You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

1O Zest for Progress


Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Pangatlong Markahan – Modyul 3:
Gender Roles sa Iba’t-ibang Bahagi ng Daigdig

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
0
Name of School: ___________________________
BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL

Manunulat: Mormiya D. Ortega

Editor ng Wika: Rodel de Dios

Tagasuri: Victor M. Cabellon Jr.

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Edwin dela Torre

Tagalapat: Roldan A. Leparto

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI


OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD


CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE


EPS –LRMDS

Alma L. Carbonilla, EdD


EPS – Araling Panlipunan

2
Alamin
Sa araling ito ay matutunghayan natin ang mga konseptong may kinalaman
sa Kasarian at Sex sa Lipunan at ang gender roles sa Pilipinas at sa iba’t ibang
lipunan sa mundo. Sa bahaging ito masusukat ang iyong dating kaalaman sa
paksa. Handa ka na bang simulan ang araling ito?

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

 Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t-
ibang bahagi ng daigdig.
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

 Nasusuri ang gender roles sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.

Balikan
Gawain 1. Abutin mo:

Panuto: Ibigay ang tamang sagot sa mga tanong na nasa ibaba. Piliin ang mga
salita na nasa ulap.

BINUKOT

Pamprosesong Tanong:

1. Mga babae na itinatago sa mata ng publiko.


2. Ito ay isang dokumento na tinatayang ginawa noong 1595 na pinaniniwalaang
pagmamay ari ni Luis Perez Dasmariñas, ang gobernador heneral ng pilipinas
noong 1593-1596 na nagsasabi na sa panahon bago dumating ang kastila sa
Pilipinas pinapayagan ang mga lalaki na makapag asawa ng marami at patayin
ang asawang babae kung makitang may kasamang ibang lalaki.
3. Nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas.
4. Ang kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa
mga Hapones.

3
Kasarian sa Iba’t-ibang Lipunan
Aralin (Gender Roles sa Iba’t-ibang
3 Bahagi ng Daigdig)

Matapos mo malaman ang gampanin ng mga babae, lalaki at LGBT sa


Pilipinas, tuklasin mo naman ngayon kung ano ang pagtingin sa mga lalaki at
babae sa iba’t- ibang lipunan sa daigdig.

Tuklasin
Gawain 2. Eh Kasi . . . . . .
Basahin ang mga salitang nakatakda. Lagyan ng ang kahon na sa tingin mo ay
tumutukoy sa mga gawain o kakayahan ng mga lalaki, babae, at LGBT; at kung
ito naman ay hindi.

GAWAIN/KAKAYAHAN BABAE LALAKI LGBT

pulis

sundalo

guro

magsasaka

Pari

politiko

Madre

Mang-aawit

mahinhin

Chef

karpentero

4
Pamprosesong tanong:

1. Lahat ba ng nasa Gawain/Kakayahan na kolum ay tumutukoy sa babae, lalaki


at lgbt? Kung oo ang iyong sagot, bakit? Kung hindi naman ang iyong sagot,
bakit? Ipaliwanag.

Suriin
Gender Roles sa Iba’t -Ibang Lipunan sa Mundo: Africa at Kanlurang Asya

Sa mga rehiyong ito ng mundo, mahigpit ang lipunan para sa mga babae
lalo na sa mga miyembro ng komunidad ng LGBT. Matagal ang panahong hinintay
ng mga babae upang mabigyan sila ng pagkakataong makalahok sa proseso ng
pagboto. Nito lamang ikalawang bahagi ng ika20 siglo nang payagan ng ilang
bansa sa Africa at Kanlurang Asya ang mga babae na makaboto. Ngunit nananatili
ang kaharian ng Saudi Arabia sa paghihigpit sa mga kababaihan. Hanggang
ngayon sila ay hindi pa maaaring bumoto (ayon sa pangako ni Haring Saud, sa
taong 2015 pa lamang sila makakaboto sa halalan). Bukod sa hindi pagboto, may
pagbabawal din sa mga babae na magmaneho ng sasakyan nang walang
pahintulot sa kamag- anak na lalaki (asawa, magulang, o kapatid).

Talahanayan 3.1 Taon ng Pagbibigay Karapatang Bumoto sa


Kababaihan

Kanlurang Asya Africa

Lebanon (1952) Egypt (1956)

Syria (1949, 1953) Tunisia (1959)

Yemen (1967) Mauritania (1961)

Iraq (1980) Algeria (1962

Oman (1994) Morocco (1963)

Kuwait (1985, 2005)* Libya (1964)

Sudan (1964)

5
Ang paglalakbay rin ng mga babae ay napipigilan sapagkat may ilang bansa
na hindi pinapayagan ang mga babae na maglakbay nang mag-isa o kung payagan
man ay nahaharap sa malaking banta ng pangaabuso (seksuwal at pisikal). Ayon
sa datos ng World Health Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan (bata
at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa
Africa at Kanlurang Asya. Napatunayan ng WHO na walang benepisyong-medikal
ang FGM sa mga babae, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa
impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan.
Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa
ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medikal.
Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang
babae hanggang siya ay maikasal. Walang basehang-panrelihiyon ang paniniwala
at prosesong ito na nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging
kamatayan. Ang ganitong gawain ay maituturing na paglabag sa karapatang
pantao ng kababaihan.

Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian


(tomboy) sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang
gahasain. Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat na inilabas ng United Nations Human
Rights Council noong taong 2011, may mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa
pamilya mismo ng mga miyembro ng LGBT.

Gawain 3. Basa-Suri

Matapos na mabasa ang teksto tungkol sa Africa at Kanlurang Asya sagutan


ang mga pamprosesong tanong sa ibaba.

Pamprosesong mga Tanong

1. May mabuti bang dulot ang female genital mutilation o FGM sa mga babae? Ano
sa palagay mo ang epekto sa: a) emosyonal, b) sosyal, at c) sikolohikal na
kalagayan ng mga babaeng sumailalim dito?
2. Bakit patuloy pa rin ang pagsasagawa ng FGM sa rehiyon ng Africa at Kanlurang
Asya?

3. Ayon sa binasa, pantay ba ang pagtingin sa mga kababaihan at mga miyembro


ng LGBT sa Africa at Kanlurang Asya? Magbigay ng patunay.

4. May kalayaan bang magpahayag ng damdamin ang kababaihan at mga


miyembro ng LGBT sa bahaging ito ng mundo? Patunayan ang sagot.

6
Pagyamanin
Gawain 4. Paghambingin at Unawain

Ang gawaing ito ay naglalayong mapaghambing mo ang tatlong pangkultura


pangkat sa New Guinea ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Margaret Mead.
Sagutan ang kasunod na talahayanan at ang dalawang mahalagang tanong
kaugnay nito upang mataya ang pag-unawa sa iyong binasa. Pangkulturang
Pangkat sa New Guinea.
Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret Mead at ang kanyang
asawa na si Reo Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea
upang pag-aralan ang mga pangkultura pangkat sa lugar na ito. Sa kanilang
pananatili roon nakatagpo nila ang tatlong (3) pangkulturang pangkat; Arapesh,
Mundugamur, at Tchambuli. Sa pagaaral sa gampanin ng mga lalaki at babae sa
mga pangkat na ito, nadiskubre nila ang mga pagkakatulad at pagkakaiba nito sa
bawat isa, at maging sa Estados Unidos. Nang marating nina Mead at Fortune ang
Arapesh (na nangangahulugang “tao”), walang mga pangalan ang mga tao rito.
Napansin nila na ang mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga
sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at
pangkat. Samantala sa kanila namang pamamalagi sa pangkat ng Mundugumur (o
kilala rin sa tawag na Biwat), ang mga mga babae at mga lalaki ay kapwa
matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa
kanilang pangkat. At sa huling pangkat, ang Tchambuli o tinatawag din na
Chambri, ang mga babae at mga lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang
lipunan.
Ang mga bababe ay inilarawan nina Mead at Fortune bilang dominante
kaysa sa mga lalaki, sila rin ang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya,
samantala ang mga lalaki naman ay inilarawan bilang abala sa pag-aayos sa
kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento.

7
GAMPANIN
Primitibong
Pangkat
Lalaki Babae

Arapesh

Mundugumor

Tchambuli

Pamprosesong mga Tanong

1. Bakit kaya nagkakaiba ang gampanin ng mga babae at mga lalakii sa tatlong
pangkulturang pangkat nabanggit ni Margaret Mead?

2. Sa iyong palagay, ano ang mas matimbang na mga salik sa paghubog ng


personalidad at pag-uugali ng tao, ang kapaligiran o pisikal na kaanyuan?

8
Isaisip
Gawain 5: Dapat Mong Malaman

 Nito lamang ikalawang bahagi ng ika20 siglo nang payagan ng ilang bansa
sa Africa at Kanlurang Asya ang mga babae na makaboto. Ngunit nananatili
ang kaharian ng Saudi Arabia sa paghihigpit sa mga kababaihan. Hanggang
ngayon sila ay hindi pa maaaring bumoto (ayon sa pangako ni Haring Saud,
sa taong 2015 pa lamang sila makakaboto sa halalan). Bukod sa hindi
pagboto, may pagbabawal din sa mga babae na magmaneho ng sasakyan
nang walang pahintulot sa kamag- anak na lalaki (asawa, magulang, o
kapatid).

 Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa


ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong
medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang
bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang basehang-
panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na nagdudulot ng impeksiyon,
pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan. Ang ganitong gawain ay
maituturing na paglabag sa karapatang pantao ng kababaihan.

9
Tayahin
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Iba’t–iba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat sa
New Guinea. Para sa mga Arapesh kapwa ang babae at lalaki ay maalaga o
mapag-aruga, matulungin, at mapayapa samantalang sa mga Tchambuli ay:

A. Kapwa ang babae at lalaki ay matapang, agresibo, at bayolente.


B. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kuwento
samantalang ang kalalakihan ay dominante at naghahanap ng makakain.
C. Ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga at matulungin.
D. Babae ang nagdodomina, at naghahanap ng makakain samantalang
ang kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng sarili, at mahilig sa kuwento.

2. Batay sa datos ng World Health Org. (WHO) may 125 milyong kababaihan (bata
at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa
Africa at Kanlurang Asya. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa nito?

A. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala


B. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
C. Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan.
D. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay
maikasal.

3. Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso ng gang rape sa mga lesbian (tomboy).
Alin sa mga nabanggit ang dahilan ng gawaing ito?

A. paraan ng pagpaparusa sa mga lesbian


B. magbabago ang oryentasyon matapos gahasain
C. kawalan ng respereto sa mga ito
D. pang-aabuso sa karapatan ng LGBT

4. Ang FGM (Female Genital Mutilation) ay gawain na impluwensiya ng tradisyon


sa bansang Africa at Kanlurang Asya. Alin sa mga sumusunod ang nagpapa-
hayag ng proseso ng FGM?

A. walang benepisyong medical


B. pagbabago sa ari ng kababaihan
C.walang basehang- panrelihiyon
D. implekasyon, pagdurugo at hirap umihi

10
5 Kani-kaniyang gampanin ang mga babae at lalaki sa primitibang pangkat sa New
Guinea para sa mga Mundugamor kapwa ang babae at lalaki ay matapang,
agresibo, bayolente at naghahangad ng kapangyarihan, samantala ang Arapesh
ay:

A. maalaga, matulungin at mapayapa


B. abala sa pag-aayos sa sarili, dominante
C. masinop, maalaga at matulungin
D. mahilig sa kwentuhan at galaan

6. Iba’t-iba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat


saNew Guinea. Para sa mga Arapesh kapwa ang babae at lalaki aymaalaga o
mapag-aruga, matulungin, at mapayapa samantalang sa mga Tchambuli ay:

A. Kapwa ang babae at lalaki ay matapang, agresibo, at bayolente.


B. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kuwento; ang
kalalakihan ay dominante at naghahanap ng makakain.
C. Ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga at matulungin.
D. Babae ang nagdodomina, at naghahanap ng makakain samantalang ang
mga kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng sarili, at mahilig sa kuwento.

7. Ang mga sumusunod ay ipinagbabawal sa isang babae sa Saudi Arabia MALIBAN


sa isa, ano ito?

A. hindi maaaring bumuto


B. dapat makisalamuha sa kapwa, babae man o lalaki
C. magmaneho ng walang kasamang asawa, ama o kapatid na lalaki
D. hindi pagsusuot ng hijab

8. Ang mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang


mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat.
Anong primitibong pangkat sila?

A. Arapesh
B. Mundugmor
C. Tchambuli
D. Sepik

11
9. Anong primitibong pangkat ang inilarawan na ang mga babae at mga lalaki
ay may mga magkaibang gampanin sa kanilang lipunan? Ang mga bababe
bilang dominante kay sa mga lalaki, sila rin ang naghahanap ng makakain ng
kanilang pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay inilarawan bilang mga
abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento.

A. Arapesh
B. Mundugmor
C. Tchambuli
D. Sepik

10. Inilalarawan ang mga babaihan at mga lalakihan ng primitibong pangkat na ito
na kapwa matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o
posisyon sa kanilang pangkat. Sino sila?

A. Arapesh
B. Mundugmor
C. Tchambuli
D. Sepik

12
Karagdagang Gawain

Gawain 6: Halina’t Magsaliksik

Ngayong alam mo nang may mga primitibong pangkat sa New Guinea kung
saan ang mga babae at lalaki ay may kakaibang gampanin o papel, subukin mo
naman ngayon na magsaliksik kung mayroon din ganitong pangkat sa Pilipinas.
Gamiting gabay ang kasunod na impomasyon:

Gender Roles ng Pangkat Etniko sa Pilipinas

__________________________________

Maikling deskripsyon o paglalarawan:

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

13
14
Balikan
1. BINUKOT
2. BOXER CODEX
3. PANAHON NG AMERIKANO
4. PANAHON NG HAPONES
Tayahin
1. D 3. Teknolohi
2. D 2. Pag-unlad
3. B 1. Malawak
4. B
5. A Tayahin Isaisip
6. D 5. Nike
7. B 4. YouTube
8. A 3. Facebook
9. C 2. Mcdonalds
10.B 1. Tiktok
Susi sa Pagwasto
Sanggunian:
Araling Panlipunan 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Learner’s Module

Araling Panlipunan 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan


Teacher’s Guide

Mead, Margaret. Sex and Temperament in Three Primitive Societies.


HarperCollins Publishers, 1963. http://www.loc.gov/exhibits/mead/field
sepik.html

15
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belongs to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like