You are on page 1of 28

10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Migrasyon: Konsepto, Dahilan,
at Epekto
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Migrasyon:Konsepto, Dahilan, at Epekto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na siyang naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marivic A. Obatonon
Editor: Gemma M. Inato
Tagasuri: Gemma C. Alicaya at Jed I. Bete
Tagaguhit: Ryan J. Obatonon
Tagapamahala: SDS Reynaldo M. Guillena, CESO V
ASDS Jinky Ferman, PhD
ASDS Marilyn Deduyo
CID Chief Alma C. Cifra, EdD
LRMDS Aries B. Juanillo, PhD
EPS Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Division of Davao City


Office Address: Elpidio Qurino Avenue, Davao City
10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Migrasyon: Konsepto,Dahilan, at
Epekto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Migrasyon: Dahilan at Epekto!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ng iyong
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Binabati Kita! Napagtagumpayan mo ang pag-aaral sa mga isyu ng paggawa.


Sana ay lubos mong naintindihan ang mga isyung ito sapagkat ito ang iyong
magiging gabay sa pag-aaral ng panibagong aralin. Ihanda ang sarili sa pagtuklas
ng isa namang isyung pang-ekonomiya, ang migrasyon.

Ang migrasyon ay isang isyung pang-ekonomiya na nagaganap hindi lang sa


ating bansa ngunit sa global na konteksto. Mahalaga na iyong maintidihan ang
dahilan at epekto nito sapagkat ang iyong kaalaman ang siyang magdadala sa iyo
tungo sa pagpapaangat ng kalidad ng buhay.

Handa ka na ba?Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala
ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa nakaraang aralin, iyong natutunan ang tungkol sa kahulugan ng lakas-


paggawa, kalagayan, at mga suliranin kaakibat nito. Ang kontemporaryong isyung
ito ay naglatag sa iyo ng mga sitwasyon sa iba’t ibang pagtugon ng napakaraming
isyu ng lakas paggawa kaugnay ng hamon ng globalisasyon sa isyung pang-
ekonomiya. Kaya naman, sa modyul na ito ay iyong mas maiintindihan ang konsepto
sa isyung pang-ekonomiya at kung paano matutugan ang mga suliraning
kinakaharap nito. Ang araling ito ay nakabatay sa Most Essential Learning
Competency para sa Baitang 10 na: Nasusuri ang dahilan at epekto ng
migrasyon dulot ng globalisasyon.

Mula sa nabanggit na kasanayan, inaasahan na pag-aaralan mo ang


sumusunod:
• Konsepto ng Migrasyon
• Dahilan at Epekto ng Migrasyon

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang na matututuhan mo ang mga


sumusunod na layunin ng aralin:
1. naipaliliwanag ang mga konsepto ng migrasyon ;
2. natutukoy ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng
globalisasyon

1
Subukin

Handa ka na bang magsimula? Sa bahaging ito ay susubukin ang lawak ng


iyong kaalaman tungkol sa mga isyu ng migrasyon na nangyayari sa ating bansa
mula noon hanggang sa kalasukuyan. Basahin at unawain ang sumusunod na
pahayag. Isulat sa inyong sagutang papel ang titik ng wastong sagot.

1. Alin sa sumusunod na pahayag ang TAMA sa migrasyon?


A. Ang migrasyon ay proseso ng paglipat ng tirahan mula sa isang rehiyon
patungo sa isa pang rehiyon o lungsod.
B. Ang migrasyon ay prosesong politikal na paglipat ng liderato ng mga
opisyal ng pamahalaan.
C. Ang migrasyon ay proseso ng paglipat ng mga produkto mula sa isang
rehiyon patungo sa ibang rehiyon.
D. Ang migrasyon ay proseso ng paglipat ng tirahan ng mga ekipong ginagamit
sa pamumuhay ng tao.

2. Sa datos ng ILO o International Labour Organization taong 2013, aling bansa ang
tinatayang may pinakamaraming Filipino migrants?
A. Australia B. Canada C. United States D.United Arab Emirates

3. Alin sa sumusunod ang katangian ng irregular migrants?


A. Sila ay mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may sapat na
papeles ng paglipat ng pananahanan.
B. Sila ay mga mamamayan na hindi dokumentado at walang permit para
magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
C. Sila ay mga mamamayan na pansamantalang naninirahan sa isang
rehiyon o bansa.
D. Sila ay mga mamamayang pinili nang manirahan sa pinaglipatan na lugar
o bansa.

4. Marami sa mga Pilipino ang nahihikayat na mangibang-bansa. Ang mga


sumusunod ay itinuturing na mga dahilan ng migrasyon MALIBAN sa isa:
A. Migrasyon dulot ng panghihikayat ng kapamilya na matagl nang
naninirahan sa ibang bansa
B. Migrasyon dulot ng banta sa kalusugan o kaguluhan
C. Migrasyon dahil sa oportunidad pang-ekonomiya
D. Migrasyon dahil sa pagkabagot

5. Ito ay tumutukoy sa negatibong salik na nagtutulak sa mga mamamayang


mandayuhan dahilan sa kakulangan ng likas na yaman at mga oportunidad
upang makapagtrabaho o hanapbuhay.
A. enter factor B. exit factor C. push factor D. pull factor

6. Alin sa sumusunod ang mabuting epekto ng migrasyon?


A. Nagkakaroon ng mga kasong may kaubnayan sa transnational crimes.
B. Nagdudulot ito ng kaunlaran sa larangan sa pamamahala sa pamayanan
C. Nakapagpapadala ng remittance ang mga OFW na maganda sa ekonomiya
D. Nagbibigay ito ng libreng oportunidad sa lahat ng uri ng manggagawa

2
7. Ang mga sumusunod na sitwasyon ang itinuturing na transnational crime
MALIBAN sa isa.
A. Talamak na pick-pocketing ng mga kawatan sa bangketa.
B. Paglalagak ng salapi sa mga bangko sa ibang mga bansa upang maitago
ang illegal na pinagmulan ng salaping ito.
C. Pamimirata ng isang sasakyang pandagat at sapilitang isinasailalim sa
karahasan ang kaniyang mga pasahero o crew.
D. Pangangalakal legal o illegal ng mga tao lalo na ang kabataan at
kababaihan.

8. Tinatayang nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na


lumabas ng kanilang bansa noong taong 2013. Ano ang mahihinuha mula rito?
A. Mas maraming oportunidad sa labas ng Asya
B. Kakaunti ang oportunidad na makakuha ng mga mamamayan sa
Asya.
C. Hayag na kahirapan sa Asya at kakulangan sa ekipo o kagamitan sa
pamumuhay.
D. Mas maraming kinakakitaan ng pagkakataon ang mga Asyano sa
ibang lugar bunga ng iba’t ibang trabahong mapapasukan na
tumatalima sa kanilang natapos

Para sa bilang 9 at 10, tunghayan ang talahanayan sa ibaba upang masagot


ang mga sumusunod na tanong:
Type 2009 2010 2011 2012 2013
Total 1,422,586 1,470,826 1,687,831 1,802,031 1,836,345
Landbased 1,092,162 1,123,676 1,318,727 1,435,166 1,469,179
Workers
New Hires 349,715 341,966 437,720 458,575 464,888
Re Hires 742,447 781,710 881,007 976,591 1,004,291
Sea-based 330,424 347,150 369,104 366,865 367,166
Workers
*Source 2014 CFO Conpendium of Statistics*

9. Anong pangkat ng manggagawa ang madalas na nangingibang-bansa upang


humanap ng trabaho?
A. Landbased Workers. B. Sea-based workers C. Professional workers D. Re-Hires

10. Mula taong 2009 hanggang 2013, ay tumataas ang bilang ng mga re-hires. Ano
ang mahihinuha dito?
A. Maraming mga manggagawang Pilipino ang nahihikayat pa rin na
bumalik sa ibang bansa upang maghanapbuhay
B. Marami ang mas umiiwas sa mga suliranin sa pamilya kaya’t
nangingibang bansa.
C. Maraming mga Pilipino ang tumatakas sa obligasyon sa mag-anak.
D. Maraming OFWs ang pinipili pa ring mangibang-bansa dulot ng
pangungulila sa mag-anak na nasa ibang bansa.

11. Ang pamilya ni Omar ay lumikas bunsod ng digmaan sa kanilang lugar.Alin sa


sumusunod na dahilan ng migrasyon ang ipinapakita nito?
A. migrasyon dahilan sa kaguluhan
B. migrasyon dulot ng pag-aaral
C. migrasyon dulot ng pandemya
D. migrasyon dahilan sa paghahanapbuhay

3
12. Si Ni Won ay isang Koreana na naglakbay patungo sa Pilipinas upang dito
magkolehiyo. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang inilalarawan dito?
A. emigration C. irrelevant migration
B. immigration D. net migration

13. Matagal nang nagtatrabaho ang ama ni Cheska bilang inhinyero sa Canada.
Hinihingi ng kanyang ama na sila ay sumunod sa nabanggit na bansa. Alin sa
sumusunod na dahilan ng migrasyon ang ipinapakita nito?
A. migrasyon dahilan sa kaguluhan
B. migrasyon dulot ng pag-aaral
C. migrasyon dahilan sa paghahanapbuhay
D. migrasyon dulot ng panghihikayat ng kapamilya na manahanan sa ibang
bansa

14. Ang pamilya Marikit ay uuwi ng bansa mula Amerika bunsod ng krisis.
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang tinutukoy dito?
A. emigration C. irrelevant migration
B. immigration D. net migration

15. Si Manuel ay isang cook na may kontrata sa Singapore hanggang taong


2017. Ngunit ang kanyang mga pasaporte at iba pang katibayan ay napaso
na. Sa kabila nito,nanatili pa rin siya sa bansa at nagtatrabaho. Alin sa
sumusunod na kalagayan ang ipinapakita nito?
A. irregular migrant C. refugee migrant
B. permanent migrant D. temporary migrant

4
Aralin

1 Konsepto ng Migrasyon

Mahusay! Nagawa mong sagutan nang maayos ang Subukin Natin. Kaya
naman sa bahanging ito ay mas higit mong mauunawaan ang tungkol sa mga
mahahalagang konsepto ng migrasyon bunsod ng isyu ng globalisasyon kabilang
ang kalagayan, suliranin, at tugon sa mga isyung ito.

Balikan

Sa nakaraang aralin natutunan mo na ang globalisasyon ay proseso ng


mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa
iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ito ay
mayroong limang perspektibo: paniniwalang ito ay nakaugat sa bawat isa, na ito ay
isang mahabang siklo ng pagbabago, pananaw na may anim na wave o epoch ito, na
ito ay nakaugat sa isang partikular na pangyayaring naganap sa kasaysayan, at ito
ay isang penomenong sumibol sa kalagitnaan ng ika-20 na siglo.

Una na nating binigyang-diin ang globalisasyon bilang isa sa mga usaping


pang-ekonomiya. Kaya naman ang isyu ng globalisasyon ay naipapakita sa
maraming manipestasyon nito. Mahalagang bahagi sa pag-uunawa sa mga hamong
pang-ekonomiko sapagkat ang mga tao na nakatira sa lipunan ang siyang mas
naaapektuhan ng mga hamong ito.

Sa araling ito mas mapapalalim mo pa ang iyong kaalaman tungkol sa iyong


gampanin o roles bilang bahagi ng lipunan upang matugunan ang mga isyu at
hamong pang-ekonomiya.

Mga Tala para sa Guro


Upang mas lalo mong maintidihan ang bahaging balikan, maaari
mong basahin ang Modyul tungkol sa Globalisasyon. Maari ring
gumamit ang mga mag-aaral ng karagdagang materyal tulad ng
Learning Module sa Araling Panlipunan 10.

5
Tuklasin

Matapos mong mabuo ang konsepto ng globalisasyon at lakas paggawa,


siguradong nais mo pang madagdagan ang iyong kaalaman ukol dito. Sa bahagi ito
ng modyul ay lubos mong matutunan ang mga mahahalagang konsepto na may
kaugnayan sa isyu ng globalisasyon. Ang mga konseptong ito ay iyong magagamit
upang lubos mong maintindihan ang kalagayan at suliraning nakapaloob dito.

GAWAIN 1: LARAWAN-SURI

Bago natin ituloy ang pagtalakay tungkol sa globalisasyon ay suriin mo muna


ang larawan at isulat sa ibaba nito kung ano ang mensaheng nais ipahihiwatig ng
larawan.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Magaling! Batid kong nabigyang kahulugan mo na ang bawat larawan at nais


mo pang dagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa usaping ito. Natitiyak kong nais
mong malaman ang mga sagot sa iyong katanungan. Marahil ay handa ka nang
magbasa at malaman ang konsepto ng migrasyon. Tiyak akong marami kang
matututunan sa pagbabasa nito.

Suriin

Migrasyon

Ang migrasyon o pandarayuhan ay isang proseso ng paglipat ng tirahan


mula sa isang rehiyon patungo sa isa pang rehiyon o lungsod (Mateo,et.al.,2010).
Ang migrasyon o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba
ay maaaring pansamantala o permanente. Ang pagiging permanente ng paglipat ng
tao ay pangunahing katangian ng migrasyon. Maaari rin itong paglipat mula sa isang

6
bansa patungo sa isa pang bansa. Ayon kay Mateo, et. al. (2010), ang pag-alis nila
sa dating tirahan o pagkaakit sa panibagong tirahan ay bunsod ng iba’t ibang salik.
Ang salik ng migrasyon ay maaaring maikategorya sa sumusunod:

1. Pull factor - mga positibong salik na humihikayat sa mga mamamayang


lumipat sa kalunsuran. Halimbawa na lamang ang pagdagsa ng mga tao sa
kalunsuran mula sa kanayunan sa paniniwalang maraming oportunidad sa trabaho
o pangkabuhayan sa kalunsuran.

2. Push factor- mga negatibong salik na nagtutulak sa mga mamamayang


mandayuhan dahilan ng kakulangan ng likas na yaman at mga oportunidad upang
makapagtrabaho. Maaaring ang paglipat nila sa lungsod ang dahilan sa hindi
kanais-nais na karanasan sa kanilang lalawigan o nayon dahilan upang sila ay
lumipat.

Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng pull at push factor bilang


salik ng migrasyon? Ang pull factor ay nakatuon sa positibong salik ng
pandarayuhan habang ang push factor naman ay nagbibigay-diin sa mga negatibong
salik ng paglipat ng pananahanan. Ang migrasyon ay bunga ng mga push at pull
factor.

Basahin ang teksto sa ibaba upang lubusan mong maintindihan ang


pagkakaiba ng mga salik na nabanggit. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng push
factor? ng pull factor?

Si Ruel at ang kanyang pamilya ay kinailangang lumipat sa Maynila


noong 2017. Ito ay dahil na rin sa alok na permanenteng trabaho at
mataas na sahod,. Subalit dahil nararanasang pandemya ay nagsara
ang kompanyang kaniyang pinapasukan. Dahil dito at maging ng
banta sa kalusugan ay umuwi na lamang sila sa kanilang probinsiya.

Sa talakayan ng migrasyon partikular ng international migration ay


mahalagang isaalang-alang ang ilang mga mahahalagang terminolohiya o salitang
madalas gamitin sa usaping ito. Mahalagang maunawaan muna ang ideya ng
immigration at stockfigures. Ang dayagram sa ibaba ay nagpapakita ng mga
konsepto nito.

Emigration Immigration

Palabas ng bansa Papasok ng bansa

7
Ang immigration o flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga
nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan
ay kada taon. Madalas ditong gamitin ang mga salitang inflow at entries dito.
Emigration, departures or outflows naman ang sumasakop sa mga taong umaalis
o lumalabas. Sa pamamagitan ng pagbawas ng bilang ng umaalis sa bilang ng
pumapasok nakukuha ang net migration.

Sa mga pagkakataon naman na pinipili ng mga nandayuhan na manatili o


manirahan sa bansa o rehiyon na kanilang nilipatan, nagaganap ang tinatawag na
stock. Ano ang kahalagahan ng pag-unawa ng mga konseptong ito? Mahalaga ang
immigration o flow sa pag-unawa sa trend o daloy ng paglipat o mobility ng mga
tao habang ang stock naman ay makatutulong sa pagsusuri sa matagalang epekto
ng migrasyon sa isang populasyon.

Ayon sa datos ng ILO o International Labor Organization taong


2018, tinatayang 232 milyong katao ang nandarayuhan sa buong
mundo sa kabuuang 3.1 porsiyento ng populasyon sa buong
mundo. Ang 48 porsiyento ng mga imigrante ay kababaihan na
halos dumarami pa para maghanapbuhay. Karamihan ng mga
nandarayuhan ay maghanap ng trabaho. Mahigit pa sa 90
porsiyento ay mga manggagawa kasama ang kanilang mga pamilya.
Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinaka malaking bilang ng
mga imigrante na lumabas ng kanilang bansa. Tinatayang isa sa
walong imigrante ay nasa edad 15 - 24.

Ngayon ay tiyak kong naunawaan mo na ang konsepto ng migrasyon. Dahil


dito ay maaari mo nang basahin at suriin ang kasunod na teksto tungkol sa mga
dahilan at epekto ng migrasyon.

MIGRASYON: DAHILAN at EPEKTO NITO

Tiyak kong malinaw na sa iyo ang konsepto ng migrasyon, sa puntong ito


ay maaari mo nang mabatid ang dahilan at epekto nito.

Mapanuri ka ba? Tingnan mo ang talahanayan sa ibaba. Pagtuunan ng


pansin ang mga sitwasyon na tingin mo ay malimit o kadalasang dahilan ng
migrasyon. Ayon pa rin kay Mateo, ang ilan sa mga kadalasang dahilan ng migrasyon
ay ang sumusunod:

DAHILAN ng MIGRASYON
dulot ng kaguluhan o banta sa dulot ng panghihikayat ng mga
kalusugan kapamilya o kamag-anak na matagal
nang naninirahan sa ibang bansa;

dulot ng oportunidad pang-ekonomiya dahil sa pag-aaral o pagkuha ng mga


teknikal na kaalaman partikular sa mga
bansang industriyalisado.

8
Batay sa talahanayan, mapapansin mo na may apat na pangunahing
dahilan ang migrasyon. Tandaan na maaaring maikategorya ang bawat dahilan
bilang push o pull factor. Sa bahagi ng modyul na ito ay higit na mabubuksan ang
iyong pananaw sa mga dahilang inilatag.

1. Migrasyon dulot ng kaguluhan o banta sa kalusugan – Upang matakasan


ang militarisasyon o digmaan at kaguluhan sa kanilang lugar , marami ang
lumilipat sa ibang lugar, rehiyon, o bansa. Patunay dito ang naganap na
Marawi Siege taong 2017 kung saan lumikha ito ng matinding kaguluhan sa
rehiyon sa mga nagtunggaliang militar at rebeldeng grupo na Maute.Lumikha
ito ng napakaraming refugee o mga taong tumatakas sa kaguluhan upang
humanap ng kanlungan sa ibang lugar. Kaya kadalasang tinatawag din itong
refugees migration. Sa kabilang banda, ang pandemyang dulot ng COVID-
19 ay nagbigay-daan sa marami na lisanin ang kalunsuran at bumalik sa
kanilang nayon dahil sa banta sa kalusugan. Sa datos ng OWWA o Overseas
Workers Welfare Administration, mahigit 43,000 na OFWs ang umuwi dahil
sa pandemyang ito.

2. Migrasyon dulot ng Oportunidad na Pang-ekonomiya- ito ang tinatayang


popular na dahilan ng migrasyon kung saan milyon-milyong Pilipino ang
nangingibang bayan upang magtrabaho. Ito ay kadalasang tinatawag na
labour migration. Ang ating mga OFWs o Overseas Filipino Workers ang
patunay nito, propesyonal o teknikal man nang lumaon sila ay permanente
nang nanirahan o stock sa United States, Canada, United Kingdom,
Australia at iba pa. Marami rin naman ang nasa iba’t ibang dako ng Asya.

Gaano karaming
Pilipino na kaya ang
nangingibang-bansa?

Ayon sa 2014 CFO Conpedium of Statistics, may humigit-kumulang na


8 milyong OFW na sa buong mundo. Higit 3 milyon dito ay nasa United
States. Pumapangalawa naman ang Saudi Arabia na may 1,028,802
Filipino migrants. Marami sa kanila ay land-based workers na may
1,469,179 kumpara sa sea-based na may 367,166 lamang. Ilan pa sa
mga bansa na pinipili ng mga Pilipino na maghanapbuhay ay ang mga
bansang UAE, Malaysia, Canada, Australia, Italy, United Kingdom,
Qatar at Singapore.

9
3. Migrasyon dulot ng panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na
matagal nang naninirahan sa ibang bansa – May kamag-anak ka ba o
kakilala na matapos na makahanap nang maayos na trabaho sa ibang bansa
ay hinikayat ang kapamilya na manirahan sa bansang kanyang
pinagtatrabahoan? Hindi mapagkakaila na kaakibat ng pangingibang-bansa
ng ilan sa ating mga kababayan ay ang hamon ng mapanatiling maayos ang
pamilya sa kabila ng pagkakahiwa-hiwalay. Kung kaya’t mas hinihingi ng
ilang OFWs sa kanilang kamag-anak na sumunod sa kanila sa ibang bansa
at doon manirahan upang mapanatiling magkakabuklod pa rin ang pamilya.

Sa kontekstong ito, pumapasaok ang tinatawag nating mga


permanent migrants. Sila ay mga overseas Filipinos na ang layunin sa
pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi ang permanenteng
paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang pagpapalit ng
pagkamamamayan o citizenship. Irregular migrants naman ang mga
mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang
permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.

4. Migrasyon dahil sa pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman


partikular sa mga bansang industriyalisado – Ito ay nangyayari kadalasan
kung ang isang manggagawa ay nagnanais na mapaangat pa ang kanyang
kaalamang propesyonal o teknikal ngunit hindi posible sa kanyang bansa
maaaring dahil kakulangan ng kinakailangang ekipo sa kinakailangang
kasanayan kaya pinipiling pumunta sa mga bansang industriyalisado.

Kadalasan ay may takdang panahon ang pananahanan o


pansamantala lamang pandarayuhan kaya tinatawag silang temporary
migrants. Sila ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may
kaukulang permiso at papeles upang mag-aral, magtrabaho, at manirahan
nang may takdang panahon. Ang ilan sa halimbawa nito ay mga foreign
students na nag aaral sa bansa at mga negosyante na maaari lamang
manirahan pansamantala ng anim (6) na buwan.

Ang pie grap sa ibaba ay nagpapakita ng dami ng OFWs bilang migrants sa


tatlong kategorya:

4.21milyon- 4.87milyon
Temporary -
migrants Permanent
migrants

1.16milyon-

Irregular
migrants

10
EPEKTO NG MIGRASYON
Idinagdag pa ni Mateo sa aklat na Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan na ang
pangingibang-bansa lalong-lalo na ng mga Pilipino ay lubhang nakaaapekto.
Direktang nakakatrabaho ang mga manggagawa. Kadalasan hindi sapat ang
kanilang kita o kaya naman ay walang trabahong nahahanap kapag mananatili sila
sa kanilang bansa kaya marami ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Ang
salaping kanilang ipinapadala o tinatawag din na remittance ay nakatutulong upang
matustusan ang pangangailangan ng kanilang kaanak. Gayundin ang remittance ng
mga OFW ay nakakatulong nang lubos sa pag-angat ng kalagayang pang-ekonomiya
ng kanilang mga bansa. Sa humigit-kumulang 100 bansa sa daidig, tinatayang may
walong milyong Pilipinong migrante at manggagawa. Sa bilang na nito, tinatayang
may US$8 bilyong remittance ang kanilang ibinabalik sa Pilipinas dahilan upang
tawagin silang “mga bagong bayani”. Inaasahan din na mangyayari ang
akulturasyon o ang pagkalat ng kanilang kultura sa iba pang panig ng daigdig.

Sa kabilang banda, mayroon ding hindi mabuting epekto ang migrasyon. Una
na nating binigyang diin ang hamon ng pagkakahiwahiwalay ng pamilya dahil sa
pangingibang bansa. Maraming mga pamilya ang nagkakawatak-watak dahilan sa
kakulangan ng patnubay ng magulang ang mga anak. May mga naiwang anak na
nalululong sa iba’t ibang bisyo, napapabayaan ang pag-aaral. Gayundin, may mga
naiiwang asawang nagtataksil dahil natutukso.
Sa isyu ng globalisasyon na una na nating natalakay, malinaw na ipinakita
na ang ekonomiya ng bawat bansa ay magkakaugnay. Kung kaya ang migrasyon
bilang penomena na nagaganap sa loob at labas ng ating bansa ang siya ring
nagbibigay daan sa mga transnational crime. Ito ay mga seryosong krimen na
isinasagawa ng isang organisadong grupong kriminal na may layuning magkamal ng
salapi. Masasabing transnational crime ito kung ito ay isinasagawa sa isang bansa
subalit ang biktima ay mamamayan ng ibang bansa at kung ito ay karaniwang
nagaganap sa dalawa o higit pang mga bansa.
Ilan sa mga transnational crime na itinuturing na napakalubha ay ang mga
sumusunod:

1. Human trafficking – pagkalakal sa pamamaraang legal o illegal ng mga


tao, partikular ng kabataan at kababaihan sa ibang bansa nang walang
kapahintulutan ng mga biktima.

Inihalimbawa ni Mateo sa aklat na Asya:Pag-usbong ng Kabihasnan na


ang mail order bride o pagpapadala ng mga babae sa ibang bansa,karamihan
sa Europa,upang maging asawa ng mga lalaking naghahanap ng
mapapangasawa.Sa kabilang banda,talamak din ngayon sa mga iba’t ibang
social media ang iba’t ibang transaksyon ng human trafficking.
2. Money Laundering – paglalagak ng salapi sa mga bangko sa ibang mga
bansa upang itago ang pinagmulan ng salaping ito. Inilalagak sa mga bangko
sa ibang bansa ang mga salaping nagmula sa ilegal o kriminal na gawain,
tulad ng pagnanakaw sa kabang-yaman ng isang bansa, sa sistemang ito.

Ginagawang clean money ang dirty money sa money laundering sa


dahilang ang pinopondo ang mga salapi sa mga bangko sa ibang bansa para

11
magmukhang malinis na salapi na maaaring gamiting puhunan o pondo sa
mga legal na transaksiyon.
3. Terorismo – tumutukoy sa sadyang paggamit ng dahas at pananakot
upang makapaghasik ng takot sa mamamayan at pilitin ang estadong
sumunod sa hangaring political ng mga kriminal.
Pinakamalubhang suliranin sa kasalukuyan ang mga pagkilos ng mga
terorista. Sa kasaysayan , nangunguna ang Al Qaeda na pinamunuan ni
Osama Bin Laden. Karamihan sa mga pangkat na ito ay mga radikal o
fundamentalist na grupong Islamiko na nagsusulong ng kanilang
pampolitikang layunin laban sa United States at mga kaalyado nitong mga
bansa. Sa Pilipinas, ang ASG o Abu Sayyaf Group ay nagsusulong ng kanilang
layuning humiwalay ang mga Muslim sa Mindanao kayat naghahasik sila ng
lagim sa katimugang bahagi ng Pilipinas.

4. Drug Trafficking – tumutukoy sa pagtatanim, paggawa, at pagtutulak ng


mga ipinagbabawal na gamot, droga, at narkotiko. Isang halimbawa nito ang
Golden Triangle sa rehiyon sa Timog Silangang Asya.Sinasabing ito ang
pinakamalaking prodyuser ng opyo na binubuo ng silangang kabundukan ng
Myanmar at hilagang kabundukan ng Thailand at Laos. Tirahan ito ng mga
pangkat-etniko tulad ng Shan g Myanmar at mga Hmong, Yu, Lahus, at Lisus
ng Laos. Sinusuplayan nito ang pamilihan ng Asya, Europa, at United States
kung kaya ay malawakan ang tniman ng opyo rito.
5. Maritime Piracy – pamimirata kung saan ang isang sasakyang pandagat
ay sapilitang isinasailalim sa karahasan ng kanyang mga pasahero o crew sa
gitna ng karagatan at sa labas ng hurisdiksyon ng estado.
Itinuturing ang Indonesia na may pinakamaraming insidente ng
pamimirata. Nakaranas ang Indonesis noong taong 2000 ng 90 pag-atake ng
mga pirate sa mga barkong naglalayag sa katubigan. Sinasabing ang
karagatan ng Sulawesi sa Indonesia at Sulu sa Pilipinas ay karaniwan din
pinapatrolya ng mga pirata. Ang salaping kinikita sa pamimirata sa Sulu ay
ginagamit diumano ng mga rebeldeng grupo upang suportahan ang kanilang
pakikipaglaban sa pamahalaan ng Pilipinas.

Ang problema sa pamimirata ay mahirap lutasin. Ayon sa International


Maritime Bureau,isang kagawarang nagmamatyag sa pamimirata,maging ang
may-ari ng mga barko ay kadalasang hindi isinusumbong ang mga pag-atake
sa kanila. Mas pimipili ng nabibiktima na iwasang masangkot sa mahabang
imbestigasyon at upang huwag tumaas ang ibinabayad nilang insurance.
Tunay ngang banta sa seguridad ng bawat bansa ang mga
transnational crimes. Ang sama-samang pagkilos ng mga bansa sa daigdig ang
tanging makapipigil sa paglaganap ng mga krimeng ito.

12
Pagyamanin

Gawain 2. Itala Natin


A. Sa concept map na ito, himayin ang konsepto ng migrasyon.

MIGRASYON

Halimbawa :
Paglipat ng tao sa
isang lugar patungong
ibang lugar
MIGRASYON

B. Itala o ilista mo sa bawat kahon ang mga dahilan at epekto ng migrasyon.


Maaaring dagdagan ang mga kaukulang kahon. Kapag naitala na ay sagutin mo ang
mga sumusunod na tanong sa ibaba.

MIGRASYON

DAHILAN EPEKTO

Halimbawa:
Halimbawa:
dulot ng
Pagkakawatak-watak
kaguluhan
ng pamilya
Mga Tala para sa Guro
Maaring basahing muli ng
mag-aaral ang ang bahagi ng
modyul na suriin upang
maayos na masagutan ang
bahaging ito.

13
Isaisip

Tandaan ang sumusunod na mahahalagang konseoto patungkol sa paksang


tinalakay:

• Ang migrasyon o pandarayuhan ay isang proseso ng paglipat ng tirahan


mula sa isang rehiyon patungo sa isa pang rehiyon o lungsod

• Ang pull factor ay positibong salik na humihikayat sa mga mamamayang

• lumipat sa kalunsuran. Halimbawa na lamang ang pagdagsa ng mga tao sa


kalunsuran mula sa kanayunan sa paniniwalang maraming oportunidad sa
trabaho o pangkabuhayan sa kalunsuran.

• Ang push factor ay negatibong salik na nagtutulak sa mga mamamayang


mandayuhan dahilan ng kakulangan ng likas na yaman at mga oportunidad
upang makapagtrabaho. Maaaring ang paglipat nila sa lungsod ang dahilan
sa hindi kanais-nais na karanasan sa kanilang lalawigan o nayon dahilan
upang sila ay lumipat.

• Ang immigration o flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang


pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada
taon.

• Ang migrasyon ay maaring dulot ng: kaguluhan o banta sa kalusugan,


oportunidad na pang-ekonomiya, panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-
anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa, at pag-aaral o pagkuha
ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado

• Ang transnational crime ay ay mga seryosong krimen na isinasagawa ng isang


organisadong grupong kriminal na may layuning magkamal ng salapi.

• Ilan sa mga transnational crime na itinuturing na napakalubha ay ang human


trafficking, money laundering, terorismo, drug trafficking, at maritime piracy.

14
Isagawa

Gawain 3: Poster Mo, Iguhit Mo!


Sa bahagi ng modyul na ito, gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng
konsepto ng migrasyon at ang mga kalakip na dahilan at epekto ng isyung ito.
Lagyan ng kaukulang kapsyon o hashtag.
Bibibigyang pansin din ang katangiang dapat taglayin ng isang poster sa
pagmamarka sa pamamagitan ng review sheet na naglalaman ng sumusunod na
katangian at may puntos 1, bilang pinakamababa at 5, bilang pinakamataas.
Ebidensya ng kakayahang maglapat ng kaalaman 12345
Malinis at maayos ang pagkakaguhit at pagkakakulay 12345
Malikhain at may malakas na pang-akit 12345
Epekto sa nagwawasto 12345

15
Tayahin

Gawain 4. Maramihang Pagpipili


Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod na pahayag ang TAMA sa migrasyon?
a. Ang migrasyon ay proseso ng paglipat ng tirahan mula sa isang rehiyon
patungo sa isa pang rehiyon o lungsod.
b. Ang migrasyon ay prosesong politikal ng paglipat ng liderato ng mga
opisyal ng pamahalaan.
c. Ang migrasyon ay proseso ng paglipat ng mga produkto mula sa isang
rehiyon patungo sa ibang rehiyon.
d. Ang migrasyon ay proseso ng paglipat ng tirahan ng mga ekipo ginagamit
sa pamumuhay ng tao.

2. Alin ang maituturing na mga salik ng migrasyon?


a. enter at exit factor ng migrasyon
b. flow at stock ng migration
c. permanent at temporary migration
d. push at pull factor ng migrasyon

3. Paano nakukuha ang net migration?


a. kapag ibinawas ang push at pull factor ng migrasyon
b. kapag ibinawas ang emigration sa immigration
c. kapag ibinawas ang permanent migrants sa irregular migrants
d. kapag ibinawas ang mga permanent migrants sa temporary migrants

4. Alin sa sumusunod na pahayag ang TAMA sa immigration o flow?


a. tumutukoy sa bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa
sa kada taon
b. tumutukoy sa bilang ng mga nandarayuhang umaalis sa isang bansa
kada taon
c. tumutukoy sa bilang ng mga nandarayuhang matagal nang nananatili sa
isang bansa
d. tumutukoy sa bilang ng pansamantalang nananahanan sa isang bansa

5. Sa datos ng ILO o International Labour Organization taong 2013, aling bansa ang
tinatayang may pinakamaraming Filipino migrants?
a. Australia b. Canada c. United States d.United Arab Emirates

6. Alin sa sumusunod ang katangian ng irregular migrants?


a. Sila ay mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may sapat na
papeles ng paglipat ng pananahanan.
b. Sila ay mga mamamayan na hindi dokumentado at walang permit para
magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
c. Sila ay mga mamamayan na pansamantalang naninirahan sa isang
rehiyon o bansa.
d. Sila ay mga mamamayang pinili nang manirahan sa pinaglipatan na lugar
o bansa.

16
7. Marami sa mga Pilipino ang nahihikayat na mangibang-bansa. Ang mga
sumusunod ay itinuturing na mga dahilan ng migrasyon MALIBAN sa isa.
a. Migrasyon dulot ng panghihikayat ng kapamilya na matagl nang
naninirahan sa ibang bansa
b. Migrasyon dulot ng banta sa kalusugan o kaguluhan
c. Migrasyon dahil sa oportunidad pang-ekonomiya
d. Migrasyon dahil sa pagkabagot

8. Alin sa sumusunod ang mabuting epekto ng migrasyon?


a. Nagkakawatak-watak ang pamilya sa pangingibang-bansa ng ila sa OFW.
b. Lubhang mapanira sa isang bansa hamon ng mga transnational crimes.
c. Ang remittance ng mga OFWs ay nakatutulong upang maiangat ang
estadong pang-ekonomiya ng kanyang bansa.
d. May mga nak ng OFWs ang napapariwara at hindi nakakapagtapos ng
pag-aaral.

9. Ang transnational crimes ay isa sa hindi mabuting epekto ng migrasyon. Ang


sumusunod na mga sitwasyon ang itinuturing na transnational crime MALIBAN
sa isa.
a. Talamak na pick-pocketing ng mga kawatan sa bangketa.
b. Paglalagak ng salapi sa mga bangko sa ibang mga bansa upang maitago
ang illegal na pinagmulan ng salaping ito.
c. Pamimirata ng isang sasakyang pandagat at sapilitang isinasailalim sa
karahasan ang kanyang mga pasahero o crew.
d. Pangangalakal legal o illegal ng mga tao lalo na ang kabataan at
kababaihan.

10. Kung ikaw ay pagbibigyan ng pagkakataon na makapagbigay ng suhestiyon,


alin sa sumusunod na hakbang ang iyong maimumungkahi sa pamahalaan
bilang tugon sa isyu ng migrasyon?
a. Palakasin ang programa at polisiya para sa kagalingan ng mga
mangagawang Pilipino.
b. Pataasan ang sahod ng mga manggagawang Pilipino.
c. Iangat ang kalidad ng edukasyon lalo na sa mga pamantasan at pag-aaral
na teknikal.
d. lahat ng nabanggit

11. Si Richard ay isang doktor na may kontrata sa London hanggang taong


2015 lamang. Lampas ang kanyang pananatili sa nasabing bansa. Ngunit, sa
kabila nito, nanatili pa rin siya sa bansa at nagtatrabaho. Alin sa
sumusunod na kalagayan ang ipinapakita nito?
a. irregular migrant c. refugee migrant
b. permanent migrant d. temporary migrant

12. Ang pamilya ni Mark ay lumikas bunsod ng sigalot sa kanilang lugar.Alin sa


sumusunod na dahilan ng migrasyon ang ipinapakita nito?
a. migrasyon dahilan sa kaguluhan
b. migrasyon dulot ng pag-aaral
c. migrasyon dulot ng pandemya
d. migrasyon dahilan sa paghahanapbuhay

17
13. Uuwi mula Kuwait si More bunsod ng kasalukuyang pandemya. Alin sa
sumusunod na sitwasyon ang tinutukoy dito?
a. emigration b. immigration c. irrelevant migration d. net migration

14. Patungo sa Pilipinas ang isang dalubhasang doktor na Swedish upang ibahagi
ang kanyang natuklasang gamot. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang
inilalarawan dito?
a. emigration b. immigration c. irrelevant migration d. net migration

15. Higit sampung taon nang nars ang ina ni Crisa sa Amerika. Hinihingi ng
kanyang ina na sila ang sumunod sa nabanggit na bansa. Alin sa sumusunod
na dahilan ng migrasyon ang ipinapakita nito?
a. migrasyon dahilan sa kaguluhan
b. migrasyon dulot ng pag-aaral
c. migrasyon dahilan sa paghahanapbuhay
d. migrasyon dulot ng panghihikayat ng kapamilya na manahanan sa ibang
bansa

18
Karagdagang Gawain

Gawain 5. Photo Essay

Humanap ng larawan na nagpapakita ng konseptong migrasyon at mga


programa ng pamahalaan na naiangat ang kagalingan ng mga manggagawang
Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. Mula sa larawang nakita, sumulat ng
sanaysay na nagpapaliwanag kung paano nakapagdudulot ng mabuti at hindi
mabuting epekto ang usaping migrasyon. Bilang mag-aaral, ipaliwanag ang iyong
mungkahi kung paano maibsan ang hindi kaaya-ayang epekto ng migrasyon. Idikit
sa ½ na kartolinang puti ang larawan at isulat sa ibaba nito ang iyong paliwanag.

Rubrik sa Pagmamarka ng Photo Essay

Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos


Kaangkupan ng Angkop at 10
Nilalaman makabuluhan ang
mensahe
Kahusayan sa Mapanghikayat at 5
Paggawa makapukaw-
pansin ang ginawa
Kahusayan sa Mapanghikayat at 5
Paggawa makapukaw-
pansin ang ginawa
Kabuuang Puntos 20

19
20
Subukin Tayahin
1. A 1. A
2. C 2. D
3. B 3. B
4. D 4. A
5. C 5. C
6. C 6. B
7. A 7. D
8. D 8. C
9. A 9. A
10.A 10.D
11.A 11.A
12.B 12.A
13.D 13.A
14.A 14.B
15.A 15.D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Dallo, E., Antonio, E., Imperial, C., Samson, M.C. and Soriano, C. (2016).
KAYAMANAN: Mga Kontemporaryong Isyu Batayan at Sanayang Aklat sa
Araling Panlipinan. Manila City, Metro Manila, Philippines: Rex Printing
Company Inc.

Department of Education. (2017). Kontemporaryong Isyu: Modyul para sa Mag-aaral


sa Araling Panlipunan 10.

Mateo, Grace Estrella et.al. (2010). Asya:Pag-usbong ng Kabihasnan.Batayang Aklat


para sa Araling Panlipunan.Ikalawang Taon. Kagawaran ng Edukasyon

21

You might also like