paano mo mapanatiling mausog ang iyong katawan upang makatulong sa pag-unlad ng
bansa?
a. Gumamit ng ipinagbabawal na gamot.
b. Kumain ng masustansiyang pagkain.
c. Mag ehersisyo kung kailan nais gawin ito.
d. Manood na telebisyon hanggang hatinggabi
42. Binigyan kayo ng proyekto ng iyong guro. Hindi mo naintindihan ang paliwanag kung paano ito
gagawin. Ano ang dapat mong gawin?
a. Ipapagawa ang proyekto sa kapatid
b. Hindi nalang gagawin ang proyekto
c. Magagalit sa guro at isusumbong sa magulang.
d. Ipauulit sa guro ang paliwanag upang maintindihan ito.
43. Mamimili ka sa isang malaking pamilihan sa inyong lugar dahil may sale. Ano ang mga bibilhin
mo?
a. Bibilhin lamang ang mga gamit na kailangan.
b. Bibili ng marami dahil minsan lang ito mangyayari.
c. Uutang sa kapitbahay upang makapamili ng mas marami.
d. Maglalabas ng pera sa bangko upang makabili ng maraming murang gamit.
44. Ano ang mangyayari kung hindi tatangkilikin ng mga pilipino ang mga produktong yari sa
Pilipinas?
a. Madaaling uunlad ang bansa.
b. Babagsak ang ekonomiya ng bansa.
c. Bibilhin ng mga dayuhan ang produktong Pilipino.
d. Hindi kikita ang industriyang Pilipino kaya’t bababa ang kita ng bansa.
45. Inutusan ka ng iyong kapatid na bumili ng pagkain sa tindahan na nasa kanto malapit sa inyo.
Ano ang iyong gagawin?
a. Iuutos muli ito sa isang kapatid.
b. Sundin ang iniutosng kapatid.
c. Sumakay ng dyip dahil mainit maglakad.
d. Gamitin ang kotse dahil tinatamad maglakad.

V. Hanapin sa hanay B ang kaakibat na tungkulin sa mga pahayag sa A. Isulat ang letra ng
tamang sagot.

A B

______46. Si Anaya ay tagapagbalita ng A. sundin ang mga batas sa lugar


mga batas sa isang pahayagan.
_______47. Naihalal si Joy na alkalde sa kanilang B. Magsabi ng katotohanan.
lungsod.
________48. Si Cherry ay napagkalooban ng pabahay C. Maging mabuting kasapi.
ng pamahalaan.
_______49.Namasyal sa Hongkong sina Roxanne D. Gawin ng tapat ang tungkulin

_______50. Nagtatag sina Aida ng isang samahan E. Sinupin ng maayos


sa paaralan.
F. Gawin ang naising gawin

You might also like