You are on page 1of 32

10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3
Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Kasarian Sa Iba’t Ibang Lipunan
(Gender Roles sa Iba’t Ibang Lipunan sa Mundo)

6
Alamin

Mahal naming mag-aaral! Ang modyul na ito ay denisenyo at isinulat para


matulungan ka na malaman ang tungkol sa sa mga gampanin ng mga
babae sa piling bansa sa Africa at Kanlurang Asya at maipakita ang lawak
ng iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawaing
inihanda dito. Handa ka na bang matuto?

Ano ang inaasahan mo?


Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang gender roles sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Layunin:
1. Natatalakay ang gampanin ng mga babae sa piling bansa sa Africa at
Kanlurang Asya;
2. Nabibigyang puna ang tradisyong FGM ng bansang Cameroon, Africa Africa;
at
3. Nakagagawa ng sanaysay na nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga
kababaihan.

Pangkalahatang Panuto!

Paano mo Matutuhan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:

❖ Basahin at unawain ang teksto tungkol Gender Roles sa Iba’t Ibang Lipunan
sa Mundo.
❖ Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
❖ Sagutan ang lahat ng mga gawain at pagsasanay na ibinigay.

2
Balikan

Handa ka na bang magbalik-aral sa paksang tinalakay natin noong


nakaraang pagtatagpo? Basahin mo ng tahimik ang teksong nakasulat sa
ibaba. Simulan na natin ang pagbabasa.

Noong nakaraang talakayan ay nalaman natin ang tungkol sa kasaysayan ng


LGBT sa Pilipinas. Ito pala ay nagsisimula sa mga babaylan noong ika- 16 hanggang
ika- 17 siglo. Ang mga babaylan na ito ay umabot pa sa panhon ng mga Espanyol.
Noong dekada 60 ay pinaniniwalaang umusbong ang Philippine Gay Culture sa
bansa. Sa Pilipinas, ang pag-iral ng konsepto tungkol sa LGBT ay mula sa
magkasamang impluwensya ng international media at ng lokal na interpretasyon ng
mga taong LGBT na nakaranas mangibang bansa.
Sa mga huling bahagi ng dekada 80 at unang bahagi ng dekada 90, maraming
pagsulong ang inilunsad na naging daan sa pag-usbong ng kamalayan ng Pilipinong
LGBT. Maibibigay na halimbawa nito ang paglabas ng Ladlad, isang antolohiya ng
panulat ng mga Pilipinong miyembro ng gay community na inedit nina Danton Remoto
at J. Neil Garcia noong 1993.
Ang dekada 90 ang pinaniniwalaang simula ng LGBT movement sa Pilipinas.
Itinatag ang ProGay Philippines noong 1993, ang Metropolitan Community Church
noong 1992, at ang UP Babaylan (pinakamatandang organisasyon ng mga mag- aaral
na LGBT sa UP) noong 1992. Ilang kilalang lesbian organization ang sumulpot noong
dekada 90, gaya ng CLIC (Cannot Live in a Closet) at Lesbian Advocates Philippines
(LeAP). Unang partidong politikal na kumonsulta sa LGBT community ang partidong
Akbayan Citizen’s Action Party. Ang konsultasyong ito ang nagbigay- daan sa
pagkabuo ng unang LGBT lobby group – ang Lesbian and Gay Legislative Advocacy
Network o LAGABLAB - noong 1999.

3
Tuklasin

Bago mo umpisahan ang pagtalakay sa paksa sa araw na ito, sasagutan mo


muna ang gawain sa ibaba. Ang gawaing ito ay susubok sa mga dati mong
kaalaman tungkol sa kasarian at seksuwalidad. Handa ka na bang sagutin
ito?

Ang gawaing ito ay naglalayong subukin ang iyong kaalaman sa pagtala ng


mga paglabag sa karapatang pantao.

Panuto: Punan ang graphic organizer sa ibaba ayon sa hinihingi.

4
Ano-ano ang mga opinyon at saloobin mo sa karahasan ng iba’t ibang kasarian?

5
Suriin

Alam kong sabik kanang matuto sa araw na ito. Para maintindihan mo


ang pag-uusapan sa araw na ito, basahin mo muna ang teksto sa ibaba
para maliwanagan ka sa daloy ng talakayan. Simulan na ang
pagbabasa!

Gender Roles Sa Ibat’ Ibang Lipunan Sa Mundo

Africa at Kanlurang Asya


Sa mga rehiyong ito ng mundo, mahigpit ang lipunan para sa mga
babae lalo na sa mga miyembro ng komunidad ng LGBT. Matagal ang
panahong hinintay ng mga babae upang mabigyan sila ng pagkakataong
makalahok sa proseso ng pagboto. Nito lamang ikalawang bahagi ng ika-20
siglo nang payagan ng ilang bansa sa Africa at Kanlurang Asya ang mga
babae na makaboto. Ngunit nananatili ang kaharian ng Saudi Arabia sa
paghihigpit sa mga kababaihan. Hanggang ngayon sila ay hindi pa maaaring
bumoto (ayon sa pangako ni Haring Saud, sa taong 2015 pa lamang sila
makaboboto sa halalan). Bukod sa hindi pagboto, may pagbabawal din sa
mga babae na magmaneho ng sasakyan nang walang pahintulot sa kamag-
anak na lalaki (asawa, magulang, o kapatid).

Talahanayan 3.1: Taon ng Pagbibigay Karapatang Bumoto sa


Kababaihan
Kanlurang Asya Africa
Lebanon (1952) Egypt (1956)
Syria (1949, 1953) Tunisia (1959)
Yemen (1967) Mauritania (1961)
Iraq (1980) Algeria (1962)
Oman (1994) Morocco (1963)
Kuwait (1985, 2005)* Libya (1964)
Sudan (1964)

Sanggunian: AP10 Learning Material

Binawi ng Kuwait ang karapatang bumoto ng mga babae at muling


naibalik noong 2005.
Ang paglalakbay rin ng mga babae ay napipigilan sapagkat may ilang
bansa na hindi pinapayagan ang mga babae na maglakbay nang mag-isa o

6
kung payagan man ay nahaharap sa malaking banta ng pang-aabuso
(seksuwal at pisikal).
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 125
milyong kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital
Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Napatunayan
ng WHO na walang benepisyong-medikal ang FGM sa mga babae, ngunit
patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon
ng lipunang kanilang ginagawalan.
Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng
pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang
benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili
nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang
basehang-panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na nagdudulot ng
impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan.

Panuto: Matapos basahin ang teksto tungkol sa Africa at Kanlurang Asya ay


kompletuhin ang kahon sa ibaba.

Rehiyon sa Karahasan/Diskirminasyong Naranasan


Mundo

Africa

Kanlurang Asya

7
Pagyamanin

Dahil tapos mo nang basahin ang mga paksa sa araw na ito, sagutan ang
inihandang gawain sa ibaba. Ito ay upang matiyak na may naintindihan ka
sa iyong binasa. Umpisahan na ang pagsagot sa gawain.

Ang gawaing ito ay naglalayong maipahayag ang saloobin tungkol sa karapatan ng


mga kababaihan.

Panuto: Isulat ang iyong sagot sa ibaba.

Pagbibigay Karapatang Bumuto sa Kababaihan

Dapat na bigyang karapatan ang mga kababaihan na


bumuto

8
Isaisip

Sa bahaging ito ay bibigyan natin nang buod ang paksang tinalakay sa


araw na ito. Basahin mo ang teksto sa ibaba.

Natutuhan natin sa araw na ito ang iba’t ibang gampanin ng bawat


kasarian sa iba’t ibang lipunan. May mga bansa sa Kanlurang Asya na kong
saan ang mga babae ay matagal pa na panahon bago sila pinahintulutang
sumali sa halalan tulad ng bansang Lebanon, Syria, Yemen, Iraq, Oman, at
Kuwait. Mayroon din sa Africa tulad ng Egypt, Tunisia, Mauritania, Algeria,
Morocco, Libya, at Sudan.

Maliban sa usapin ng pagboto, may mga bansa tulad ng Africa na


tradisyon nila ang pagsasagawa ng Female Genital Mutilation.Ito ay isang
proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang
anumang benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang
mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay
maikasal. Walang basehang-panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na
nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan.

9
Isagawa

Alam kong sabik ka pang magkaroon ng ibang gawain. Kaya may


idadagdag pang gawain para mas lalo pang masukat ang iyong kaalaman
tungkol sa paksang tinalakay. Umpisahan ng sagutan ang gawain sa

Panuto: Mula sa mga paksang nabasa hinggil sa isyung may kinalaman sa


gampanin
ng iba’t ibang kasarian sa lipunan, gumawa ng sanaysay na nagpapakita ng
kahalagahan at pagkapantay-pantay ng lahat ng kasarian. Isulat ang sagot
sa ibaba.

10
Tayahin

Ngayon ay subukan mong sagutan ang panghuling pagtataya upang


matukoy ang lawak ng iyong nalalaman tungkol sa mga natalakay na
paksa. Simulan mo na ang pagsagot.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat aytem.


Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Anong pag-uuri, eksklusyon o restriksyon sa kasarian na naglalayon o naging
sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang
mga karapatan o kalayaan?
A. Pang-aabuso
B. Diskriminasyon
C. Pagsasamantala
D. Pananakit
2. Ayon sa World Health Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan (bata
at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa
sa Africa at Kanlurang Asya. Napatunayan ng WHO na walang benepisyong-
medikal ang FGM sa mga babae, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng
gawain dahil sa impluwensya ng tradisyon ng lipunang ginagalawan. Ano kaya
ang layunin ng gawaing ito?
A. Mapanatili ang hugis ng katawan ng babae hanggang siya ay
maikasal.
B. Mapanatili na walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay
maikasal.
C. Mapanatili ang kalinisan ng katawan ng babae hanggang siya ay
maikasal.
D. Mapanatili ang kalusugan ng katawan ng babae hanggang siya ay
maikasal.
3. Ano ang ibig ipahiwatig ng talahanayan sa ibaba?
Taon ng Pagbibigay Karapatang Bumuto sa Kababaihan
Kanlurang Aysa Africa
Lebanon (1952) Egypt (1956)
Syria (1949, 1953) Tunisia (1959)
Yemen (1967) Mauritania (1961)
Iraq (1980) Algeria (1962)
Oman (1994) Morocco (1963)
Kuwait (1985, 2005) Libya (1964)
Sudan (1964)

A. Lalaki lamang ang pwedeng bumuto noong unang panahon.


B. Matagal natamasa ng mga kababaihan ang kanilang kalayaang
bumuto.
C. Walang karapatang bumuto ang mga kababaihan noong unang
panahon.
D.Hindi pantay ang karapatan ng mga kalalakihan at kababaihan noong
unang panahon.

11
4. Maraming mga nararanasang karahasan at diskriminasyon hindi lamang ang
mga LGBT kundi pati na rin ang mga kababaihan at kalalakihan. Ang mga
sumusunod ay halimbawa ng mga pangha-harass maliban sa isa. Alin dito?
A. Pagkukumpara
B. Pagbabanta at paninigaw
C. Panghihipo o paghawak sa bahagi ng katawan nito
D. Panghihiya at panghahamak ng mga tao dahil sa kanilang kasarian.
5. Sa kasaysayan ng Pilipinas, ipinapakita na ang asawang lalaki ang nagsisilbing
haligi ng tahanan. Siya ang inaasahang bumuhay sa kanyang pamilya.
Samatalang ang asawang babae naman ang nagsisilbing ilaw ng tahanan. Siya
ang gumagawa sa gawaing bahay at nag-aaruga sa mga anak. Ano ang ibig
ipahiwatig nito?
A. May karahasan na sa kababaihan at kalalakihan.
B. May diskriminasyon na sa kababaihan at kalalakihan.
C. May mataas na pagtingin sa mga kalalakihan kaysa sa kababaihan sa
lipunan.
D. May nakatalaga ng papel na ginagampanan ang kalalakihan at
kababaihan sa loob ng tahanan.

Panuto: Tama o Mali: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI
naman kung ang pangungusap ay mali. Isulat ang sagot sa patlang.
1.Ayon sa World Health Organization, may 125 milyong kababaihan (bata at
matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa
sa Africa at Kanlurang Asya.
2.Ang Female Genital Mutilation o FMG ay isang proseso ng pagbabago sa
ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong
medikal.
3.Ang Female Genital Mutilation o FMG ay isinasagawa sa paniniwalang
mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay
maikasal.
4.Taong 1951 naibigay ang karapatang bumoto sa kababaihan ng bansang
Lebanon.
5. Nakamtan ng mga kababaihan sa Kuwait ang kanilang karapatang
bumoto noong taong 1985.

12
Karagdagang Gawain

Susubukan natin ngayon ang inyong kakayahan sa pagpapaliwanag. Sa


bahaging ito ay maibabahagi mo ang iyong sariling opinyon tungkol sa paksa.
Sundin lang ang panuto sa ibaba. Simulan mo na ang paggawa nito.

Ang gawaing ito ay naglalayong mapahayag ang sariling opinyon tungkol sa Female
Genital Mutilitation (FGM) ng Africa.

Panuto: Kompletuhin ang Opinion Graphic Organizer sa ibaba.


Paksa: Female Genital Mutilation

Paliwanag 1: Paliwanag 2:

Halimbawa 1: Halimbawa 2:

Pinag-isang Opinyon:

Magaling! Pwede kanang magpatuloy sa susunod na aralin!

13
Kasarian Sa Iba’t Ibang Lipunan
(Pangkulturang Pangkat sa New Guinea)
7
Alamin

Mahal naming mag-aaral, ako ay natutuwa dahil nagkita na naman tayo ulit sa
araw na ito. Masaya ako na ibabahagi sa inyo ang ating panibagong paksa sa
araw na ito, ang Pangkulturang Pangkat sa New Guinea. Handa ka na bang
matuto? Tayo na at maglakbay papuntang New Guinea!

Ano ang inaasahan mo?


Pagkatapos ng modyulna ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang gender roles sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Layunin:
1. Natatalakay at nakilala ang mga pangkulturang pangkat sa New Guinea;
2. Napaghahambing ang pangkulturang pangkat sa New Guinea; at
3. Nakagagawa ng talahanayan na nagpapakita ng gampanin ng lalaki at babae
ng pangkulturang pangkat sa New Guinea.

Pangkalahatang Panuto!

Paano mo Matutuhan?
Upang makamit ang mga inaasahang layunin, gawin ang mga sumusunod:

❖ Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Pangkulturang Pangkat sa New


Guinea.
❖ Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
❖ Sagutan ang lahat ng mga gawain at pagsasanay na ibinigay.

14
Subukin

Ngayon ay subukan mong sagutan ang paunang pagtataya upang matukoy


ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin pa
lamang. Bigyang pansin ang mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at
alamin ang sagot sa aralin sa modyul na ito.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Anong taon nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea ang mag-
asawang antropologo na sina Margaret Mead at ang kanyang asawa na si
Reo Fortune upang pag-aralan ang mga pangkulturang pangkat ng lugar na
ito?
A. 1931
B. 1932
C. 1933
D. 1934
2. Ang mga sumusunod ay kabilang sa primitibong pangkat ng Papua New
Guinea maliban sa isa. Alin dito?
A. Abelian
B. Arapesh
C. Mundugumor
D. Tchambuli
3. Anong primitibong pangkat sa Papua New Guinea na ang babae at lalaki ay
parehong maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak?
A. Abelian
B. Arapesh
C. Mundugumor
D. Tchambuli
4. Anong primitibong pangkat sa Papua New Guinea na tinatawag din na
Chambri?
A. Abelian
B. Arapesh
C. Mundugumor
D. Tchambuli
5. Alin saa primitibong pangkat na ito, ang mga babae at lalaki ay
kapwamatapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o
posisyon sa kanilang pangkat.
A. Abelian
B. Arapesh
C. Mundugumor
D. Tchambuli

15
Panuto: Tama o Mali: Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay tama at
MALI naman kung ang pangungusap ay mali. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea matatagpuan ang tatlong
pangkultrang pangkat na Arapesh, Mundugumor,at Tchambuli.
2. Ang Tchambuli na nangangahulugang “tao”, ay isang pangkulturang
pangkat sa Papua New Guinea.
3. Sa pangkulturang pangkat ng Arapesh, ang mga tao dito ay walang mga
pangalan.
4. Ang pangkulturang pangkat ng Mundugumur ay mas kilala sa tawag na
Biwat.
5. Sa pangkulturang pangkat ng Mundugumor, ang mga babae ang
naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya.

Balikan

Handa ka na bang magbalik-aral sa paksang tinalakay natin noong nakaraang


pagtatagpo? Basahin mo ng tahimik ang teksong nakasulat sa ibaba. Simulan
na natin ang pagbabasa.

Noong nakaraang talakayan ay natutunan natin ang tungkol sa gampanin ng


kasarian sa iba’t ibang lipunan. May mga bansa sa Kanlurang Asya na kung saan ang
mga babae ay matagal pa na panahon bago sila pinahintulutang sumali sa halalan
tulad ng bansang Lebanon, Syria, Yemen, Iraq, Oman, at Kuwait. Mayroon din sa
Africa tulad ng Egypt, Tunisia, Mauritania, Algeria, Morocco, Libya, at Sudan.

Maliban sa usapin ng pagboto, may mga bansa tulad ng Africa na tradisyon


nila ang pagsasagawa ng Female Genital Mutilation.Ito ay isang proseso ng
pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang
benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong
walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang basehang-
panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na nagdudulot ng impeksiyon,
pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan.

16
Tuklasin

Bago mo umpisahan ang pagtalakay sa paksa sa araw na ito, sasagutan mo


muna ang gawain sa ibaba. Ang gawaing ito ay susubok sa mga dati mong
kaalaman tungkol sa mga gampanin ng lalaki at babae. Handa ka na bang
sagutin ito?

Panuto: Punan ang talahanayan sa ibaba batay sa iyong nalalaman.


Mga Gampanin
Lalaki Babae

Mga Tanong:

1. Ano ang masasabi mo sa iyong mga kasagutan?

2. May pagkakaiba ba ang gampanin ng lalaki at babae batay sa iyong mga sinagot?
Bakit?

3. Ano ang konklusyon na maari mong maibigay batay sa iyong mga kasagutan?

17
Suriin

Alam kong sabik kanang matuto sa araw na ito. Para maintindihan mo ang
pag-uusapan sa araw na ito, basahin mo muna ang teksto sa ibaba para
maliwanagan ka sa daloy ng talakayan. Simulan na ang pagbabasa!

Pangkulturang Pangkat sa New Guinea


Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret Mead at ang kanyang
asawa na si Reo Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea
upang pag-aralan ang mga pangkultura pangkat sa lugar na ito. Sa kanilang
pananatili roon nakatagpo nila ang tatlong (3) pangkulturang pangkat; Arapesh,
Mundugamur, at Tchambuli. Sa pagaaral sa gampanin ng mga lalaki at babae sa
mga pangkat na ito, nadiskubre nila ang mga pagkakatulad at pagkakaiba nito sa
bawat isa, at maging sa Estados Unidos

Nang marating nina Mead at Fortune ang Arapesh (na nangangahulugang


“tao”), walang mga pangalan ang mga tao rito. Napansin nila na ang mga babae at
mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin,
mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat. Samantala sa kanila
namang pamamalagi sa pangkat ng Mundugumur (o kilala rin sa tawag na Biwat),
ang mga babae at mga lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente, at
naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat. At sa huling
pangkat, ang Tchambuli o tinatawag din na Chambri, ang mga babae at mga lalaki
ay may magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga babae ay inilarawan
nina Mead at Fortune bilang dominante kaysa sa mga lalaki, sila rin ang naghahanap
ng makakain ng kanilang pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay inilarawan
bilang abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento.
Sanggunian: (A) Mead, Margaret. Sex and Temperament in Three Primitive Societies. HarperCollins Publishers,
1963. http://www.loc.gov/exhibits/mead/field-sepik.html

18
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
1. Sa iyong palagay, ano ang magiging epekto sa pamilya kung ang babae ay
dominante kaysa sa lalaki?

6. Ano ang kahihinatnan ng pamilya kung kapwa mag-asawa ay matapang,


agrisibo, at bayolente? Ipaliwanag ang sagot.

Dahil tapos mo nang basahin ang mga paksa sa araw na ito, sagutan ang
inihandang gawain sa ibaba. Ito ay upang matiyak na may naintindihan ka
sa iyong binasa. Umpisahan na ang pagsagot sa gawain.

Ang gawaing ito ay naglalayong maihahambing mo ang tatlong pangkultura pangkat


sa New Guinea ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Margaret Mead.

Panuto: Sagutan ang kasunod na talahayanan at ang dalawang mahalagang tanong


kaugnay nito upang mataya ang pag-unawa sa iyong binasa.

Primitibong Gampanin
Pangkat

Lalaki Babae

Arapesh

Mundugumor

Tcambuli

19
Isaisip

Sa bahaging ito ay bibigyan natin nang buod ang paksang tinalakay sa


araw na ito. Basahin mo ang teksto sa ibaba.

Sa araw na ito ay natutuhan natin mula sa mag-asawang antropologo na sina


Margaret Mead at Reo Fortune ang tungkol sa pangkulturang pangkat sa New
Guinea. Ang dalawang mag-asawang ito ay nagpunta sa rehiyon ng Sepik sa Papua
New Guinea upang pag-aralan ang mga pangkultura pangkat sa lugar na ito. Sa
kanilang pananatili roon natagpuan nila ang tatlong (3) pangkulturang pangkat;
Arapesh, Mundugamur, at Tchambuli. Sa pag-aaral sa gampanin ng mga lalaki at
babae sa mga pangkat na ito, nadiskubre nila ang mga pagkakatulad at pagkakaiba
nito sa bawat isa, at maging sa Estados Unidos.

Kanilang nalaman na ang mga Arapesh ay walang mga pangalan. Napansin


nila na ang mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang
mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat.
Samantala sa kanila namang pamamalagi sa pangkat ng Mundugumur ay nalaman
nila na ang mga babae at mga lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente, at
naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat. At ang huling
pangkat na pinuntahan nila ay ang Tchambuli, ang mga babae at mga lalaki ay may
magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga bababe ay dominante kaysa
sa mga lalaki, sila rin ang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya, samantala
ang mga lalaki naman ay mahilig sa pag-aayos sa kanilang sarili at sa mga kuwento.

20
Isagawa

Alam kong sabik ka pang magkaroon ng ibang gawain. Kaya may idadagdag
pang gawain para mas lalo pang masukat ang iyong kaalaman tungkol sa
paksang tinalakay. Umpisahan ng sagutan ang gawain sa

Panuto: Mula sa tekstong nabasa hinggil sa Pangkulturang Pangkat sa New Guinea


ay gumawa ng isang repleksyon.

21
Tayahin

Ngayon ay subukan mong sagutan ang panghuling pagtataya upang


matukoy ang lawak ng iyong nalalaman tungkol sa mga natalakay na paksa.
Simulan mo na ang pagsagot.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa abwat aytem


Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Anong taon nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea ang mag-
asawang 1antropologo na sina Margaret Mead at ang kanyang asawa na si
Reo Fortune upang pag-aralan ang mga pangkulturang pangkat ng lugar na
ito?
A. 1931
B. 1932
C. 1933
D. 1934
2. Ang mga sumusunod ay kabilang sa primitibong pangkat ng Papua New
Guinea maliban sa isa. Alin dito?
A. Abelian
B. Arapesh
C. Mundugumor
D. Tchambuli
3. Anong primitibong pangkat sa Papua New Guinea na ang babae at lalaki ay
parehong maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak?
A. Abelian
B. Arapesh
C. Mundugumor
D. Tchambuli
4. Anong primitibong pangkat sa Papua New Guinea na tinatawag din na
Chambri?
A. Abelian
B. Arapesh
C. Mundugumor
D. Tchambuli
5. Alin sa primitibong pangkat na ito,ang mga babae at lalaki ay kapwa
matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o
posisyon sa kanilang pangkat.
A. Abelian
B. Arapesh
C. Mundugumor
D. Tchambuli

22
Panuto: Tama o Mali: Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay tama at
MALI naman kung ang pangungusap ay mali. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea matatagpuan ang tatlong
pangkultrang pangkat na Arapesh, Mundugumor,at Tchambuli.
2. Ang Tchambuli na nangangahulugang “tao”, ay isang pangkulturang
pangkat sa Papua New Guinea.
3. Sa pangkulturang pangkat ng Arapesh, ang mga tao dito ay walang mga
pangalan.
4. Ang pangkulturang pangkat ng Mundugumur ay mas kilala sa tawag na
Biwat.
5. Sa pangkulturang pangkat ng Mundugumor, ang mga babae ang
naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya.

Karagdagang Gawain

Mga bata, susubukan natin ngayon ang inyong kakayahan sa pagtatala. Sa


bahaging ito ay maibabahagi niyo ang inyong nalalaman tungkol sa mga
gampanin ng bawat miyembro ng pamilya sa loob ng tahanan. Sundin lang
ang panuto sa ibaba. Simulan nyo na ang paggawa nito.

Panuto: Punan ang kahon sa ibaba ayon sa hinihingi.

Mga Gampanin sa Loob ng Sariling Tahanan

Ama Ina Kapatid na Kapatid na


Lalaki/Kuya Babae/Ate

Tanong:

1. Ano ang masasabi mo sa mga gampanin ng bawat miyembro ng inyong pamilya?

2. Naging magaan ba ang mga gawain sa loob ng inyong tahanan? Ipaliwanang.

23
Panghuling Pagtataya
8 (Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan)

May sasagutan na naman kayo bilang pangkalahatang gawain sa mga


paksang natalakay natin. Nasasabik na akong malaman sa makukuha niyo sa
pagsusulit na ito. Simulan niyo na ang pagsagot.

Ngayon ay subukin mong sagutin ang panghuling pagtataya upang matukoy ang
lawak ng iyong nalalaman tungkol sa mga paksang natalakay na.
Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sila ang mga tao na nakararamdam na sila ay nabubuhay sa maling katawan,


ang kanilang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma.
A. Bisexual
B. Gay
C. Lesbian
D. Transgender
2. Ito ay anomang pag-uuri, eksklusyon o restriksyon sa kasarian na naglalayono
naging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang
mga karapatan o kalayaan.

A. Pang-aabuso
B. Diskriminasyon
C. Pagsasamantala
D. Pananakit

3. Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng


pagkakaiba ng babae sa lalaki. Ito rin ay maaaring tumutukoy sa gawain ng babae at
lalaki na ang layunin ay reproduksyon ng tao.
A. Sex
B. Gender
C. Feminine
D. Masculine
4. Ang oryentasyong seksuwal ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na
makaranas ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay
maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa. Ano ang
tawag sa oryentasyong seksuwal na kung saan ang isang tao ay
nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian?
A. Asexual
B. Bisexual
C. Heterosexual
D. Homosexual

24
5. Ayon sa World Health Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan
(bata
at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa
sa Africa at Kanlurang Asya. Napatunayan ng WHO na walang benepisyong
medikal ang FGM sa mga babae, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng
gawain dahil sa impluwensya ng tradisyon ng lipunang ginagalawan. Ano kaya
ang layunin ng gawaing ito?
A. Mapanatili ang hugis ng katawan ng babae hanggang siya ay
maikasal.
B. Mapanatili na walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay
maikasal.
C. Mapanatili ang kalinisan ng katawan ng babae hanggang siya ay
maikasal.
D. Mapanatili ang kalusugan ng katawan ng babae hanggang siya ay
maikasal.
6. Sa kasaysayan ng Pilipinas, ipinapakita na ang asawang lalaki ang nagsisilbing
haligi ng tahanan. Siya ang inaasahang bumuhay sa kanyang pamilya.
Samatalang ang asawang babae naman ang nagsisilbing ilaw ng tahanan. Siya
ang gumagawa sa gawaing bahay at nag-aaruga sa mga anak. Ano ang ibig
ipahiwatig nito?
A. May karahasan na sa kababihan at kalalakihan.
B. May diskriminasyon na sa kababaihan at kalalakihan.
C. May mataas na pagtingin sa mga kalalakihan kaysa sa kababaihan sa
lipunan.
D. May nakatalaga ng papel na ginagampanan ang kalalakihan at
kababaihan sa loob ng tahanan.
7. Ang matalik mong kaibigan sa paaralan ay isang bisexual. Noong natuklasan
ng mga magulang mo ang kanyang oryentasyong seksuwal ay pilit kang
ipinapalayo sa kanya. Ano ang iyong gagawin?
A. Susundin ko ang sinabi ng mga magulang ko.
B. Susuwayin ko ang sinabi ng mga magulang ko.
C. Sasabihin ko sa kaibigan ko ang sinabi ng mga maguling ko.
D. Sasabihin ko sa mga magulang ko na isang mabuting tao ang kaibigan
ko.
8. Ano ang ibig ipahiwatig ng talahanayan sa ibaba?
Taon ng Pagbibigay Karapatang Bumuto sa Kababaihan
Kanlurang Aysa Africa
Lebanon (1952) Egypt (1956)
Syria (1949, 1953) Tunisia (1959)
Yemen (1967) Mauritania (1961)
Iraq (1980) Algeria (1962)
Oman (1994) Morocco (1963)
Kuwait (1985, 2005) Libya (1964)
Sudan (1964)

A. Lalaki lamang ang pwedeng bumuto noong unang panahon.


B. Matagal natamasa ng mga kababaihan ang kanilang kalayaang
bumuto.
C. Walang karapatang bumuto ang mga kababaihan noong unang
panahon.
D. Hindi pantay ang karapatan ng mga kalalakihan at kababaihan noong
unang panahon.

25
9. Maraming mga nararanasang karahasan at diskriminasyon hindi lamang ang
mga LGBT kundi pati na rinang mga kababaihan at kalalakihan. Ang mga
sumusunod ay halimbawa ng mga pangha-harass maliban sa isa. Alin dito?
A. Pagkokompara
B. Pagbabanta at paninigaw
C. Panghihipo o paghawak sa bahagi ng katawan nito
D. Panghihiya at panghahamak ng mga tao dahil sa kanilang kasarian.
10. Kung ikaw ay isang Barangay Kapitan sa inyong lugar at lingid na sa
kaalaman mo na maraming LGBT sa
iyong nasasakupang Barangay. Ano ang gagawin mo?
A. Ipapatawag ko ang mga magulang nila para mapagsabihan.
B. Gagawa ako ng ordinansa na ipagbabawal ang pagiging LGBT.
C. Magpapatupad ako ng patakaran na di sila pwedeng sumali sa mga
gawain ng Barangay.
D. Gagawa ako ng programa para sa kanila para mapaunlad nila ang
kani-kanilang mga talento.
11. Ang pinakamataas na uring timawa ay pagmamay-ari ng mga lalaki.Isa sa
patunay nito ay ang pagkakaroon ng binukot at pagbibigay ng tinatawag na
bigay-kaya. Sa anong kultura ito makikita?
A. Ifugao
B. Ivatan
C. Kalinga
D. Panay
12. Sa kasaysayan, sa anumang lipunan sa daigdig, lalaki ang karaniwang
inaasahang bumubuhay sakanilang pamilya. Anong panahon kung saan nag
ugat na ang mga kalalakihan ay mangangaso at nangangalapng pagkain para
sa ikabubuhay ng kanilang pamilya?
A. Panahong Paleolitiko
B. Panahonh Neolitiko
C. Panahong Bronze
D. Panahon ng Metal
13. Sa kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas, ay maraming pagsulong ang inilunsad
na nagging daan sa pag-usbong ng kamalayan ng Pilipinong LGBT.Maraming
mga grupo ang naitatag tulad ng Lesbian Collective, ProGay Philippines, at
ang Ladlad na nagging politikal na partido pero hindi pinayagan ng
COMELEC na tumakbo sa halalan 2010. Ano kaya ang dahilan nito?
A. Dahil sa pinunong partido
B. Dahil sabasehang moralidad ng partido
C. Dahil sakakulangan ng pondo ng partido.
D. Dahil sa kakulangan ng dokumento ng partido.
14. Sa kasaysayan ng Pilipinas, ipinapakita na ang asawang lalaki ang
nagsisilbing haligi ng tahanan. Siya ang inaasahang bumubuhay sakanyang
pamilya. Samantalang ang asawang babe naman ang nagsisilbing ilaw ng
tahanan. Siya ang gumagawa ng gawaing bahay at nag-aaruga samga anak.
Ano ang ibig ipahiwatig nito?
A. May karahasan na sa kababihan at kalalakihan.
B. May diskriminasyon na sa kababihan at kalalakihan.
C. May mataas na pagtingin samga kalalakihan kaysa sa kababaihan sa
lipunan.
D. May nakatalaga ng pael na ginagampanan ang kalalakihan at
kababaihan sa loon ng tahanan.

26
15. Dumating ang mga Hapones sa Pilipinas noong pagsiklab ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ang mga kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng
kalalakihan sa paglaban sa mga hapones. Ano ang ipinapakita nito?
A. Ang mga babae ay magaling sa digmaan.
B. Kayang gawin ng babae ang ginagawa ng lalaki.
C. Pantay ang karapatan ng babae at lalaki tuwing digmaan lamang.
D. Nagpapakita ng pagmamahal sa bayan ang mga kababaihan noong
panahon ng Hapones sa Pilipinas.

Magaling! Sa wakas ay natapos niyo din ang mga gawain sa modyul na ito.

Napakahusay ng inyong ginawa. Ipagpapatuloy ang magandang nasimulan

27
Susi sa Pagwawasto

Aralin 6: Gender Rolse sa Iba’t Ibang Lipunan sa Mundo

Subukin
A.
1. B
2. B
3. B
4. A
5. B
B.
1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Tama

Tuklasin
Gawain 1:
Nasa guro ang pagpapasya kung tama

Suriin:
Gawain 2:
Nasa guro ang pagpapsya kung tama

Pagyamanin:
Gawain 3:
Nasa guro ang pagpapasya kung tama

Isagawa
Gawain 4:
Pagbabasehan ang rubriks sa pagmamarka

Tayahin
1. B
2. B
3. B
4. A
5. B

Karagdagang Gawain
Gawain 5:
Nasa guro ang pagpapasya kung tama

28
Susi sa Pagwawasto

Aralin 7: Pangkulturang Pangkat sa New Guinea

Subukin
A.
1. A
2. A
3. B
4. D
5. C
B.
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Mali

Tuklasin
Gawain 1:
Nasa guro ang pagpapasya kung tama

Suriin
Gawain 2:
Nasa guro ang pagpapasya kung tama

Pagyamanin
Gawain 3:
Nasa guro ang pagpapsya kung tama

Isagawa
Gawain 4:
Pagbabasehan ang rubriks sa pagmamarka

Tayahin
1. A
2. A
3. B
4. D
5. C

Karagdagang Gawain
Gawain 5:
Nasa guro ang pagpapsya kung tama

29
Susi sa Pagwawasto

Aralin 8: Panghuling Pagtataya


Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
1. D
2. B
3. A
4. B
5. B
6. B
7. D
8. B
9. A
10. D
11. D
12. A
13. B
14. B
15. B

30
Rubrik para sa mga gawain
Pamantayan Lubos na Mahusay- Hindi Kailangan pang
Mahusay husay Gaanong Magsanay
(4) (3) Mahusay (1)
(2)
Kabuluhan o Lubhang Makabuluha Hindi gaanong Hindi
Halaga ng makabuluhan n ang makabuluhan makabuluhan
Mensahe ang mensahe. mensahe. ang mensahe. ang mensahe.
Kawastuhan ng Wasto ang May isa o Wasto ang Hindi wasto ang
Impormasyon lahat ng datos dalawang ilang datos o lahat ng datos o
o hindi impormasyon. impormasyon.
impormasyon. wastong
datos o
impormasyo
n.
Kaayusan ng Inilahad ang Inilahad ang Maayos na Hindi
Paglalahad lahat ng mga karamihan inilahad ang maunawaan
ideya nang mga ilang ideya. ang paksa dahil
maayos at ideyanang sa walang
kawili-wili. maayos at kaayusan ang
kawili-wili. inilahad.
Kalinawan ng Lubhang Malinaw ang Hindi gaanong Hindi malinaw
Sinasabi malinaw ang pananalitang malinaw ang ang
pananalitang ginagamit. pananalitang pananalitang
ginagamit. ginagamit. ginagamit.
Paghikayat sa Lubhang Nakahihikay Hindi gaanong Hindi
Tagapakinig o nakahihikayat at sa nakahihikayat nakahihikayat
Manonood sa tagapakinig tagapakinig at kaagad na ang paglalahad.
o manonood o manonood nakakuha ng
ang ang atensyon.
paglalahad. paglalahad.

31
32

You might also like