You are on page 1of 5

City of Malolos Integrated School - Sto.

Rosario
Sto. Rosario, City of Malolos, Bulacan
Araling Panlipunan 10
Mga Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahang Pagsusulit

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod, piliin at isulat sa sagutang papel ang MALAKING TITIK ng pinakatumpak na sagot.
1. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
A.. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong politikal at ekonomikal ng mga bansa sa mundo.
B. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo
D. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

2. Ito ay isa sa mga hamong kinahaharap ng daigdig na nagiging dahilan ng pagbagal ng globalisasyon.
A. urbanisasyon B. terorismo C. pagkalat ng sakit D. kontraktwalisasyon

3. Alin sa sumusunod ang halimbawa kung papaano ang globalisasyon ay tuwirang binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at ang mga perennial na
institusyon sa lipunan.
A. Pagpapanatili ng mga Tradisyon at Kaugalian tulad ng Pagdalaw sa mga puntod ng mga Yumao tuwing Todos Los Santos
B. Pagtangkilik at Pagpapalaganap ng mga Musikang Indigenous o katutubo sa ating bansa
C. Paghalik sa pisngi ng mga nakatatanda bilang tanda ng pagrespeto at paggalang imbes na gawin ang nakagawiang pagmamano
D. Pagpapalaganap ng mga Tradisyunal na paraan ng pagluluto ng pagkain imbes na ang paggamit ng mga Instant

4. Ang mga sumusunod ay nagpapakita na ang globalisasyon ay likas at taal sa bawat isa maliban sa;
A. Ang isang guro ay gumagamit ng multimedia upang mailahad at lalong mapaunawa sa kanyang mga mag-aaral ang mga aralin.
B. Ang isang barbero ay nagmamasid sa telebisyon, sa magazine at dyaryo upang makita ang mga usong gupit sa mga kalalakihan.
C. Ang isang Ale ay nagtayo ng tindahang sari-sari sa harap ng kanilang bahay na nagtitinda ng sariwang karne, isda at gulay galing sa bayan.
D. Ang isang bagong kapapasang engineer ay nagapply at natanggap sa isang kompanya sa Dubai upang doon maghanapbuhay.

5. Alin sa mga sumusunod ang binigyang diin ni Therborn noong 2005 na nagsasaad na ang globalisasyon ay may anim na wave (epoch) o panahon.
A. Ang pagkahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikal ang kapitalismo at komunismo pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
B. Ang kasalukuyang globalisasyon ay ay makabago at higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap.
C. Ang paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNcs and TNCs
D. Ang pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 siglo.

6. Alin sa mga sumusunod ang isa sa itinuturong dahilan kung bakit itinuturing na ang globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.
A. Pagkatalo ng Alemanya sa Ikalawang digmaang Pandaigdig
B. Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War
C. Pagtatatag ng League of Nations
D. Pagsasagawa ng laban nina Ali at Frazier na Thrilla in Manila

7. Maaaring uriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
A. Nearshoring B. Offshoring C. Onshoring D. Inshoring

8. Ang malaking ipinagkaiba ng Transnational companies (TNC) sa Multinational Companies (MNC).


A. Ang ipinagbibiling produkto ng mga TNC ay nakabatay sa pangangailangang Internasyunal, lokal naman ang batayan ng sa MNC
B. Ang ipinagbibiling produkto ng mga MNC ay nakabatay sa pangangailangang lokal, ang TNC ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal
C. Ang ipinagbibiling produkto ng mga TNC ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal, samantalang nakabatay sa pangangailangang lokal ang sa MNC
D. Ang ipinagbibiling produkto ng mga TNC ay nakabatay sa pangangailangang lokal, ang MNC ay hindi nakabatay sa pangangailang lokal

Para sa Numerong 9-12 ( Piliin kung anong Anyo ng Globalisasyon ang ipinapakita ng mga sumusunod na kaganapan)
A. Globalisasyong Ekonomiko
B. Globalisasyong Teknolohikal
C. Globalisasyong Sosyo-Kultural
D. Globalisasyong Polikal

9. Ang mga bansa sa daigdig ay kinondena ang pagpapalipad ng mga missiles ng North Korea
10. Ang mga bansang tulad ng India at Pilipinas ay tumangkilik ng husto sa paggamit ng mga mobile phones bilang paraan ng komunikasyon at kalakalan
11. Ang mga produktong tulad ng Nike, Adidas at Converse na galing sa Amerika, ginagawa sa ngayon sa mga bansa sa Asya, Africa at Latin America at
ibinebenta sa ibat-ibang panig ng daigdig.
12. Ang mga palabas na Endless Love Series, Jewel in the Palace, Descendants of the Sun at mga tugtuging tulad ng Gangnam Style ay tinangkilik hindi
lamang sa Korea at Asya kungdi sa buong mundo.

13. Sa paanong paraan nahihikayat ng pamahalaan ang mga lokal na mamumuhunan sa pamamagitan ng pagpapataw ng taripa sa lahat ng mga produktong
nagmumula sa ibang bansa.
A. Binibigyan nito ng kalayaan na makapamili ng produktong bibilhin ang mga mamamayan
B. Dahilan ito upang magkaroon ng karagdagang gastos at mas mahal ang produkto imported kumpara sa mga lokal na produkto
C. Nabibigyang pagkakataon nito na makilala ang mga lokal na produkto sa pamilihang internsayunal
D. Nasisiguro nito na mas may kalidad ang mga produktong lokal kung ihahambing sa mga inaangkat na produkto
14. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit nagbibigay ng subsidiya ang pamahalaan patungkol sa ideya ng guarded globalization.
A. Binibigyan ng ayuda ang mga nagsisimulang mamumuhunan sa mga industriyang nasa “infancy stage”.
B. Binibigyan ng tulong ang mga mamumuhunan na muling makapagsimula matapos ang isang sakuna o kalamidad
C. Binibigyan ng pagkakataon ang mga nagbebenta ng mga imported na produkto na maibenta ang kanilang kalakal sa murang halaga.
D. Binibigyan ng tulong pinansyal, marketing at teknikal ang mga lokal na mamumuhunan upang manatiling masigla ang lokal na industriya.

15. Sa anong dahilan hindi maaring gamitin ng pamahalaan ang guarded globalization para proteksyunan ang mga lokal na mamumuhunan laban sa
kompetisyon ng malalaking dayuhang kompanya.
A. Ang mga produkto at serbisyo ay kasama sa mga pinasok na kasunduan ng bansa kasama ang iba pang bansa na zero tariff products.
B. Ang guarded globalization ay inutil at walang silbi para sa mga developing countries tulad ng Pilipinas
C. Ang mga produkto at serbisyo nabigyan ng subsidiya ay bubuwisan naman ng doble kapag ito ay ibinenta sa ibang bansa.
D. Ang taripang ipinapataw at ang subsidiyang ibinibigay ng pamahalaan ay tatapatan rin ng kaukulang subsidiya at taripa ng pamahalaan ng isa pang bansa.

16. Layunin nito na mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng bukas na negosasyon sa pagitan ng mga bumibili at
nagbibili upang sa gayon ay mapangalagaan hindi lamang ang interes ng mga negosyante kundi pati na rin ang kanilang kalagayang ekolohikal at panlipunan
A. Fair Trade B. Guarded Globalization C. Pagtulong sa Bottom Billion D. Outsourcing

17. Sa anong dahilan hindi naibebenta ng ibang mga developing countries ang kanilang mga produktong agrikultural patungo sa mga developed countries.
A. Ang mga produkto ng developing countries ay kamukha rin ng mga produkto ng developed countries
B. Nagpapataw ng taripa ang mga developed countries para sa mga produktong agricultural mula sa developing countries
C. Hindi nakasusunod sa mga itinakdang alituntunin sa sa paggamit ng pesticide, teknik sa pagsasaka, recycling at iba pa ang mga developing countries
D. Hindi tinatangkilik ng mga mamimili ang mga produkto kapag nalaman nilang gawa ito sa mga developing countries.

18. Alin mga grupo ng bansa ang hindi madalas magpadala ng economic at financial aids sa tinaguriang “bottom billion” ng mundo
A. Australia, New Zealand at UK
B. Colombia, Ethiopia at Guatemala
C. US, Canada at France
D. Japan, Italy at Germany

19. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at flexible labor. Alin sa sumusunod na pahayag ang
naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible labor?
A. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa pagpili ng kanilang magiging posisyon sa kompanya.
B. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita
sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
C. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na malaking pasahod at
pagpapahaba sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
D. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa pagpapatupad na malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng
paggawa ng mga manggagawa.

20. Nangyayari ang “job-skills mismatch” kapag


A. Hindi angkop ang mga kasanayan ng mga nagaaply sa mga available na trabaho
B. Hindi sapat ang mga available na posisyon para sa mga naghahanap ng trabaho
C. Hindi sapat ang karanasan o eksperiensya ng mga nagaapply ng trabaho
D. Hindi tugma ang hinihingi sweldo ng nagaaply sa pasahod ng inaapplyang trabaho

21. Ito ang sinasabing dahilan ng paglaganap ng kontraktwalisasyon.


A. Mapagtuunan ng pansin ng mga kumpanya ang higit na mahahalagang bagay tulad ng agresibong pagbebenta.
B. Mabawasan ang kabuuang gastusin ng mga kumpanya upang lumaki ang linis na kita nito
C. Pagbubukas ng pagkakataong makilala at maibenta ang produkto sa ibang panig ng mundo
D. Upang mapanatili ang kalidad ng produkto at serbisyo ng mga kumpanya

22. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino”?
A. Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino.
B. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
C. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic Teller Machince (ATM).
D. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.

23. Ang pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa ay bunsod ng
A. Magaling mag Ingles ang mga Pilipino at kaya nitong gayahin ang American accent na gamit ng kanilang mga customer at kliyente
B. Mura ang upa o renta ng mga lugar at Pasilidad sa Pilipinas kaya malaki ang matitipid ng mga kumpanya
C. Maraming mga Pilipino ang nagtratrabaho sa ibang bansa kung kaya madaling makahikayat ng dayuhang mabebentahan ng mga produkto
D. Mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa sa Pilipinas ngunit ang kalidad ng serbisyo ay kahalintulad o higit pa ng mga mangagawa sa Amerika

24. Ayon sa Development and Productivity Center, bukod sa Basic reading, writing and arithmetic, aling kasanayan ang dapat natutunan ng mga bata sa
Elementary level.
A. Ethics and morals B. Health and Hygiene C. Human relations skills D. Work Habits
25. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon ipinatupad nila ang mura at flexible labor sa bansa na nakaapekto sa
kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nila nito sa bansa?
A. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba’t ibang panig ng mundo.
B. Maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
C. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdaigang kalakalan.

Para sa Bilang na 26-29 Piliin kung saan kabilang na grupo ng mga naaangkop na kasanayan para sa ika-21 siglo ang mga sumusunod na Skills
A.Communication Skills
B. Learning and Innovation Skills
C. Life and Career Skills.
D. Media and Technology Skills

26. Human relations skills


27. Work Habits
28. Theoretical knowledge and work skills
29. Practical knowledge and skills of work
30. Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa
A. Employment Pillar B. Workers Dialogue Pillar C. Workers Protection Pillar D. Worker’s Rights Pillar

31. Naglalayong hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng
manggagawa, katanggaptanggap na pasahod, at oportunidad.
A. Worker’s Rights Pillar B. Workers Protection Pillar C. Workers Dialogue Pillar D. Employment Pillar

32. Ang pagkonbert ng mga lupang sakahan upang patayuan ng mga subdibisyon, malls, at iba pang gusaling pangkomersiyo para sa mga pabrika,
pagawaan, at bagsakan ng mga produkto mula sa TNCs ay magdudulot ng,
A. Pagkaunti ng bilang ng mga bukid na matataniman ng bigas at mga sariwang gulay at prutas
B. Pagdami ng mapapasyalan ng mga pamilya tuwing linggo at holidays
C. Pagdami ng mga imported na produkto sa Pilipinas na gawa ng mga TNC
D. Pagpapalit ng uri ng trabaho, ang mga dating magsasaka ay magiging mga factory workers o mga empleyado

33. Aling sektor ang masasabing may pinakamalaking bahagdan na maraming naempleyong manggagawa sa loob ng nakalipas na sampung taon
A. Sektor ng Serbisyo B. Sektor ng Industriya C. Sektor ng Edukasyon D. Sektor ng Agrikultura

34. Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabago sa workplace ng mga manggagawa, binago rin nito ang sistema ng pagpili sa mga
manggawa. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay ng pagbabagong ito?
A. Humigpit ang pagproseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya, produkto at serbisyo sa bansa kaya’t kinailangan ng mga world class workers.
B. Tumaas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa pandaigdaigang pamilihan kaya’t kinailangang mag-angkat ng mga eksperto sa ibang bansa para sanayin
ang mga lokal na manggagawa.
C. Humirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa kaya’t kinailangang pababain ang sweldo ng mga lokal na manggagawa.
D. Naging malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa dahil sa mababang pagpapasweldo at pagngonguntrata lamang sa mga lokal na
manggagawa

35. Malaki ang naging papel ng globalisasyon sa pagdagsa ng mga dayuhang kompanya, produkto at paggawa sa bansa. Ayon sa ulat ng DTI noong 2010
may pinakamalaking paglago dito ay sa sektor ng serbisyo na kung saan ang nanguna ang industriya ng BPO. Sa kabilang dako patuloy namang bumababa
ang paglago ng sektor ng agrikultura. Anong konklusiyon ang mahihinuha sa pahayag na ito?
A. Mababa ang pagpapasweldo, pabagu-bago ang paggawa sa bansa at ang lengguwaheng English ang isa sa pangunahing wika na madali sa mga Pilipino.
B. Malaki ang naitulong ng pagdagsa ng makabagong gadget sa bansa kaya madaling makasabay ang mga Pilipino sa mga sebisyong on-line.
C. Magaling ang mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya at impormasyon.
D. Karamihan sa mga kabataang Pilipino ay kumukuha ng kurso na may kinalaman sa BPO

36. Ayon sa Ulat ng International Labor Organization o ILO noong 1992 at 1997 mas dumarami na ang bilang ng na-eempleyo sa bansa bilang kaswal o
kontraktuwal kaysa sa pagiging regular o permanente bunsod ng mga polisiya tungkol sa flexible working arrangements ng pamahalaan sa mga pribadong
kompanya sa hanay ng sektor ng serbisyo, sub-sektor nito at ng mga TNCs. Ano ang iyong mahihinuha sa ulat na ito?
A. Ito ay bunsod ng mataas na pamantayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpili ng mga manggagawa upang maging regular
.B. Ito ay bunsod ng mahigpit na patakaran ng pamahalaan sa mga dayuhang kompanya sa Pilipinas kaya’t mura at flexible ang paggawa sa bansa.
C. Ito ay bunsod ng pinaluwag na mga patakaran ng pamahalaan kagaya ng pagpayag sa iskemang subcontracting at tax incentives upang makahikayat ng
mas maraming dayuang kompanya na magtayo ng mga negosyo at serbisyo sa bansa.
D. Ito ay bunsod ng matinding pangangailangan ng trabaho sa bansa kaya’t kahit mura at flexible labor ay hinayaan ng pamahalaan na magpatupad ang mga
pribadong kompanya na gawing kaswal ang mga manggagawang Pilipino.

37. Mahalaga na maproteksyunan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino laban sa mababang pasahod at dimakatarungang pagtanggal sa kanila sa
trabaho dulot ng kawalan ng seguridad sa paggawa. Paano ito maisasakatuparan ng mga manggagawang Pilipino?
A. Pag-boycott sa mga produktong dayuhan at pangangampanya sa mga mamamayan ng pagkondena sa mga ito.
B. Pakikipag-usap ng mga samahan ng mga manggagawa sa mga kapatalista o may-ari ng kompanya sa pamamagitan ng tapat at makabuluhang Collective
Bargaining Agreement (CBA).
C. Pagsasagawa ng picket at rally laban sa kompanya at kapitalista
D. Pagsabotahe, paninira at panununog sa mga planta o kagamitan ng kompanya
38. Ito ang dahilan ng pagdaragdag ng dalawang taon sa Basic Education sa bansa na tinatawag ngayon na Senior High School .
A. Upang matugunan ng pamahalaan sa demand o pangangailangan para sa globally standard na paggawa
B. Upang sumunod sa lahat ng bansa sapagkat tatlong bansa na lamang ang natitirang may 10 taong Basic Education
C. Upang madagdagan ang gastos ng mga magulang na magpapataas sa Consumption Expenditure ng GNP
D. Upang matugunan ng pamahalaan ang kakulangan sa mga silid –aralan dahil madadagdagan ang taon nila sa High School bago sila magkolehiyo.
39. Kung ikaw ay napasok na isang contractual employee sa isang maganda at mahusay na kompanya, Ano ang pinakamainam mong gawin?
A. Gawin ang mga trabaho ibinigay sa iyo ayon sa sweldo na tinatanggap mo.
B. Gamitin ang pagkakataong makakilala ng mga suppliers at iba pang contacts na maari mong pasukan kapag natapos na ang iyong kontrata
C. Kumuha ng mga sensitibong files at gamitin itong pang blackmail upang gawin kang permanente.
D. Paghusayan at gawin ang trabaho ng ayon sa iyong kakayahan at gamitin ang pagkakataong magkaroon ng maganda karanasan sa trabaho
40. Ito ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon.
A. flow B. Inflow C. Outflow D. stock
41. Ito ang bansang may pinakamaraming Filipino Migrants
A. Japan B. Saudi Arabia C. UAE D. USA
42. Ito ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang
pinuntahan.
A. regular migrants B. irregular migrants C. temporary migrants D. permanent migrants
43. Ano ang migrasyon?
A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na pinagmulan
44. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong pangkalahatang obserbasyon sa migrasyon ang inilalarawan dito
I. Maraming mag-aaral na mga Vietnamese at Koreans ang nagpupunta sa Pilipinas.
II. Sa paglago ng BPO sa bansa, kaalinsabay nito ang pagdating ng mga Indians bilang managers ng mga industriyang nabanggit.
A. Globalisasyon ng migrasyon B. Mabilisang paglaki ng globalisasyon C. Peminisasyon ng globalisasyon D. Migration transition
45. Ang konseptong “house husband” kung saan inaako na ng lalaki ang lahat ng responsibilidad sa tahanan pati ang gawain ng isang ina ay isang reaksyon o
pagtugon ng lipunan upang.
A. Tumaas ang Family Income sapagkat mas malaki ang kikitain ng Ina kung sa ibang bansa magtatrabaho.
B. Magkaroon ng silbi ang mga lalaking walang hanapbuhay at ang kanilang maybahay ang naging breadwinner ng pamilya.
C. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng buong pamilya lalo na ang mga anak.
D. Magkaroon ng pantay na estado ang babae at lalake sa lipunan
46. Sa anong dahilan nagiging isyung politikal ang migrasyon tulad ng kaso ng mga Rohinga refugees sa Myanmar?
A. Ang pagdating ng mga refugee ay isang malaking suliranin para sa isang bansang tulad ng Myanmar na iba ang paniniwala, kultura at pamahalaan
B. Masyadong marami ang mga refugee na ang kanilang bilang ay mas marami pa sa mga mamamayan ng Myanmar
C. Ang mga refugee ay tumakas mula sa panguusig mula sa kanilang bansa at dapat ibalik mula sa kanilang pinagmulan
D. Nabibigyan ng tulong ng International Agencies ang mga refugee at kinaiinggitan ng mga taga Myanmar
47. Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumabas ng kanilang bansa. Ano ang mahihinuha rito?
A. Kakaunti ang oportunidad na makakuha ng mga mamamayan sa Asya.
B. Kahirapan ang mas namamayani sa Asya at hindi kaginhawahan ng pamumuhay.
C. Mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya
D. Mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ng mga Asyano ang ibang lugar bunga ng iba’t ibang hanapbuhay na mapapasukan na angkop sa kanilang
natapos
48. Ano ang dapat gawin ng isang Engineer na Pilipino na nagtatrabaho sa Singapore na hindi makakuha ng trabahong akma sa kanyang natapos.
A. Tanggapin na lamang ang trabahong hindi akma sa ka kanyang pinagtapusan
B. Umuwi sa Pilipinas at ditto na lang gamitin ang pinagtapusan
C. Kumuha ng accreditation mula sa isang International Accredeting agency
D. Magreklamo sa International Labor Organization
49. Ano ang pinakamainam na paraan para makapagtrabaho sa ibang bansa?
A. Magturista sa isang bansa saka maghanap ng trabaho
B. Magpahanap sa kamag-anak ng mapapasukang trabaho
C. Maghanap ng accredited agency na may permit magdeploy ng mga manggagawa sa ibang bansa
D. Magpost ng picture sa mga dating site sa internet at umasang makakakilala ng foreigner na tutulong na makarating ka sa ibang bansa
50. Kung ikaw ay nakaranas ng pangaabuso ng iyong employer ano ang pinakamainam mong gawin?
A. Tiisin na lamang ang pangaabuso ng employer hanggang matapos ang kontrata
B. Ireport ang pangaabuso ng employer sa embahada upang ikaw ay matulungan
C. Gantihan ang employer sa pagitan ng pagganti rito ng hindi nya nalalaman o inaakala
D. Bigyan ng pagkakataong magbago ang employer at umasang hindi na ito mauulit

“The roots of education are bitter, but the fruits are sweet”
-Aristotle
bepanganiban
ANSWER KEY

1. D 26. A
2. B 27.C
3. C 28.B
4. C 29.D
5. A 30.D
6. B 31.B
7. D 32.D
8. D 33.A
9. D 34.D
10. B 35.B
11. A 36.C
12. C 37.B
13. B 38.A
14. D 39.D
15. A 40.A
16. A 41.D
17. C 42.B
18. B 43.C
19. B 44.A
20. A 45.C
21. B 46.A
22. C 47.D
23. D 48.C
24. B 49.C
25. D 50.B

You might also like