You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IX
DIVISION OF ZAMBOANGA DEL SUR
LAPUYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
__________________________________________________________________________________________
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 10
S.Y. 2022-2023

Pangalan: __________________________________________ Seksyon: _______________ Iskor: ________


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong o pahayag. Piliin ang tamang letra at isulat ang sagot
sa patlang bago ang numero.

_____1. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng globalisasyon?


A. Mabilis na pagkilos ng mga tao tungo sa pagbabago ng personalidad, politikal, kultural ng
mga bansa sa mundo.
B. Malawakang pagbabago sa lahat ng aspekto ng lipunan sa buong mundo.
C. Pagbabago sa ekomomiya at sistemang politikal na may malaking epekto sa buhay ng mga
mamamayan.
D. Proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon, at produkto sa iba’t

ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

_____2. Paano nabago ng globalisasyon ang buhay ng mamamayan ng bansa?


A. Pagbabago sa kaisipan
B. Pagbabago sa personal
C. Pagbabago sa pakikipag-uganayan
D. Pagbabago sa pang-araw-araw na pamumuhay

_____3. Aling pangyayari ang mabilis na nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at
institusyong panlipunan?
A. trade C. media
B. entertainment D. terrorism

_____4. Saan madalas nagmumula at saan patungo ang daloy ng kalakalan?


A. mahirap na bansa patungo sa mahihirap na bansa
B. mahirap na bansa patungo sa mayayamang bansa
C. maunlad na bansa patungo sa mauunlad na bansa
D. maunlad na bansa patungo sa mahihirap na bansa

_____5. Si Angela ay nasa ikaapat na taon na sa kolehiyo at ang isa pa niyang kapatid ay mag-aaral na sa
kolehiyo sa susunod na taon, kung kaya’t ang kaniyang ina ay nagpasyang mangibang bansa.
Alin sa mga ito ang nagtulak sa kanilang ina upang umalis?
A. ang kagustuhang makihalubilo sa ibang tao
B. ang paghahangad na maglakbay sa ibang bansa
C. ang magkaroon nang maginhawa at maayos na pamumuhay
D. ang kanyang pagnanais na magkaroon ng maraming kaibigan

_____6. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na buhay na manipestasyon ng globalisasyon.


A. ekonomiko C. sosyo-kultural
B. OFW D. teknolohikal

_____7. Tumutukoy ang Brain Drain sa anong uri ng mga manggagawa?


A. professional workers C. skilled workers
B. domestic workers D. local workers

_____8. Epekto ito ng pagkakapare-pareho ng tinatangkilik ng bawat bansa hindi lamang sa produkto at
serbisyo kundi maging pelikula, artista, awitin at drama na nagreresulta ng pagtangkilik sa mga
ideyang nagmumula sa ibang bansa.
A. globalisasyong ekonomiko C. globalisasyong sosyo-kultural
B. globalisasyong politikal D. OFW
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IX
DIVISION OF ZAMBOANGA DEL SUR
LAPUYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
__________________________________________________________________________________________

_____9. Kompanyang itinatatag sa ibang bansa ang kanilang ibenebentang produkto at serbisyo ay
pangangailangang lokal. Karamihan sa kanila ay kompanya ng petrolyo, pharmaceutical IT
consulting at iba pang kauri nito.
A. multinational companies C. outsourcing
B. nearshoring D. transnational companies

_____10. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagbili ng mga produkto o serbisyo mula sa loob
mismo ng bansa?
A. inshoring C. offshoring
B. onshoring D. nearshoring

_____11. Alin sa mga sektor ang namamahala sa pagproproseso ng mga hilaw na materyal upang ito ay
maging isang produkto?
A. Agrikultura C. Paglilingkod
B. Industriya D. Pangangalakal

_____12. Sa anong sektor nabibilang ang mga produktong primarya o mga likas na produkto at hilaw na
sangkap na galing sa kalikasan at hindi pa dumadaan sa pagproseso?
A. Agrikultura C. Pangangalakal
B. Industriya D. Serbisyo

_____13. Bakit mahalaga ang sektor ng industriya?


A. Ito ang pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay.
B. Ito ang pangunahing pinagkukunan ng kitang panlabas.
C. Ito ang pinagkukunan ng pagkain at gamit materyal sa industriya
D. Ito ang lumikha ng mga tapos na produkto para sa pangangailangan ng tao.

_____14. Alin sa mga sektor ng manggagawa ang nakakaranas at higit na HINDI pantay na oportunidad at
laging nakararanas ng pang-aabuso?
A. Agrikultura C. Industriya
B. Pamahalaan D. Serbisyo

_____15. Ano ang implikasyon ng globalisasyon sa mga manggagawang Pilipino sa sektor ng industriya?
A. Tumaas ang kanilang kita dahil dolyar ang ibinayad sa kanila.
B. Nagdulot ito ng maikling oras ng pagtatrabaho at mababang pasahod.
C. Ang mga batas at polisiya ng mga dayuhan ay taliwas sa patakaran ng ating pamahalaan.
D. Nagdulot ito ng iba’t ibang anyo ng pang-aabuso sa karapatan ng mga manggagawa tulad ng
mababang sahod.
_____16. Paano tinutugunan ng ating bansa ang pagbabago dulot ng globalisasyon?
A. Pagdaragdag ng sampung taon sa basic education ng mga mag-aaral.
B. Pagtatayo ng mga paaralan na maglilinang sa mga mag-aaral upang maging globally
competitive.
C. Pagdaragdag ng mga asignatura sa sekondarya na may kinalaman sa kalakalan at
pagmamanupaktura.
D. Pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education at paglinang sa ika-21 siglong kasanayan
upang sila ay maging globally competitive.

_____17. Ano ang naging epekto ng neo-liberal sa bansa pagdating sa sektor ng agrikultura?
A. Kakulangan sa sakahan
B. Dumarami ang lokal na produktong agrikultural
C. Dumami ang bilang ng may hanapbuhay sa pook rural
D. Tumaas ang bilang ng mga manggagawa sa sektor ng agrikultura

_____18. Ano ang nagiging suliranin ng isang umuunlad o developing country?


A. Mababang pasahod sa manggagawang Pilipino
B. Nagiging tambakan ng mga surplus na kagamitan galing sa ibang bansa
C. Malayang patakaran ng mga mamumuhunan at mga tax incentives na may taripa
D. Patuloy ang pagbaba ng mga bahagdan ng mga small-medium enterprises sa bansa
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IX
DIVISION OF ZAMBOANGA DEL SUR
LAPUYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
__________________________________________________________________________________________

_____19. Alin sa mga sumusunod na sektor na ang pagtratrabaho ay sobra sa oras ng mga manggagawa?
A. Agrikultura C. Industriya
B. Serbisyo D. Pangangalakal

_____20. Alin sa mga sumusunod na sektor lubos na naapektuhan ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto
sa lokal na pamilihan.
A. Serbisyo C. Industriya
B. Agrikultura D. Pamahalaan

_____21. Patuloy ang paglaki ng bilang ng Overseas Filipino Workers (OFW) na lumalabas ng bansa taon-
taon. Ano ang pinakaangkop na konklusyon mula sa pahayag?
A. Maraming Pilipino ang gustong magtrabaho sa ibang bansa.
B. Ninanais ng maraming Pilipinong lumayo sa kanilang bansa.
C. Malaki ang pagnanais ng maraming Pilipino na mamasyal sa ibang bansa.
D. Maraming Pilipino ang napipilitang mangibang bansa upang humanap ng trabaho at magandang
oportunidad.

_____22. Si Lena ay nakapagtapos ng kursong Education ngunit siya ngayon ay nagtatrabaho bilang isang
call center agent. Ano kalagayan sa paggawa ang ipinapakita ng pahayag?
A. Job contracting C. Underemployment
B. Job-mismatch D. Unemployment

_____23. Anong ang tawag sa anyo ng subcontracting kung saan ang subcontractor ay may sapat na
puhunan para maisagawa ang trabaho ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor?
A. Iskemang subcontractor C. Job-mismatch
B. Job contracting D. Labor-only contracting

_____24. Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng kontraktuwalisasyon?


a. Hindi hinahayaang sumapi sa unyon.
b. Iniiwasan ng mga kapitalista ang pagbabayad separation pay.
c. Mas nagbibigyang pansin ang karapatan ng mga manggagawa.
d. Hindi binabayaran ang mga manggagawa ng karampatang sahod.

_____25. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na paraan upang mapangalagaan ang kalagayan ng
mga manggagawang Pilipino?
A. Pagkakaroon ng sapat na kaaalaman tungkol sa karapatan na dapat matamasa ng isang
manggagawa.
B. Pagiging masiyasat ng pamahalaan sa mga kompanya at korporasyon tungkol sa karapatan at
benepisyo ng bawat manggagawa.

C. Pagsasagawa ng batas na makapagbibigay ng pangmatagalang trabaho sa mga manggagawa.


D. Pagtibayin ang sistema ng kontraktuwalisasyon.

_____26. Isang konsepto na ang layunin ay lumipat ng ibang lugar o bansa upang doon manirahan.
o maghanap-buhay.
A. globalisasyon C. adaptasyon
B. asimilisasyon D. migrasyon

_____27. Si Carlita De Castro ay isang Pinay OFW na naghahanap-buhay sa Hongkong bilang isang
domestic helper. Anong uri ng manggagawa si Carlita?
A. refugees C. irregular migrants
B. permanent migrants D. temporary migrants

_____28. Ang Pamilya Santos ay nagdesisyon lumipad ng Canada upang doon permanenteng manirahan
kasama ang kanilang panganay na anak. Anong uri ng migrasyon ang tawag dito?
A. Permanent Migrants C. Relative Overseas Migrants
B. Family Reunification Migrants D. Return Migrants
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IX
DIVISION OF ZAMBOANGA DEL SUR
LAPUYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
__________________________________________________________________________________________

_____29. Ano ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na namamahala sa mga Overseas Filipino Workers.
A. Philippine Overseas Labor Organization
B. Overseas Workers Welfare Administration
C. Philippine Overseas Employment Agency
D. Department of Foreign Affairs

_____30. Si Phenny Villanueva ay isang migrante sa bansang Australia sa loob ng matagal na panahon
at piniling manirahan kasama ang kanyang asawa at dalawang anak. Ano ang uri ng migrasyon?
A. Family Reunification Migrants C. Temporary Migrants
B. Return Migrants D. Permanent Migrants

_____31. Ano ang tawag sa bilang ng mga nandarayuhan na naninirahan o nanatili sa bansang nilipatan?
A. Flow B. Immigrants C. Stocks D. outflows

_____32. Alin sa mga sumusunod ang may nagaganap kung nagiging destinasyon ng mangagagawa at
refugees ang mga lugar na hindi karaniwang pinagmumulan ng mga nandarayuhan?
A. population transition C. migration transition
B. economic migration D. labor migration

_____33. Si Adam Dizon ay naghahanap-buhay bilang isang gardener sa isang kaharian sa United
Kingdom ngunit siya ay isang inhinyero sa Pilipinas. Ano ang tawag sa konseptong ito?
A. brain waste C. brain gain
B. brain drain D. brain torture

_____34. Ano ang batas na nangangalaga sa mga karapatan ng mga overseas workers?
A. Republic Act 8042 C. Anti-Trafficking in Persons Act
B. Circular no. 534 D. Labor Code of 1974

_____35. Paano nakaaapekto ang pangingibang–bansa sa estado ng ekonomiya ng bansa?


A. Madadagdagan ang populasyon ng bansa.
B. Magiging mataas ang palitan ng dolyar sa piso.
C. Mahihirapan ang mga Pilipino na makisama sa mga dayuhan.
D. Mas maraming papasok na imported na produkto sa bansa.

_____36. Matagal naghanap-buhay si Mr. Pascual sa Australia, kaya sa kanyang pag-uwi sa pamilya ay
hindi siya pinansin ng kanyang mga anak at nagtago sa loob ng kwarto. Ano ang iyong mahihinuha
ukol dito?
A. Nagkakahiyaan ang mag-aama sa kanilang pagkikita.
B. Hindi kilala si Mr. Pascual ng kanyang mga anak.
C. Malaki ang takot ng mga anak sa kanilang ama.
D. Walang pasalubong si Mr. Pascual sa mga anak.

_____37. Marami sa mga OFWs ay nakararanas ng pangungulila sa kanilang kaanak na humahantong


sa desisyon na bumalik sa kanilang bansa. Paano kaya sila matutulungan?
A. Tulungan silang umuwi ng bansa.
B. Bumuo ng samahan na gagabay sa baguhang OFWs.
C. Sabihan na palagiang tumawag sa pamilya.
D. Palagiang magpulong upang maibsan ang lungkot

_____38. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa konsepto ng Fair Trade?


A. pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na may layong protektahan ang mga lokal
na namumuhunan
B. pagbibigay-pansin ng mayayamang bansa sa pinakamahihirap na tao sa mundo lalo sa
Aprika at Asya
C. pagsisiguro na patas o pantay ang kalakalan gaya ng pagbabantay sa tamang presyo ng mga
produkto o serbisyo
D. pagtatakda ng pamantayan ukol sa mga kakayahan ng manggagawa
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IX
DIVISION OF ZAMBOANGA DEL SUR
LAPUYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
__________________________________________________________________________________________

_____39. Si Jacob ay natanggap sa isang pabrika bilang machine operator. Bilang isang manggagawa,
alin sa sumusunod ang HINDI niya karapatan?
A. karapatan laban sa sapilitang pagtatrabaho
B. karapatang makapagtrabaho ng mga kabataan sa mabibigat na gawain
C. karapatang sumali sa mga unyon na malaya sa panghihimasok ng pamahalaan at mga
nangangasiwa
D. karapatang makipagkasundo bilang grupo sa halip na mag-isa

_____40. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa K to 12 Program ng Pilipinas?


A. pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya
B. kasunduan sa pagitan ng mga Ministro ng Edukasyon sa Europa upang pagtugmain
ang mga kurikulum sa kani-kanilang bansa
C. pagdadagdag ng dalawa pang taon sa Basic Education
D. pagkakaroon ng accreditation sa engineering programs ng iba’t ibang bansa

_____41. Bumagsak ang presyo ng sibuyas sa pamilihan bunsod ng pagdagsa ng mga imported na
sibuyas mula sa ibang bansa. Alin sa sumusunod ang nararapat gawin ng pamahalaan
upang matulungan ang mga lokal na namumuhunan?
A. pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa ibang bansa
B. pagbibigay ng tax incentives sa mga foreign companies na magtatag ng pasilidad sa bansa
C. pabayaan na lamang at tataas din naman ang presyo nito sa hinaharap
D. pagbibigay ng subsidiya sa mga namumuhunang dayuhan

_____42. Si Aling Nena ay kumita at naibalik ang puhunan matapos maibenta sa tamang presyo ang mga
inani niyang gulay kamakailan. Alin sa sumusunod ang naranasan ni Aling Nena?
A. Guarded Globalization C. Pagtulong sa Bottom Billion
B. Fair Trade D. Global Standards

_____43. Ang sumusunod ay hindi magawa dahil sa mas mura at mababang pasahod sa ibang bansa,
MALIBAN sa:
A. pagtaas ng pasahod
B. pagkakaroon ng seguridad sa trabaho
C. pagdadagdag ng benepisyo
D. wala sa nabanggit

_____44. Tama ba o mali ang ginagawa ng mga manggagawa sa larawang nasa ibaba?
A. Tama, dahil karapatan ng mga manggagawa na
ipahayag ang kanilang mga hinaing
B. Mali, dahil hindi na sila nagtatrabaho
C. Tama, dahil mas mahalagang mag-rally kaysa
magtrabaho
D. Mali, dahil dapat na lamang manahimik kung
may mga maling nararanasan ang mga manggagawa

_____45. Kung ikaw ay opisyales ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng mga OFW, alin sa
sumusunod ang dapat mong gawin sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga Pilipino?
A. pabayaan na lamang ang mga ito dahil isolated cases lang naman ang mga ito
B. ipaubaya ang mga gagawing aksyon sa pamahalaan ng bansa kung saan nagtatrabaho ang OFW
C. pauwiin ang lahat ng OFW at bigyan na lamang ng trabaho sa Pilipinas
D. magtatag ng mga mekanismo upang ma-monitor ang kalagayan ng mga OFW at gumawa ng
kaukulang hakbang kung mayroong pang-aabuso

_____46. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng human trafficking?


A. Si Myrna na natanggap sa trabahong inapplyan niya sa abroad
B. Si Flora na naging katulong sa abroad imbes na guro gaya ng inapplyan
C. Si Benjie na nagpunta sa abroad upang maging turista
D. Si Berting na kumpleto ang legal ang papeles sa pagpunta sa abroad
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IX
DIVISION OF ZAMBOANGA DEL SUR
LAPUYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
__________________________________________________________________________________________

_____47. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng forced labor?


A. Si Angelo na sapilitang pinagtatrabaho ng 12 oras at walang pahinga.
B. Si Angelito na binibigyan ng sapat na oras para makapagpahinga bago magtrabaho.
C. Si Angela na may lunch break at nagtatrabaho ng walong oras kada araw.
D. Si Angelita na nakatanggap ng sapat na bayad para sa dagdag na oras na kanyang
pinagtatrabahuhan.

_____48. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa konsepto ng pagtulong sa Bottom Billion?
A. pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na may layong protektahan ang mga lokal
na namumuhunan
B. pagbibigay-pansin ng mayayamang bansa sa pinakamahihirap na tao sa mundo lalo sa
Aprika at Asya
C. pagsisiguro na patas o pantay ang kalakalan gaya ng pagbabantay sa tamang presyo ng
mga produkto o serbisyo
D. pagtatakda ng pamantayan ukol sa mga kakayahan ng manggagawa

_____49. Alin sa sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa slavery?


A. sapilitang pagpapatrabaho C. pang-aalipin
B. pagpupuslit ng mga tao D. pagtatakda ng pamantayan

______50. Bilang isang mag-aaral sa kasalukuyan, alin sa sumusunod ang maaari mong magawa
upang masiguro na maaangkop ka sa pangangailangan ng ating bansa na umunlad sa kabila ng
globalisasyon?
A. magpalipas ng panahon at umasa na lamang sa pamilya
B. maging layunin ang makapagtrabaho sa ibang bansa upang yumaman
C. magsumikap sa pag-aaral upang makatapos at magkatrabaho
D. tumigil sa pag-aaral at magtrabaho na upang kumita ng pera

Inihanda ni:

Razel T. Sumagang
Teacher I

Iniwasto ni:

Sharon Rose T. Sencio, Ed.D.


School Principal II

You might also like