You are on page 1of 24

10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan - Modyul 1
Mga Isyu at Hamon sa
Pagkamamamayan

AIRs - LM
Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan - Modyul 1: Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamamayan
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Imelda H. Valdez


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P-II

Tagapamahala:

ATTY. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Mario B. Paneda, Ed.D, EPS in Charge of Araling Panlipunan

Michael Jason D. Morales, PDO I

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Sa panimulang aralin sa modyul na ito ay matututuhan mo ang


tungkol sa papel na ginagampanan ng mamamayan para sa pagbabago sa
ating lipunan. At upang maisakatuparan ang tungkuling ito, ang
mamamayan ay kinakailangang may sapat na talino at kakayahan para sa
ikauunlad ng bansa. Mahalagang maunawaan mo ito upang ikaw ay maging
bahagi ng mga pagkilos at pagtugon sa mga isyu at hamon sa
pagkamamamayan.
Sa modyul na ito, mauunawaan mo ang konsepto at katuturan ng
pagkamamamayan. Mapag-aaralan mo rin dito ang ligal at lumawak na
konsepto ng pagkamamamayan. Ipaliliwanag din sa modyul na ito ang
pananaw ng mga Pilipino sa pagiging mabuting mamamayan bilang
kabahagi ng lipunang iyong ginagalawan.
Ang aralin na ito ay tumutukoy sa Mga Isyu at Hamon sa
Pagkamamamayan. Ito ay nahahati sa mga sumusunod na paksa:
 Paksa 1: Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan
 Paksa 2: Ligal at Lumawak na Pananaw ng Pagkamamamayan

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:


 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:


 Natatalakay ang mga pagbabago sa konsepto ng
pagkamamamayan
 Napahahalagahan ang papel ng isang mamamayan para sa
pagbabagong panlipunan

1
Simulan

Subukan mong sagutin ang paunang pagsusulit na magtatakda


kung ano ang iyong alam sa mga aralin. Bigyang-pansin ang
mga katanungan na hindi mo masasagutan ng wasto at alamin
ang wastong kasagutan nito sa iba’t ibang aralin sa modyul na
ito. Kung handa ka na, simulan mo na ang pagsagot.

Gawain 1: Panimulang Pagtataya


Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik
ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino
ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
B. Yaong ang ama o ina ay mga mamamayan ng Pilipinas
C. Yaong isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay
Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa
karampatang gulang
D. Lahat ng nabanggit.
2. Ang sumusunod ay mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng
isang indibidwal maliban sa isa.
A. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag
mayroong digmaan.
3. Sino sa mga sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang
Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Si Jasmine na sumailalim sa proseso ng expatriation.
B. Si Shiela na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
C. Si Sandy na ang mga magulang ay parehong Pilipino.
D. Si Jandy na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino
at piniling maging Pilipino.
4. Alin sa mga sitwasyon ang hindi nagpapakita ng lumawak na konsepto
ng pagkamamamayan?
A. Si Justine na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa
pamahalaan.
B. Si Albert na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga
pangangailangan.
2
C. Si Angelo na kalahok sa participatory budgeting ng kanilang lokal na
pamahalaan.
D. Si Lyndel na lumahok sa isang non-governmental organization na
naglalayong bantayan ang kaban ng bayan.

5. Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang


konsepto ng mamamayan. Ano ang tawag sa kalagayan o katayuan ng
isang tao bilang miyembo ng isang pamayanan o estado?
A. Pagkamamamayan B. Pagboto
C. Pagkamakabayan D. Pagkamakabansa

6. Si Hailary ay naipanganak sa Estados Unidos. Ang kanyang magulang


ay parehong Pilipino, batay sa Republic Act 9225, maari siyang maging
_______ sa edad na 18.
A. Dual Alien B. Dual Citizenship
C. Dual Merchant D. Dual Person

7. Ano ang tawag sa pagkamamamayan ng isang tao na ibinatay sa


pagkamamamayan ng isa sa kanyang mga magulang?
A. De Facto B. De Jure
C. Jus Sanguinis D. Jus Soli

8. Ano ang tawag sa pagkamamamayan ng isang tao na ibinatay kung saan


siya ipinanganak?
A. De Facto B. De Jure
C. Jus Sanguinis D. Jus Soli

9. Ano ang tawag sa isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan
na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang
proseso sa korte?
A. Ispesyalisasyon B. Kontekstuwalisasyon
C. Lokalisasyon D. Naturalisasyon

10. Kung ang isang tao ay may pakialam sa kanyang kapwa, aling katangian
ang taglay ng isang mabuting mamamayan?
A. Hindi nakikialam sa mga gawaing panlipunan.
B. Hindi nakakaimpluwensiya sa kapwa
C. May kasanayan sa lahat ng gawain
D. May positibong pagtanggap at pananaw sa mga pangyayari

11. Alin sa mga sumusnod ang hindi nagpapakita ng pagiging isang


responsableng mamamayan?
A. Mayroong disiplina sa sarili
B. Mayroong lakas ng loob upang tumuligsa sa pamahalaan
C. Mayroong pagmamahal sa kapwa
D. Mayroong respeto sa karapatang pantao

3
12. Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang “Pananagutan”.
Walang sinuman ang nabubuhay
Para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang
Koro: Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling niya

Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin patungkol sa mga


mamamayan ng isang bansa?
A. Ang mga mamamayan ang siyang tagapagtanggol ng Saligang Batas
ng bansa na kaniyang kinabibilangan.
B. Makakamit ang kabutihang panlahat at maisusulong ang
pambansang interes kung may pagtutulungan.
C. Nararapat na magtulungan ang pamahalaan at ang mga mamamayan
upang makamit ng bansa ang kaunlaran.
D. Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan anuman ang estado sa
buhay.

13. Basahin ang sumusunod na mensahe: “Ask not what your country can
do for you, ask what you can do for your country.” Ano ang nais
ipahiwatig ni Pangulong John F. Kennedy?
A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kanya-kanyang
tungkulin.
B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at
proyekto ng pamahalaan.
C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makakatulong sa
pag-unlad ng isang bansa.
D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at
pamantayan sa pagkamamamayan.

14. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang


pagkamamamayan sa isang bansa?
A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan.
B. Upang matiyak ang kanyang mga tungkulin at pananagutan.
C. Upang mabatid niya ang kanyang mga karapatan at tungkulin.
D. Upang maigawad sa kanya ang mga pribilehiyo na dapat niyang
matamasa.

15. Paano makakatulong ang isang mamamayan sa pagsulong ng


pambansang kapakanan?
A. Pumipila at hindi nakikipag-unahan
B. Tumatawid kahit sa hindi tamang tawiran.
C. Tumawid kung ika’y nagmamadali kahit na ang ilaw ay pula.
D. Iginigiit ang kanyang nalalaman.

4
Lakbayin

Aralin 1: Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan


Sa pagsisimula ng iyong pagsaliksik sa modyul na ito, pagtutuunan
mo ng pansin ang gawaing pupukaw sa iyong interes. Bukod dito, ipakikita
sa mga gawaing ito ang nalalaman tungkol sa konsepto ng
pagkamamamayan at ang bahaging ginagampanan nito sa kasalukuyan.
Marapat na umpisahan mo ang iyong pag-aaral sa konsepto ng
pagkamamamayan. Kung paano ito nagsimula at kung paano ito lumawak
ang pakahulugan nito sa kasalukuyan ay tatalakayin sa modyul na ito.
Halina at simulang suriin ang konsepto at katuturan ng pagkamamamayan.
Inaasahan na iyong matututuhan ang pinagmulan ng konsepto ng
pagkamamamayan

Alam Mo Ba?
Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o
katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay
maaaring iugat sa kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng
citizen ng mabuo ang mga lungsod-estado na tinatawag na polis sa Greece.
Ang citizenship ay ugnayan ng isang indibidwal at ang estado. Ito ay
tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibidwal sa isang estado.
Bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin. Sa
Pilipinas, inisa-isa ng estado sa Saligang -batas ang tungkulin at karapatan
ng mga mamamayan nito.

Aralin 2: Ligal at Lumawak na Konsepto ng


Pagkamamamayan

Pagkatapos mong alamin ang iyong paunang kaalaman tungkol sa


konsepto ng pagkamamamayan, ikaw ay magiging mas handa para sa pag-
unawa tungkol sa dalawang pananaw ng pagkamamamayan: ang ligal na
pananaw at ang lumawak na pananaw.

A. Ligal na Pananaw:
 Gaya ng naunang nabanggit, tinatayang panahon ng kabihasnang
Griyego nang umusbong ang konsepto ng citizenship. Ang
kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na
tinatawag na polis.

5
 Polis- ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang
pagkakakilanlan at iisang mithiin. Ang polis ay binubuo ng mga
citizen na limitado lamang sa mga kalalakihan. Ang pagiging
citizen ng Greece ay isang pribilehiyo kung saan may kalakip na
mga karapatan at tungkulin. Ayon sa orador ng Athens na si
Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi
maging ang kalagayan ng estado. Ang isang citizen ay inaasahan
na makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok sa mga
pampublikong asembliya at paglilitis. Ang isang citizen ay
maaaring politiko, administrador, husgado, at sundalo.

 Sa paglipas ng maraming panahon, ay nagdaan sa maraming


pagbabago ang konsepto ng citizenship at ng pagiging citizen. Sa
kasalukuyan, tinitingnan natin ang citizenship bilang isang legal
na kalagayan ng isang indibidwal sa isang nasyon-estado. Ayon
kay Murray Clark Havens (1981 ), ang citizenship ay ugnayan ng
isang individual at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging
miyembro ng isang indibidwal sa isang estado kung saan bilang
isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.
Sa Pilipinas, inisa-isa ng estado sa Saligang-batas ang tungkulin
at karapatan ng mga mamamayan nito.
 Dito rin makikita kung sino ang maituturing na citizen ng isang
estado at ang kanilang mga karapatan at tungkulin bilang isang
citizen. Bilang halimbawa, tunghayan ang kasunod na teksto. Ito
ay tungkol sa ikaapat na artikulo ng Saligang-batas ng 1987 ng
Pilipinas na nagpapahayag ng tungkol sa pagkamamamayan.
Inisa-isa rito kung sino ang maituturing na mamamayan ng
Pilipinas.
 Sino-sino nga ba ang mamamayang Pilipino? Ako ba? Ikaw? Paano
ba natin natutukoy na ang taong kausap o kakilala natin ay
Pilipino?

Artikulo IV: Pagkamamamayan

Seksiyon 1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas;


1. yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng
Saligang-batas na ito;
2. yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
3. yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga
ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit
sa karampatang gulang; at
4. yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
6
Seksiyon 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong
mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang
kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o
malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga
nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1,
talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na
mamamayan

Seksiyon 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o


muling matanto sa paraang itinatadhana ng batas.

Seksiyon 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan


ng mamamayan ng Pilipinas na mag-aasawa ng dayuhan. Matangi
kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa
ilalim ng batas, na nagtakwil nito.

Seksiyon 5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat


sa kapakanang Pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.
(Sanggunian: Saligang Batas 1987 ng Pilipinas. (1987,February 2). Ang Konstitusyon ng
Republika ng Pilipinas 1987)

Ayon din sa seksiyon 4 ng Saligang Batas ng 1987, ang isang


mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay
mananatiling isang Pilipino maliban na lamang kung pinili niyang sundin
ang pagkamamayan ng kanyang napangasawa. Batay naman sa Republic
Act 9225 na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong
Setyembre 17, 2003, ang mga dating mamamayang Pilipino na naging
mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay
maaaring muling maging mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng
dalawang pagkamamamayan (dual citizenship), ang mamamayang Pilipino.
Sa kabila nito ay maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang
indibidwal. Unang dahilan ay kung siya ay sasailalim sa proseso ng
naturalisasyon sa ibang bansa. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
a. ang panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa;
b. tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag mayroong
digmaan;
c. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon

Uri ng Mamamayang Pilipino

1. Likas/Natural Born Citizen- nakukuha ang pagkamamamayan


ayon sa lugar ng kapanganakan o sa pagkamamamayan ng magulang

7
2. Prinsipyong Pinagbabatayan ng Likas na Pagkamamamayan:

a. Jus Sanguinis o Karapatan sa Dugo


Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa
pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang. Ito ang
prinsipiyong sinusunod sa Pilipinas.
Ang jus sanguinis ay sinusunod sa Pilipinas. Ang anak ng
isang Pilipino ay nagiging Pilipino kahit isa lamang sa kanyang
mga magulang ang Pilipino. Itinuturing siyang likas o lehitimong
Pilipino.Kung siya ay isinilang sa ibang bansa, siya ay
mananatiling Pilipino kahit ang ama o ina lamang niya ang
Pilipino.
Ito ay nababatay sa dugo ng magulang. Ang
pagkamamamayan ng magulang ang batayan sa pagkilala sa
sinuman. Ang lugar kung saan ipinanganak ang isang indibidwal
ay hindi nakaapekto sa kaniyang pagkamamamayan. Dati
maaaring mawala ang pagkamamamayang Pilipino ng sinumang
sumailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa.
Kadalasan nangyayari ito kapag pinili ang pagiging mamamayan
kung saan naninirahan na nang matagal ang isang Pilipino.
Kailangan nilang gawin ito dahil sa pagnanais nilang matamasa
ang mga pakinabang ng pagiging mamamayan ng ibang bansa.

b. Jus Soli o Jus Loci o Karapatan ng Lupa


Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya
ipinanganak. Ito ang prinsipiyong sinusunod sa Amerika.
Ito ay patakarang nababatay sa lugar na sinilangan ng isang
indibidwal. Ang dugo ng magulang ay hindi mahalaga. Hindi
nakaaapekto ang pagkamamamayan ng kanyang magulang. Ang
Jus Soli ay patakaran namang umiiral sa ibang bansa tulad ng
Estados Unidos. Kung ang isang Pilipino ay nagsilang sa Estados
Unidos, ang kaniyang anak ay kinikilalang mamamayan ng
Estados Unidos. Sa kabilang banda, itinuturing din siyang
mamamayan ng Pilipinas.

c. Di-Likas/Naturalized Citizen- ito ay dumadaan sa proseso ng


batas bago makuha ang pagkamamamayan.
Naturalisasyon- pormal na paghingi ng pagkamamamayan
ng isang dayuhan sa pamahalaan.

Paano magiging mamamayang Pilipino ang isang dayuhan?


Ang isang dayuhan na gustong maging Pilipino ay dapat
magtaglay ng mga sumusunod na katangian:

8
1. Dapat 21 taong gulang sa araw ng pagdinig ng kaso.
2. Siya ay may 10 taon na naninirahan ng tuloy-tuloy sa
Pilipinas, 5 taon lamang kung siya ay: nakapagpatayo ng
industriya, nakapag-asawa ng Pilipino, nanungkulan sa
pamahalaan, at ipinanganak sa Pilipinas.
3. May mabuting ugali at reputasyon
4. Kinikilala at ginagalang ang Saligang Batas ng bansa.
5. Maipagkakapuri ang kanyang ugali sa kinabibilangang
pamayanan.
6. May mga ari-arian sa Pilipinas, hanapbuhay at gawaing
ayon sa batas.
7. Nakakabasa at nakakasulat ng isang pangunahing wika ng
Pilipinas.
8. Ang mga anak ay nasa paaralan at nag-aaral ng
kasaysayan, pamahalaan, at sibika ng Pilipinas.

Ayon sa Commonwealth Act No. 475, ang isang dayuhan ay


maaaring maging mamamayan Pilipino sa pamamagitan ng
naturalisasyon. Ang naturalisasyon ay isang legal na paraan kung
saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang
bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte o hukuman. Kapag
nabigyan na ng pagkamamamayang Pilipino ang isang dayuhan ay
kailangan niyang sumunod sa mga batas at kultura ng bansa.
Matatamasa rin niya ang mga karapatan ng isang mamamayang
Pilipino maliban sa mahalal sa matataas na posisyon sa
pamahalaan ng bansa.

Mga Maaaring Maging Dahilan para Hindi Maging


Naturalisadong Pilipino ang isang Dayuhan:
1. Napatunayang gumamit ng dahas sa pagkamit ng
kagustuhan.
2. Nahatulan ng kasalanang kaugnay ng moralidad.
3. Lantarang sumasalungat sa kagustuhan ng pamahalaan.
4. Hindi naniniwala sa kaugalian at tradisyong Pilipino.
5. Sumasang-ayon sa polygamya.
6. Siya ay mamamayan ng bansang hindi nagkakaloob ng
naturalisasyon sa mga Pilipinong naninirahan doon.

Dual Citizenship o Dalawahang Pagkamamamayan


Ang isang mamamayan ay maaaring magkaroon ng
dalawahang pagkamamamayan o dual citizenship status sa bisa
ng Republic Act 9292. Ang batas na ito ay nagkakaloob muli ng
pagka-Pilipino sa mga likas na Pilipino o natural born citizen na

9
naging naturalized citizen ng ibang bansa. Maaaring maibalik o
maging mamamayang Pilipino muli sa pamamagitan ng paghahain
ng petisyon sa Bureau of Immigration and Deportation o BID ng
Pilipinas. Sila ay muling manunumpa o magsasagawa ng oath of
allegiance sa bansang Pilipinas.

Muling Pagkamit ng Pagkamamamayang Pilipino


Ang isang Pilipino na nagdesisyong maging naturalisadong
mamamayan ng ibang bansa ay maaaring maging Pilipino muli sa
pamamagitan ng sumusunod na mga paraan:
1. Muling naturalisasyon
2. Aksiyon ng Kongreso
3. Pagbabalik sa Pilipinas at muling pagsumpa ng katapatan
sa Republika ng Pilipinas
4. Pagpapatawad sa hatol ng hukuman sa isang tumakas na
miyembro ng Sandatahang Lakas

B. Lumawak na Pananaw ng Pagkamamamayan

Patuloy ang paglawak ng konsepto ng pagkamamamayan sa


kasalukuyan. Tinitingnan ngayon ang pagkamamamayan hindi lamang
bilang isang katayuan sa lipunan na isinasaad ng estado, bagkus,
maituturing ito bilang pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng
kanilang lipunan. Ang pagkamamamayan ng isang indibidwal ay
nakabatay sa pagtugon niya sa kanyang mga tungkulin sa lipunan at sa
paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa kabutihang panlahat.
Mangyari pa, tinitingnan ng indibidwal na siya ay bahagi ng isang
lipunan kasama ang ibang tao.
Hindi lamang magiging tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap
sa lipunan ang isang mamamayan. Bilang bahagi ng isang lipunan na
may mga karapatan at tungkuling dapat gampanan, inaasahan na siya ay
magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng
lipunan at sa mas malawak na layunin ng pagpapabuti sa kalagayan nito.
Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamammayan, igigiit ng isang
mamamayan ang kanyang karapatan para sa ikabubuti ng bayan.
Kaniyang gagamitin ang pamamaraang ipinahihintulot ng batas upang
iparating sa mga kinauukulan ang kaniyang mga hinaing at saloobin. Ang
mamamayan ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng
pamahalaan sapagkat wala namang monopolyo ang pamahalaan sa mga
patakarang ipatutupad ng isang estado. Kung gayon, hindi niya inaasa sa
pamahalaan ang kapakanan ng lipunan sa halip, siya ay

10
nakikipagdiyalogo rito upang bumuo isang kolektibong pananaw at tugon
sa mga hamong kinakaharap ng lipunan.
Batay sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, maaari nating
matukoy ang mga katangian ng isang mabuting mamamayan. Ayon kay
Yeban (2004), ang isang responsableng mamamayan ay inaasahang
makabayan, may pagmamahal sa kapwa, may respeto sa karapatang
pantao, may pagpupunyagi sa mga bayani, gagap ang mga karapatan at
tungkulin bilang mamamayan, may disiplina sa sarili, at may kritikal at
malikhaing pag-iisip.
Naglahad ang abogadong si Alex Lacson ng labindalawang (12)
gawaing maaaring makatulong sa ating bansa. Ang mga gawaing ito ay
maituturing na mga simpleng hakbangin na maaaring gawin ng bawat isa
sa atin. Ngunit sa kabila ng pagiging simple ng mga ito ay maaaring
magbunga ang mga ito ng malawakang pagbabago sa ating lipunan:

1. Sumunod sa batas trapiko. Sumunod sa batas.


2. Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili.
3. Huwag bumili ng mga bagay na smuggle. Bilhin ang mga local na
produkto.
4. Bilhin ang gawang Pilipino.
5. Positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling
bansa.
6. Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang
lingkod-bayan.
7. Itapon ng wasto ang basura. Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan.
8. Suportahan ang iyong simbahan.
9. Tapusin ng may katapatan ang tungkulin sa panahon ng
eleksiyon.
10. Maglingkod ng maayos sa pinapasukan.
11. Magbayad ng buwis.
12. Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap.
13. Maging mabuting magulang. Turuan ng pagmamahal sa bayan
ang mga anak.

Sanggunian: Lacson, Alexander L. (2005). 12 Little Things Every Filipino Can Do to


Help Our Country. Alay Pinoy Publishing House

11
Galugarin

Gawain 2: Tukoy-Salita
Panuto: Tukuyin ang mga salitang inilalarawan sa sumusunod na
pangungusap. Isulat ang kasagutan sa iyong sagutang papel.
1. Ito ay uri ng pagkamamamayan ayon sa lugar ng kapanganakan.
2. Tawag sa pagkakaroon ng pagkamamamayan sa bisa ng Republic Act
9292.
3. Uri ng mamamayang Pilipino na dumadaan sa proseso ng batas bago
makuha ang pagkamamamayan.
4. Ito ay binubuo ng mga lungsod-estado sa kabihasnang Griyego.
5. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan
ng kaniyang mga magulang.
6. Ang pormal na paghingi ng pagkamamamayan ng isang dayuhan sa
pamahalaan.
7. Ang pagkamamamayan ng isang indibidwal ay nakabatay sa pagtugon
niya sa kanyang mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng kaniyang
mga karapatan para sa kabutihang panlahat.
8. Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang
pamayanan estado.
9. Ito ay artikulo ng Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas na nagpapahayag
ng tungkol sa pagkamamamayan.
10. Ito ang batas na nagbibigay pahintulot sa isang dayuhan na maaaring
maging mamamayan Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon

Gawain 3: Awit- Suri


Panuto: Basahin at suriin ang liriko ng awiting “Ako’y Isang Mabuting
Pilipino” ni Noel Cabangon at pagkatapos ay sagutin ang kasunod na mga
tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ako’y isang mabuting Pilipino


Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

Tumatawid ako sa tamang tawiran


Sumasakay ako sa tamang sakayan
Pumipila at hindi nakikipag-unahan
At di ako pasiga-siga sa lansangan

12
Bumababa at nagsasakay ako sa tamang sakayan
Di nakahambalang na parang walang pakialam
Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa kalsada
Humihinto ako kapag ang ilaw ay pula

Di ako nangongotong o nagbibigay ng lagay


Ticket lamang ang tinatanggap kong binibigay
At di nagtatago sa ilalim ng puno

Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan


Di bumubuga ng usok ang aking sasakyan
Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan
Inaalagaan ko ang aking kapaligiran

*Sanggunian: Cabangon, Noel, N. (2009), Ako’y isang mabuting Pilipino.


(N. Cabangon Performer) Manila, Philippines.

Mga Tanong:
1. Ano-ano ang katangian ng isang mabuting Pilipino ayon sa awitin?
2. Sino-sino ang itinuturing na mamamayang Pilipino?
3. Bakit dapat maisakatuparan ng isang mamamyan ang kaniyang
mga tungkulin at pananagutan?
4. Paano makakatulong ang mamamayan sa pagsulong ng
kabutihang panlahat at pambansang kapakanan?

Gawain 4: Filipino Citizenship Concept Map


Panuto: Isulat ang hinihinging impormasyon sa kasunod na concept map
batay sa iyong binasa sa modyul na ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Pagiging Dahilan ng
mamamayang Mamamayang pagkawala ng
Pilipino Pilipino pagkamama
mayan

Mga Tanong
1. Ano-ano ang mga batayan ng pagiging isang mamamayang
Pilipino?

13
2. Ano-ano ang mga dahilan para mawala ang pagkamamamayan ng
isang indibidwal?
3. Gaano kahalaga ang isang mamamayan sa lipunang Pilipino?

Gawain 5: Ako Bilang Aktibong Mamamayan


Panuto: Magsulat ng limang (5) katangian ng aktibong mamamayan sa
bawat pananaw ng pagkamamamayan at pagkatapos ay magbigay ng
maikling paliwanag kung ito sa tingin mo ay nagpapakita ng pagiging
aktibong mamamayan.

Ligal na Pananaw Lumawak na Pananaw

1. 1.
Aktibong
Mamamayan
2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

Gawain 6: Suriin Natin: Pilipino o Hindi

A. Sabihin kung ang mga nakasalungguhit na pangalan ay mamamayang


Pilipino o hindi batay sa sitwasyon. Isulat ang sagot a sa iyong sagutan
papel.

1. Si Dave ay anak ng isang Ilokano. Naninirahan sila sa Maynila.


2. Si Nero na isang Koreano ay nagbabakasyon sa Pilipinas tuwing pasko.
3. Si Adam na isang Amerikano ay nakapagpatayo ng isang malaking
kompanya sa Pilipinas. Tatlong taon na siyang naninirahan sa
Pilipinas.
4. Si Mikka ay ipinanganak sa Cebu. Ang kanyang ama ay Pilipino at ang
kaniyang ina ay Hapones.
5. Si Capt. Erik ay isang sundalong Pilipino na naninirahan sa
Mindanao. Nang sumiklab ang labanan sa Marawi, siya ay tumakas
kasama ang kaniyang pamilya.

14
B. Isulat sa iyong sagutang papel ang NATURAL kung ang pahayag ay
tumutugon sa likas na pagkamamamayang Pilipino at NATURALIZED
kung ito ay tumutugon sa pagkamamamayang Pilipino ayon sa batas.

1. Isa man sa iyong mga magulang ay Pilipino, ikaw ay mamamayang


Pilipino.
2. Ang mga dayuhan na dumaan sa proseso ng naturalisasyon ay
mamamayang Pilipino.
3. Ikaw ay mamamayang Pilipino kung mamamayan ka ng Pilipinas bago
Pebrero 2007.
4. Ang isang Pilipinong nakapag-asawa ng isang dayuhan ay
mamamayang Pilipino.
5. Naging mamamayang Pilipino uli ang isang dating Pilipino na piniling
maging mamamayan ng ibang bansa.

C. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Sino-sino ang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987?


2. Ano ang dalawang uri ng pagkamamamayan?
3. Ano-ano ang dalawang prinsipiyong pinagbatayan ng likas na
pagkamamamayan?

D. Bakit mamamayang Pilipino ang mga sumusunod. Ipaliwanag. Isulat ang


tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang ama ni Sam ay Pilipino at ang ina ay Tsino.


2. Si Mae ay mamamayang Pilipino na noong Enero 1987.
3. Si Carol ay naging naturalisadong mamamayan ng Estados Unidos
ngunit ninais niyang maging Pilipino dahil ang kaniyang ina ay
Pilipino.
4. Sampung taon ng naninirahan si James sa Pilipinas na isang
Canadian at siya ay humiling sa korte na maging mamamayang
Pilipino.
5. Ang ama ni Teddy ay Ilokano at ang kanyang ina ay Kapampangan.

15
Palalimin

Matapos mong maipakita ang iyong kahusayan sa pamamagitan ng


pagsagot sa iba’t ibang gawain, ngayon naman ay ating tayahin ang iyong
natutuhan sa modyul na ito. Kayang-kaya mong isagawa ang gawaing ito.

Gawain 7: Ambag ko! Alalahanin mo!


Panuto: Magdikit ng sariling larawan sa gitna ng isang malinis na papel. Sa
paligid ng iyong larawan, magsulat ng sampung (10) gawaing maari mong
gawin bilang isang mabuting mamamayan na maaaring makatulong sa pag-
unlad ng iyong lipunan.

16
Gawain 8: Paglalarawan!
Panuto: Magtala ng limang bagay na sa palagay mo ay nagawa mo sa ito
bilang tungkulin ng isang mabuting mamamayan.

 Sa Iyong Pamayanan
1.
2.
3.
4.
5.

 Sa Iyong Paaralan
1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 9: Ilista Mo!


Panuto: Punan ang talahanayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
hinihinging impormasyon tungkol sa iba’t ibang programa ng bawat
institusyon na maaring makatulong sa pag-unlad ng mamamayan.

Institusyon: Mga Programa:


Pamahalaan 1.
2.
3.
Paaralan 1.
2.
3.
Simbahan 1.
2.
3.

17
Sukatin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan na marami ka ng


natutuhan. Mapapatunayan mo ito sa pamamagitan ng pagsagot sa
sumusunod na gawain.

Gawain 12: Panghuling Pagtataya


Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik
ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na kabihasnan tinatayang umusbong ang


konsepto ng pagkamamamayan?
A. Kabihasnang Indian B. Kabihasnang Mesopotamia
C. Kabihasnang Shang D. Kabihasnang Griyego

2. Si John ay nagdiwang ng kanyang ika-18 taong kaarawan. Nagtungo


siya sa tanggapan ng COMELEC sa kanilang bayan upang magpatala at
makilahok sa pagpili ng mga susunod na mamumuno sa kanilang lugar.
Anong tungkulin ng mamamayang Pilipino ang kaniyang ginampanan?
A. Pagiging matapat sa Republika ng Pilipinas.
B. Magparehistro at bumoto.
C. Pakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan.
D. Gumawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain.

3. Anong Artikulo sa 1987 Saligang Batas ng Pilipinas nakapaloob ang mga


batayan ng pagiging isang mamamayang Pilipino?
A. Artikulo I B. Artikulo II
C. Artikulo III D. Artikulo IV

4. Ang pinakamahalagang elemento ng estado na siyang namamahala at


nagsasagawa ng mga gawain ng estado.
A. Mamamayan B. Naturalisasyon
C. Estranghero D. Dayuhan

5. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan


ng isa sa kanyang mga magulang.
A. Jus Sanguinis B. Jus loco
C. Jus Soli D. Jus loci

6. Ano ang tawag sa mga lungsod-estado ng sinaunang Greece na binubuo


ng mga citizen na limitado lamang sa mga kalalakihan?
A. Polis B. Mamamayan
C. Lungsod D. Estado

18
7. Ano ang tawag sa prosesong pinagdaanan ng isang dayuhang nagnanais
maging mamamayan ng isang estado?
A. Jus soli B. Jus sanguinis
C. Naturalisasyon D. Jus loci

8. Sino ang nagmungkahi sa labindalawang gawain ng mamamayan na


maaaring makakatulong sa bansa?
A. Aristotle B. Alex Lacson
C. Murray Clark Havens D. Yeban

9. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang


pagkamamamayan sa isang bansa?
A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan.
B. Upang matiyak ang kanyang mga tungkulin at pananagutan.
C. Upang mabatid niya ang kanyang mga karapatan at tungkulin.
D. Upang maigawad sa kanya ang mga prebilihiyo na dapat niyang
matamasa

10. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng


lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?
A. Si Denver na lumahok sa isang non-governmental organization na
naglalayong bantayan ang kaban ng bayan.
B. Si Christian na lumahok sa proseso ng participatory budgeting ng
kanilang lokal na pamahalaan.
C. Si Eden na sumasali sa mga kilos protesta laban sa katiwalian.
D. Si Rayver na nagtatrabaho para matugunan ang kanyang mga
pangangailangan.

11. Ang sumusunod ay mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng


isang indibidwal maliban sa isa.
A. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sa Saligang batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag
mayroong digmaan.

12. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang


Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Si Jandy na ipinanganak noong Enero 17,1970 na ang ina ay
Pilipino at piniling maging Pilipino
B. Si Ellen na ang mga magulang ay parehong Pilipino.
C. Si Keisha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
D. Si Marie na sumailalim sa proseso ng expatriation.

19
13. Alin sa mga sumusunod ang hindi itinuturing na isang mamamayang
Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.
C. Yaong mga dayuhan na nanirahan sa bansa sa loob ng tatlong taon.
D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga
ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa
tamang gulang.

14. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang
kaniyang karapatan bilang mamamayan?
A. Ipinapaubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa
mga proyektong dapat isagawa sa kanilang komunidad.
B. Aktibo siya sa isang peace and order committee ng kanilang
barangay.
C. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
D. Nanonood siya ng mga serye ng kwento tungkol sa karapatang
pantao.

15. Sa paanong paraan maaring mawala ang pagkamamamayan ng isang


indibidwal?
A. Pagsali sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan.
B. Pangmatagalang bisa ng naturalisasyon.
C. Panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng Pilipinas.
D. Panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa.

Mahusay! Natapos mo na
ang modyul na ito.

20
21
Gawain 6-C Gawain 6-B Gawain 6-A
1. Isinilang bago ang Jan.17, 1973 1. Natural 1. Pilipino
Ama/ina ay mamamayang Pilipino 2. Naturalized 2. Hindi
Naging mamamayan ayon sa batas 3. Natural 3. Hindi
2. Likas/Di-Likas 4. Natural 4. Pilipino
3. Jus Sanguinis/Jus Soli 5. Naturalized 5. Hindi
6.
Gawain 2 Panghuling Paunang
1. Jus soli Pagtataya Pagtataya
2. Dual Citizenship 1. D 1. D
3. Naturalized 2. B 2. B
4. Polis 3. D 3. A
5. Jus sanguinis 4. A 4. B
6. Naturalisasyon 5. A 5. A
7. Pinalawak na Pananaw 6. A 6. B
8. Mamamayan 7. C 7. C
9. Artikulo IV 8. B 8. D
10. RA 9292 9. C 9. D
10. D 10. D
11. B 11. B
12. D 12. C
13. C 13. C
14. D 14. C
15. D 15. A
Susi sa Pagwawawasto
Sanggunian
A. Mga Aklat

Department of Education, Araling Panlipunan 10 Learners Module 2017


Antonio, Eleanor I. et.al, Kayamanan: Mga Kontemporaryong Isyu Batayan
at Sanayang Aklat, Sampaloc,Manila, Rex Printing Company
Incorporated

B. Iba pang Sanggunian

Cabangon, Noel, N. (2009), Ako’y isang mabuting Pilipino. (N. Cabangon


Performer) Manila, Philippines.
(DOC) Handout 1 4th Quarter (1) Justine Visda
www.academia.edu
Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan slideshare
www.slideshare.net>mobile.aralin
Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan-Home/facebook
..facebook.com>category>school
Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan Q4 slideshare
www.slideshare.net>mobile>aralin
Saligang Batas 1987 ng Pilipinas. (1987, February 2). Ang Konstitusyon ng
Republika ng Pilipinas 1987

22

You might also like